You are on page 1of 3

Division of Aklan

District of Ibajay West


IBAJAY NATIONAL HIGH SCHOOL

Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Quarter 1 – Summative Assessment

Pangalan ___________________________ Taon at Pangkat ________________ Petsa

Panuto:
Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin ang nararapat na
magiging pagpapasya ng tao na bunga ng impluwensiya ng kanyang emosyon na
nasa sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito. Isulat ang titik ng wastong sagot.

1.) Pagdami ng gawaing bahay sa kabila ng pressure sa pagsagot ng mga modyul


sa paaralan.

a. Magdadabog para di-utusan na gawin ang gawaing-bahay


b. Maglalayas para takasan ang lahat ng trabaho at pagsagot sa modyul
c. Makikiusap sa magulang na unti-unting gagawin ang mga inuutos nila para
masagutan ang lahat na aktibidad sa modyul.
d. Magwawalang bahala at tanggapin ang galit ng magulang.

2.) Pagkakaroon ng sakit na covid sa kabila ng pag-iingat.

a. Magiging masaya dala ng libreng suplay ng pagkain.


b. Mangangamba dala ng posibleng kahihinatnan ng laban ng sariling katawan
sa sakit.
c. Magiging bugnutin dala nang di makasama ang mga kaibigan sa anumang
lakad.
d. Walang epekto sa sarili dala nang pagiging sakitin mula pa noong bata.

3.) Natanggap ka bilang isang student-helper sa isang tindahan sa inyong lugar


subalit sa unang lingo pa lamang ay napagalitan kana agad dala ng pagkalito
sa dami ng inyong mamimili.

a. Magagalit at di na muling babalik sa naturang trabaho.


b. Mangangamba at makikisuyo sa may-ari na di na muli itong mauulit at
magpopokus nang mabuti.
c. Magsusumbong sa magulang at hikayatin ang mga ito sa sampahan ng kaso
ang amo.
d. Magiging pabaya upang lalong mapatalsik sa trabaho.

4.) Naghiwalay ng tuluyan ang mga magulang mo dala ng dimagpakasunduang mga


bagay-bagay.

a. Makakaramdam ng sakit subalit kayang tanggapin na di na magkakasundo


ang mga magulang kung kaya mag-aaral pa lalo ng mabuti para matupad ang
mga pangarap.
b. Kasusuklaman ang mga magulang at kakalimutan na sila’y naging kanyang
magulang.
c. Magpakalulong sa bisyo upang makalimutan ang nangyari sa magulang.
d. Maghahanap ng karelasyon upang mag-asawa ng maaga at maging masaya
sa buhay.

5.) Nahuli mong nangungupit ng pera at pagkain ang matalik mong kaibigan na si
Eve.
a. Masisiyahan dahil alam mong bibigyan ka niya ng pagkain at pera.
b. Magagalit ngunit pagsasabihan mo ito para maitama at maibalik niya ang
kinuha sa kanya.
c. Matatakot na baka pagbintangan kayong magkasabwat na dalawa.
d. Magsawalang-kibo kunyari wala kang alam.

Panuto:
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng tamang
pahayag at HINDI kung mali ang ipinapahayag.

________ 1.) Kung walang tagasunod, walang halaga ang pagiging lider.
__________2.) Nagkakasundo ang lahat kapag may lider at tagasunod.
__________3.) Ang tagumpay ng isang kompanya, bansa o grupo ay nakasalalay
sa
pamumuno ng isang lider.
__________4.) May kakayahan ang lider na makakita at makakilala ng suliranin
at lutasin ito.
__________5.) Ang mapanagutang lider ay pinaglilingkuran ng kaniyang mga
tagasunod.
__________6.) Ang kalakasan o kahinaan ng isang samahan ay nakasalalay sa
kaniyang mga kasapi o tagasunod.
__________7.) Ang isang ulirang tagasunod ay nag-iisip ng kritikal at aktibong
nakikilahok sa pagkamit ng layunin ng kaniyang pangkat.
__________8.) Ang nagiging pinakamahusay na lider ay ang mga taong naging
pinakamahusay na tagasunod.
__________9.) Ang tiwala sa lider ang isa sa mga dahilan kung bakit mas pinili ng
tao ang sumunod.
__________10. Lahat ng naging lider ay lider sa lahat ng pagkakataon.

Panuto:
Gumuhit ng isang poster at sumulat ng islogan tungkol sa kahalagahan ng
pagganap ng gampanin bilang lider at tagasunod na makatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipagugnayan sa kapwa at
makabuluhang buhay sa lipunan. Pagkatapos na mabuo ito ay kunan ng larawan at
ipost sa Group Chat/Chatroom ng inyong pangkat o di kaya ay sa FaceBook.

Mga kagamitan:
Long size na bond paper
Lapis
Pentel pen
Krayola/pastel
Ruler

RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER AT


ISLOGAN

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY Nangangailangan


(10 Puntos) (8 Puntos) ng pag-unlad
(5 Puntos)
Kaangkupan Ng Napakahusay at angkop Mahusay ngunit Hindi angkop sa
nilalaman sa sa tema ang desinyo at hindi masyadong tema ang desinyo at
Tema islogan angkop sa tema islogan
ang desinyo at
islogan

Pagkamalikhain Napakamalikhain at 100% Malikhain at 75% Hindi malikhain at


at orihinalidad orihinal ang iginuhit at na orihinal ang 50% na orihinal ang
sa pagguhit at islogan iginuhit at islogan iginuhit
islogan

Malinaw na Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang


naipahayag ang pagkakalahad ng pagkalahad ng pagkalahad ng
mensahe sa mensahe sa iginuhit mensahe sa mensahe sa iginuhit
iginuhit iginuhit

You might also like