You are on page 1of 15

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W7-01

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOL DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Una-Ikalimang Araw

LAYUNIN
Nagsasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito. (Pagmamahal sa
Katotohanan) EsP6PKP-Ia-i-37

PANIMULA
Ang modyul na ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan ang mga
mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang gabay sa pag-aaral sa paksa sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 6.
Aralin 7
MAKATUWIRANG PAGBIBIGAY NG PASYA

Nakaranas ka na bang maiipit sa dalawang sitwasyon? Paano ka nagdesisyon? Gaano

kahalaga ang angking karunungan sa pagbibigay ng desisyon? Sa araling ito, iyong matutunan
ang kahaagahan ng pagkaroon ng karunungan na may katwiran at walang kinikilingan.
Halika na! Sabay nating lakbayin ang landas patungo sa makatuwirang pagbibigay ng
pasya.

ALAMIN NATIN

(Unang Araw)
Hanapin ang mga salita sa loob ng word puzzle. Gamit ang pangkulay, lagyan ito ng
guhit/marka.
Mga hahanaping salita:
AKLAT
DIYARYO
RADYO
TELEBISYON
CELLPHONE
SEMINAR
MAGASIN

Nahanap mo ba lahat ng mga

salita? Ang mga ito ay palagi
nating ginagamit upang
makakuha ng impormasyon.

Ang pagmamahal sa katotohanan ay pagkuha ng datos sa tunay na pangyayari at

paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon.

Page 1 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

PAGBASA NG KUWENTO

Kilala mo ba si Haring Solomon? Isa siya sa mga nagging hari ng Israel. Kilala rin siya
sa kanyang anking karunungan. Alam mob a kung bakit? Ang kanyang karunungan ay may
katuwiran at walang kinikilingan.

ANG MATALINONG PASYA

May dumulog na dalawang babae kay Haring Solomon. Ang sabi ng isa: “Mahal na hari,
kami po ng babaing ito ay nakatira sa iisang bahay. Nanganak po ako at pagkalipas ng tatlong
araw ay nanganak din ang babaeng ito. Wala po kaming ibang kasama roon. Isang gabi ay
nadaganan po niya ang kanyang anak at ito ay namatay. Bumangon po siya sa kalaliman ng gabi,
samantalang ako ay natutulog. Kinuha niya sa tabi ko ang aking anak at dinala sa kanyang
higaan, at inilagay sa aking piling ang kanyang anak na patay. Kinaumagahan, bumangon po ako
upang pasusuhin ang aking anak, ngunit natagpuan ko na lamang siyang patay. Ngunit nang
pagmasdan ko po ng mabuti, nakilala kong hindi iyon ang aking anak.”
Tumutol naman ang pangalawa at nagwika, “Hindi totoo iyan! Anak ko ang buhay at iyo
ang patay!”
Lalo namang iginiit ng una, “Anak mo ang patay at akin ang buhay!”
At nagtalo sila nang ganito sa harapan ng hari.
Kaya’t sinabi ni Solomon sa isa: “Sinasabi mong iyo ang buhay na bata at sa kanya ang
patay.” Pagkatapos ay iniutos niya sa isang kawal na kumuha ng isang tabak. At dinala nga sa
kanya ang isang tabak. Sinabi ng hari: “Hatiin ang batang buhay at ibigay ang kalahati sa bawat
isa.”
Nabagbag ang puso ng tunay na ina ng batang buhay at napasigaw: “Huwag po,
Kamahalan. Ibigay na po ninyo sa kanya ang bata, huwag lamang hatiin!”
Sabi naman noong isa: “Hatiin ang bata!”
Kaya nagpasya si Haring Solomon, “Huwag nang hatiin ang bata. Ibigay ninyo sa una;
siya ang tunay na ina.”
Nabalitaan sa buong Israel ang hatol na iginawad ng hari at nagkaroon ang lahat ng
magalang na pagkatakot sa kanya. Napatunayan nilang nasa kanya ang karunungan ng Diyos
upang humatol nang makatarungan.

