You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Region VI - Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ

MAAYON NATIONAL HIGH SCHOOL


Maayon, Capiz

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga sumusunod na aytem. Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang
kurso para sa nalalapit na Senior High School.
a.makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aaral
c. magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

2. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iong
kahusayan o galling sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa mga taong
nakakasalamuha, pahlutas ng mahihirap na bagay, t masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
a. hilig b. kasanayan c. pagpapahalaga d. talento

3. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang kursong Engineering
at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat
ng mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc.
Sila ay sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang
pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at
pamilya. Pumayag siya at naging desidido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang
isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking
demand sa lipunan?
a. katayuang pinansyal b. pagpapahalaga c. mithiin d. kasanayan

4. Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay
namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kaniyang ina. Apat na
buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang
kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa siya naman ay bukas
pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may
matatag na loob na magpasya para sa kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili
ng kurso?

a. mithiin c. pagpapahalaga b. kasanayan d. hilig

5.“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano
ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni .
a. Bill Clinton b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Dr. Manuel Dy, Jr.
6. Ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay” dahil ang lahat ay____.
a. may iisang mithiin b. likha ng Diyos
c. mayroong pag-aari d. may kani-kaniyang angking kaalaman
7. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa .
a. kapayapaan b. paggalang sa indibidwal na tao
c. katiwasayan d. tawag na katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
8. Ito ang angkop na pagkakaloob ng naayon sa pangangailangan ng tao.

a. Prinsipyo ng Proportio b. Prinsipyo ng Subsidiarity


c. Prinsipyo ng Pagkakaisa d. Lipunang Politikal
9. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
a. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
b. Pagkakaloob ng lupang matitirhan para sa pabahay c.
Pagbibigay daan sa Public Bidding
d. Pagsisgingil ng buwis
10. Grupo ng mga kababaihan sa Pilipinas na nagtipon-tipon noong 1984 at nabuo bilang isang
lipunang sibil na may layuning ipagtanggol ang mga karapatan ng kababaihan.
a. Peace Advocates Zamboanga (PAZ)
b. Girl Scout of the Philippines c.
Gabriela
d. Kalinga

11. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.


a. Upang siya ay hindi maligaw
b. Upang matanaw niya ang hinaharap
c. upang mayroon siyang gabay
d. upang magkaroon siya ng kasiyahan

12. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon c. Propesyon
b. Bokasyon d. Tamang Direksiyon

13. Ayon sa , ang paggawa ay mabuti para sa tao dahil sa pamamagitan nito
naisasakatuparan niya ang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos.
a. Laborem Exercens
b. The Person and the Common Good (1966)
c. Work: The Channel of Values Education d.
Seven Habits of Highly Effective People
14. Ang mga sumusunod ay mga katangian na ipinamalas ni Leonardo da Vinci na makakatulong upang
magkaroon ng matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa,
maliban sa pagiging .
a. palatanong b. bukas sa pagdududa at kawalan ng katiyakan.
c. malikhain d. pagpapanatili ng kalusugan at paglinang ng grace, poise.
15. Si Elsa ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang gawain at sinisiguro niya na
magigingmaayos ang kalalabasan nito. Anokayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Elsa?
a. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
b. Hindi umiiwas sa anumang gawain
c. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal d.
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
16. Ito ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa
isanginstitusyon.
a. Kapuwa b. Barkada c. Kalipunan d. Fraternity

17. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na
pagtitiis at determinasyon.
a. Pagsisikap b. Kasipagan c. Katatagan d. Pagpupunyagi
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng karapatang hindi maaalis (inalieanable)
ayon kaySanto Tomas de Aquino (Quito,1989)?
a. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay b.
Karapatan sa pagpili ng propesyon
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar d.
Karapatan sa buhay
19. Hindi natapos ni Kent Jude ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay
matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa
kaniyadahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Kent Jude?
a. Madiskarte, masipag at matalino
b. May pananampalataya, matiyaga at malikhain
c. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili.
d. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa

20. Ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa
sarili niyangkalikasan.
a. Maging Makatao b. Pagsisikap na laging kumilos
c. Pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon d. Pagsunod sa utos ng Diyos

21. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-
unlad ng ekonomiya nito?
a. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong
mapapasukan
b.. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa
kita ng mga manggagawa
c. ang kawalan ng impormasyon tungkol sa local o maging sa ibang bansa na angkop sa hilig,
talent at kakayahan na ayon sa kursong natapos
d. ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaabuso sa ibang bansa
22. Batay sa encyclical na “ Kapayapaan sa Katotohanan”(Pacem in Terris). Anong
karapatan ang ipinapakita ng tauhan?

