You are on page 1of 29

SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.

National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION
___________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO SA
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

_____________________________________________________

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 1 of 29
COURSE OUTLINE

COURSE CODE : GEE2


TITLE : PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
TARGET POPULATION :
INSTRUCTOR : DEANNE KATE B. ANCUNA, LPT
Overview:

Ang Filipino 2 ay higit na nagpapalawak ng kaalaman at lalo pang pagpapataass


ng antas ng kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagbasa tungo sa
pagsasagawa ng pananaliksik.

Objectives:

General Objective:

Sa kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang mga hakbang sa pananaliksik.


B. Nagagamit nang mahusay ang Filipino sa pagbuo ng isang sulating
pananaliksik.
C. Nagagamit ang mga kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa na
nakatuon sa teksto at konteksto ng mga diskurso sa iba't ibang disiplina.
D. Naipapakita ang higit na mataas na kakayahang pangkomunikasyon sa
akademik na rejister ng Filipino sa mga makrong kasanayan.

ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG MGA PAKSANG TATALAKAYIN:

Week 1 VISION, MISSION, AT CORE VALUES


INTRODUKSYON NG ASIGNATURA
Week 2 SALALAYANG KAALAMAN SA PAGBASA
Week 3 HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO
Week 4 MGA KASANAYAN SA PAGBASA NG TEKSTONG AKADEMIKO
Week 5 BARAYTI AT REJISTER NG WIKA

Panuto sa mga mag-aaral:

Ang bawat kabanata ay may katumbas na mga katanungan at mga gawain sa


pagabasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Samakatuwid, kinakailangang basahin at
unawain ang bawat pahina ng modyul. Ang pagpasa ng mga gawain ay sa oras ng
inyong klase.

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 2 of 29
VISION
A premier institution that provides quality education and globally empowered individuals.

MISSION
To produce competent, community-oriented and globally competitive individuals through
holistic education.

CORE VALUES
 Service
 Excellence
 Accountability
 Innovation
 Teamwork

SEAIT HISTORICAL BACKGROUND


The South East Asian Institute of Technology, Inc. located at National Highway,
Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato, was founded by Engr. Reynaldo S. Tamayo, Jr. and
co-founded by Rochelle P. Tamayo, his wife, in 2006. Mr. and Mrs. Reynaldo S. Tamayo, Jr.
were Department of Science and Technology (DOST) scholars in Bachelor of Information
Technology at Cebu Institute of Technology. They wish to help the youth in Tupi to earn their
college degree so they can become productive citizens of the country.
Strongly driven by deep commitment to contribute to nation-building by creating a
landmark of social development through education in Tupi, the couple planned to realize this
particular dream with the all-out support of the entire Tamayo family. With the Tamayo family as
the couple’s stronghold, they thought of opening a higher education institution in 2006.
However, they decided to open first a technical-vocational school in the said year.
The school was named SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. or
SEAIT. The name was anchored in the vision offering quality education to impact not only in the
region but also in the South East Asian countries. At first, the school offered Computer
Programming NC-IV and Computer Hardware Servicing NC II. With respective certificates from
the TESDA XII, SEAIT offered Computer Programming NC-IV and Computer Hardware
Servicing NC-I in 2006. After a year, Hotel and Restaurant Management was added to its
program offerings.
The couple manage to upgrade SEAIT in 2008. They added BSIT with very affordable
tuition and other fees per semester. As the year past, SEAIT continue to grow and offered more
courses until today. It also provided assistance and scholarship grants from Tulong-Dunong and
CHED to help the youth in the municipality value affordable and quality education. And in 2016,
the Universal Financial Assistance for Tertiary Education (UNIFAST) became an “amazing
come on among higher education institutions, including SEAIT, in the region.
As an educational institution, SEAIT has existed for 15 years. It has graduated 12
batches in college. It is known for its Information Technology niche as this is the field of
specialization of the founder and co-founder. It is also known for its Civil Engineering program
as this is the field of specialization of the parents of the founder and the current president.