Hango sa Bibliya
Aklat I Hari 3:16-28

ISIPIN

1. Sino si Haring Solomon?

2. Anong suliraning hinarap ni Haring Solomon?
3. Paano niya ito nabigyan ng solusyon?
4. Kanino niya ibinigay ang bata? Bakit?
5. Kung ikaw si Haring Solomon, ano ang iyong magiging pasya?
6. Bakit sa inyong palagay ay naging makatuwiran ang pasya ni Haring Solomon?
7. Sa paanong paraan naipakita ang pagmamahal sa katotohanan sa kuwento ni Haring
Solomon?

Page 2 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

TALAKAYIN
Ang pagiging makatuwiran at pagmamahal sa katotohanan ng isang tao ay bunga ng mga
kaalaman na nagmula sa kanyang mga magulang, guro at pananampalataya. Ito ay nakaukit sa
kanyang puso at isipan at sa tamang panahon ay makatulong sa kanya upang magbigay ng isang
tamang pagpapasya. Mainam rin na malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri
ng mga nakalap na impormasyon upang makabuo ng angkop na desisyon.

Mga Palatandaan ng Taong Makatuwiran at May Pagmamahal sa Katototohanan

1. May pantay-pantay na pagtingin sa tao.
Hindi siya tumitingin sa yaman o kapangyarihan ng taong kaharap niya sa kanyang
pagpapasya.
2. Hindi iniisip ang personal na pakinabang mula sa pasyang gagawin.
Ang kabutihan ng nakararami ang kanyang isinaalang-alang at hindi ang
pansariling kapakanan.
3. Pinaninindigan ang tama o katotohanan.
Hindi siya natatakot manindigan sa alam niyang tama.
4. May kalinisan ang budhi at may integridad.
Siya ay kilalang namumuhay ayon sa kanyang sinasabi at pinaniniwalaan.
5. Hindi pabago-bago ng isip.
Pinag-aaralan nang mabuti ang bawat pagpapasya kaya’t hindi pabago-bago ang
isip.

SAGUTAN
1. Magbigay ng pansariling kahulugan at halimbawa ng salitang katotohanan o
pagmamahal sa katotohanan.
_____________________________________________________________________

2. Ano ang iyong gaagwin sa mga sumusunod na sitwasyon? Ipaliwanag.

a. Kaarawan ng inyong guro at nag-ambagan kayog buong klase ng tigsasampung piso
upang bumili ng keyk. Mas masarap ang keyk na gawa ni Aling Minda subalit sinabi
ni Aling Rosie na bibigyan ka niya ng discount kung sa kanya ka magpapagawa.
Maitatabi mo na ang sobrang perang ito.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Napagbintangan ang isa mong kaklase na siyang nagnakaw ng pera ng inyong class
president. Alam mo kung sino ang gumawa nito subali’t sinabi niyang hati kayo sa
ninakaw niyang pera kung hindi mo siya isusumbong.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Page 3 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W7-02

ISAGAWA NATIN

(Ikalawang Araw)
Atin pong tuklasin ang pagmamahal sa katoothanan sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.
GAWAIN 1
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita ang pagmamahal sa katotohanan.
Ilahad ang iyong damdamin.
1. Sobra ang sukli na ibinigay sa’yo ni Aling Tina.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Alam mong nangopya ang iyong kaklase sa pagsusulit sa Araling Panlipunan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Nalaman mo sa iyong kamag-aral na sinisiraan ka ng iyong kaibigan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Aksidente mong nabasag ang plato habang naghuhugas ka.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Nakita mong nagtapon ng basura ang iyong kapitbahay sa gilid ng kalsada.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
GAWAIN 2
Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ano ang ibubunga ng pagiging makatuwiran at pagmamahal sa katotohanan sa
pagbibigay ng pasya?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano kaya ang mangyayari kung hindi sinuri nang mabuti ang mga sitwasyon bago
gumawa ng isang desisyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Paano mo ipakikita ang pagiging makatuwiran at pagmamahal sa katotohanan sa isang
suliranin iyong kakaharapin?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Page 4 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

