You are on page 1of 8

MODYUL 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT

I. Most Learning Competencies (Week 2)/Quarter 1:


.

MGA LAYUNIN
1.3 Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at
mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng
moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
1.4 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o
sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan.

Subukin

II. PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
Worksheet.
C.1. Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

A. 2. Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?


A. Ibinabahagi ni Art ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.
B. Nag-aaral si Allan upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.
C. Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
D. Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan

D. 3. Alam ni Aliyah na mahalaga sa pakikipagkapuwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin niya?
A. Igagalang ang mga mayamang tao.
B. Igagalang ang mga guro niya ngayon sa Baitang 9.
C. Tulungan ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit.
D. Tulungan ang mga nangangailangan na hindi naghihintay ng gantimpala

A. 4. Misyon ng tao ang pagpananatili ng kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ngPAGE
tao ng kaniyang
\* personal na naisin.
C. Ang bawat indibidwal ay nararapat mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.
MERGEFORMAT 6
D. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.

A. 5. Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
B. Dahil ayaw nating magkaroon ng tamad sa lipunan
C. Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang
D. Dahil may karapatan tayong kumilos

III. MGA NILALAMAN

A. BALIK-ARAL

Muling balikan ang kahulugan ng Lipunan at tunay na layunin nito. Paano nga ba makakamit ang
tunay na layunin ng lipunan?
- Ang lipunan aygrupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga
huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga
institusyon. Ang lipunan ay kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at ibat-ibang istuktura sa paligid.
Pagkakaisa ang pangunahing katangian na makikita sa isang lipunan.

B. Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Maglista ng mga kilos na sa iyong palagay ay nagpapahayag ng mga pagpapahalaga sa


kapwa. Matapos ito tayahin ang iyong sarili kung iyong nagagawa ang mga kilos na nakalagay ditto.
Markahan ang sarili batay sad alas ng iyong pagsasagawa ng mga ito. Sundan ang format sa ibaba.

Mga kilos na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa GINAGAWA KO


kapwa
Palagi Bihira Minsan Hindi

1. Pag-suporta

2. Pag-tulong

3. Pakikinig

4. Pagbibigay

5. Pag-alaga

Mga tanong:
1. Ano ang naging resulta ng pagtataya mo ng iyong sarili? Ano ang ibig sabihin nito?
- aking napansin na malapit pala ako saaking mga kapwa.
PAGE \*
2. Paano mo malilinang ang pagpapahalaga mo sa iyong kapwa?
MERGEFORMAT 6
- patuloy itong gawin at isabuhay.

Gawain 2
Panuto: Suriin ang mga institusyong panlipunan sa ibaba. Sa iyong palagay, ano ang kanilang tungkulin at
kabutihang maidudulot sa tao.
Mga Institusyon ng Lipunan Tungkuling ginagampanan Kabutihang naidudulot sa tao

1. PAMILYA Pagsuporta, pagaalaga, Natulungan akong maging


pagmamahal saakin. isang mabait na tao na may
desiplina at respeto.

2. PAARALAN Magbigay alam sa mga Nagkaroon ng kaalaman sa


magaaral. mga bagay bagay at
kanilang tinulungan upang
matupad ang kanilang mga
pangarap.

3. PAMAYANAN Pagsuporta at pagtanggap. Tinuruan nila ang mg tao na


maging malakas at
mabuhay ng masaya.

Mga Tanong Tungo sa Pag-unawa


1. Batay sa iyong mga sagot sa tsart, ano ang layunin ng bawat institusyon o sektor ng lipunan?
- ang kanilang layunin ay ang bigyang alam ang mga tao . Hinuhubog nila tayo na maging Mabuti at
desiplinado at tinutulungang makamit an ating mga pangarap.

2. Bilang mag-aaral, paano ka magkakaroon ng ambag sa pagkamit ng kabutihang panlahat sa


kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan?
- maging desiplinado at wag maging perwisyo sa ibang tao. Tumulong din sa mga nangangailangan sa
abot ng makakaya.
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng mga institusyon sa isa’t isa sa pagkamit ng
kabutihang panlahat?
- dahil ang mga ito ang tumutulog satin upang matuto at maging mabuting tao. Ito din ang tumutulong sa
ating makamit ang ating mga hangarin sa buhay.

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.


PAGE \*
MERGEFORMAT
“Huwag mong itanong 6
kung ano ang magagawa ng iyong
bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa
mo para sa iyong bansa”.
. Ang hamon ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy ay nanatiling totoo hanggang sa
ngayon, subalit nakalulungkot nga lang isiping bagama’t nauunawaan ng ilan ang kahalagahan at
kapakinabangan ng pag-ambag sa pagtamo ng kabutihang panlahat.

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Narito ang ilang nakahahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.


