You are on page 1of 23

LAYUNIN NG LIPUNAN:

KABUTIHANG PANLAHAT
KP1: Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat

KP2: Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa


kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o
lipunan

KP3: Napapangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na


makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng

pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang


magpapatatag sa lipunan.

KP4: Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang


pamayanan o sector sa pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan.
“Walang sinumang tao ang maaaring
mabuhay para sa kaniyang sarili lamang”.

Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay


sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na katangian
ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas .
Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang buhay ng tao ay
panlipunan. Makikita ito sa kabuuan ng ating pag-
iral bilang tao – sa ating pagsasagawa ng mga bagay
na kailangan upang mahubog natin ang ating sarili.
Ang ating mga gawain ay panlipunan dahil
natutuhan natin ito kasama sila. Ginagawa natin ito
dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at iniaalay
natin ito para sa ating kapwa.
Ang ating
pagiging
kasama-ng-
kapwa ay isang
pagpapahalaga
na nagbibigay ng
tunay na
kaganapan sa
ating pagkatao.
Ano ang Lipunan?
Ang salitang Lipunan ay nagmula sa salitang
ugat na “lipon” na nangangahulugang
pangkat. Ang mga tao ay may
kinabibilangang pangkat na may iisang
tunguhin o layunin. Ang lipunan o pangkat ng
mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin
o tunguhin.
Halimbawa:

Ang pagkat ng mga mamamahayag ay may


iisang layuning maghatid ng mga bagong
balitang nagaganap sa bansa at sa daigdig.

Ang pangkat ng mga guro ay may iisang layuning


magpadaloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang pangkat ng mga mag-aaral ay may layuning


mag-ral g mabuti at makapagtapos ng pag-aaral.
Ano ang komunidad?
Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na
communis na nangangahulugang common o
nagkakapareho.
Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal
na nagkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
Sa isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang
natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi.
Ang bawat indibidwal ay mayroong kani-kaniyang
mga layunin o tunguhin sa buhay.
Halimbawa:

Mayroong 2 guro na nagtuturo sa magkaibang paaralan. Sila


ay bahagi ng isang lipunan, isang pangkat na may layuning
magpadaloy ng pagkatuto sa mga mag-aaral. Ngunit walang
malalim na ugnayan sa 2 guro naito. Limitado ang nalalaman
sa isa’t isa. Ngunit dumating ang pagkakataon na nagsama
sila sa isang scholarship at naging malapit na magkaibigan,
nagging magkumare at nabuo ang mas malalim pa nilang
ugnayan. Naniniwala ang isa na may malaking maiaambag
ang kanyang bagong kaibigan para sa paggabay sa kanyang
anak kung kaya niya ito ginawa. Sa pagkakataong ito, hindi
na lamang bahagi ng isang lipunan ang 2 guro kundi nagging
bahagi na ng isang komunidad.
Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng
aklat na “The Person and the Common Good”
(1996), hahanapin tlaga ng taong mamuhay sa
lipunan sa 2 mahalagang dahilan:

Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya


nilikhang perpektong o ganap at dahil likas sa knya
ang magbahagi sa knyang kapwang kaalaman at
pagmamahal.

Pangalawa, ginugusto ng taong mamuhay sa


lipunan dahil sa kanyang pangangailangan o
kakulangan mula sa material na kalikasan.
Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa
Ateneo de Manial University, binubuo ng tao ang lipunan at
binubuo ng lipunan ang tao.

Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang


nariyan na ang pamilyang umaaruga t gumagabay sa kanyang
paglaki. Nariyan din ang kanyang kapwa, paaralan at
simbahan, ang batas na kanyang sinusunod na may kanya-
kanyang ambag sa paghubog ng iba’t ibang aspekto ng
kanyang pagkatao. Ang tao rin ang bumubuo sa lipunan
sapagat matatagpuan ang mga tao sa bawat bahagi nito.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquinas, may akda ng Summa


Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit
ng tao ang lipunan ng kanyang pagkakalikha.
Ano ang Kabutihang Panlahat?
Ito ay kabutihan para sa
isang indibidwal na
nasa lipunan. Ito ay
pagpapahalagang
naiiba sa pansariling
kapakanan. Ang tunay
na tunguhin ng lipunan
ay ang kabutihan ng
komunidad na
nararapat na bumalik sa
lahat ng indibibwal na
kasapi nito.
May pagkakaiba ang kabutihan ng nakararami sa
kabutihang panlahat. Ang isakripisyo ang buhay
bng 1 taong nahatulan ng habambuhay na
pagkakabilanggo upang subukan ang gamot na
maaaring makatulong sa may taong karamdamang
hindi pa natutuklasan ang lunas ay maaring maging
katanggap-tanggap kung paiiralin ang kabutihan
ng nakararami. Ngunit nagiging katanggap-
tyanggap lamang ito bilang kabuithang panlahat
kung kusang-loob na inialay ng bilanggong ito ang
kanyang buhay para sa kagalingan ng lahat ng may
sakit at sa mga posible pang dapuan nito.
Ano ang Kabutihang Panlahat?
Ayon kay Sto. Tomas Aquinas, ang tunguhin ng
lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng
bawat indibidwal. Nangangahulugan ito ng
pagiging tugma ng personal na kabutihan sa
kabutihang panlahat. Ibig sabihin, hindi dapat
ihiwalay ng mga tao ang kani-kanilang sarili sa
paghanap ng makabubuti sa bawat isa sa kanila
kundi ang magtipon upang hanapin ang kabutihang
panlahat na magkakasama.

