You are on page 1of 7

10

0
Learning Activity Sheet on
Edukasyon sa Pagpapakatao

CRITICAL THINKING:
THINK TWICE, DO IT WISE WHEN
INFODEMIC STRIKES
(Supplementary Learning Material in the Promotion of
CHAMPIONING THE CHAMPS)

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2022

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng LAS na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 10

Manunulat: Lucille G. Montorio


Editor: Jeanette G. Panag
Tagasuri: Alan Vincent B. Altamia
Tagaguhit: Camille V. Vestidas
Tagalapat:
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo Jr
Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Alan Vincent B. Altamia
Regional Management Team: Dr. Ramir B. Uytico, Jr.
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Meriam T. Lima
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito
ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K
to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Learning Activity Sheet na ito ay


binuo upang matulungan ka na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Learning Activity Sheets (LAS)

Pangalan ng Mag-aaral:___________________________ Grado_______________


Seksiyon:_____________________________________ Petsa: ______________

Learning Activity Sheets (LAS)


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

CRITICAL THINKING:
THINK TWICE, DO IT WISE WHEN INFODEMIC STRIKES
(Supplementary Learning Material in the Promotion of Championing the CHAMPS)

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.
(ESP10Pl-IVc-4.1)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Alam mo ba kung gaano karami ang datos na nalilikha sa internet araw-araw?
Ayon kay Bulao (2021), ito ay umaabot sa 1.45 trillion megabytes bawat araw at
maaari pa itong tumaas sa mga susunod na taon. Dahil sa dinami-dami ng
impormasyong ito, agad mo bang paniniwalaan ang iyong nabasa o napanood sa
internet?

Sa makabagong teknolohikal na lipunan ng internet, wifi, smartphones at tablet,


ang impormasyon o datos ay nakukuha o natatanggap ilang segundo lamang. Ang
mabilis at malawakang paglaganap ng tama at maling impormasyon tungkol sa
isang bagay ay tinatawag na infodemya (infodemic). Ang katagang ito ay mula sa
dalawang salita na “impormasyon” at “epidemya.” Ang impormasyon (information)
ay isang kaalaman na nakukuha sa pamamagitan ng pananaliksik, pag-aaral o
pagtuturo. Ito ay karaniwang nakukuha sa tekstong nabasa o sa larawan na ating
nakita. Ang epidemya (epidemic) naman ay ang biglaan at mabilisang paglaganap
at paglaki ng isang bagay, produkto o sakit.

Isang halimbawa ng kaso ng infodemya ay ang Covid19. Mabilis at biglaan ang


paglaganap ng mga tama at maling impormasyon tungkol dito sa buong daigdig.
Tama ang impormasyong nababasa sa internet na ang vaccines ay nakatutulong sa
pagpuksa ng virus. Ngunit marami rin ang maling impormasyon na nagsasaad na
kapag ang isang tao ay naturukan ng Covid19 vaccine, siya ay magiging zombie sa
huli.

Marami ngayon ang nababahala dahil hindi lahat ng datos o impormasyon sa


internet ay totoo. Isang dahilan kung bakit dapat mas maging mapanuri tayo sa
bawat impormasyon na ating natutunan o nababasa ay ang paglaganap ng fake
news. Ito ay mga maling balita na kumakalat upang aliwin, pagkaperahan o siraan
ang sinumang indibiduwal o anumang negosyo.

Kaya, ano ang dapat gawin upang mas maging maingat sa paghusga ng isang
kaalaman o impormasyon? Mainam na gamitin natin ang kritikal na kasanayan sa
pag-iisip (critical thinking skills) sa pagtukoy ng mga kapani-paniwalang
impormasyon.

III. Mga Sanggunian

Bulao, Jacquelyn (2021). How much data is created every day in 2021?
https://www.techjury.net

https://www.connectthedots101.com

https://teachingkidsnews.com

IV. Pagsasanay

Gawain: Connect the Dots and Express

Panuto: Pagdugtungin ang dots o mga tuldok upang mabuo ang larawan.
Simulan sa unang bilang hanggang matapos sa pinakahuling numero. Pagkatapos,
sagutin ang sumusunod na mga batayang tanong.
Mga Batayang Tanong:

1. Batay sa larawan na iyong nabuo, anong isyu ang maaaring tumukoy sa


kawalan ng pagpapahalaga sa katotohanan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa iyong pag-unawa, ano ang ibig sabihin ng fact check?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bakit mahalagang suriing mabuti ang mga impormasyong nababasa o


nakikita sa internet?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

V. Repleksiyon

Ang paggamit ng kritikal na kasanayan sa pag-iisip ay mahalaga upang mas lalo


nating maunawaan ang kahulugan ng isang bagay, mahulaan ang mga susunod na
pangyayari at masuri nang maayos ang katotohanan ng isang kaalaman. Hindi lahat
ng nababasa, naririnig o napapanood ay may katotohanan. Kaya, dapat laging
mapanuri, mausisa at may malalim na pag-unawa sa anumang uri ng kaalaman.

Narito ang mga paraan upang mas maging maingat at mapanuri sa mga maling
balita o impormasyon sa internet:
1. Consider the source. - Magimbestiga sa pamamagitan ng pag-click sa site
at kung ano ang layunin nito.
2. Check the author. - Ang manunulat ba ay kapani-paniwala (credible) at
maaasahan (reliable)?
3. Check the date. - Tingnang mabuti kung napapanahon ang balita.
4. Check your biases. – Isaalang-alang kung ang sariling paniniwala ay
makakaapekto sa gagawing paghuhusga.
5. Read beyond. - Kumalap ng iba pang impormasyon o datos.

Sa iyong pagninilay, kumpletuhin ang pasimulang pangungusap upang mabuo


ang pahayag: Mahalagang suriin at usisain nang mabuti ang nabasang
impormasyon dahil
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain: Connect the Dots and Express

Para sa Mga Batayang Tanong: Ang sagot ng bawat mag-aaral


ay maaring magkaiba.

Pagninilay
Ang sagot ng bawat mag-aaral ay maaring magkaiba.

You might also like