GAWAIN 3
Pag-aralan ang gawain at sundin ang panuto. Maghanap ng kapareha. Gawin ang sumusunod.
1. Isipin at isulat ang madalas na naging suliranin ninyo sa tahanan na binigyan ng pasya ng
inyong pamilya.
Ang malimit na naging suliranin ng aming pamilya ay _____________________________
______________________________________________________________________
2. Isulat ang mga hakbang na inyong ginawa.
Ang mga sumusunod ang mga ginawa naming hakbang:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Suriin ang mga hakbang na inyong ginawa. Sagutan ang mga sumusunod na tanong at
ipaliwanag.
a. Nasuri ba nang mabuti ang suliranin? Paano?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
b. Naging makatuwiran ba ang mga kasapi ng pamilya sa pagpapasya? Paano?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Pag-usapan at paghambingin ang ginawa ng bawat isa. Piliin kung sino ang
nakapagpakita ng makatuwiran at pagmamahal sa katotohanan sa pagbibigay ng pasya.
5. Isulat kung paano niya naipakita ang pagiging makatuwiran at pagmamahal sa
katotohanan sa pagbibigay ng pasya.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
GAWAIN 4
Buuin at ipaliwanag

Sa pagbibigay ng pasya, kinakailangang tayo Bakit?

ay maging makatuwiran at may pagmamahal
sa katotohanan. Mahalaga na maipakita ito,
kaya lagi kong gagawin ang _____________
____________________________________
____________________________________

Page 5 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Buuin at ipaliwanag

Upang maipakita ko ang pagiging Bakit?

makatuwiran at may pagmamahal sa
katotohanan sa pagbibigay ng pasya,
sisimulan kong gawin ang _______________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

Dahil sa mabuting idudulot ng nabanggit na Bakit?

mga hakbang, hihikayatin ko ang iba na
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

GAWAIN 5
Gamit ang graphic organizer, isulat ang karanasan na nagpapakita ng pagmamahal sa
katotohanan.

MGA PAGPIPILIAN

SULIRANIN ISINAALANG-ALANG

HAKBANG PASYA

Page 6 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W7-03

ISAPUSO NATIN

(Ikatlong Araw)
Ang taong matapat ay may pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kailangang
magpanggap dahil kinikilos niya ang tama. Ang taong nagmamahal sa katotohanan ay pinipili
kung ano ang mabuti, at isinasabuhay niya ito. Hindi siya basta-basta naniniwala sa mga sinasabi
ng mga tao. Tinitiyak niyang tunay ang mga impormasyong kanyang nakalap.

PAGSASANAY
A. Isulat sa loob ng puso ang nararamdaman mo sa sumusunod na sitwasyon.

1. Sa mga estudyanteng iniisip muna ang

katotohanan ng kanilang ipopost, ang aking
nararamdaman ay …

2. Sa tiwaling opisyal ng bansa na inuubos

ang kaban ng bayan dahil sa personal na
kapakanan, ang aking nararamdaman ay …

3. Sa gurong nagsasakripisyo upang

mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang
mga estudyante nila, ang aking
nararamdaman ay …

4. Sa ating mga frontliners na walang tigil ang

paglaban sa pandemya na dala ng covid19,
ang aking nararamdaman ay …

5. Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid19

sa Pilipinas dahil sa katigasan ng ulo ng
mga Pilipino, ang aking nararamdaman ay

Page 7 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

B. Kaya mo bang magkaroon ng pagmamahal sa katotohanan sa lahat ng

pagkakataon?
Gumawa ng Self-Assessment Organizer. Punan ang bawat kahon ng mga sagot
batay sa iyong natutunan. Gamitin ang mga gabay.
C. Sinisimulan ko ngayon

B. Kaya kong gawin D. Aking gagawin

Pangalan

A. Natuklasan ko E. Natutunan ko

Mga Gabay:
A. Isulat kung ano ang natuklasan mo sa araling ito.
B. Isulat ang mga kaya mong mong gawin batay sa mga nalaman mo.
C. Isulat ang mga sinisimulan mon ang gawin.
D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin.
E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan mo.

