You are on page 1of 5

San Jose Community High School

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ika-4 NA MAHABANG PAGSUSULIT

PANGALAN: ________________________________ Baitang/Pangkat: __________________________ Iskor: ______

PANUTO. Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng pinaka tamang sagot at isulat sa hiwalay na sagutang
papel.
1. Ano ang ating ginagamit na batayan upang makapili tayo ng ating pagpipilian?
A. Isip at Kilos-Loob C. Puso
B. Katawan D. Bibig
2. Bakit nararapat na maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili?
A. Dahil ito ang tutulong upang makita ang kabuuan at iba’t-ibang anggulo ng sitwasyon.
B. Dahil ito ang magiging daan sa matiwasay na pamumuhay.
C. Dahil ito ay epektibo sa lahat ng pagkakataon
D. Dahil ito ay nararapat na gawin bilang isangindibidwal.
3. Isa sa mga panloob na salik sa pagpili ng ng kurso ay ang talento. Sino ang bumuo ng teoryang Multiple Intelligences?
A. Jean Piaget C. Eric Fromm
B. Howard Gardner D. Helen Keller
4. Sa teoryang Multiple Intelligences, ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang
nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may
kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
5. Ano ang kasanayan na may kinalaman sa pagpapaandar, pagpapanatili o pagbubuo ng mga makina?
A. Kasanayan sa mga Datos C. Kasanayan sa mga Bagay-bagay
B. Kasanayan sa Pakikiharap sa tao D. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon.
6. Alin sa mga sumusunod na talento ang may kinalaman sa mga numero?
A. Visual/Spatial C. Mathemtical/ Logical
B. Musical/Rhytmic D. Bodily Kinesthetic
7. Ano ang tawag sa paborito mong gawin dahil sa ito ay iyong gusto?
A. Hilig B. Mithiin C. Talento D. Pagpapahalaga
8. Ang mga hilig o interes ay napapangkat sa anim na kategorya – RIASEC. Ano ang ibig sabihin ng RIASEC?
A. Realistic, Investigative, Assessment, S-Social, E- Enterprising, C-Conventional
B. Realistic, Investigative, Artisitc, S-Systematic, Enterprising, C-Conventional
C. Realistic, Investigative, Artistic, S-Social, E- Enterprising, C-Conventional
D. Realistic, Investiture, Artistic, S-Social, E- Enterprising, C-Conventional
9. Ang mga sumusunod na trabaho ay halimbawa ng interes na nakapaloob sa conventional, maliban sa:

A. Clerical C. Bookkeeper
B. Drama Coach D. Administrative
10. Ano ang pansariling salik ang may malaking bahagi sa pagtamo ng nanaisin sa buhay?

A. Pagpapahalaga C. Talento
B. Kasanayan D. Mithiin
11. Ang mga sumusunod ay layunin sa pagpili ng tamang track o kurso, maliban sa:
A. Pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay.
B. Pakikibahagi sa pag-unlad ng eknomiya ng bansa.
C. Pagtataglay ng katangian ng isang produktibong mamamayan.
D. Pakikipag-paligsahan sa lahat ng aspekto ng buhay sa ating kapuwa.
12. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng panlabas na salik?

A. Pagpapahalaga C. Pamilya
B. Talento D. Hilig
13. Ano ang pinakakahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
A. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod
B. Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpapasiya.
C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
D. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay.
14. Ang personal na misyon sa buhay ay maaaring mabago o palitan.
A. Tama, sapagkat araw-araw ay maroon nababago sa tao.
B. Mali, sapagkat mawawalan ng tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
15. Kailan nagkakaroon ng kapangyarihan ang Personal na Misyon sa Buhay?
A. Kinikilala niya nag kaniyang tungkulin sa kapuwa.
B. Nagagamit sa araw-araw na mayroong pagpapahalaga.
C. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian
D. Nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
16. Ano ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan?

A. Misyon C. Propesyon
B. Bokasyon D. Tamang Direksyon
17. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na “calling” o “tawag”?

A. Tamang Direksyon C. Bokasyon


B. Propesyon D. Misyon
18. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?

A. Kapuwa, lipunan at paaralan C. Sarili, simbahan at lipunan


B. Paaralan, kapuwa at lipunan D. Sarili, kapuwa at lipunan
19. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, maliban sa:

A. Suriin ang iyong ugali at katangian C. Tipunin ang mga impormasyon


B. Tukuyin ang mga pinahahalagahan D. Sukatin ang kakayahan
20. Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, dapat gamitin ang SMART. Ano ang ibig sabihin ng SMART?
A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
B. Specific, Measurable, Attainable, Reliable, Time Bound
C. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
D. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
21. Bakit mahalagnag magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?

A. Upang siya ay hindi maligaw C. Upang magkaroon siya ng gabay


B. Upang matanaw niya ang hinaharap D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
22. Ayon kay Father Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa
oras na isinagawa niya ito?

