You are on page 1of 15

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W4-01

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOL DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Unang Markahan / Ikaapat na Linggo / Unang-Ikalimang Araw

LAYUNIN
Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makakatulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya (Pagkabukas ng Isipan) EsP6PKP-Ia-i-37

PANIMULA
Ang modyul na ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan ang mga
mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang gabay sa pag-aaral sa paksa sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 6.
Aralin 4
MALAWAK NA ISIPAN TUNGO SA RESPONSABLENG DESISYON

Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon na kung saan mayroon kang ideya ngunit hindi sang-
ayon sa iyo ang iba? Bakit dapat magparaya sa isang pasya na hindi sa iyo, pero alam mong mas
nakakabuti ito sa nakakarami?
Marami sa atin ang nahaharap sa ganitong kalagayan, mahalaga na ang ating maging
batayan sa pagbuo ng desisyong gagawin ay pagkakaroon ng bukas na isipan at kung ano ang
tamang gawain para sa mabuting pagpapasya. Isinasa alang-alang din natin ang nakabubuti sa
mas nakakaraming taong maapektuhan sa ating gagawing hakbang. Dahil tayo ay may
pananagutan sa Diyos, sa ating kapwa, pamilya at bansa.
Halika na! Sabay nating lakbayin ang landas patungo sa responsableng desisyon.

ALAMIN NATIN

(Unang Araw)
Sa pagdedesisyon, isaisip kung ito ba ay nakabubuti sa nakararami at hindi ng iilan
lamang. Pag-isipan mo muna nang maraming beses bago ka gumawa ng anumang pasya. Ano
ang kahulugan nito sa’yo? Bakit mag-isip muna ng mabuti bago magpasya? Simulan natin ang
pagtuklas sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.

Panuto: Basahing mabuti. Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at kung MALI ay
palitan ang salitang may salungguhit upang maging tama.
_____1. Isarado ang isipan sa payo ng iba.
_____2. Magsuri muna bago magbigay ng desisyon.
_____3. Maging makatwiran at patas sa pagpapasya.
_____4. Mainam na humingi ng payo sa mga nakakatanda.
_____5. Ang ideya at pasya ng mga tao ay magkakapareho.
_____6. Pag-aralan ang sitwasyon sa paggawa ng tamang pasya.
_____7. Ang biglaang desisyon ay madalas na pinagsisisihan sa huli.
_____8. Pakinggan ang mungkahi ng lahat ng kapamilya o mga kasapi.
_____9. Isaalang-alang ang kapakanan ng mga kaalyado sa pagpapasya.
_____10. Sumang-ayon sa pasya ng nakararami kung ito ay makabubuti sa sarili.

1
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

PAGBASA NG DULA-DULAAN

Basahin mabuti ang dula-dulaan at sagutin ang mga kasunod na tanong.

BUKSAN ANG ISIPAN

Isang umaga, nagkita sa paaralan sina Chris at Nina. Basahin ang kanilang usapan.
Chris: Magandang umaga, Nina.
Nina: Magandang umaga naman, Chris.
Chris: Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa lakad natin sa darating na Sabado?
Nina: A, iyon ba? Iniisip ko pa kung sasama ako. Alam mo naman na wala akong hilig sa mga
lakaran.
Chris: Siguro, Nina, panahon na para sumama ka sa mga lakad ng mga kaibigan mo. Lagi ka na
lang umiwas sa pagsama sa mga lakad namin. Ano ba ang problema mo at ayaw mong
sumama sa amin? Namamasyal lang naman kami at naglilibang.
Nina: Wala naman. Ayaw ko lang sa ibang kasama ninyo, Nayayabangan ako sa kanila. Kapag
nag-uusap sila para sila lang ang marunong.
Chris: Hay naku, Nina. Mali ang iniisip mo tungkol sa kanila. Mababait sila. Hindi rin sila
mayayabang. Ganoon sila dahil marami silang alam tungkol sa mgabagay-bagay. Sana
ay magkaroon ka ng bukas na isipan, tulad ko, iniunawa ko ang mga sitwasyon. Hindi ko
agad sila hinuhusgahan sa kanilang ikinikilos at sinasabi. Madami nga akong natutunan
sa kanila. Sumama ka sa amin para makita mo.
Nina: Mabuti nga yata ay sumama ako sa inyo sa Sabado para makilala ko sila. Tama ka. Dapat
sigurong magkaroon ako ng bukas na isipan at maging mahinahon sa paghuhusga sa
kanila.
Chris: Ibig bang sabihin sasama ka talaga sa amin?
Nina: Oo, Chris. Sasama na ko.
-(mula sa pahina 55-56 ng Gabay sa Pagpapakatao 6)

