You are on page 1of 6

CAMARIN HIGH

SCHOOL SDO-
CALOOCAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
IKA-APAT NA MARKAHAN
T. P. 2021-2022

PANGALAN:
____________________________________________________________________________________
_____
BAITANG AT PANGKAT: _________________________ PANGALAN NG GURO:
__________________________

ARALIN 11
KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
(Week 1 & 2)

PANIMULA:

Ang katapatan sa salita at gawa ay isang birtud na nangangailangan ng pagkilos upang ito ay
mapanatiling ginagawa. Ang hindi pagsasabi ng totoo sa kapwa ay maaaring ihambing sa isang bisyo
kapag paulit-ulit itong ginagawa, ito ay nagiging ugali na ng isang tao.
"Ang pagsasama ng tapat ay pagsasama ng maluwat" ay isang kasabihan na dapat gawing
pananaw sa usapin ng katapatan.  Ang katapatan ay susi sa katatagan sa sarili at mahusay na
pakikipagkapwa-tao. Ang pagiging tapat ay pagiging matuwid, ito ang daan upang magkaroon ng
magandang ugnayan ang bawat tao.
Sa kasabihang “action speaks louder than words” ay nangangahulugang nagpapakita rin na ang
gawa ay mahalaga kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay nakatuon lamang ang pansin
ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa katotohanan. Nakakalimutan din na ang kilos ng
tao ay maaari ring lumabag sa katapatan.
● Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang magkaintindihan ay madalas na inaabuso. 
● Ang pagsisinungaling ay pagbabaluktot ng katotohanan. 
● Ang anomang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.
● May iba’t - ibang uri ng pagsisinungaling na hindi dapat gayahin ng kabataang tulad mo.
a. Prosocial Lying o pagsisinungaling upang tulungan ang ibang tao.
b. Self-enhancement Lying o pagsisinungaling upang iligtas ang sarili at upang 
    maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan.
c. Selfish Lying o pagsisinungaling upang protektahan ang sarili at siraan ang ibang tao.
d. Antisocial Lying o pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Sa araling ito, palalawakin mo ang iyong pang-unawa at pagsasabuhay sa pagiging tapat sa salita at
gawa. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay malilinang ang sumusunod na kasanayan:

            1. Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, 


                at bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan. 
            2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan. 
            3. Maipaliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng 
                pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May 
                layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng 
                pagmamahal. 
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita 
    at gawa. 
GAWAIN 1: (Kasanayan #1)

Panuto: Kung maharap ka sa sitwasyon na nakasulat sa ibaba, ano ang gagawin mo?

1. Habang ikaw ay naglalakad sa daanan sa inyong lugar ay nakakita ka ng wallet, nang kinuha mo ito
nakita mo na may laman itong malaking halaga sapat para makatulong sa iyong pamilya.

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________.

2. Nagpunta ka sa isang restaurant para magtanghalian at magpahinga galing sa pamimili sa isang


mall. Habang kumakain ka, napansin mo na sobra ng 500 piso ang naisukli sa iyo. 

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________.

3. Nakiusap ang iyong kamag-aral na i-screenshot mo ang sagot sa isang gawain na ipapasa ngayong
araw, kaya hindi niya nagawa ang gawain dahil siya ay napuyat sa paglalaro ng computer games.

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong napansin sa mga sitwasyon?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________.

2. Ano ang magiging resulta kung hindi ka magiging tapat sa pagtugon sa bawat
sitwasyon? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________.

3. Ano ang magiging resulta kung naging tapat ka sa pagtugon sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________.

Gawain 2 (Kasanayan #2)

Panuto: Mag-isip ng mga gawain o kilos na sumasang-ayon at sumasalungat sa katapatan.


     
                Isulat ito sa iyong kuwaderno.
SUMASANG-AYON SA KATAPATAN SUMASALUNGAT SA KATAPATAN
Halimbawa:   Nagpapaalam sa magulang  Halimbawa:  Pangongopya ng sagot ng 
                 kung saan pupunta.  kamag-aral.
 

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman habang inilalahad mo ang mga kilos na sumasang-ayon at 
     sumasalungat sa katapatan? 

_________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________.

2.  Naging mahirap ba sa iyo na ilahad ang mga gawaing sumasang-ayon at tumataliwas sa 
      katotohanan o katapatan? Ipaliwanag. 

_________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________.

GAWAIN # 3 (Kasanayan #3)

Panuto: Sa panahon na ito ay nakararanas tayo ng kalungkutan at kahirapan dulot ng pandeya.


Mahalaga na lubos nating maisabuhay ang pagiging tapat sa panahon na ito. Bumuo ka ng komitment
ng katapatan gamit ang concept map upang lubos na maipadama ang diwa ng pagmamahal. 

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang maaari mong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang 
     katapatan? 
_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________.

2. Bakit may ilang pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing sumasalungat sa
     katapatan? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________.

3.  Bakit kailangan na maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________.

PAGNINILAY:

Panuto: Sa panahon natin ngayon ay nakararanas tayo ng maraming pagsubok na humamon

sa ating buhay, sa kabila nito ay naging tapat tayo sa kabila ng ating nararanasan. Ngayong

pandemya, maglahad ng 3 sitwasyon na nararanasan ng inyong pamilya na nagpapakita ng katapatan

sa salita at gawa. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

SANGGUNIAN:

Self-Learning Module sa Edukasyon sa Pagpapakato 8 ( SDO-Caloocan )

Most Essential Learning Competencies in Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (2020-2021)


Rubric sa Pagtataya ng Goal Setting at Action Planning Chart

Mga Pang-uri Lubos na Kasiya-siya Kasiya-siya Hindi Kasiya-siya


Nailalahad ng maayos ang mga
minimithi para sa karera o negosyo,
pag-aaral, pamilya at sa sarili
Pagkakaroon ng sistema,
pamamaraan at pamantayan sa
pagsukat ng kanyang pagsulong o
pag-unlad tungo sa pagkakamit nito
Pagtukoy sa mga tiyak na hakbang
tungo sa pagkakamit ng mithiin

SANGGUNIAN:
SDO-Caloocan EsP7 SLMs para sa Mag-aaral (Quarter 3 Week 5 & 6)
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Batayang Aklat, pahina 263
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao, pahina 124-128

You might also like