Itinakas ni Carlito ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang
takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.

a. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)


b. Karapatang mabuhay
c. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
d. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
23. Ang ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ang tao sa
paggalang ng kaniyang kapwa.
a. bolunterismo b. dignidad c. pakikilahok d. pananagutan
24. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging
matagumpay ang isang tao bilang kabahagi sa mundo ng paggawa maliban sa:
a. Ang kanyang hilig, talento at kakayahan
b. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan
c. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya
d. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa
25. Karapatang hindi maaalis sa tao dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos
atmakapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan.
a. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay b.
Karapatang pumunta sa ibang lugar
c. Karapatang magpakasal
d. Karapatan sa pribadong ari-arian

26. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain at ang


produkto nito ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay.
a. Pananagutan b. Paggawa c. Moralidad d. Sistema
27. Ang mga sumusunod ay dapat na makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo. Ano ang mga ito?
a. Kayamanan, Talento at Bayanihan b.
Pagmamahal, Malasakit at Talento c.
Panahon, Talento at Kayamanan
d. Talento, Panahon at Pagkakaisa
28. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain
nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa.
a. Kasipagan b. Masigasig c. Malikhain d. Tiyaga
29. Isinasabuhay ng pamahalaan ang kanyang tungkulin sa kanyang mamamayan sa pamamagitan ng
_______________.
a. paglikha ng maraming trabaho para sa kanyang mamamayan
b. paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit ng kanyang mamamayan sa paggawa at
mithiin ng lipunan ang kabutihang panlahat
c. pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha para pangalagaan ang kanyang karapatan
d. pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang kurapsyon at maling pagsasabuhay ng
tungkulin
30. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?
a. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at kaibigan
b. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
c. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
d. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan
31. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa
mgasumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
a. Ingatan ang interes ng marami.
b. Itaguyod ang karapatang –pantao.
c. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan. d.
Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
32. Isang paraan na ang tunguhin mo sa paggawa ay makatotohanan, maabot at
mapanghamon.
a. Tiyak (Specific)
b. Naabot ( Attainable)
c. Nasusukat ( Measurable)
d. Reyalistiko (Realistic)
33. Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at palakasan, negosyo o
hanapbuhay na angkop sa sariling talento, kakayahan at hilig ay makatutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya na bansa. Ang pangungusap ay tama dahil .
a. ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento, kakayahan at hilig ay
nangangahulugang karagdagang problema sa isyu ng job mismatch.
b. ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at hindi ng kaniyang
mamamayan.
c. pagpili ng tamang kurso ayon sa sariling talento, kakayahan at hilig ay hakbang sa
minimithingtrabaho at buhay sa hinaharap para sa sarili, pamilya, kapuwa at bansa.
d. ang pag-unlad ay nakasalalay sa mga batas na gagawin at ipapatupad nang
mga naihalal nang taong bayan.
34. Alin sa sumusunod ang hindi napapabilang sa mga pansariling salik sa pagpili ng tamang track o
kursongakademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at isports?
a. Talento b. Hilig c. Batayan d. Mithiin
35. Tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa at
tahasang aksiyon sa pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang ispesipikong gawain.
Ano ito?
a. Pagtakda ng Paggawa b. Pamamahala sa oras
c. Pamamahala sa pagpabukas-bukas d. Pagsimula sa tamang oras
36. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na gamitan mo ito ng SMART.
Ano ang kahulugan nito?

a. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound


b. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
c. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
37. Siya’y isang alemanyang pilosoper na nagpahayag na ang tao ay nilikha upang
makipagkapuwa atmakibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld), at ang buhay-na-mundo ay
nabubuo naman sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi.
a. Dr. Manuel Dy, Jr. b. John Rawls c. Max Scheler d. Jurgen Habermas
38. Alin sa mga sumusunod ang pinakaunang hakbang sa paggawa ng mabuting pagpapasiya?
a. Magkalap ng kaalaman
b. Magnilay sa mismong aksiyon
c. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang
pagpapasiya d. Tayain ang damdamin sa napiling
isasagawang pasiya.