Mga Tanong: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Bakit hindi sumasama si Nina tuwing namamasyal at naglilibang ang kanyang mga
kaibigan?
A. Mga plastik daw sila.
B. Nayayabangan siya sa mga ito.
C. Ayaw na niyang maging kaibigan sila.
D. Hindi siya nakasabay sa biruan ng mga kaibigan niya.
2. Naging makatotohanan ba ang iniisip ni Nina sa laban sa mga kasama ng kanyang mga
kaibigan sa pamamasyal?
A. Hindi, dahil nakapaghusga na agad siya.
B. Hindi, kasi hindi siya marunong makisama.
C. Oo, talaga naman nakakainis silang kasama.
D. Oo, tama lang ang kanyang mga iniisip sa kanila.
3. Paano napapayag si Nina na sumama sa kanila sa Sabado?
A. Nagkaroon siya ng bukas na isipan sa paliwanang ni Chris.
B. Napilitan si Nina dahil kinukulit siya ng kaibigan na sumama.
C. Gusto niyang subukan kong totoo ang sinasabi ni Chris sa kanya.
D. Sasama siya para mapatunayan sa kanila na tama ang kanyang iniisip
4. Sa iyong palagay naging makatwiran ba ang naging pasya ni Nina sa sumama sa susunod
nilang lakad? Bakit?
A. Oo, dahil mainam na may mga kaibigan ka.
B. Oo, kasi nakakabagot naman sa kanila.
C. Hindi, huwag na silang kaibiganin.
D. Hindi, napilitan lamang siya.
5. Anong maaaring kalabasan ng naging pasya ni Nina na sumama sa mga kaibigan?
A. Ma-out of place siya.
B. Masaya siyang nakilala sila ng lubos.
C. Magsisisi siya sa kanyang naging desisyon.
D. Matutuwa ang mga kaibigan niya dahil may tagalibre sila.

2
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

PAGSASANAY

GAWAIN 1: I-JUMBLE KO, AYUSIN MO!

Panuto: Mula sa mga nagkalat na letra bumuo ng tamang salitang hinihingi.

NOPSERGENBALS 1. Ito ay naipapakita sa isang pagsang-ayon sa isang

SISEDNOY pasya para sa ikabubuti ng nakakarami.

2. Ito ay pagnanais malaman ang tama o totoong

KASKAPAGBU sitwasyon. Ito ay naipapakita sa kung ikaw ay walang
IPISAN pinapaboran at nagiging patas ang pagtingin sa mga
tao at sitwasyon.

PROSESONG TANONG
Sagutin ng OO o HINDI?
1. Nagmamadali ka ba kung ikaw ay nagpapasya?
2. Magagamit mo ba sa buhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan?
3. Kailangan mo bang maging mapanuri kung ikaw ay magpapasya?
4. Dapat bang isa-alang-alang ang pasya kung ito ba ay nakabubuti?

GAWAIN 2: SALAWIKAIN, BUUIN!

Meron ka bang alam na salawikain? Ang mga salawikain ay nagbibigay ng aral o naghahatid
ng katotohanan upang magamit natin bilang gabay sa ating buhay.
Kompletuhin ang mga salawikain. Punan ng mga LETRA ang bawat hugis upang mabuo ang
sagot.
1. Ang taong di marunong sumangguni, may karunungan ma’y __________.
m
i
2. Ang taong matulungin, biyaya’y __________.