ACADEMIC POLICIES
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 3 of 29
A. Academic Rights: Every students has the right to receive competent instruction and
relevant quality education.
B. General Enrolment Procedures: All prospective students with their necessary
credentials must enrol during the prescribed registration period. To facilitate registration,
students should read guidelines posted online via SEAIT official page or on the bulletin
board and be guided by the registration procedures.
C. Class Attendance: Every student is required prompt and regular attendance. Tardiness
and absences are recorded from the first day of classes. There is a corresponding
sanction with a multiple absences or tardiness.
D. Examination and Grading System: There are 3 major examination administered every
semester, namely Prelim, Midterm, and Final Examination. The registrar determines the
schedule of the major examination. Grading System: 40% Quizzes; 20% Class Standing;
40% Examination.
E. Graduating with Latin Honors: The office of the Registrar in close coordination with
the Office of the Vice President for Academics shall determine and recommend to the
administrator a student who completes his baccalaureate degree with honors provided
with standard qualifications.
F. Student Fees: Includes the registration and other fees.
G. Scholarship Programs: The school recognizes excellence in academic achievement.
This is manifested in its scholarship programs given to deserving students. Other
scholarships funded by the Government and private benefactors are acknowledged
provided that a Memorandum of Agreement has been duly processed and approved by
the School President.

NON-ACADEMIC POLICIES
A. Code of Discipline for Students: The rules and regulations of the institution are
intended to maintain the order necessary for an academic environment and to ensure an
atmosphere conducive to the formation of values for men and women and for others.
B. School Identification Card (SID): SID cards will be issued and validated by the SAO
upon enrolment. Student is required to wear his SID card at all times while he is within
the school premises.
C. Uniforms/Dress Code: The school uniform must be worn with respect and dignity. Only
students wearing the prescribed uniform will be allowed to enter the school premises
and the classroom.
D. Prescribed haircut for Criminology students: Female- 2/3 (hairnet shall be used to
those who don’t want to cut their hair; Male- 2/0

CLASS POLICIES
1. Awareness of intended audience
(e.g. classes are meant for students currently enrolled in the course and you must not
enter or share a class meeting with someone unauthorized)
2. General etiquette
(e.g. mute microphones when not speaking, raise hand virtually to ask question, turn off
camera if you're stepping away)
3. Discussion
(e.g. you can disagree with others but should do so respectfully and constructively)
4. Privacy
(e.g. students should consult with the instructor to receive permission to record the
class)
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 4 of 29
Communicate instances of disruptive behaviors to the proper instructor, faculty member, or
escalate the complaint when necessary.

Introduksyon ng Asignatura (GEE2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Tiyakang nasusukat ang isinasagawang pagbabasa kung nakasulat ng isang


bagong akda ang isang mag-aaral. Dagdag dito, masasabi ring ganap ang naging
pagkaunawa sa mga babasahin kung nagsagawa ng pagkilos upang matiyak ang
katotohanan ng binasa. Sa ganitong punto, nagiging daan ang pagbabasa sa
pagsusulat at pananaliksik. Ito ang tunay na layunin ng aklat na ito kung kaya
mapapansing mayaman ang aklat sa mga aktibidad na tutulong sa mga mag-aaral
upang magsanay sa pananaliksik. Ang pagtatalakay sa bawat paksang kasangay ay
ipinaloob sa bawat aralin. Sa bawat katapusan ng mga kasangay na paksa ay
naglalaman ng pagsubok na hahasa sa kaalamang tumino sa isipan ng mga mag-aaral.
Ang hangarin ng modyul na ito na maging mabisang batayan ito sa lalong
pagpapaunlad ng gawaing pampananaliksik sa mga akademikong institusyon sa bansa.
Bilang mga Pilipino na biniyayaan ng sariling wikang pambansa, sama-sama tayo sa
pagsusulong ng wika ng bayan. Higit, gamitin ito sa larangang pananaliksik.

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 5 of 29
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION
___________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO SA
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

_____________________________________________________

WEEK 2

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 6 of 29
WEEK 2

PAGBASA: MGA SALALAYANG KAALAMAN PAGBASA

Ano ang pagbasa?


Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang maibigkas nang pasalita. Ito’y isang pag-unawa sa wika
ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag. (Austero, et al.,1999).

Ang pagbasa ay bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig,


pagsasalita at pagsuat. (Bernales, et al., 2001)

Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game. Sa pagbasa kinakailangan sa isang mambabasa na bumuo ng
kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa. Sa depinisyon ni Goodman
binibigyang-diin niya ang mga kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at
paggawa ng prediksyon sa pagpapakahulugan ng tekstong binabasa.

