You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO:

C. E.T.R.A
College Entrance Test Review for All

Pamagat:
Pinamagatang CETRA ang gawaing ito na isang akronim na nangangahulugan
ng College Entrance Test Review for All. Isa itong rebyu para sa paghahanda sa mga
estudyante sa darating na eksaminasyon sa mga unibersidad sa pilipinas .

Kategorya ng Proyekto:
Ang gawain ay isang komprehensibong seminar upang maalala at magkaroon ng
dagdag na kaalaman ang mga estudyante sa darating na mga eksaminasyon.

Kabuuang Pondo:
Gagastos ng kabuuang P50,000 ang proyektong nabanggit. Nasa susunod na pahina ang
kabuuang detalye ng nasabing badyet.

Deskripsyon ng Proyekto:
Ang proyektong CETRA ay isang rebyu na kung saan hinahasa, pinapaunlad at inaalam
muli ang natutunan ng isang estudyang sa iba’t ibang larangan. Sa paraang ito tataas
ang kompyansa ng estudyante na ipasa ang eksaminasyon dahil sa nasabing rebyu.
Layunin ng proyektong ito na maisakatuparan ang mga sumusunod:
 Malaman muli ang kaalaman ng mag aaral sa larangan ng agham.
 Mapaunlad ang kakayahan sa pag solba sa larangan ng matematika.
 Hasain ang pagsalita, bokubolaryo, tamang pagsulat at iba pa sa aspeto ng
ingles.

Mga benipisyong dulot ng proyekto:


Tinitiyak ng proyektong ito na ang makikinabang ay ang estudyanteng desperadong
makapasa sa eksaminasyon. Tinitiyak ng proyektong ito na matugunan ang
pangangailangang kaalaman ng estudyante. Sinisigurado din na matugunan ang
kakulangan at mapalakas ang kahinaan ng mga estudyanteng naghahangad na lalong
maging mahusay sa larangan na kanilang tatahakin.

Gastusin ng proyekto:
Narito ang detalyadong badyet na kinakailangan sa pagsasagawa ng proyekto:

AYTEM HALAGA KABUUAN


Guro na propesyonal P10,000 x 3 P30,000

TABALBA, Alyssa Shane V. STEM 12 -


BSN 2
Kagamitan sa Pagtuturo P10,000 P10,000
Pagkain para sa estudyante P10,000 P10,000

Kabuuan: P50,000

Rasyonal

Sa pagaral ng mga estudyante kailangan ng gabay mula sa mga propesyonal o expert


upang mas maintindihan ang bagay-bagay halimbawa nalang ang mga guro na
makakatulong sa panukalang ito na makakapagbigay ng tulong sa estudyante sa
darating na Entrance Examination sa ibat ibang paaralan. Nanapahon ang panukalang
ito dahil sa batas na libreng edukasyon kaya ang panukalang ito ay napapahon sa
darating na Entrance Examination sa ibat ibang paaralan.
Ayon kay Taia Morley (2013), Ang edukasyon ay mahalagang bahagi ng ebanghelyo
at ng paghahandang makibahagi sa lipunan at maglaan para sa sarili at sa pamilya. Isa
ang edukasyon upang makamit ang mga pangarap sa buhay sa tulong ng panukalang
ito mas mabibigyan ng pansin ang mga estudyanteng gusto makapagaral sa kolehiyo.
Sa tulong ng mga ibat ibang propesyonal sa ibat ibang larangan mas magiging
matagumpay ang panukalang ito. Ang napiling lugar o pagdadausan ng panukalang
ito tungkol sa rebyu sa Entrance Examination sa ibat ibang paaralan ay sa Basketball
Court sa Greater Lagro at ito ay gaganapin sa Septyembre 2 2018 sa oras na 12:00
hanggang 3:00 kada sabado at linggo.

TABALBA, Alyssa Shane V. STEM 12 -


BSN 2

You might also like