1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan
ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. Ang mahalaga sa iba ay
ang pakinabang na kaniyang makukuha sa kabutihang panlahat na nagmumula sa malasakit at
pagsasakripisyo ng iba. Nakikinabang lamang siya subalit walang ambag o pakinabang na
nanggagaling sa kaniya.
2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Nais ng taong
maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o
nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay –
nagnanais na “mapag-isa”. Hindi niya pinapakay ang pakinabang mula sa kabutihang hatid ng
sakripisyo ng iba subalit ayaw rin niyang magambala para sa kabutihan ng iba. Sa kulturang ito,
mahirap makumbinse ang taong isakripisyo ang kaniyang kaunting kalayaan, personal na hangarin
at pansariling interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil para sa kaniya, hindi niya
kailangang mag-ambag sa kabutihang panlahat kundi ang manatiling malaya sa pagkamit ng
kaniyang personal na kabutihan.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa
nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki at
mabigat na pananagutan kaysa sa iba.

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay Joseph de Torre
(1987):
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang
diyalogo, pagmamahal at katarungan. Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang tunay na kahulugan
ng kalayaan dahil may panganib na isipin ng ilan na walang hanggan ang kaniyang kalayaan. Mahalaga
ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw. Madalas na
ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng pag-uusap. Kung hindi mananaig
ang pagmamahal at katarungan sa kaniya sa lahat ng pagkakataon, hindi ganap na kakayanin ng sinuman
na isantabi sa ilang pagkakataon ang kaniyang pansariling kaligayahan at kapakanan para sa kabutihang
panlahat. Ang dalawang pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang kaniyang tunay na
layunin at tunguhin.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Hindi magiging ganap ang
isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi naigagalang ang kaniyang pangunahing karapatan
bilang tao. Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-
pantay. Hangga’t nananaig ang diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ang
pagsasaalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat.

PAGE \*patungo sa kaniyang kaganapan. Ang lipunan


3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad
ang nararapat na maging isa sa instrumento MERGEFORMAT
upang makamit ng tao6ang kaniyang kaganapan bilang tao.
Kung walang nagagawa ang lipunang kaniyang ginagalawan upang siya ay umunlad bilang tao,
masasabing hindi pa tunay na patungo ang lipunan sa tunay
nitong layunin, ang kabutihang panlahat. Maaaring hindi rin nagagawa ng bawat sektor ng lipunan ang
kaniyang tunay na gampanin para sa tao sa lipunan. Tandaang binanggit sa unang bahagi ng babasahing
ito na, binubuo ang lipunan ng tao hindi lamang tao ang bumubuo sa lipunan.

Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan.
Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang ito upang hindi maging
sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugang
common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng
mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad, mas
nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi. Ang bawat indibidwal ay
mayroong kani-kaniyang mga layunin o tunguhin sa buhay.

“Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang”. Kinakailangan ng
taong makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa
Likas na Batas. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila Univerisity.
Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na “The Person and the Common Good”
(1966), hahanapin talaga ng taong mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang dahilan:
1. ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at dahil likas para sa kaniya ang
magbahagi sa kaniyang kapuwa ng kaalaman at pagmamahal. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., hindi
gawa ng dalawang tao ang wika; galing ito sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, sumasalipunan
ang tao hindi lamang dahil nililikha niya ito kasama ang kaniyang kapuwa kundi dahil natutuhan
niya ito mula sa kaniyang kapuwa at ginagawa para sa kapuwa. Ang kaalaman at pagmamahal ay
maibabahagi lamang sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
2. ginugusto ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa
materyal na kalikasan. Mahalaga ring makipag-ugnayan siya sa kaniyang kapuwa upang
matugunan ang pangangailangang ito at mapunuan ang kaniyang kakulangan. Hindi makakamit ng
tao ang kaniyang kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan ang kaniyang mga
pangangailangan. Hindi lamang ito materyal na pangangailangan kundi mas higit ang tulong na
maaaring maibigay ng lipunan upang magamit natin ang ating isip at kilos-loob at mahubog ang
mga birtud. Halimbawa, upang mapagyaman natin ang ating kaalaman, kailangan ng tao ng
edukasyon na naibibigay sa tulong ng mga guro.

Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang
ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha.

Ayon naman kay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na
ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Hindi ito isang mabilis na
proseso at hindi agarang makikita ang katuparan.

Kaya mahalaga ring matiyak na ang integridad at katatagan ng pamilya ay mapangalagaan dahil ang
pamilya ang pangunahing yunit para sa paghubog ng mapanagutang mamamayang mulat sa tunay na
kahulugan ng kabutihang panlahat.

Tandaan, ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa


kabutihang panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinilala ang dignidad ng lahat ng tao kung
nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat. Nararapat na magmalasakit upang lumikha o
sumuporta sa mga institusyong panlipunan atPAGE
paunlarin\*ang kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na
sumasalamin sa lipunan. MERGEFORMAT 6
Mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat ng bagay, gaano man
ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi nga, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, palaging
may dahilan.”

