You are on page 1of 7

4

Edukasyon
Sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY

EsP - Grade 4
Self-Learning Module
Quarter 1 – Module 1 – Nakapagsasabi ng Katotohanan Anuman ang Maging
Bunga Nito

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan nang pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na
ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charito C. Chavez

Editor: Josephine S. Tero
Tagasuri: Gualberto A. Dajao
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acuyong
Janalyn B. Navarro
Ellen G. Dela Cruz
Gualberto A. Dajao

Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Division of Bacolod City
Office Address: Cor. Rosario-San Juan Sts., Bacolod
City
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph
Pambungad

2
Uso pa ba ngayong panahon para sa isang bata ang magiging matapat? Ngayong
panahon parang wala ng halaga ang katotohanan. Kung kahit ang mga matanda ay
gumagawa ng kasinungalingan, wala na bang dahilan upang maninindigan sa
katotohanan ang mga bata?

Ano ba ang halaga kapag laging magsasabi ng katotohanan ang isang tao? Ito ba ay
mahalaga sa kaniyang pagkatao? Bakit kailangan nating laging magsabi ng
katotohanan?

Ang Mga Matutunan Mo

Ang module na ito ay naglalaman ng pag-aaral tungkol sa pagsabi ng katotohanan

anuman ang maging bunga nito.

Layunin ng sesyong ito ay ang:

1. Nauunawaan mo dapat magsabi ka ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon

anuman ang maging bunga nito.

2. Napahahalagahan mo ang pagiging isang matapat na bata

3
Gawin Mo

Worksheet #1

Isulat kung ano ang maaaring gawin ng isang batang

tulad mo sa mga ganitong sitwasyon.

Nakita mong nakapatong ang sukli ng tatay mo sa lamesa at kinuha mo ito at

ipinambli ng kendi. Tinanong ka ng tatay mo kung nakita mo ang pera niya sa mesa.
Ano ang gagawin mo?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

Mayroon kang kaklase na nakita mong nagnakaw ng pera ng kaklase mo. Umiiyak
na ang kaklase mo dahil sa nawawala niyang pera. Naaawa ka sa kaklase mo pero
natatakot ka ding magsumbong kung sino ang nakita mong kumuha. Ano sa tingin
mo ang dapat mong gawin?

________________________________________________________

________________________________________

4
Suriin Mo

Worksheet #2

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Nangyayari na ba sa inyong totoong karanasan ang mga sitwasyong nabanggit

sa itaas? Paano mo ito hinarap?
______________________________________________________________________

___________________________________

2. Madali lang ba para sa inyo ang magsabi ng katotohanan? Kung Oo, Bakit?
Kung hindi, Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________

3. Paano mo hinahaharap ang mga balakid ng pagsasabi mo ng katotohanan?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________

4. Paano mo rin tutulongan ang ibang mga bata upang maninindigan sa

katotohanan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________

5
Pagpapalalim

Katotohanan: Mahalaga bas a iyo?

Isa sa mga mabuting pag-uugali na dapat taglayin ng

isang bata ay ang pagiging matapat. Ito ay tanda ng
paninindigan sa katotohanan. Madadala nya ito
hanggang sa kanyang pagtanda. Sya ay maging taong
may integridad at mapagkatiwalaan at maging modelo
sa kanyang pamayanan.

May mga mabuting maidudulot sa isang bata ang

pagsabi ng totoo.

1. Hindi mo kailangan imemorize ang katotohanan. Madali mong maalaala ang

katotohanan.

2. Magkakaroon ka ng paggalang, tiwala at respeto mula sa ibang bata.

3. Mapa-uunlad mo ang mabuting relasyon sa iba.

4. Maitatag mo ang iyong paaniniwala sa sarili.

5. Magkaroon ka ng marami at mabuting opurtunidad

6. Ang pagsisinungaling ay sumasayang ng mas maraming lakas.

7. Ang katotohanan ay umaakit din ng katotohanan.

Kaya lagi nating tandaan:

”Ang katotohanan ay ang
magpapalaya sa atin”.

Isasabuhay Mo

Ngayong matapos mo pag-aralan ang kahalagahan ng pagtindig sa katotohanan,

mas mabuting ilagay mo ito sa tunay mong buhay. Nakapag-isip-isip ka na ba ng
mga hakbang upang mapanatili mo na palaging nasa panig kayo ng katotohanan?

6
Kung gayon ay gawin mo ito.

Worksheet #4

Gumawa kayo ng maikling salaysay na may pamagat: Bakit ako maninindigan para
sa Katotohanan? Isulat ito sa hiwalay na papel.

Sanggunian

1. DepED ADM Module for Grade 4

2. https://pixabay.com/de/illustrations/detektiv-suche-mann-
vergr%C3%B6%C3%9Fern-1424831/
3. https://pixabay.com/de/vectors/m%C3%A4dchen-gie%C3%9Fen-blumen-
gie%C3%9Fkanne-4529589/

You might also like