Mula sa http://www.bianys.com/learnet/tutorials/reading_comprehension.html
(pinasok noong Setyembre 12, 2008), may mga kasanayang dapat taglayin ang
mambabasa upang maisagawa ang mga prosesong nabanggit na:

 Literacy Awareness
- Kaalamang ang wikang binabasa ay may kahulugan, may sariling
paraan ng pagsulat at may sariling paraan sa pagbabasa; kaalaman
din ito ukol sa mga tiyak na bahaging dapat mabasa upang ganap na
maunawaan ang teksto/babasahin
 Decoding Skill
- Kakayahang makilala ang mga titik na gamit sa wikang binabasa at
maiangkop sa tunog (ponolohiya, intonasyon) ng wikang ito upang
maibigay ang tiyak na kahulugan ng salita.
 Language Factors

a. Kaalaman sa Ponolohiya

- kaalamang makilala ang ponolohiya ng wikang gamit sa


nakatalang teksto, kabilang ang palapantigan at palabigkasan ng wika

b. Kaalaman sa Salita

- kaalamang makilala ang mga tiyak na salitang gamit sa wika na


maaaring taglay o ikinaiba ng ibang wika subalit nagtataglay ng ibang
kahulugan, pagsulat o pasalita mang paraan

c. Istruktura ng Diskurso

- kaalamang makilala kung paano binubuo ang mga pahayag sa


isang wika, gayundin ang kanilang intonasyon

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 7 of 29
d. Tuntuning Pampaluwagan

- kaalamang makilala ang paraan ng pag-uugnay ng mga salita,


pangungusap o talata ng isang wika

 Cognition Factors

a. Kaalaman sa mga bagay at pangyayari sa paligid

- kaalamang makilala ang mga inilalarawan at isinasalaysay sa


akda batay sa aktuwal na kaganapan sa paligid

b. Kakayahang Pagpapanatili ng Atensyon

- kaalamang mapanatili ang atensyon sa tekstong binabasa nang


mahabang panahon

c. Kakayahan sa Pag-oorganisa

- kaalamang maorganisa o maisaayos ang mga datos ng tekstong


binabasa batay sa hinihingi ng pangyayari

d. Pag-alala

- kaalamang magtanda ng impormasyon at muling mabalikan ang


mga impormasyong ito kung kakailanganin

e. Kakayahang Magpaliwanag

- kaalamang makapagpaliwanag batay sa kahulugan ng tekstong


babasahin at makapag-uri ng datos ng mahalaga, totoo at balido

Kahalagahan ng Pagbasa
Ang pangunahing layunin ng pagbasa ay umunawa ng mga impormasyon at
ideyang nasa kapaligiran o teksto o akda. Mawawalan ng saysay at kahulugan ang
pagbabasa kung walang pag-unawa. Maaari itong maging daan ng pagtatagumpay ng
isang tao sa paaralan o sa pook ng hanapbuhay. Nakapagpapataas din ito ng tiwala sa
sarili. Malinaw, nagbabasa ang marami dahil sa iba’t ibang dahilan. At upang
mabigyang-pagpapahalaga ang mga maaaring dahilan ng pagbabasa ng tao, iniisa-isa
ito sa ibaba:

 Upang malibang
 Upang matuto
 Upang makapaghanapbuhay
 Upang maging batayan ng wasto at makatarungang desisyon
 Upang matukoy ang tiyak na direksyon
 Upang mapanatili ang ugnayan ng pamilya at mga kaibigan
 Upang maunawaan ang lipunang ginagalawan at mundong
kinabibilangan

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 8 of 29
Proseso at Katangian ng Pagbasa
Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan
bilang isang proseso. Ayon kay William Gray (sa Bernales, et al., 2001), may apat na
hakbang sa pagbasa:

a. Persepsyon- pagkilala sa nakalimbag na simbolo.


b. Komprehensyon- pagproseso ito ng isipan sa impormasyong ipinapahayag ng
simbolong nakalimbag. Ang pag-unawa sa teksto ay nagaganap sa hakbang na
ito.
c. Reaksyon- pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga
ng teksto sa hakbang na ito.
d. Asimilasyon- iniintegreyt at inuugnay ang kaalamang nakuha ng mambabasa
sa kanyang dati nang kaalaman at karanasan sa hakbang na ito.