39. “ Ang oras ay kaloob na ipinakakatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito?
a. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
b. Masuwerte ang tao dahil binibigyan siya ng oras.
c. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kaniyang
kapuwa at ng bansa.
d. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkakatiwala ito sa kaniya.
40. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anumang
gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
a. Si Jenny Pearl ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay.
Siya ang gumagawa nang mayroong pagkukusa.
b. Si Khezia ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na
ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag mag-aral si Lea; sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang
kaniyang panahonat oras dito nang buong husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Lenny ay hindi niya ginagawa ito
basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon dito.
41. Ang pansariling salik na ay nasasalamin sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo
dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi
nakakaramdam ngpagod o pagkabagot.

a. Kasanayan b. Pagpapahalaga c. Hilig d. Talento


42. Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personalna Misyon sa buhay maliban
sa .
a. pagsuri ng iyong ugali atkatangian b. pagtukoy ng mga pinahahalagahan
c. pagsukat ng mga kakayahan d. pagtipon ng mga impormasyon
43. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na pagtitiis
at determinasyon.
a. Pagtulong b. Pag-titipid c. Pag-iimpok d. Pagkawang-gawa
44. Ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at
malayangpagsasakilos ng kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan.
a. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
b. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. Kakayahang mag-isip at malayang kilos loob.

45.Ayon kay Francisco Colayco, ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-
impok ang tao maliban sa
a. pagreretiro b. mga hangarin sa buhay
c. maging inspirasyon sa buhay d. proteksiyon sa buhay.

46-50 Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba: Tukuyin kung alin ang angkop na track o strand para sa kursong kukunin
ayon sa talento, kakayahan at hilig para magtagumpay sa iyong mithiin. Isulat ang sagot sa k uwaderno.

ABM HUMSS CHED TECH-VOC TESDA STEM

46. Si Ponchit ay anak ni Mama Chit na nakilala sa sa ipinagmamalaking Chitcharon ng kanilan probinsya. Ang
ideyang ito ay mula mismo kay Ponchit sa kanyang ideyang ipagsama ang chicharon at chichirya.
47. Nagtatrabaho bilang kahera at stockman si Benedick sa negosyo ng kanyang tiyuhing si Ka Estong. Ang
kaalaman mayroon siya ay namana niya sa kanyang Lola Paz na may angking galing at talino sa negosyo.
48. Madalas mapagalitan si Jerome sa kanyang tatay dahil sa pagbutingting ng mga samu’t-saring gamit sa kanilang
bahay. Ang hilig na ito ni Jerome ay hindi nawala hanggang sa siya’y magbinata.
49. Ang gusto ng tatay ni Jennifer para sa kanya ay maging isang abogado at sikat na mamahayag, si Jennifer ay
mahiyain, ang hilig niya ay gumuhit at mgpinta na taliwas sa mga kakakayahan na dapat mayroon ang isang
abogado at mamamahayag.
50. Bata pa lang si Dyosa ay hilig na niya gumupit at ilang gawain na may kaugnayan sa pagpapaganda. Pangarap
niyang magtayo ng isang Beauty Parlor.

Prepared by:

MRS. CARMELA D. DURANA


ESP Teacher/Coordinator

Noted:

MR. ROLLIE KIM B. RELANO


Asisstant Principal

Approved:

MA. LEA O. DAIS


Principal IV
ANSWER KEY

PRETEST

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (BAITANG 9)


S.Y. 2018-2019

1. A 26. B
2. B 27. C
3. D 28. A
4. B 29. A
5. C 30. C
6. B 31. C
7. C 32. B
8. A 33. C
9. A 34. C
10. C 35. B
11. B 36. D
12. D 37. D
13. A 38. A
14. C 39. C
15. C 40. A
16. C 41. C
17. D 42. C
18. B 43. B
19. C 44. D
20. A 45. B
21. B 46. B
22. A 47. C
23. B 48. C
24. B 49. C
25. D 50. D

You might also like