A. Kapayapaan C. Kaligtasan
B. Kaligayahan D. Kabutihan
23. “Begin with the end in mind” ito ay ayon kay Stephen Covey sa kanyang aklat na Seven Highly Effective People. Ano kaya
ang kanyang ibig sabihin dito?
A. Mahalagang ngayon pa lamang ay mayroon na tayong malinaw na larawan ng kung ano ang ating nais marating sa
buhay.
B. Mahalagang ngayon pa lamang ay nakamit na natin ang ating gustong gawin sa buhay.
C. Simulan natin ang araw ng maayos at masaya.
D. Simulan natin ang araw ng walang iniisip.
24. Ang sumusunod ay kahulugan ng propesyon, maliban sa?
A. Ito ang resulta ng ating pinag-aralan
B. Ito ay matagal ng ginagawa at naging eksperto na tayo dito
C. Ito ay maaring gusto natin o hindi ngunit kailangan nating gawin sapagkat ito ang pinagkukunan natin ng ating ikakabuhay
D. Ito ay tawag ng Diyos sa atin upang gampanan ang misyon na ipinagkaloob sa atin
25. Sinasabi na ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Bakit
mahalaga na magkaroon ng sarili nating misyon sa buhay?
A. Sapagkat ito ang maghahatid sa atin ng kaganapan sa buhay
B. Sapagakat hindi maganda kung tayo ay walang misyon sa buhay
C. Sapagkat tayo ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang
D. Sapagkat lahat ng tao ay may kani-kanilang misyon sa buhay
26. Si Franco ay nagmula sa isang mayaman at kilalang pamilya sa kanilang lugar kung kaya’t kayang ibigay ng kaniyang mga
magulang ang lahat ng kaniyang pangangailangan at nais bilhin. Siya ay nagtapos ng medisina ng may pagkilala sa
prestihiyosong paaralan sa kanilang lugar. Dahil dito, maraming mga pribadong ospital ang nag-aalok sa kaniya at handa
siyang bayaran ng malaking halaga para doon niya isagawa ang kanyang propesiyon. Ngunit, mas pinili ni Franco na
maglingkod at magamit ang kaniyang propesiyon sa mga mahihirap na lugar sa bansa dahil para sa kaniya nagkakaroon siya
ng kasiyahan at doon niya lamang nakakamit ang tunay na kaganapan sa sarili.
Ang paglilingkod ni Franco sa mga mahihirap gamit ang kaniyang nalalaman sa medisina ay isang halimbawa ng?
A. Misyon C. Propesiyon
B. Bokasyon D. Hanap-buhay
27. Sa napiling landas ni Franco, paano mo mapatutunayan na nakamit niya ang kaganapan sa sarili?
A. Sapagkat bukod sa nagagamit na niya ang kaniyang nalalaman at talento sa medisina ay masaya siya sa kaniyang
ginagawa.
B. Sapagkat alam niyang anumang oras ay pwede siyang lumipat sa mga pribadong ospital
C. Sapagkat siya ay lumaki sa mayaman at kilalang pamilya
D. Sapagkat alam niyang kaya siyang bayaran ng malaking halaga sa kaniyang propesyon
28. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi
sa mundo ng paggawa maliban sa;
A. Ang kanyang hilig, talento at kakayahan
B. Ang benepisyong makukuha para sa sarili
C. Ang kursong kukunin ayon sa kanyang kasanayan
D. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa
29. Magiliw sa mga bata at mahilig magsayaw si Arlyn. Ano ang maari niyang kuning kurso sa ilalim ng HUMSS kung gusto
niyang magtrabaho dito sa bansa?
A. Antropology C. Psychology
B. Education D. Criminology
30. Si Rhea ay mahilig maggupit at ilang gawain na may kinalaman sa pagpapaganda. Pangarap niyang magtayo ng isang Salon.
Ano ang dapat niyang kuning short course sa ilalim ng TVL kung gusto niyang makapagtrabaho agad sa ibang bansa?
A. Cosmetology/Beauty Care C. Basic Dressmaking
B. Care Giving D. Housekeeping
31. Madalas mapagalitan si Bobby ng kanyang ama dahil sa pagbubutinting ng mga samu’t saring gamit sa kanilang bahay. Ano
ang maari niyang kuning kurso sa ilalim ng STEM kung gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa?
A. Basic Drafting C. Chemical Engineering
B. Information Technology D. Mechanical Engineering
32. May negosyo ang pamilya nina Edward kaya gusto niyang makatulong sa pagpapatakbo nito. Ano ang maari niyang kuning
kurso sa ilalim ng ABM kung gusto niyang patakbuhin ang kanilang negosyo?
A. Accounting Technology C. Banking and Financial Services
B. Bookkeeping D. Business Management
33. Si Ponchit ay anak ni Mama Chit na nakilala sa ipinagmamalaking chitcharon sa kanilang probinsya. Ang ideyang ito ay mula
mismo kay Ponchit sa kanyang ideyang ipagsama ang chitcharon at chitchirya. Aling track ang dapat piliin ni Ponchit?
A. TVL B. ABM C. STEM D. HUMSS
34. Nagtratrabaho bilang kahera at stockman si Benedick sa negosyo ng kanyang tiyuhin na si Ka Estong. Ang kaalamang
mayroon siya ay namana niya sa kanyang Lola Paz na may angking galing at talino sa negosyo. Aling strand ang dapat piliin
ni Benedick?
A. ABM B. STEM C. HUMSS D. TVL
35. Laging mapagalitan si Jerome sa kanyang ina dahil sa paglalaro ng basketbol at mga outdor games. Hindi tuloy nakagagawa
