You are on page 1of 42

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Week 10 – Lesson 1
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.”
Isang palasak na kasabihan na madalas nating marinig mula
sa mga taong nakatatanda sa atin. Isang patunay na tayo ay
hindi maaaring mabuhay nang nag-iisa. Kailangan natin ang
presensya ng ibang tao upang mabuhay nang masaya.
Masarap mamuhay sa paligid ng mga taong tunay at wagas
ang pakikisama. Hindi lingid sa ating lahat na ito ay makakamit
lamang natin kung tayo ay magiging matapat at mabuti sa
ating kapwa sa lahat ng bagay at sa anumang pagkakataon.
Halina’t buksan ang inyong mga isipan sa panibago at
kapana-panabik na aralin. Ating alamin at linangin ang mga
bagay-bagay na dapat nating matutunan.
May natatangi ka bang
kaibigan?
“MKK – Mahal Kita Kaibigan”
Tagapagsalaysay:
Dear Ate Charie,
Walang makakapantay sa pagsasamang
mayroon kami ng matalik kong kaibigan.
Therese: Alam mo Caryll, noong una kitang
makilala, inakala ko na hindi tayo magkaka-
sundo.
Caryll: Talaga? Bakit mo naman nasabi yan?
(sabay tawa)
Therese: Hindi ka kasi ngumingiti noon tapos
palagi ka pang mag-isa, kaya isang beses, nang
magkaroon tayo ng pagkakataon na
magkausap, sinabi ko sa iyo ang nais kong
iparating. ‘Yung mga bagay na napapansin ko
sa iyo. Alam ko kasi sa sarili ko na mabait ka at
makakasundo kita.
Caryll: Oo nga e, hindi ko nga din
akalain na sa pagiging tapat mo sa
nararamdaman mo sa akin ay ‘yun
na pala ang magiging simula ng
ating pagkakaibigan.
Tungkol saan ang
dayalogo?
Anu-anong katangi-
an mayroon ang
dalawang magkaibi-
gan?
Paano ninyo ilalara-
wan ang pagkakaibi-
gan nila?
Sa inyong palagay,
bakit sila naging
matalik na magkaibi-
gan?
Takdang-aralin
Sumulat ng isang panalangin
sa inyong kwaderno sa
pamamagitan ng sumusunod
na gabay.
Rubriks ng Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Naglalaman ng komprehensibo, tumpak 5
at may kalidad na detalye.
Sapat, malinaw at maayos ang detalye 4
May nilalaman ngunit kulang ng detalye 3
Hindi maayos at hindi maunawaan ang 2
detalye
Walang malinaw na detalye 1
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Week 10 – Lesson 2
Balikan natin ang dayalo-
gong “MKK-Mahal Kita
Kaibigan”.
Magbigay ng mga ideya
kung tungkol sa dayalogo.
Basahin nang sabayan ang
tula at suriin ito pagkatapos.
Kaibigan
(ni Myrasol D. Beltran)
Kaysarap mabuhay, kung ika’y may kasama,
Sandigan sa lahat: hirap at ginhawa.
Sa suliranin, dama ang katapatan,
Buo ang samahan, matibay na sandigan.

Katapatan ng loob, pairalin palagi,


Itanim sa puso, kabutihang tangi.
Aking kaibigan, sa isip ay ilimi,
Katapatan sa tuwina’y, palagiang gawi.
Pangkatang Gawain
Panuto: Magbigayan ng kuro-kuro. Itala ang mga dapat
isaalang-alang upang magkaroon ng mabuting samahan ang
bawat isa na naaayon sa inyong tunay na karanasan sa
buhay.