C. Nalaman mo na ang matalinong pagpapasya ni Haring Solomon. Gumawa ng

isang sulat kay Haring Solomon na nagsasabi ng iyong paghanga sa taglay niyang
karunungan. Banggitin mo sa iyong sulat kung bakit nais mo siyang tularan. Isulat
ito sa ibaba.
Mahal na Haring Solomon,
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Nagmamahal,
_________________________

Page 8 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

D. Sa hugis puso sa ibaba, isulat ang mga salitang angkop para mabuo ang ideya.

Makabubuti ang aking pasya sa nakararami

kung magkakaroon ako ng ________________
______________________________________
____________________________________
__________________________________
______________________________
__________________________
_____________________
_______________
________

Ang pagmamahal sa katotohanan ay mahalaga

upang ________________________________
______________________________________
____________________________________
__________________________________
______________________________
__________________________
_____________________
_______________
________

Tandaan Mo!
Kung ang pagbibigay ng pasya ay isang hamon para sa iyo, dapat ay timbangin
mo nang mabuti ang mga bagay-bagay.
Kinakailangan ng pantay-pantay na pagtingin sa kapwa at maging
makatuwiran sa mga nais mong gawin.
Ang pagmamahal sa katotohanan ay pagkuha ng datos sa tunay na pangyayari
at paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon.
Ang taong matapat ay may pagmamahal sa katotohanan.

Page 9 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W7-04

ISABUHAY NATIN

(Ikaapat na Araw)
Pag-isipan: Bilang mag-aaral, ano ang karanasan mong nagpapatunay na ikaw ay may
pagmamahal sa katotohanan? Ano naman ang nagging bunga nito sa iyo?

A. Gamit ang template isa ibaba, isulat ang iyong mga karanasan na nagpapakita
ng pagmamahal sa katotohanan at sa katapat ay ang mga bunga nito.

Karanasan ng Pagiging Matiyaga Bunga

B. Gumawa ng pangako ng pagkakaroon ng pagmamahal sa katotohanan bilang

mag-aaral at bilang mabuting kasapi ng pamilya. Isulat ito sa ibaba.

10

Page 10 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

C. Sumulat ng limang gawain sa bahay na maaari mong maisagawa nang higit na mahusay
kung ikaw ay magbibigay ng sapat na oras at magpapamalas ng pagmamahal sa
katotohanan.

Halimbawa: paglilipit ng mga kalat at pag-aayos ng mga gamit sa bahay

1.
2.
3.
4.
5.

D. Ako ito bilang nilikha ng Diyos, paano ko maipalalabas ang aking pagmamahal sa
katotohanan sa bawat miyembro ng aking pamilya? Isulat ang mga sagot sa ibaba ng
bawat kahon.

Ama
Ina

Lolo at
Kapatid Lola

Pinakamamahal ko ang aking pamilya. Ipapamalas ko ang pagmamahal ko sa

katotohanan para sa kanila.

E. Suriin ang iyong mga sagot at kompletuhin ang mga pangungusap sa ibaba. Pumili ng
mga salita sa ibaba.

makatuwiran ipagpatuloy
pagmamahal sa katotohanan desisyon

Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng ________________________

dahil makakatulong ito sa akin na maging ________________ sa aking mga
gagawing desisyon. Sisikapin kong ________________ ang pagtaglay nito para
sa ikabubuti ng __________.

11

Page 11 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

F. Gumawa ng isang slogan na nagpapahayag ng pagmamahal mo sa

katotohanan. Isulat ito sa loob ng banner. Lagyan ng disenyo.
Halimbawa: (GMA)
Walang kinikilingan, Walang pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang
Dahil hindi natutulog ang balita, Nakatutok kami bente kwatro oras

G. Gamit ang art materials, gumawa ng simbolo/logo na nagpapakita ng pagmamahal

sa katotohanan. Gawin ito sa loob ng bilog. Ipaliwanag ang kahulugan ng iyong
ginawa.
PALIWANAG
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

12

Page 12 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

Module Code: Pasay-EsP6-Q1-W7-05

SUBUKIN NATIN

(Ikalimang Araw)

Alamin natin sa ang inyong mga natutunan sa pamamagitan ng mga sumusunod na

gawain.

