You are on page 1of 6

PABLO ROMAN NATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

I.Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay paggamit ng kakayahan ng isang indibidwal ng kanyang isip, lakas at talento upang maisakatuparan niya ang
kanyang layunin.
a. Paggawa b. Obligasyon c. Likas-kayang pag-unlad d. Kompetisyon

2. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?


a. upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. upang magampanan ang isang gawain ng may pagtutulungan
c.upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa kabutihang panlahat.
d. upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan

3. Saan nagkakapantay-pantay ang tao?


a. sa paningin ng Diyos at ng lipunan b. sa pagmamahal ng kani kanilang pamilya
c. sa kanilang dignidad bilang tao d. sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay

4. Ito ay kaakibat ng karapatan.


a. Kalayaan b. Tungkulin c. Konsensya d. Pagpapasiya

5. Ang pakikilahok ay
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Karapatan d. Tungkulin

6. Ang sama-samang paggawa at pagkakaisa ay susi sa __________ ng bansa.


a. Pagkakabuklod-buklod ng mamamayan b. Kaunlaran c. Pagtutulungan D. Pagmamahalan

7. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa


a. ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat
b. ang pakikilahok ay isang malayang pagpili.
c. ang pakikilahok ay maaaring tawaging bayanihan at kawanggawa.
d. ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.

8. Ito ay mga bagay na dapat na mayroon ang isang nilalang.


a. Tungkulin b. Karapatan c. Konsensya d. Dignidad

9. Ang paggawa ay maaaring pinagmulan ng


a. Kaligayahan b. Kayamanan c. Kaalaman at Satispaksyon d. lahat ng nabanggit

10.Pinagbabawalang sumakay sa eroplano ang babaeng may skin disease ngunit hindi naman ito delikado sa kalusugan
at hindi nakakahawa. Ito ba ay makatwiran?
a. oo, sapagkat makakaabala ito saibang pasahero b. oo, upang mapanatili ang “class” ng airlines
c. hindi, dahil paglabag ito ng kanyang karapatan d. hindi,dahil kailangan nyang magbayad ng extra payment

11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng nagpapakita na sa pamamagitan ng paggawa ay nagkakaroon ng
pagkakakilanlan ang isang tao?
a. nakikilala ang isang tao bilang guro o estudyante batay sa ginagawa.
b. mayroong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kasuotan
c. nakikilala sa pamamagitan ng kanyang talento
d. nakikilala ang tao batay sa kanyang itsura.

12. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan kung bakit mayroong batas?
a. upang matiyak ang katiwasayan ng pamayanan.
b. upang magkaroon ng gabay kung tama o mali ang ginagawa ng mamamayan.
c. upang mapangalagaan ang karapatan ng nakararami.
d. upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat.

13. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


a. Kapag siya ay naging isang masamang tao b. sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c. sa oras na inapakan ang kanyang pagkatao d. wala sa nabanggit

14. May mahabang pagsusulit ka kinabukasan ngunit inaya ka ng iyong kaibigan na maggala. Ano ang iyong gagawin sa
ganitong sitwasyon?
a. sasama at ipagpapatuloy ang pag-aaral pag-uwi b. ipagwawalang bahala ang exam
c. uunahin ang pag-aaral bago ang paggagala d. pagsabayin ang pag-aaral sa paggagala
15. ikaw ay isang staff sa kumpanya. Dahil ikaw ay determinado, pinapaboran ka ng iyong boss na naging dahilan ng
Pagkainggit ng iyong ksamahan.ano ang gagawin mo?
a. hahayaan na lamang sila at pagbubutihin ang trabaho b. magsusumbong sa boss
c. ipagmamayabang ang pabor ng boss d.ipagpapasa Dyos na lamang

16. Madalas kang pagalitan sapagkat lagi kang nagkakamali sa iyong trabaho. Ano ang dapat mong gawin?
a. magagalit sa namumuno kasi ikaw na lang palagi ang nakikita.
b. tatatagan ang loob dahil bahagi ito ng pagkatuto
c. umalis sa trabaho at humanap ng iba.
d. magsusumbong sa kasamahan

17. Ito ay gabay para kilatisin kung ano ang talaaga ng mabuti.
a. isip b. kaluluwa c. puso d. puso at isip

18. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:


a.protektahan ang mga mayayaman at may kapangyarihan b.ingatan ang interes ng marami.
c.itaguyod ang karapatang – pantao. d.pigilan ang mga masasamang tao.