s - p

3. Madali ang maging tao, mahirap __________.

g a t

4. Ano man ang gagawin, makapitong __________.

s p

5. Hindi mo malalaman ang tunay na diwa ng pag-ibig kung hindi mo ito Nakita sa iyong
__________.

p y

3
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W4-02

ISAGAWA NATIN

(Ikalawang Araw)
Sa mabilis at malawakang pagbabago o pag-unlad ng ating daigdig, kailangan ang
matalas na isipan o bukas ang isipan sa anumang bagay. Natural lamang ang mga ekspektasyon
sa sarili o sa ibang tao. Kung magkagayon, nakagagawa ka ng mga bagay na makatutulong sa
pag-unlad upang masugpo ang suliraning hinaharap, kagaya na lamang ng kaugalian at kilos o
galaw ng tao na may malaking epekto sa kanyang pagkatao. Mainam na maging alerto ka sa
iyong paligid dahil malakas ang hatak-tulak ng maraming pagbabagong ito. Kailangan ang puso't
isip mo ay palaging nakabukas upang hindi ka maiwan at tumahak sa tamang landas.

Ngayon ay ating tuklasin ang paraan upang makabuo ng isang responsableng pasya para
sa ating kapwa, pamilya at bansa. Sa tulong ng mga sumusunod na mga gawain, ating isagawa
ang bukas na isipan sa ating desisyon.

GAWAIN 1
Suriin ang mga sitwasyon. Isulat sa patlang ang WASTO kung nagpapakita ng tamang
pagpasya at kung Di-Wasto, BILUGAN ang pangungusap na may maling gawain.

_____1. Nagkasundo kayo sa inyong klase na magsasanay ng sayaw para sa programa sa

inyong paaralan. Tumanggi ka dahil mas gusto mong kumanta.
_____2. Nag-usap kayong magkakapatid na sabay sabay magsisimba. Kaya maaga pa lang ang
naghanda ka na.
_____3. Nahalal si Rosy na maging pangulo ng klase ninyo. Hindi siya ang binoto ni Rico pero
naging masaya ito para kay Rosy.
_____4. Nagtatalo ang klase ni Bb. Venus sa TLE kung sinong pangkat ang magluluto at sinong
magtatanim. Kinuha ng guro ang interes ng mga bata upang ilagay sa tamang pangkat.
_____5. Pinipilit ka na iyong kaibigan na sumama sa kanila magcomputer. Hindi ka mahilig sa
larong ito pero sasama ka parin sa kanila.
_____6. Araw ng palengke, nais ni Minda na bumili ng ice cream ngunit wala siyang quarantine
pass. Bawal siyang lumabas at minor de edad pa lamang siya. Dahil sa pandemya na
dulot ng COVID19, nagpasya si Minda na magpapabili na lamang ito sa kanyang ama.
_____7. Nangako si nanay na bibili ka ng bagong celphone nagkataon na nawalan ng trabaho
ang iyong ama dahil sa pandemya. Sinabi mo kay nanay na pagpaliban na ang iyong
celphone mas importante ang pambili ng pagkain.
_____8. Pumipili ang guro ng 2 batang ipapadala sa contest sa pagguhit marami kayong
mahusay sa inyong klase. Gusto mo ikaw ulit ang isali ng iyong guro.
_____9. Nag-aaway ang iyong nakakabatang kapatid at kanyang kalaro. Nalaman mo may
kasalanan ang iyong kapatid subalit pinili mo itong kampihan.
_____10. May nagsumbong kay kapitan Jay na may mga nagsasabi daw na di siya magaling
mamuno. Hindi ito binigyan pansin ni kapitan dahil mas mahalaga ay napaglilingkuran
niya ng pantay-pantay ang kabarangay.

4
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

GAWAIN 2
Timbangin Mo!
Suriin ang mga pangungusap kung ang gagawin mong pagpapasya ay nakabubuti o
hindi nakabubuti: Isulat ang LETRA ng inyong sagot.
(1-10)
NAKABUBUTI HINDI NAKABUBUTI
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

A. Maging makasarili sa gagawing desisyon

B. Mangalap ng mga impormasyon bilang batayan
C. Maging responsable sa mga gagawing pagpapasya
D. Sumang-ayon sa lahat ng sasabihin ng mga kaibigan
E. Okey lang magalit kung hindi nasunod ang iyong gusto
F. Huwag basta maniwala alamin mabuti ang katotohanan
G. Suriin ang iyong dahilan bago sumang-ayon o tumanggi
H. Ang kapakanan ng sarili ay mas mahalaga kaysa sa kapakanan ng nakararami.
I. Mahalagang walang papanigan sa iyong pasya kailangan magkaroon ng bukas na isipan.
J. Huwag tularan ang batang isinasaalang-alang ang kabutihan ng kapwa, pamilya at
kapaligiran

GAWAIN 3 GRAPHIC ORGANIZER

Panuto: Gamit ang Graphic Organizer, magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa
DESISYON.