PAGTATAYA

A. Isulat ang salitang OO kung ang naging desisyon ay tama at HINDI kung mali.
______1. Napuyat sa kakaML si Benj noong nakaraang gabi. Tinamad na siyang
pumasok sa paaralan kinabukasan.
______2. Humingi ng paumanhin si Joana sa kanyang amo dahil sa nabasag niyang
mamahaling baso.
______3. Nalaman ni Wena na sinisiraan siya ni Berna. Kaya gumanti at siniraan din
niya ito.
______4. Nakita ni Aling Lilia na nagtapon ng basura sa kanal si Aling Mila. Tinawag
niya ito at pinagsabihan.
______5. Hinusgahan agad ni Fely si Bhem sa una pa lamang nilang pagkikita.
______6. Inilipat ni Henry ang estasyon kapag may ipinalalabas na malalswang
panoorin.
______7. Kinokompara ni Bea ang tama at mali sa kanyang nabasa sa pahayagan.
______8. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong bigas dahil alam niyang
mahalaga ito at wala silang sapat nap era para pambili ng sobra.
______9. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Ivan dahil nagugutom na siya.
______10. Tumigil sa ginagawa si Earl nang marinig niya ang tugtog ng Lupang
Hinirang. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa dibdib.

B. Paano ka makatutulong sa paghubog ng pagmamahal sa katotohan sa iyong kapwa

mag-aaral? Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

13

Page 13 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

PAGLALAPAT

A. Pagsusuring pansarili. Lagyan ng tsek () ang kolum ng iyong sagot. Maging tapat sa
pagsagot sa bawat bilang.
MGA GAWAIN PALAGI MINSAN HINDI
1. Awayin ang kaibigan dahil siniraan ka nito.

2. Pagsuri ng mga impormasyon bago magpost.

3. Pahalagahan ang maging bunga ng iyong mga gawa.

4. Magtanim ng sama ng loob sa taong nagkamali sa

iyo.
5. Maging maingat sa mga ibinabahagi sa social media.

6. Iwasan ang maging mainitin ang ulo kung mayroon

alitan.
7. Sasang-ayunan ang lahat ng balitang nababasa sa
social media.
8. Pairalin ang pagmamahal sa katotohanan sa
pagharap sa isang sitwasyon.
9. Isa-alang alang sa gagawing desisyon bago pa
mapahamak ang iba.
10. Pumipila ako nanag maayos sa tuwing bibili ako sa
kantina.

Bilangin ang dami ng mga Gawain na palagi, minsan, at hindi ginagawa. Nasiyahan ka
ba sa naging resulta?

B. Basahin ang sanaysay.

Malungkot ang iyong kamag-aral na si Mica. Napagalitan siya ng kanyang

magulang sapagkat bumaba ang kaniyang marka. Kasama siya dati sa mga nangunguna
sa klase subalit dahil sa mga nangunguna sa klase subalit dahil sa pagbaba ng kaniyang
marka ay hindi na siya naksama. Ano ang maaari mong sabihin kay Mica?

Isulat sa speech balloon ang iyong payo sa kaniya.

Mica, nais kong sabihin sa iyo na,

________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________

14

Page 14 of 15
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ___________________________

MAGSALIKSIK KA

Iugnay ang kawikaan sa kahalagahan ng karunungan sa pamamahala nang may

katarungan. Isulat ang iyong paliwanag sa kahon.

“Dahil sa karunungan hari’y nakapamamamahala,

Nagagawa ng mga puno ang utos na tama.
Talino ng punongbayan ay dito nagmula
At ito rin ang dahilan, dangal nila’t pagkadakila.”

Mahusay! Binabati kita at napagtagumpayan mong

natapos ang modyul na ito! Ngayon ay handa ka na para
sa susunod na aralin.

Inihanda ni:
BB. MERLE R. BUENASFLORES
Marcela Marcelo Elementary School

Sanggunian:
Aklat: Gabay sa Pagpapakatao 6 (2016) pp. 43, 45-46
Aklat: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 ((2016) pp. 26, 29
Aklat: Ginintuang Aral 6 (2008) pp.65-68
https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F2029435269386
16803%2F&psig=AOvVaw3Q0TDUEobBBBrl5-
rKZQ_s&ust=1593698485322000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLiLovKbrOoCFQAAAAA
dAAAAABAD

15

Page 15 of 15

You might also like