You are on page 1of 5

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pampagkatuto
Ikatlong Markahan – MELC 6
Pagsunod at Paggalang sa mga
Magulang, Nakatatanda, at may
Awtoridadad

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Gawaing Pampagkatuto

Pangalan ng Mag-aaral:___________________________ Grado_______________


Seksiyon:_____________________________________ Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 8

Pagsunod sa Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at May Awtoridad

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda, at
may awtoridad. (ESP8PBIllc-10.2)

II. Panimula (Susing Konsepto)


“Without feelings of respect, what is there to distinguish men from beasts?” Ito ang
sabi ni Confucius tungkol sa paggalang. Ayon sa kanya, kapag ang isang tao ay
walang nararamdamang paggalang sa kanyang kapwa, paano pa siya makikilala o
maiiba sa mga hayop.

Sa panahon ngayon hindi natin maikakaila na may mga tao talaga na salat sa birtud
ng paggalang. Marami na sa mga kabataan ngayon ang sumasagot sa magulang o
nakatatanda ng walang pakundangan. Nagrerebelde ang mga ilan dahil hindi nila
kinikilala ang mga hangganan o limitasyon na itinakda ng kanilang magulang. Isang
halimbawa nito ay kapag hindi tumupad ang isang anak sa kasunduan na umuwi nang
maaga.

Maliban sa kawalan ng paggalang sa mga magulang at nakatatanda, nawawala na


rin ang paggalang sa mga taong may awtoridad. Ayon kay Bognot, et al. (2014), ang
sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magtalaga at
magpatupad ng panuntunan. Isang halimbawa ng taong binigyan ng awtoridad ay ang
mga guro. Sa loob ng silid-aralan, may kapangyarihan, karapatan at tungkulin ang isang
guro na disiplinahin ang kaniyang mga mag-aaral at turuan ng magandang pag-uugali..
Binigyan din siya ng kapangyarihang mapanatili ang kapayapaan, pagkakaisa at
kapakanan ng lahat ng kanyang mag-aaral habang nasa kanyang pamamahala. Ngunit
may iilang mag-aaral na hindi kinikilala ang awtoridad ng isang guro na siyang nagiging
sanhi ng kawalan nito ng paggalang.

Bakit kaya may mga tao na patuloy pa rin ang paglabag sa paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at taong may awtoridad?
Umiiral ang paglabag sa paggalang sa mga magulang, nakatatanda at taong may
awtoridad dahil sa hindi pagkilala sa halaga ng tao o isang bagay. Kapag binibigyan ng
halaga ang isang tao, ito ay nangangahulugan na dapat bigyan din siya ng paggalang
na angkop sa kanya bilang taong may dignidad at karapatan. Tandaan natin na ang
pagkilala ng pagpapahalagang ito ay nagsisimula sa pamilya.

III. Mga Sanggunian

Bognot, R.C., et al. (2014). Edukasyon sa Pagpagpapakatao 8: Modyul para


sa Mag-aaral. Pasig City, Philippines: Department of Education. pp256 – 280

https://www.wisesayings.com/respect-quotes/#ixzz6kFBVGzC6

IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1: Wala o Mayroon

Panuto:
Basahin ang bawat pangungusap at suriin kung may umiiral na paglabag sa
paggalang sa mga magulang, nakatatanda, at taong may awtoridad. Sa iyong
sagutang papel, isulat ang WALA kung walang may nakitang paglabag at MAYROON
naman kung may umiiral na paglabag sa paggalang.

__________________1. Pagdating ni Mona sa bahay, agad niyang hinanap


ang kanyang mga magulang upang magmano.
__________________2. Mababa ang nakuhang marka ni Ramon sa kanilang
pagsusulit. Agad niyang kinausap ang kanyang guro at
minura ito dahil hindi siya makapaniwala na ganoon ang
kanyang iskor.
__________________3. Hiningi ni Lisa ang payo ng kanyang lola tungkol sa
masugid nitong manliligaw.
__________________4. Hindi makalabas si Ana sa kanilang bahay dahil sa
pandemya dulot ng Covid19 at sa batas na bawal lumabas
ang mga menor de edad. Isang araw, hinimok niya ang
kanyang kaibigan na lumabas at gumala sa plasa dahil
talagang nababagot na siya.
__________________5. Nakita ni Jose na naiwan ng kanyang kapatid ang cellphone
nito sa ibabaw ng mesa. Dahil alam niya ang password nito,
binuksan niya ito at naglaro ng paborito niyang Mobile
Legends ng hindi nagpapaalam.

Pagsasanay 2: Sarili Ko, Susuriin Ko!

Panuto:
Balikan ang sariling mga karanasan at suriin kung may nagawang paglabag sa
paggalang sa mga magulang, nakatatanda, at taong may awtoridad.
Pagkatapos, isulat sa Hanay A ang sariling karanasan na nagpapakita ng
kawalan ng paggalang. Isulat naman sa Hanay B ang mga tamang kilos na
dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang sa mga magulang,
nakatatanda, at taong may awtoridad.

Hanay A Hanay B
Mga Sariling Karanasan sa Tamang Kilos na Dapat
Kawalan ng Paggalang Gawin
Halimbawa:
Ilang beses akong Naipapakita ko ang
Mga Magulang nagbingi-bingihan sa mga paggalang sa
utos ni nanay. pamamagitan ng pakikinig
at pagsunod sa kanilang
sinasabi o pinapayo.

Ikaw naman:

Mga Magulang

Nakatatanda

Taong may Awtoridad

Batayang Tanong:
Ano ang iyong natuklasan o napagtanto pagkatapos mong masuri ang iyong
sariling karanasan at matukoy ang tamang kilos upang maipakita ang paggalang sa
mga magulang, nakatatanda, at taong may awtoridad?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
V. Repleksiyon

Ang birtud ng paggalang ay unang natutunan sa tahanan. Kung kaya


malaki ang gampanin at pananagutan ng pamilya upang mahubog ito.
Maiiwasan lamang ang umiiral na paglabag sa paggalang sa mga magulang,
nakatatanda, at taong may awtoridad kung maaga pa lamang ay nahubog na sa
mga kabataan ang pagpapahalaga sa paggalang at nakikilala ang kahalagahan
ng pamilya.

Sa iyong pagninilay, kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap:

1. Mahalaga ang paggalang sa mga magulang, nakatatanda, at taong


may awtoridad dahil __________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

2. Maipapakita ko ang paggalang sa mga magulang, nakatatanda, at


taong may awtoridad sa pamamagitan ng _________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

VI. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1

1. Wala Pagsasanay 2
2. Mayroon Mga Sariling Sagot ng Mag-
3. Wala aaral
4. Mayroon
5. Mayroon

Pagninilay
Mga Sariling Sagot ng Mag-aaral

You might also like