DESISYON

Suriin ang iyong mga sagot. Sa iyong palagay, sa paanong paraan mo maisasagawa ang
pagkakaroon ng bukas na isipan? Isulat ang iyong sagot sa loob ng banner.

5
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

GAWAIN 4
Pag-aralan ang tsart. Sa unang hanay ay pumili ka ng larawan na itinuturing mong mas
nakabubuti. Sa ikalawang hanay ay isulat mo ang maikling paliwanag sa iyong napiling larawan.
Mga Pagpipilian Paliwanag
1.

Ang aking napili ay

____________________.

2.

Ang aking napili ay

____________________.

3.

Ang aking napili ay

____________________.
4.

Ang aking napili ay

____________________.

5.

Ang aking napili ay

____________________.

6
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W4-03

ISAPUSO NATIN

(Ikatlong Araw)
Ang pagkabukas-isipan ay nangangahulugang pagiging handa sa pagtanggap ng mga
panibagong ideya o payo. Sa pagpapasya, mainam na piliin ang pinakamabuting hakbang para
sa ikabubuti ng nakararami. Pinagtitibay ng isip at kalooban ang isang pasya. Malaki ang
maitutulong ng pagkabukas-isipan kapag pinag-usapan at pinag-isipan ang magiging pasya.
Kaya mo bang gawin ito? Gawin mo ito sa pamamgitan ng mga sumusunod na gawain.

GAWAIN 1
Panuto: Sa limang araw na darating, subaybayan mo ang iyong mga magiging pasya. Bigyang-
diin ang mga nagging basehan ng iyong mga pasya. Gamit ang tsart sa ibaba, ibigay
ang detalye ng mga ginawang pasya. Lagyan ng TSEK (✓) ang naging bunga nito ng
iyong pasya kung ito ay MABUTI o MASAMA para sa SARILI o KARAMIHAN.

NAGING BUNGA

ARAW MGA PASYA SARILI KARAMIHAN

MABUTI MASAMA MABUTI MASAMA

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

7
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Gawain 2
Panuto: Kumuha ng kapareha. Pag-aralan ninyo ang mga katanungan at magpalitan sa pagsagot.
Ipaliwanag ang inyong mga naging sagot.
Ikaw: Pinipilit mo ba ang pasyang naisip mo kahit na hindi sumasang-ayon sa
iyo ang ibang kasapi ng iyong pamilya?
Kapareha: _____________________________________________________
_____________________________________________________
Ikaw: Isinasaalang-alang mo ba ang kabutihan ng lahat na maaaring
maapektuhan ng iyong pasya?
Kapareha: _____________________________________________________
_____________________________________________________
Ikaw: Pinag-aaralan mo ba ang magiging dulot ng pasya mo bago mo ito
isasagawa?
Kapareha: _____________________________________________________
_____________________________________________________
Ikaw: Mabilis ka bang maniwala sa impormasyong ibinigay sa iyo at hindi na nag-
aabalang magsiyasat?
Kapareha: _____________________________________________________
_____________________________________________________
Ikaw: Tinitimbang mo ba ang iyong pagpipilian bago ka gumawa ng pasya kung
ito ay makabubuti o makakasama?
Kapareha: _____________________________________________________
_____________________________________________________
Gawain 3
May suliraning naranasan ba ang iyong pamilya? Ano ang maaari mong gawin upang
malutas ang suliraning ito? Isulat ang naging suliranin ng inyong pamilya. Isulat ang mga
inaasahang pasya at pumili ng isang pinakamainam na pasya. Itala rin ang maaaring bunga nito
sa ibang tao at sa pamayanan.

