You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pagkatuto

Ika-apat na Markahan – MELC 3

Katapatan sa Salita at Gawa: Komitment


sa Katotohanan at Matatag na Konsensya

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 8

Manunulat: Mr. Carlito A. Alsagon,Jr.


Editor: Mrs. Catherine D. Diaz
Tagasuri: Mr. Alan Vincent B. Altamia
Mrs. Marie Paz A. Almalbis
Tagaguhit:
Tagalapat: Mrs. May V. Telesforo
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.
Dr. Segundina F. Dollete
Mrs. Shirley A. De Juan
Mr. Alan Vincent B. Altamia
Regional Management Team: Dr. Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte Jr.
Celestino Dalumpines IV
Mr. Donald T. Genine
Mrs. Miriam T. Lima
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa pakikipagtulungan
ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan
ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-
kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at
ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan
at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

Gawaing Pagkatuto
Pangalan ng Mag-aaral:___________________ Grado at Seksiyon:_________
Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO 8

Katapatan Sa Salita at Gawa: Komitment sa Katotohanan


at Matatag na Konsensya

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naipaliliwanag na: Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng


pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May
layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng
pagmamahal. EsP8PBIIIh-12.3

II. Panimula (Susing Konsepto)

Sa bawat oras na lumilipas ang ating Panginoon ang sandigan ng lahat. Hindi
niya tayo pinababayaan sa mga suliranin na ating tinatahak at hinaharap. Kailangan
lamang natin ang magtiwala at maging tapat sa kanya dahil sa ito ang nagpapatunay ng
pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensiya.
Sapagkat ayon sa kanyang ikawalong utos ay “Huwag tayong magsisinungaling” isang
utos na dapat isapuso at kailangan sundin ng bawat tao sapagkat ito ay magdudulot ng
kalayaan sa ating sarili. “Ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo”.(Juan 8:32). Ang
katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa
buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na
alamin ang katotohanan. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang
niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin,
ingatan, at pagyamanin ito. Ang sinumang maging tapat sa salita at sa gawa na may
komitment sa katotohanan at mabuti/matatag na konsensiya ay makakamit ang
kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at
pananampalataya sa ating Dakilang Tagapaglikha.
Ang pagiging tapat sa salita at gawa,ang magpapalaya sa atin bilang nilikha ng
Diyos.Naniwala ka na ba sa isang kasinungalingan na naisip mo na iyon ang
katotohanan? Narinig mo na ba ang anumang mga salita na sinabi sa iyo at pinaniwalaan
mo ito? Ang mga salita ay makapangyarihan at kung ang sinabi ay katotohanan o
kasinungalingan ay nakakaapekto ito sa pananaw mo sa buhay.

1
III. Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 314-334

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.


Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

MELC p. 108

IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at suriin ang mga diagram sa ibaba. Iguhit ito sa inyong sagutang papel.
Sa mga bubbles na nasa ibaba, isulat sa loob nito kung paano mo maipapakita ang iyong
katapatan sa gawa at sa salita.Ang unang bubble ay nasagutan na para ito ay iyong
maging basehan.

Diagram 1
Hal. Ang
pagsasauli ng
isang gamit
na naiwan.

KATAPATAN SA
GAWA

2
Hal. Ang pagsabi/
Diagram 2 pagsasalita ng
ayon sa
KATAPATAN SA
SALITA

Mga Batayang Tanong:

Ano ang ibig sabihin ng katapatan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

1. Kailan tayo dapat maging matapat sa ating mga ginagawa at salita? Paano mo ito
maipapakita na mayroong komitment sa katotohanan at mabuti na konsensiya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano kung ang isang katulad mo ay hindi naging tapat sa salita at sa gawa? Ano-
ano ang magiging epekto nito sa iyo bilang isang anak, mag-aaral at kasapi ng
lipunan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

3
3. Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunang
aral sa paksang tinalakay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

V. Repleksiyon

Ang pagiging tapat sa salita at gawa dapat maisabuhay at mapagsikapang


mapairal sa lahat ng pagkakataon. Huwag nating hayaan na ang kasinungalingan ang
mangingibabaw. Ito ngayon ang hamon sa bawat tao/ sa bawat mag-aaral na kagaya
ninyo, ang maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapanindigan nang
may katuwiran ang piniling pasiya at mga pagpapahalaga. Kumilos tungo sa
makatotohang buhay, upang ang kabutihang panglahat ay ating makakamtan.
Palagi nating isaisip at isapuso na ang katotohanan ay ang kalagayan o
kondisyon ng pagiging totoo sa lahat ng oras. Upang matamo ito, inaasahan na maging
mapagpahayag ang bawat isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan.
Maging isang huwarang tao o magandang modelo sa ating kapwa upang ating
maipalaganap ang katapatan hindi lamang sa salita kundi kung paano natin ito isabuhay
bilang isang nilikha.
Ngayon, upang iyong lubos na matutunan ang kahalagahan ng magiging tapat
sa salita at sa gawa. Gumawa ng isang Poster na kung saan nagpapakita o
nagpapahiwatig ng iyong katapatan sa Gawa at sa Salita na may komitment sa iyong
sarili at may mabuting konsensiya. Magbigay ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa
iyong Poster na ginawa. Maging Basehan ang Rubrik na nasa ibaba.

Poster ng aking Katapatan sa aking Ginagawa at salita na mayroong komitment sa


katotohanan at mabuti na konsensiya.

Rubrik sa pagsulat ng Liham Pasasalamat

RUBRIKS
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: PAGGAWA NG POSTER/PAGPAPALIWANAG

Pamantayan Indikador Puntos Natatamong


Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag
nang maayos ang ugnayan
ng lahat ng konsepto sa 21-25
paggawa ng poster
Kaangkupan ng  Maliwanag at angkop ang
Konsepto mensahe sa paglalarawan at
pagpapaliwanag ng ginawa 16-20
ayon sa konsepto nito.
Pagkamapanlikha  Orihinal ang ideya sa
(Originality) paggawa ng poster at ang 11-15
pagpapaliwanag nito.
Kabuuang  Malinis at maayos ang
Presentasyon kabuuang presentasyon ng 6-10
pagguhit at pagpapaliwanag.
Pagkamalikhain  Gumamit ng tamang
(Creativity) kombinasyon ng kulay upang
maipahayag ang nilalaman, 1-5
konspeto, mensahe at ang
pagpapaliwanag ay ayon sa
kabuuang kaisipan ng poster
na ginawa.
Kabuang Puntos:_______________________

VI. Susi sa Pagwawasto

mga mag-aaral
Maaring Magkakaiba ang sagot ng

Pagsasanay 1

5
5

You might also like