19. Ang likas na batas moral ay:


a.nilikha ni Tomas De Aquino b.nauunawaan ng tao.
c.inimbento ng mga pilosopo d.galing sa Diyos.

20. Ang mabuti ay:


a.paggawa ng tama b.pagsunod sa batas
c.pagbuo ng sarili d.pagsunod sa Diyos

21. Ang tama ay pagsunod sa mabuti:


a.sa lahat ng panahon at pagkakataon b.ayon sa sariling tantya
c.angkop sa pangangailangan at kakayahan d.nang walang pasubali

22. Tama ang isang bagay kung:


a.ito ay ayon sa mabuti b.walang nasasaktan
c.makapagpapabuti sa tao d.magdudulot ito ng kasiyahan

23. Ang pagiging makatao ay:


a.ang pagsaklolo sa iba b.ang pagiging matulungin sa kapwa
c.pagpanig sa tao d.pagsunod sa utos ng Diyos

24. Ang mabuti ay:


a.laging tama b.iba-iba sa tao c.minsan tama d.pare-pareho sa tao

25. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?
a.Konsensiya b.Dignidad c.Katwiran d.Kilos-loob

26. Ano ang totoo para sa karapatan.?


a.Ito ay mga bagay na pansarili lamang. b.Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
c.Ito ay mahahalagang bagay na dapat ay mayroon ang bawat isa.
d.Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao.

27. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa paggawa maliban sa:


a.Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pikikipagtulungan sa kanyang kapwa.
b.Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
c.Isang Gawain nng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa at pagkamalikhain,
d.Anomang gawaing makatao,nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.

28. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas ng kultural ng bansa sa pamamagitan
ng paggawa.?
a.Si Antonio na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli na nilalapatan ng modernong disenyo.
b.Si Renee na gumagawa ng damit na yari sa material na tanging sa bansa lamang nakikita at inilalapat sa yari
ng mga damit ng mga banyaga.
c.Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa.
d.Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahahok sa mga
timpalak sa buong mundo.

29. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa.
a.Bolunterismo b.Dignidad c.Pakikilahok d.Pananagutan
30. Anu-ano ang dapat makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo.?
a.Pagmamahal,Malasakit at Talento b.Panahon,Talento at Kayamanan
c.Talento,Panahon at Pagkakaisa d.Kayamanan,Talento at Bayanihan
31. Ano ang makakamit ng ating Lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos-pusong pakikilahok at
bolunterismo.?
a.Pagkakaisa b.Kabutihang Panlahat c.Pag-unlad d.Naitataguyod ang pananagutan

32. Alin sa sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo.?


a. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago b.Nagkakaroon siya ng makilalang higit ang sarili
c.Nagkakarooon ng bahagi o kontribusyon sa pagpapabuti ng lipunan
d.Nagkakarooon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba

33.Sa Bolunterismo,kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado,kundi yaong iba na hindi mo tinulungan.
Ang Pahayag na ito ay:
a.Tama,sapagkat maraming ato ang nangangailangan mg iyong tulong.
b.Mali,sapagkat ang hindi mo pagtulong ay maaaring isang bagay na makaaapekto sa iyo
c.Tama,sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya kapag hindi ka tumugon sa pangangailangan ng
iyong kapwa sa mga sandaling iyon
d.Mali,sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin.Ito dapat ay manggaling sa puso.

34.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo.?


a.Tuwing sabado at linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang lugar.
b.Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan tuwing bakasyon upang alagaan ang mga bata doon.
c.Tuwing eleksiyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piniling mabuti ang karapat-dapat na manalo.
d.Sumali si Darlene sa paglilinis ng kanilang barangggay dahil siya ay nakikiisa sa layunin nito.

35.Hindi nakilahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid
Na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis.Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico.?
a.Impormasyon b.Konsultasyon c.Sama-samang pagkilos d.Pagsuporta

36.Ang pagiging may pananagutan,mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay:


a.Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan.
b.maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan.
c.magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
d.ang magdadala ng isang masaganang pamumuhay.

37. Nakita mo ang iyong matandang kapit-bahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang
Pagkain nilang nasa hapag-kainan.Ano ang gagawin mo.?
a.Kukuhanin ko anng pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b.Kukuhanan ko ng video ang mga pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c.Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d.Papanooorin ko na lang ang pananakit ng matnda dahil may kasalanan naman ang pusa.