Suliraning pampamilya: ____________________________________________

Mga inaahasang pasya: ____________________________________________

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Pinakamainam na pasya: ___________________________________________

___________________________________________

Bunga sa ibang tao at pamayanan: ___________________________________

___________________________________________

8
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

SURIIN

Basahin ang tanong at unawaing Mabuti. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Ano ang kahihinatnan ng mga sumusunod na aksyon?
a. pakikinig sa paliwanag ng iba
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
b. pagsusuri ng mabuti sa sitwasyon
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
c. paglalahad ng desisyon sa mahinahong paraan
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
d. pagkakaroon ng bukas na isipan sa kilos at gawi ng iba
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
e. paghuhusga sa pagkatao ng iba sa unang pagpapakita sa kanila
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Tandaan Mo!
Higit na magiging mahusay ang pagpapasya kung may bukas na isipan.
Pag may bukas na isipan maiiwasan ang pagpabor sa isang tao o pangkat
ng tao.
Iwasan ang paghusga sa ibang tao sa una pa lamang na pagkikita upang di
makaapekto sa gagawing pasya.
Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay isang pag-uugaling
makapagpapalawak ng kaalaman at kakayahan sa pagpapasya.
Gawing insprasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya, mga kaibigan, at
higit sa lahat, magkaroon ng matibay na paniniwala sa Diyos.

9
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W4-04

ISABUHAY NATIN

(Ikaapat na Araw)
Sa bahaging ito, ilalapat mo ang iyong natutunan sa iyong pinag-aralan.

GAWAIN 1 TSEKSLIST

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Lagyan ng TSEK ang iyong sagot.

SANG- HINDI
MGA GAWAIN AYON SANG-
AYON

1. Magkaroon ng bukas na isipan.

2. Pairalin ang pagmamahal sa katotohanan sa iyong ginagawa.

3. Maging makatuwiran sa gagawing hakbang sa pagpapasya.

4. Magtanim ng sama ng loob sa taong hindi pabor sa iyong nais.

5. Iwasan na maging mapanghusga sa iba o sa kalagayan ng iba.

6. Pahalagahan ang iyong pagpapasya sa kabutihan ng mga taong

malalapit sayo.

7. Isa-alang alang sa gagawing desisyon ang kapakanan ng lahat

ng maapektuhan.

8. Umayaw sa pinagkaisahan ng lahat mas mahalaga masunod

ang iyong kagustuhan.

9. Sasang-ayon ka ba agad sa nakakarami kahit alam mong di ito

nababatay sa katotohanan.

10. Mahalaga ang pakikisama sa malalapit sa iyo kaya mabuti silang

paboran sa lahat ng oras.

10
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Gawain 2
Basahin ang kuwentong “Ang Pasya ng Pamilyang Cruz” buuin ang graphic organizer.
Punuan ang mga hinihinging impormasyon at ilapat mo ang iyong natutunan tungkol sa wastong
pagpapasya tungo sa kabutihang panlahat.