Kung gusto mo ng matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon
ng kabutihang panlahat?
– gumawa ng kabutihan sa mga taong nangangailangan at nang bumalik sayo ang tinulong mong
kabutihan.

C. Isaisip

Gawain 3: Pagninilay
Panuto:
1. Buuin ang Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer sa ibaba.
2. Hinuhain ang mahalagang konsepto mula sa babasahin para mabuo ito.
3. Gamiting gabay ang Mahalagang Tanong na: Paano makakamit at mapanatili ang kabutihang
panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?

nagpapatatag Pagsisikap kabutihang panlahat

makamit moral mapanatili

Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang nagpapatatag sa lipunan.

Isagawa

Gawain 4: Pagsasabuhay

Panuto:

1. Makinig sa radyo, manoood ng telebisyon o mag-browse sa internet tungkol sa mga suliraning


kinahaharap ng ating lipunan sa kasalukuyan.
2. Makipagbahaginan at humingi ng gabay sa mga magulang tungkol sa mga nakalap na
impormasyon.
3. Batay sa nagiging resulta ng pananaliksik na ginawa mo, bumuo ng plano para sa
pagsasakatuparan ng isang gawaing tutugon sa suliraning naitala.
4. Alalahanin na ang gawain ay alinsunod sa mga patakaran sa Bagong Normal na
ipinaiiral ng lokal na pamahalaan .
5. Sundin ang pormat sa ibaba. PAGE \*
MERGEFORMAT 6
Gawain: Pagbawal sa mga kabataan na lumabas

Mga Layunin sa Paggawa: 1. pagpapanatili sa loob ng bahay ang mga bata.

2. pagbibigay alam sa mga kabataan ng kahalagahan neto.


3. Maintindihan ng lahat ang sitwasyon.

Mga Taong Kasama sa 1. Susundin kaya ng kabataan ang mga ito?


Pagsasakatuparan ng Proyekto:
2.Mababawasan ba talaga neto ang bilang ng dagsa ng may covid?

3. Mapapabuti kaya ang ating lipunan pagkatapos neto?

Mga Paraan sa paggawa: 1. bigyan alam ang mga magulang at kabatan tungkol dito.

2. paglalagay o pagpopost neto sa social media.

3. paghuli sa mga hindi sumusunod.

Resulta: Nababawasan ang banta ng covid 19 sa aming lugar.

Mga Pagpapahalagang Ang pagsunod sa mga batas ay nakakapagpabuti ng kalagayan


Natutuhan: natin at ng ating nasasakupan.

Maikling Repleksiyon: Mahalaga palang sumunod sa mga batas at nang hindi na


dumagdag pa a kahirapan na ating tinatamasa.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 4:

1. Tiyak at makabuluhan ang nabuong plano ng pagsasabuhay o action plan ng pag-aaral ngayong
panahon ng Bagong Normal bilang pakikibahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat

2. Malinaw na nailahad ang mga gagawin sa pag-aaral sa nabuong plano ng pagsasabuhay

3. Konkreto ang mga gaganaping mabuting kilos sa pag-aaral bilang pakikibahagi sa pagkamit ng
kabutihang panlahat

4. Malinis ang pagkagawa ng buong output

Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

b.1. Misyon ng tao ang pagpapanatili ang kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
D. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan

d. 2. Paano isasabuhay ni Rose ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?


A. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
B. Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos.
C. Tulungan ang mga magulang sa gawaingPAGE bahay. \*
D. Linangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba.
MERGEFORMAT 6
a. 3. Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?
A. Ibinabahagi ni Art ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.
B. Nag-aaral si Allan upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.
C. Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
D. Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.

c. 4. Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

a. 5. Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
B. Dahil ayaw natin makaroon ng mga tamad sa lipunan.
C. Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang.
D. Dahil may karapatan tayong kumilos.

PANGALAN AT LAGDA:
Ashanti Reign V. Tabalba 9-Euler Sheena May V. Tabalba
_______________________________ ___________________________
Mag-aaral/Baitang at Seksyon Magulang/Contact number

Mga Komento/Suhestiyon mula sa mga Magulang/Taga-Pangalaga:

Para sa mga karagdagang ___________________________________________________


impormasyon, maaari po ___________________________________________________
kayong makapag-ugnayan ___________________________________________________
sa akin gamit ang mga ___________________________________________________
sumusunod: ___________________________________________________
Facebook: Mary Ann Bergonio

Sanggunian:
Araňa, Ann May E.. “Modyul 1: “Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat”. Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Alternative Delivery Mode
First Edition, Iligan City, 2020
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,
2015.
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran
ng Edukasyon, 2016.

PAGE \*
MERGEFORMAT 6

You might also like