Ika nga sa kasabihan, ang sakit ng kalingkingan


dama ng buong katawan.
Ano ang Kabutihang Panlahat?

Ayon naman kay John Rawls, ang kabutihang


panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong
pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng
lahat ng kasapi ng isang lipunan.

Ito ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa


moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral.
Halimbawa, kung mangingibabaw ang kalayaan, lalo na
kung hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan nito,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil
mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang
kanyang naisin. Kung maningingbabaw naman ang
pagkakapantay-pantay, maaaring masakripisyo ang
kabutihan ng indibidwal. (De Torre, 1987).
Kung may isang tao na nagtrabaho ng 12 oras at ang isa
naman ay nagtrabaho ng 8 oras kung pantay lamang ang
kanilang sahod na matatanggap. Kung magkagayon, hindi
kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig
kundi ang panlipunan at pagkakapatiran, na palaging
nangangailangan ng katarungan. Kaya nga tungkulin ng
lipunan na matiyak ang kaayusan sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng mga karapatang nakabatay sa katarungan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.


Upang maging makatarungan ang isang lipunan,
kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang
karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala,
ginagalang, pinoprotektahan at
pinahahalagahan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
ng pangkat.
Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang
tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Sinusukat
ito sa:
a. Mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa
kalusugan
b. Epektibong pampublikong pangkaligtasan at
seguridad
c. Kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa
mundo
d. Makatarungang sistemang legal at pampolitika
e. Malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang
pang-ekonomiya
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

3. Ang kapayapaan
Ito ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan. May
kapayapaan kapag iginagalang ang bawat
indibidwal at umiiral ang katarungan. Upang
makamit ito, nangangailangan ng sama-samang
pagkilos ng mga tao.
Mga Hadlang sa Pagkamit ng
Kabutihang Panlahat
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng
kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang
bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa
pagkamit nito.
Halimbawa, ang sapat na suplay ng tubig ay pakikinabanagn ng
lahat ng tao. Subalit upang mapanatili ang sapat na suplay ng
tubig sa panahon ng tagtuyo, ang mga tao ay ay kailangang
magtipid sa paggamit nito. Hindi lahat ng tao nagnanais gawin
ito sapagkat ayon sa kanila, habang may nagtitipid
makikinabang pa rin siya nang hindi nababawas ng kanyang
konsumo. Ang nakakabahala rito ay kapag dumami ang taong
may gantong pangangatwiran, masisira ang kabutihang
panlahat na nakasalalay sa supotrtang manggagaling sa kanila.
Mga Hadlang sa Pagkamit ng
Kabutihang Panlahat
2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng
kaniyang personal na naisin.
Halimbawa, may mga taong ayaw manood ng balita at makialam
sa mga nangyayari sa paligid dahil mas marami siyang suliranin sa
kanyang personal na buhay na kailangang isaayos. Maaaring
ikatuwirang hindi siya makikialam sa mga bagay na hindi naman
tuwirang nakakaapekto sa knya.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki
ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
Halimbawa, upang kayanin ng mga mahihirap aang pagbili ng
produkto, kailangang tanggapin ng negosyante ang mababang
tubo o kita mula sa mga produkto. Ang tingin ng ilan ditto ay hindi
makatarungan.
Mga Kondisyon sa Pagkamit
ng Kabutihang Panlahat
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at
katarungan.
Mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang
kanilang saloobin, damdamin at pananaw. Madalas na ang
sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang
kakulangan sa pag-uusap. Kung hindi mananaig ang
pagmamahal at katarungan sa knila sa lahat ng pagkakataon,
hindi ganap na kakayanin ng sinuman na isantabi sa ilang
pagkakataon ang kanyang pansariling kaligayahan at
kapakanan para sa kabutihang panlahat. Ang 2
pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang
kanyang tunay na layunin at tunguhin.
Mga Kondisyon sa Pagkamit
ng Kabutihang Panlahat
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na
mapangalagaan.
Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng tao at
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay. Hangga’t nananaig ang
diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap
ang pagsasalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo
sa kaniyang kaganapan.
Kung walang nagagawa ang lipunang kanyang ginagalawan
upang siya ay umunlad bilang tao, masasabing hindi pa tunay na
patungo ang lipunan sa tunany nityong layunin, ang kabutihang
panlahat. Tandaan, bumubuo ang lipunan ng tao, hindi lamang tao
ang bumubuo sa lipunan.
AYON KAY JOHN F. KENNEDY:
“ Huwag mong itanong kung ano ang
magagawa ng bansa sa iyo, itanong
mo kung anong magagawa mo para
sa iyong bansa”
Ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay
nangangailangan ng pagkamit sa kabutihang panlahat.
Ganap lamang na masasabing tunay na kinikilala ang
dignidad ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon
ang kabutihang panlahat. Nararapat magmalasakit ang
lahat upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong
panlipunan (pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan)
at paunlarin ang kalagayan ng buhay ng bawat
indibidwal sa sumasalamin sa lipunan. Mahirap pa itong
isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat
ng bagay, gaano man kahirap ay magagawa kung
talagang nais. Sabi nga, “Kung gusto may paraan,
kung ayaw palaging may dahilan.”

You might also like