Ang Pasya ng Pamilyang Cruz

Merle R. Buenasflores

Sa Isabela naninirahan ang pamilya nina Anna. Taga doon talaga ang mga kamag-anak
ng kanyang ama. Panganay ang ama ni Anna sa tatlong magkakapatid. Sa tulong ng pagsasaka,
nakapagtapos sa kolehiyo si Anna at ang mga kapatid niya. Nagtatrabaho na ngayon si Anna sa
Manila. Ang kanyang kuya na si Ben ay nagtatrabaho sa Taguig. Ang panganay naman ay
nagtatrabaho sa Pasay. Linguhan ang kanilang pag-uwi sa kanilang mga magulang.
Masayang naninirahan sila doon hanggang sa nagkaroon ng alitan ang mga kapatid ng
kanyang ama. Nais ng bunsong kapatid ng kanyang ama na kamkamin ang lupa na minana nila
mula sa kanilang mga magulang.
Isang gabi, nakita ng magkakapatid na seryosong nag-uusap ang kanilang ama’t ina.
Naging palaisipan sa magkakapatid iyon, lalo na’t hindi lang ito isang beses na nangyari.
“Ano kaya ang problema ng ating pamilya?” tanong ni Anna. “Oo nga, nakakabahala
naman mukhang sersoyo sina tatay at nanay,” sabi naman ng kanilang panganay na si Joyce.
Malalaman din natin ‘yan kapag hand ana silang sabihin sa atin,” tugon naman ni Ben.
Dumating na nga ang pagkakataon na hinihintay ng magkapatid. Isang araw, pagkatapos
ng hapunan, pinulong sila ng kanilang magulang at pinaalam ang sitwasyong dapat nilang
pagpapasyahan.
“Mga anak,” ang bungad ng kanilang tatay. Kailangan nating pagpasyahan kung papaya
kayong ibenta natin ang ating ari-arian dito at lumipat ng Cavite. Hindi na maganda ang naging
relasyon naming magkakapatid lalo ang Tiya Fem niyo. Siguro ay nauunawan ni’yo naman ang
kalagayan natin. Ang inyong pasya na lang ang aming hihintayin.”
“Oo nga, Tatay, mukhang ayaw magpatalo ni tiya, pero antayin pa nating tumaas ang
halaga ng bahay at lupa.” ang paliwanag ni Ben.
“Ikaw, Joyce, ano ang iyong pasya?” tanong ng kanyang ina. Ayo slang po sa akin kesa
mahihirapan po kayo ni tatay.” sagot ni Joyce.
“Haynaku! Ewan ko sa inyo! ang sigaw ni Ben. “Basta iniisip ko ang kabuhtihan ng ating
pamilya kaya gusto kong pataasin muna ang halaga ng ating ari-arian!” sabay alis ni ben at
nagkulong sa kanyang silid.
“Ikaw, bunso,” ang tanong ng nanay kay Anna. “Kahit po malulungkot ako dahil maraming
alaala ang tahanan na ito, payag mo akong ibenta na, kasi kailangan na po,” ang sabi ni Anna.
“Aba, kahit bunso, bukas ang isipan!” ang nakangiting sabi ng kanyang nanay. “Hayaan ninyo at
kakausapin ko ang kuya Ben niyo. Paliliwanagan ko,” ang dugtong ng kanilang nanay.
Matagal ding kinausap ng kanilang ina si Ben at nakumbinse naman niya ito.
Napagkasunduan nilang mag-anak na sa Bacoor, Cavite na maninirahan. Nakabili ng lupa ang
kanilang tatay doon. Medyo malapit na rin ito sa lugar na kanilang pinapasukan.
Dahil sa pagkabukas-isipan, nagkaisa ang pamilyang Cruz.

11
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang naging problema ng pamilyang Cruz?
________________________________________________________________
2. Nasa katwiran ba si Ben sa pagsalungat niya sa pasya ng kanilang pamilya?
________________________________________________________________
3. Ano ang dapat batayan sa wastong pagpapasya?
________________________________________________________________
4. Bakit kailangang maging bukas ang isipan sa pagpapasya? Anong mabuting
maidudulot nito?
________________________________________________________________
5. Kung ikaw sa kalagayan ni Anna, ano ang magiging pasya mo? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PAGLALAPAT

Makabubuti ba sa iyo kung magkaroon ka ng bukas na isipan sa pagpapaysa? Bakit?

Isulat sa kahon ang naging karanasan kung saan naipakita mo ito.

_________________________________________________________________

Naging masaya ka ba sa iyong karanasan? Maipagmamalaki mo ba ang naging pasya

mo? Bakit? Isulat ang sagot sa ibaba.

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

12
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W4-05

SUBUKIN NATIN

(Ikalimang Araw)
Ang pagkabukas ng isipan ay maganda sa pagbuo ng mga ideya kung ano ang dapat
mong gawin. Nakakatulong ito upang palawakin ang kaalaman sa mga bagay at sa pag-unawa
sa mga bagay na nagaganap. Naniniwala akong ang pagkakaroon ng bukas ng isipan upang
makabuo ng responsableng desisyon ay isang kahangahangang gawain. Inaasahan kong
ipagpatuloy mo ito sa lahat ng pagkakataon at oras.
Sa pagkakataong ito, siguradong ikaw na ay may natutunan. Alamin natin sa
pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.

PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti at piliin ang LETRA ng tamang sagot.