MGA TEORYA SA PAGBASA


1.Tradisyonal na Pananaw – tinalakay nila Dole et.al (1991) na ang mga
nagsisimulang mambabasa ay nakatuon ang atensyon sa mga nakatalang datos. Mula
rito ang kahulugang kanilang ibibigay sa teksto at siyang magiging laman ng kanilang
pag-unawa. Binibigyang-larawan ang mambabasa sa pagtinging ito bilang tagatanggap
ng kahulugang nasa teksto.

Kinilala ni Nunan (1991) ang pagtinging ito bilang prosesong bottom-up; Ni


McCarthy (1999) bilang prosesong outside-in at; prosesong language-based ni
Block (1992).

2. Kognitibong Pananaw – binigyang kahulugan ni Goodman (1967) na


psycholinguistic guessing game ang pagbasa. Nangangahulugang bumubuo muna ang
mambabasa ng kanyang kahulugan ng teksto. Mula rito bubuo siya ng kanyang hinuha
na maaaring mabago o mapayaman batay sa mga kikilalanin niyang pananda mula sa
teksto. Kabahagi ito ng teoryang iskema. Ang iskema ng mambabasa ang kanyang
salalayan upang maging ganap ang kahulugang ibinibigay niya sa tekstong babasahin.

Kinilala nila Dublin at Bycina (1991) ang kognitibong pananaw bilang prosesong
top-dwon; prosesong knowledge-based para kay Block (1992).

3. Metakognitibong Pananaw – Malinaw na inihayag sa pagtinging ito na ang


binibigyang-diin ay ang gawaing isinasakatuparan ng mambabasa habang
nagbabasa.

Ito’y kinasasangkutan ng pag-iisip hinggil sa ginagawa ng isang mambabasa


habang siya ay nagbabasa. Inisa-isa nina Klien, et al. (1991) ang mga gawaing ito:
a. Pagtukoy sa layunin ng pagbabasa bago magbasa,
b. Pagtukoy sa anyo ng teksto bago magbasa,
c. Pag-iisip hinggil sa pangkalahatang karakter at katangian ng anyo at tipo ng
teksto. Hinahanap ang pamaksang pangungusap, matapos ang mga
sumusuportang detalye, patungo sa kongklusyon.
d. Pagtukoy sa layunin ng awtor sa pagsulat sa teksto. Ginagawa ito habang
binabasa ang teksto,
e. Pagpili, iskaning o kaya’t pagbasa ng detalyado, at
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 9 of 29
f. Paggawa ng patuloy na prediksyon tungkol sa susunod na mangyayari,
batay sa impormasyong unang nakuha, dating kaalaman at kongklusyon sa
mga naunang yugto.

Ang mambabasa ay maaring gumawa ng buod ng binasa. Kailangang


maisagawa ng mambabasa ang pagkaklasipay, pagsusunod-sunod, pag-uugnay-
ugnay, paghahambing at pagkokontrast, pagtukoy sa sanhi at bunga, paghuhula at
paghihinuha at pagbuo ng kongklusyon.

WALANG GAWAIN 

END OF WEEK
---------------------------------------------NOTHING FOLLOWS..-----------------------------------------

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 10 of 29
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION
___________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO SA
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
_____________________________________________________

WEEK 3

WEEK 3

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 11 of 29
HULWARAN AT ORGANISASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI

Ano ba ang tekstong ekspositori?


Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanang o
naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao.
Dito rin nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan
ng mga mambabasa na malaman ang mga sumusunod na ideya o isyu.
Isinusulat ang tekstong ekspositori ng mga manunulat na may sapat na
kasanayan sa pagsususri ng kapaligirang ginagalawan. Kung gayon,ang manunulat
isang tekstong ekspositori ay kailangan marunong magsuri at kailangan niyang maging
kritikal sa kanyang lipunan upang ang kanyang teksto ay nagtataglay ng mga
sumusunod:
a. Obhetibong pagtatalakay sa paksa,
b. Sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto,
c. Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya , at
d. Analitikong pagsusuri ng mga kaisipan.

