You are on page 1of 25

Balik-aral:

• Ano ang Karapatan at Tungkulin?


• Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na
gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang
mga bagay na kailangan ng tao sa kanilang estado
sa buhay.
• Ang tungkulin ay ang obligasyong moral na gawin o
hindi gawin ang isang gawain.
• Kaakibat sa karapatan ng isang tao sa kaniyang
kapwa na igalang ito at obligasyon niyang tuparin 1

ang kanyang mga tungkulin.


Aralin 7
ANG PAGGAWA BILANG
PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG
DIGNIDAD NG TAO

2
• Video

3
• Ano ang ipinakita sa Video?
• Ano ang mahalagang aral na ipinakita
sa Video clip?
• Paano mo masasabing ang paggawa
ay pagtataguyod ng dignidad ng tao?
4
Pangkatang Gawain:
• Pagsasadula ng mga uri ng gawain ng
mga langgam, ibon, kalabaw at tao
• Isadula ang paraan ng paggawa ng
mga napiling (langgam, ibon, kalabaw
at tao) at ipakita ang layunin nila sa
paggawa.
5
Mga Tanong Para sa Pangkatang Gawain:

• 1. Bakit nagkakaiba-iba ng layunin sa


kanilang ginagawa ang mga may
buhay na nilikha ng Diyos?
• 2. Sa lahat ng mga naisadula, sino ang
may pinakamalalim na dahilan ng
paggawa?
6
Sagutin:
• 1. Alin sa mga nilikhang nasa larawan
ang may malalim na layunin sa
paggawa? Bakit ?
• 2. mahalaga ang paggawa sa tao?
• May kabuluhan ba ang paggawa sa
lipunan? Pangatuwiranan. 7
Aralin 7
ANG PAGGAWA BILANG
PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG
DIGNIDAD NG TAO

8
Panimula: • Ang paggawa ay isang bagay
na hindi na matatakasan at
kailangang harapin sa bawat
araw.
• Mahalagang kilalanin ang
paggawa bilang malaking
bahagi ng iyong pag-iral bilang
tao. Ito ay itinuturing na isang
tungkuling kailangang isagawa
nang may pananagutan 9

(Esteban, S. J. 2009).
Ano ang paggawa?
• Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning
makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
• Ang paggawa ay isang aktibidad ng tao. Maaari itong
mano-mano o nasa larangan ng ideya.
• Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang
paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa
paggawa (Institute for Development Education, 1991).
• Ang paggawa ay isang gawain ng tao na
nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at
10
pagkamalikhain; at ang produkto nito, ay
magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Kumita ng salapi na kaniyang kailangan
upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
• Kailangan ng taong gumawa para mabuhay.
Hindi maaaring maging katulad siya ng isang
parasite na laging iniaasa sa iba ang kaniyang
ikabubuhay. sa pamamagitan ng paggawa,
napagyayaman ang kaniyang dangal. 11
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at
pagbabago ng agham at teknolohiya. Mahalagang
taglayin ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na
maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa
ikauunlad ng lipunan.
• Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang
kinabibilangan. Ang paggawa ay nararapat na
patuloy na nagpapayaman sa kultura ng lipunan na
kinabibilangan. Hindi nito dapat na pinapatay ang
12
ating pagkakakilanlan para lamang makasunod sa
agos ng modernisasyon.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
• Gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan. Kailangan ng taong gumawa
upang tumugon sa ninanais ng Diyos at paunlarin
ang sangkatauhan. Ang paggawa ay isang moral na
obligasyon para sa kapwa at sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan
• Upang higit na magkaroon ng kabuluhan
(purpose) sa pag-iral ng tao. Ang buhay na walang
patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa 13
ang nagbibigay ng katuturan dito.
Subheto at Obheto ng Paggawa
(Subject and Goal of Labor)
• Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang
gumawa, ngunit binibigyang-diin na ang
paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para
sa paggawa. Hindi maaaring ituring ang tao
bilang isang kasangkapan na kinakailangan
para mapagyaman ang paggawa; bagkus,
kailangan niya ang paggawa upang makamit
14
niya ang kaniyang kaganapan.
Panlipunang Dimensyon ng Paggawa
• Ang paggawa ay paggawa para
sa kapwa at kasama ang
kapwa. Ito ay paggawa ng
isang bagay para sa iba.
• Ang bunga ng paggawa ng tao
ang nagbubukas para sa
pagpapalitan, ugnayan at
pakikisangkot sa ating kapwa.
Ang panlipunang kalikasan ng
15
paggawa ang tunay na tataya
sa paggawa.
TANDAAN:
• Ang paggawa ay higit sa pagkita
lamang ng salapi; tunay na
pinakamataas na layunin ng paggawa
ay ang pagkamit ng kaganapan bilang
tao.

16
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga ang paggawa sa tao?


• Ano ang mga mabubuting naidudulot
nito sa ating pagkatao?
• Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipakikita ang pagpapahalaga sa
paggawa sa lipunan? Ipaliwanag.
17
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod
na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa.
NO ERASURES.
1. Ang paggawa ay isang bagay na HINDI
matatakasan sa bawat araw.
2. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao
na may layuning makatugon sa sariling
pangangailangan.
3. Ang tao ay para sa paggawa at HINDI ang
18
paggawa ay para sa tao.
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa. NO
ERASURES.
4. Ang paggawa ay paggawa para sa
kapwa at kasama ang kapwa kaya
ito’y paggawa ng isang bagay para sa
iba.
5. Ang pangunahing layunin ng
paggawa ay ang kumita ng salapi.
19
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod
na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa.
NO ERASURES.
1. Ang paggawa ay isang bagay na HINDI
1.TAMAmatatakasan sa bawat araw.
2. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng
tao na may layuning makatugon sa
2.MALIsariling pangangailangan.
3. Ang tao ay para sa paggawa at HINDI
20
ang paggawa ay para sa tao.
3.MALI
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa. NO
ERASURES.
4. Ang paggawa ay paggawa para sa
1.TAMA
kapwa at kasama ang kapwa kaya
ito’y paggawa ng isang bagay para
2.MALI
sa
iba. 3.MALI
5. Ang pangunahing layunin ng
4.TAMA
paggawa ay ang kumita ng salapi.
5.MALI 21
SAGOT:

1.TAMA
2.MALI
3.MALI
4.TAMA
5.MALI 22
TAKDANG ARALIN:
• Ano ang kaibahan ng pakikilahok
sa bolunterismo?
• Pagkumparahin at magbigay ng
halimbawa.

23
TAKDANG ARALIN:
• Gumawa ng Sanaysay o Essay at
isulat sa isang buong papel) (5
puntos :
• Sa iyong palagay, sapat na ba ang
mga layunin ng tao sa paggawa?
Bakit? 24
Project: Pangkatang Proyekto para sa
Ikalawang Markahan
• Pagsasabuhay - Modyul 7: Ang Paggawa
Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad
ng Tao
• Bilang pagsasabuhay ng iyong natutuhan, gagawa
kayo ng panayam bilang pangkatang proyekto.
• Ibibigay ng guro ang mga panuto sa pagsasagawa
ng Proyekto.
25

You might also like