1. Nagkasundo ang inyong pamilya na magsasagawa ng paglilinis sa loob at labas ng inyong

tahanan sa darating na Sabado. Ngunit nakagawian mo na maglaro ng basketbol tuwing
Sabado. Bilang miyembro ng pamilya, sasang-ayon ka ba sa kanila?
A. Oo, baka mabigyan ako ng pera ni nanay at tatay.
B. Oo, dahil ito ang napagkasunduan ng aming pamilya.
C. Hindi, dahil maghihintay sa akin ang aking mga kaibigan.
D. Hindi, ipapakita ko sa kanila kaya kong magdesisyon mag isa.

2. Ang bawat tao ay magkakaiba ng ideya. Ikaw man ay may sariling ideya o pagpapasya.
Ano ang magiging batayan mo dito?
A. Hindi dapat pinatatagal ang paggawa ng pagpapasya.
B. Huwag pakinggan ang mga taong tutol sa iyong ideya.
C. Mainam na sumangguni at isa alang-alang ang kabutihan.
D. Piliin ko na lamang ang mga taong sasang ayon sa aking ideya.

3. Aling paraan ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa pasya ng nakararami?

A. Buksan ang isipan kung ano ang ikabubuti ng mas nakararami.
B. Mahalaga sa pagpapasya na alamin at suriin ng mabuti ang sitwasyon.
C. Huwag madaliin ang pagpasya upang makagawa ng tamang desisyon.
D. Sumigaw at magalit upang mapakinggan ng iba ang iyong mga saloobin.

4. Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang ideya subalit hindi sang-ayon dito ang iyong
mga kasama?
A. Bumuo ng mga kaibigan na alam mong mapapasunod mo.
B. Huwag kausapin ang mga alam mo hindi sumasang ayon sa iyo.
C. Ilihim na lamang ang iyong plano at piliin ang mga pagsasabihan.
D. Tatanggapin ang napagkasunduan ng maluwag sa aking damdamin.

5. Bago gumawa ng pasya o konklusyon, mainam na isalang alang ang ______.

A. kabutihan mo C. kabutihan ng lahat
B. kailangan ng iilan D. kasaganahan ng buhay

13
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

PAUNLARIN

A. Gumawa ng journal ng pagsusuri sa iyong sarili. Magtala ng sitwasyon na sumasalamin

sa pagsasagawa mo ng pagkabukas ng isipan. Ilahad ang mga natutuhan mo.

Sitwasyon kung saan naipapakita ko ang pagkabukas ng isipan.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Mga aral na natutunan ko

B. Punan ang kinakailangang datos sa tsart. Alamin kung ang kabutihang panlahat ang
naging basehan ng pasya ay nakatulong dito.

SITWASYONG NANGANGAILANGAN NG PASYA

1. Suliranin/Problema

2. Mga Pagpipilian

3. Mga Naging Bunga

4. Kailangang Pagpapahalaga

5. Posibleng Maramdaman

6. Mga Karagdagang Impormasyon

na Makatutulong

7. Mga Taong Maaaring Makatulong

8. Pasyang Ginawa

9. Pagsusuri sa naging Pasya

14
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

MAGSALIKSIK KA

Basahin ang sitwasyon at gawin ang panuto.

Gusto ng iyong mga magulang na sa probinsiya ka na mag-aaral. Nawalan

kasi ng trabaho ang iyong ama dahil sa COVID19 at nais na lamang niyang
magtrabaho sa sakahan ng iyong lolo at lola.
Paano ka makagawa ng pasya na magpapakita ng iyong paiging bukas na
isipan?

Sa pamamagitan ng isang liham, ilahad mo ang iyong saloobin sa kanila.

Mahal kong Tatay at Nanay,

_______________________________________________________________

Nagmamahal,
_________________

Mahusay! Binabati kita at napagtagumpayan mong

natapos ang modyul na ito! Maaari mo ngayong simulan
ang susunod na modyul.

Inihanda ni:
BB. MERLE R. BUENASFLORES
Marcela Marcelo Elementary School

Integrated the Development of the following Learning Skills:

1) Communication Skills
a. Understanding of words/vocabulary
b. Following instructions/directions
2) Critical Thinking Skills
a. Reflection
b. Decision Making
3) Collaboration
a. Exchange of Ideas
4) Character
a. Open-mindedness

Sanggunian:
Aklat: Gabay sa Pagpapakatao 6 (2016) pp. 55-56
Aklat: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 ((2016) pp. 22,25,33

15

You might also like