ng mga gawaing bahay. Ang hilig na ito ni Jerome ay hindi nawala hanggang sa siya’y nagbinata. Aling track ang dapat piliin
ni Jerome?
A. Sports C. HUMSS
B. STEM D. Housekeeping
36. Si Elsie ay kinakikitaan ng husay sa paglutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at maging sa pagpapahayag ng kanyang
nararamdaman at saloobin sa malikhaing paraan. Sa anong kasanayan nakikitaan ng husay si Elsie?
A. Datos C. Pakikiharap sa tao
B. Bagay-bagay D. Ideya at Solusyon
37. Alam ni Melissa na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ay walang kakayahan ang kaniyang magulang na
suportahan siya, subalit ito ang pangarap niya. Kung kaya't naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang
institusyon. Kaugnay nito, unti-unti din siyang nagsulat ng mga tiyak niyang plano at mga paalala upang maging gabay niya. Ano
ang pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ang isinaalang-alang ni Melissa?
A. Mithiin C. Pagpapahalaga
B. Talento D. Impluwensya ng pamilya
38. Sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, nasa kritikal na yugto ka ng buhay na anumang piliin mong tahakin ay
makakaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na hakbang na maaari mong gawin kung
ikaw ay nahihirapang magdesisyon ukol sa pipiliin mong kurso sa Senior High School?
A. Sundin ang nais ng magulang
B. Gayahin ang gusto ng mga kaibigan
C. Huminto muna sa pag-aaral at magnilay
D. Mangalap ng mga impormasyon para makapag-isip at makapagplano
39. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay katulad ng isang kredo o motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais
na dumaloy ang iyong buhay. Kaya’t bata pa lamang si Angela ay alam na niya ang pangarap niya sa buhay. Bakit mahalaga para
sa kanya na makabuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Upang siya ay hindi maligaw C. Upang matanaw niya ang hinaharap
B. Upang magkaroon siya ng gabay D. Upang magkaroon siya ng kalayaan
40. Ang pagsulat ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras. Ito ay
kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na panahon. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng hakbang na angkop sa
pagbuo ng makabuluhang PPMB?
A. Si Irene ay marami ng naisulat na mga sanaysay.
B. Si Angela ay nagninilay sa kaniyang pansariling salik at mga katangian.
C. Si Art ay nagkalap ng impormasyon sa mga kurso sa Senior High School.
D. Si Alex ay palaging nakikinig sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya.
41. Ang gusto ng tatay ni Jennifer para sa kanya ay maging isang abogado at mamamahayag. Si Jennifer ay mahiyainat ang hilig
niya ay gumuhit at magpinta na taliwas sa kakayahan na dapat taglay ng abogado at mamamahayag. Aling track ang dapat
piliin ni Jennifer?
A. TVL C. STEM
B. ABM D. Arts and Design
42. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na
Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa mga malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
43. Alam ni Hannah na hindi niya kakayanin ang kursong medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na
suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship at nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano
at mga paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Hannah?
A. katayuang pinansyal C. mithiin
B. pagpapahalaga D. hilig
44. Bata pa lamang si Anna ay may interes na sa pagbabasa ng mga educational book, kasabay din nito pagguhit at minsang
pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumasali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating
ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging
Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Anna ang tagumpay ng kaniyang
piniling hanapbuhay?
A. pagpapahalaga C. mithiin
B. Impluwensya ng guro D. hilig
45. Sa pagpapasya ng pagpili ng kurso at trabaho mahalaga ang paghingi ng gabay sa Diyos. Ang pangungusap ay:
A. Mali, dahil may mga pagkakataong ang Diyos ay nagkakamali rin.
B. Mali, dahil ang tao lamang ang makakaalam ng mga pagpapasyang kanyang gagawin.
C. Tama, dahil ang panalangin ay parang magic na magbibigay linaw sa iyo kung ano talaga ang gusto mo para sa sarili.
D. Tama, dahil ito ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang maging malinaw kung ano talaga ang plano ng
Diyos para sa iyo.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni: Sinang-ayunan ni:

ADRIAN B. OCTAVIANO CARIDAD E. AMRAD ORVEN FRANCIS G. DE PEDRO


Guro II TIC-EsP Principal III
SAN JOSE COMMUNITY HIGH SCHOOL
Nicolasa Virata, General Mariano Alvarez, Cavite
depedcavite.sanjosechs@gmail.com
(02) 8808-7139 / (046) 482-0114

You might also like