 DEPINISYON
Kapag nais bigyang-kahulugan ang isang di-pamilyar na termino o mga salitang
bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay, kalimitang ginagamit ang estilong
depinisyon o pagbibigay ng kahulugan. Karaniwang nagtataglay ito ng tatlong bahagi:
(1) Termino o salitang binibigyang-kahulugan,
(2) Ang uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyang
kahulugan, at
(3) Ang mga natatanging katangian (distinguishing characteristics) o kung paano
ito naiiba sa mga katulad na uri.
Sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong paraan na maaaring gamitin ang isang
manunulat:
a.) Ang paggamit ng sinonim o mga salitang katulad ang kahulugan o kaisipan,
b.) Intensibong pagbibigay ng kahuugan, at
c.) Ekstensibong pagbibigay ng kahulugan- pinapalawak ang kahulugang
ibinigay o tinalakay. Maaraing gamitin sa iba’t ibang metods sa pagdebelop ng
talata tulad ng pag-uuri, analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan,
pagpapaliwanag, pagbibigay halimbawa.

 PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 12 of 29
Ang pag-iisa-isa o enumerasyon ay ang pagkaklasipika sa mga detalye sa ayos na
tila magkakasunod, samantalang maari ring magkabaligtaran o walang tiyak na
sinusundang ayos. Mahalagang matiyak na ang mga detalye ay magkakaugnay, may
pagkakatulad; at di nalalayo sa pinag-uusapan. Ang paraang ito ay maaaring ilahad na
pangungusap o parirala o kaya ay sa pamamagitan ng paggamit ng anumang bilang o
mga bullet

Halimbawa:

Mga Hakbang sa Pagsusulat

1) Pagpili ng paksa
2) Pangangalap ng datos
3) Pagpokus sa mga datos
4) Paghahanda ng balangkas
5) Panimulang Pagsulat
6) Pagsasaayos sa isinagawang draft
7) Muling pagsulat
8) Paghahanda ng pinal na kopya

 PAGSUSUNOD-SUNOD O ORDER
Ito’y maaaring sabihing pagtataya o ebalwasyon sa pag-aayos ng mga kaisipan
o detalya batay sa tamang hakbang—sa tamang pagluluto, sa pagsusunud-sunod
ng mahahalagang pangyayari o kuwento o pangyayaring naganap sa ating
kasaysayan. Maaari ring sabihin na ang hulwarang pagsusunud-sunod ay pagsunod
sa panuto o direksyon.
Ayon kina Pagkalinawan et.al. (2008), ang pagsusunud-sunod ay may tatlong uri:
sikwensyal, kronolohikal at prosidyural.

a. Sikwensyal na Pagkakasunud-sunod – ang halimbawa ng ganitong uri ng


pagkakasunud-sunod ay ang wastong pagkakasunud-sunod ng kuwento, napanood,
balita o maging sa pagbibigay ng pangunahing lunas sa tao na nalaman.
b. Kronolohikal - ito naman ay pagkakasund-sunod ng mahahalagang pangyayari
sa ating kasaysayan o ng isang tao.
c. Prosidyural – ito ay serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta. Ang pinakasimpleng halimbawa nito ay ang mga hakbang ng
pagluluto o pagbuo ng isang produkto.
 PAGHAHAMBING O PAGKOKONTRAST
Ang paghahambing at pagkokontrast ay isang tekstong nagbibigay-diin sa
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 13 of 29
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya
at maging ng pangyayari.

Halimbawa:
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
Ang dalawang panig na magkakatapat Parehong may apat na panig ang
ng parihaba ay magkakasukat. parisukat at parihaba.
Ang lahat ng apat na panig ng Parehong halimbawa ng “plain figure”
parisukat ay magkakasukat. ang parisukat at parihaba.

 PROBLEMA AT SOLUSYON
Ang pagtalakay sa isang suliranin at paglapat ng kalutasan ang pukos ng
hulwarang ito. Karaniwang inuuna ang problema bago ang solusyon sa
hulwarang ito bagama’t minsan ay ang kabalikan nito. Ang problema ay maaring
panlipunan o pang-agham na nangangailangan ng solusyon.

 SANHI AT BUNGA
Ang hulwaran ng tekstong ito ay pinapakita ang resulta ng mga
pinagdadaanang pangyayari o epekto ng mga ginawa ng tao, hayop o maging ng
kalikasan maging ito’y mabuti o masama. Kadalasan kung bakit, paano nangyari
ang mga ito. Ibig sabihin palaging naghahanap ng sago tang tao sa mga
katanungang nabubuo sa kanyang sarili.