38. Isang lalaking de- kotse,pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi tamang pagparada nang tama ng
Kanyanng dyip.Habang pinagssasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang
Kanyang paslit na apo.Ano ang maaari mong gawin.?
a.Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b.Tatawag ako ng kinauukulan para mamagitan sa kanila tulad ng pulis o tanod sa barangay.
c.Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber.Pagsasabihan ko sila na tumigil na.
d.Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

39. Kayong magkaka-eskwela ay nasa inyong paboritong kainan.May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may
kapansanan sa paglalakad.Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw
at gutom na.Ano ang gagawin mo.?
a.Tatawagin ko siya para umupo nang sandal sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
b.Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
c.Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa may kapansanan.
d.Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa taong may kapansanan para hindi siya mainip.

40. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas batas na moral:
a.Pagkaltas ng SSS,Pag-ibig,at Buwis sa mga manggagawa.
b.Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor.
c.Pangungulit sa mga batang kalye na maligo.
d.Pagpilit sa mga tao na palagiang magsimba.

41. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala.


a.Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b.Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c.Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d.Isa lang ang batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.
42. Paano natututunan ang likas na batas moral.?
a.Binubulong ng anghel b.Tinuturo ng magulang c.Basta alam mo lang d.Sinisigaw ng konsensiya

43. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailanganupang matugunan ang kanyang pangunahing
pangangilangan.Ang pangungusap ay:
a.Tama,dahil likas sa tao ang unahing tugunan ang kanyang pangungunahing pangangailangan.
b.Tama,dahil hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c.Mali,dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d.Mali,Dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.

44. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya.?
a.Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kanyang pagkamalikhain.
b.Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c.Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d.Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

45.Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:


a.Si Mang Joel ay matagal ng karpintero,nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho.
Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito
Kung paano mas mapatitibay at mapapaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
b.Si Henry nay isang kilalang pintor.Ang kanyang panahon ay inilalaan sa isang silid para sa buong maghapong
pagtatapos ng obra.
c.Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura.Umaasa lamang siya sa
kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang
makatapos.
d.Mula pagkabata,si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador.Iniwan na siya ng
kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran.Bilang kapalit
si Anthony ay magtatrabaho doto ng isang taon.

46. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa,sa kanyang pamilya,sa lipunan na kanyang kinabibilangan
At sa bansa.Ito ay nangangahulugang:
a.Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
b.Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapwa.
c.Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
d.Lahat ng nabanggit.

47.Ano ang obheto ng paggawa.?


a.Kalipunan ng mga gawain,resources,instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga
produkto.
b.Mga taong gagamit ng mga produktong nililikha.
c.Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto.
d.Kakayahang kakailanganin ng tao sa paglikha ng isang produkto.

48.Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa.?


a.sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
b.sa kalidad ng produkto na nilikha na tao.
c.sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
d.sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.

49.Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.Ito ay nangangahulugang:
a.Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang kanyang
paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.
b.Hindi kasangkapan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman
ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c.Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang
kanyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.
d.Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nlikha bunga ng paggawa kung kaya ibinibuhos ng tao ang lahat ng kanyang
pagod at pagkamlikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

50. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimension ng paggawa.?
a.Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b.Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c.Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan,ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d.Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa
Table of Specification

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

MODYUL KAALAMAN PROSESO PAG-UNAWA PRODUKTO KABUUAN


5 1,2,3,4,5,6,7 23,24,25 10
6 8,9 19,20,21,22 34,35,36,37,38 11
7 10,11 29,30,31,32,33 26,27,28 39,40,41,42,43,44, 22
45,46,47,48,49,50
8 12,13,14,15 16,17,18 7
KABUUAN 15 8 10 17 50

ANSWER KEY IN EDUKASYON SA PAGKAKATAO 9

1.C 11.A 21.B 31.D


2.B 12.A 22.C 32.A
3.C 13.A 23.A 33.C
4.D 14.B 24.D 34.TAMA
5.A 15.C 25.B 35.MALI
6.B 16.D 26.C 36.TAMA
7.A 17.C 27.C 37.MALI
8.C 18.D 28.A 38.TAMA
9.C 19.A 29.D
10.C 20.A 30.C

39.Kamalayang Mag-isip
40.Kamalayang Makiramdam
41.Kamalayang Kumilos
42.Kamalayang Magwika
43.Pagpatay sa Sanggol
44.Pang-aabuso sa bata
45.Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan
46.Pagwawalang-bahala sa may mga kapansanan
47.Diskriminasyong Pangkasarian
48.Pagbebebta o ginagawang kalakal ang tao
49.Pagkamkam ng Lupa
50.Galit sa ibang lahi

You might also like