You are on page 1of 3

San Jose Community High School

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ika-3 MARKAHANG PAGSUSULIT

PANGALAN: ________________________________ Baitang/Pangkat: __________________________ Iskor: ______

PANUTO. Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng pinaka tamang sagot at isulat sa hiwalay na sagutang
papel.

1. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kung anong karapatan ang dapat igalang lalo na kung may kaugnayan sa likas na
batas moral ay pagpapakita ng pagiging
A. Mabuti C. Maka-Diyos
B. Makatao D. Makatarungan

2. Ayon sa karaniwang kahulugan nito ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kanya. Alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paglabag sa katarungang panlipunan?
A. Pagsusuplong sa mga kakilala mong gumagamit ng ipinag-babawal na gamot.
B. Pagsusumbong sa mga kinauukulan para sa kapibahay nyong nagnanakaw ng kuryente (jumper).
C. Pagtira sa mga pabahay na ipinatayo ng gobyerno para sa mga sundalo na hindi naman natitirhan.
D. Paglalagay o pagtatapo ng mga basura sa tamang lagayan ng pastic at bote, nabubulok at hindi na bubulok.

3. May nabubully kang kamag-aral sa inyong paaralan. Lagi syang pinagtatawanan at ginugulo ng iyong kaklase dahil sa
pagiging bulol niya. Walang makapagsumbong sa inyo sa takot na kayo naman ang pagbalingan ng mga bully mong
kaklase. Ano ang makatarungang maaari mong gawin?
A. Hindi ka nalang makikialam
B. Makikisama na rin sa mga nambubully upang hindi ka mabully
C. Isusumbong mo ito sa inyong gurong tagapayo upang mabigyan ng aksyon
D. Sasabihin mo ito sa mga pinsan mong hindi na nag-aaral upoang sila ang gumanti sa mga bully mong kaklase sa
labas ng paaralan.

4. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI
nagpapakita ng tunay na pakahulugan nito.
A. Ang pagpili sa ilang mahihirap upang maging kabahagi ng programa ng mayora sa kanilang lugar.
B. Ang pagtuturo ng magulang sa kanyang mga anak hinggil sa pagpili ng tamang pagpapasya sa buhat
C. Pinapayuhan ang mga nakakakabatang kapatid hinggil sa paggawa ng mga proyekto at takdang aralin dahil sa
pagtatapos ng kanilang pagpasok sa paaralan.
D. Ang pagbibigay ng sapat na kaalaman hinggil sa tamang pangangalaga sa sarili at pagkakaroon ngprogramapara sa
mga bata na kulang sa timbang sa loob ng paaralan.

5. Si Hero ay nagtratrabaho bilang guwardiya sa maghapon sa paaralan at nagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo sa


gabi. Sa kabila ng hirap sa trabaho at kakapusan sa pera, siya ay nagpasyang magbalik-aral bilang isang iskolar sa
kolehiyo. Hanggang siya ay makapagtapos. Ano ang katangiang tinataglay ni Hero?
A. Malikhain C. Matiyaga
B. Masipag D. Pagpupunyagi

6. Musmos na bata pa lang si Maxine ay pangarap na niyang maging guro katulad ng kaniyang nanay. Nag-aral siyang
mabuti upang makamit ito. Subalit hindi maiwasan na maikumpara siya sa kagalingan ng kanyang nanay sa pagtuturo.
Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang maipakita ang kagalingan niya sa pagtuturo?
A. Makontento na lang siya kung ano ang kayang ipakita sa paggawa at pumasok araw-araw
B. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho
C. Huwag pansinin ang puna ng iba
D. Huwag na lang magturo.

7. Batay sa kasabihan na, “Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa
tao upang siya ay magtagumpay”, anong katangian ang dapat taglayin ng isang tao ayon sa tekstong ito?
A. Masigasig B.Matiyaga C. Masipag D. Makabayan

8. Ito ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay sa nararapat sa indibidwal. Ano ito?
A. Katarungan
B. Maingat na paghuhusga
C. Panloob na kalayaan ng tao
D. Pag-unawa sa damdamdamin

9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tamang pamamahala sa naimpok MALIBAN sa:


A. Paglalagak ng pera sa mga insurance
B. Pag-iipon upang bumili ng bagong damit
C. Paglalagak ng salapi sa mga investment companies
D. Pagbabadyet ng allowance para sa isang linggong baon

10. Bakit isinaalang – alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Mahalaga ang pakikipag – kapwa sa lipunang kinabibilangan
D. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.

11. Ano ang naglalarawan sa pinakmahalagang paraan ng pagtitipid?


A. maging mapagkumbaba at matutong makuntento
B. maging mapagbigay at matutong tumulong
C. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
D. maging masipag at matutong maging matiyaga

12. Bakit kailangan sa katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa?


A. Dahil binubuo ng tao ang lipunan
B. Dahil magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao
D. Dahil pangunahin sa pag-iral ng katarungang panlipunanang paggalang sa kapuwa

13. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay.
B. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang
buhay.

14. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa na may kasamang wastong pamamahala sa paggamit ng oras?
A. Dahil sapagsasagawa maisasabuhay ang layunin ng tao
B. Dahil sapagsasagawa mapatunayan ang natatanging halaga ng tao
C. Dahil sapaglikha ng produkto nangangailangan ng maraming oras upang masanay at magkaroon ng kahusayan
D. Dahil dito naisakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili,kapuwa at sa Diyos gamit ang oras na
ipinagkatiwala sa kaniya

15. Ano ang maipapayo mo sa mga taong gustong makamit ang tagumpay sa buhay?
A. Alamin ang mga sariling salik, maging masinop, mapagpunyagi at magtiwala sa sarili
B. Alamin ang gusto at hilig at maging masipag, madiskarte at matalino
C. Magkaroon ng pananampalataya at disiplina sa sarili
D. Pahalagahan ang sarili, kapuwa, at bansa

You might also like