____________________________________________

____________________________________________

_____________________________________________
Rubriks ng Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Napakaganda ng detalye, napakalinaw 5
at angkop ang kasagutan
Sapat, malinaw at maayos ang detalye 4
May nilalaman ngunit kulang ng detalye 3
Hindi maayos at hindi maunawaan ang 2
detalye
Walang malinaw na detalye 1
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Week 10 – Lesson 3
Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang kwaderno. Ipakopya ang talaan
ng pagsusuri. Maaaring magpatugtog ng malumanay na tugtugin o
instrumental music para mas lalong maantig ang damdamin ng mga mag-
aaral sa pagkilala ng kanilang sarili.
Paano mo mapabubuti ang pakikitungo mo sa
iyong kapwa?
 ___________________________________
 ___________________________________
Anu-ano ang mga kabutihang dulot ng
pagsasabi nang tapat sa iyong kaibigan?
kapwa?
 ___________________________________
 ___________________________________
Pangkatang Gawain
Panuto: Magbigayan ng kuro-kuro. Itala ang mga dapat
isaalang-alang upang magkaroon ng mabuting samahan ang
bawat isa na naaayon sa inyong tunay na karanasan sa
buhay.
Basahin nang malakas
kasagutan.
Rubriks ng Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Lubos na masasalamin ang sensiridad sa 5
nilalamang detalye
Sapat ang sensiridad;ng nilalamang detalye 4
May sensiridad; ngunit kulang sa detalye 3
Walang gaanong sensiridad;walang malinaw 2
na detalye
Walang sensiridad;walang sapat na detalye 1
Ano ang inyong
napatunayan matapos
ang pagsusuri sa
inyong sarili
Tandaan Natin
Ang pagsasabi nang tapat ay
nagdudulot ng kabutihan sa pagsasama
ninuman. Ito ang nagiging tulay sa
pagkakaunawaan ng bawat isa.
Magiging maganda ang pakikitungo
natin sa ating kapwa kung palaging
isasapuso at isasabuhay ang diwa ng
katapatan.
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Week 10 – Lesson 4
Gawain 1 – Word Puzzle!
Magandang kaugalian na dapat
pairalin ng magkakaibigan

K t n
p
Uri ng mabuting pagsasamahan

m l t
p
Gawain 2 –
Tandang Pananong!
Kopyahin ang gawain sa
bondpaper. Buuin ang mga
sumusunod na pahayag.
Ano ang mangyayari
sa akin kung ako ay
magiging matapat sa
tuwina?

Paano ako magiging


isang tunay na
kaibigan?_________
_________________
_________________
Rubriks ng Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Wasto ang sagot, detalyado at napakalinaw 5
Sapat, malinaw at maayos ang detalye 4
May nilalaman ngunit kulang ng detalye 3
Hindi maayos at hindi maunawaan ang 2
detalye
Walang malinaw na detalye 1
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Week 10 – Lesson 5
Babasahin ng guro ang mga sumusunod na tanong.
Isusulat ng mga mag-aaral ang tamang sagot sa papel.
1. Maliit lamang ang kinikita ng Nanay ni Nelia sa
pagtanggap ng labada. Ganoon pa man, pinipilit pa rin
niyang ibili siya ng mamahaling gamit na katulad ng sa
mayayaman niyang kaklase. Ano ang maaaring
kalabasan nito?
A. Maaaring sumama ang loob ng Nanay ni Nelia sa
ginagawa niya.
B. Matutuwa ang kaniyang mga kaklase.
C. Pipilitin nilang yumaman din si Nelia.
2. Alam mong kumukuha ng mga bagay na hindi
kanya si Teddy. Paano mo iwawasto ang masama
niyang gawi?
A. Tutularan siya sa kanyang ginagawa.
B. Ibabalik ang mga kinuha niyang gamit sa
may- ari.
C. Pagsasabihan siyang mali ang kanyang
ginagawa kahit alam mong ikakagalit niya ito.
3. Matalik mong kaibigan si Arthur. Palagi ka niyang
sinasabihan na huwag ka nang masyadong
maglalaro sa tanghali upang hindi magkaroon
ng masamang amoy ang iyong katawan. Sa
iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa
inyong pagkakaibigan?
A. Alam mong tatagal pa ito dahil alam kong
tapat kami sa isa’t isa.
B. Palagi kayong magkakaroon ng tampuhan.
C. Masisira ang inyong pagkakaibigan.
Malugod ko kayong binabati! Matagumpay ninyong
natapos ang aralin na alam kong mas nagpalalim ng inyong
katauhan. Inaasahan ko na sa araw-araw ninyong pakikibaka
sa hamon ng buhay, ay inyong itatak sa puso’t isipan ang
pagiging matapat.
Mas malaking hamon ang inyong kakaharapin sa
susunod na yugto ng ating pag-aaral. Maging gabay ninyo
sana ang mga natatanging kaugalian na natutunan sa unang
yugto.
Hangad ko ang pag-unlad ng buo ninyong pagkatao.
Sana’y lagi kayong handang maglingkod nang may buong
katapatan sa isip, sa puso at sa gawa.

You might also like