 ARGUMENTATIBO O PANGANGATWIRAN
Ang tekstong argumentatibo o nangangatwiran ay mahikayat na sumang-
ayon ang sinumang katunggali tungkol sa pinagtatalunan o pinaglalabanang isyu o
anumang argumentatibo. Ang malawak na kaalaman at sapat na mga impormasyon
ay pangangailangan upang mailahad nang tama ang katwiran. Sa anumang paksa
na pinagtatalunan dapat ay may kakayahan na maiayos ang mga kaisipan upang
hind imaging malabo, maligaw o mapunta kung saan-saan ang paksang
pinagtatalunan.

END OF WEEK
-------------------------------------NOTHING FOLLOWS.--------------------------------------

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 14 of 29
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION
___________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO SA
GEE 2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

_____________________________________________________

WEEK 4

WEEK 4

MGA KASANAYAN BUNGA NG PAGBASA NG MGA TEKSTONG AKADEMIKO

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 15 of 29
Sa pag-alam kung anong estratehiya at gampanin ang nararapat na isagawa ng
mambabasa, mahahasa ang kanyang mga sumusunod na kasanayan sa pagbasa ng
mga tekstong akademiko:

 PAG-UURI NG IDEYA AT DETALYE

Ang kasanayang ito ay tumutukoy sa kahusayan ng mambabasang kilalanin ang


impormasyon o detalye kung mahalaga at pangunahin o kung sumusuporta sa
pangunahing detalye.
Karaniwan, kinikilalang pangunahin at mahalaga ang detalye kung ito ang sentro
o paksa ng talakay ng akda. Ito ang pokus ng mga kaganapan sa mga detalye na ubod
ng paksa. Makikilala ang pangunahing detalye kung ito ang paksang pangungusap ng
talata.
Tumutukoy ang kaugnay na detalye sa mga suportang tala lamang sa teksto.
Ang mga detalyeng ito ay tumutulong sa pagpapalawak ng talakay. Karamihan din sa
mga detalyeng ito ang nagbibigay-linaw sa paksa.
 PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO
Tumutukoy ito sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang
mambabasa. May teksto na layuning manlibang, manghikayat, mang-aliw, magbigay ng
opinyon, magpaliwanag o magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala
o prinsipyo, magtanggol, mangaral at iba pa. Laging tandaan na may mga tekstong may
dalawa o higit pang layunin. May mga teksto ring nagbibigay ng impormasyon habang
nanghihikayat.
 PAGTIYAK SA DAMDAMIN, TONO AT PANANAW NG TEKSTO
Sa pamamagitan ng tiyak na salitang ginagamit ng awtor sa isang teksto,
maaaring matiyak kung ano ang damdamin, tono at pananaw sa teksto.
Ang damdamin ng teksto ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng
mambabasa sa binasang teksto. Kung gayon, maaaring ito ay masaya, malungkot,
seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa.
Ang tono naman ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinalakay.
Samakatuwid, maaaring ito ay masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at
iba pa.
Ang pananaw naman ay tumutukoy sa pananaw ng vistang ginamit ng awtor sa
teksto. Makikita ito sa mga panghalip na ginagamit ng awtor. Kung gayon, unang
panauhan ang pananaw kung gumamit ng mga panghalip na ako, ko, din, kita, tayo,
natin, atin, kami, namin at amin. Nasa ikalawang panauhan naman kapag gumamit ng
ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo. Nasa ikatlong panuhan naman kung ang ginamit
na panghalip ay siya, niya, kanya, sila, nila at kanila.

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 16 of 29
 PAGKILALA SA PAGKAKAIBA NG OPINYON AT KATOTOHANAN
Mahalagang makilatis ng mambabasa ang opinyon at katotohanan. Ano ang
opinyon at ang katotohanan? Ang opinyon ay pahayag ng isang tao hinggil sa isang
paksa batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo. Maaari ito, kung gayon, na sang-
ayunan o tutulan ng ibang tao. Ang katotohanan ay paktuwal na kaisipan o pahayag na
hindi na mapapasubalian at tinatanggap ng lahat.

 PAGSUSURI KUNG VALID O HINDI ANG IDEYA O PANANAW

Bilang isang indibidwal na may malaking gampanin sa lipunan, kailangang lagi


nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung iyon ay valid o hindi.
Samakatuwid, hindi lahat ng ideya o pananaw n gating mambabasa ay dapat tanggapin
agad.

May mga ilang batayan upang masuri ang validity ng mga ideya o pananaw. Narito
ang ilang mga katanungang dapat na masagot upang masuri kung valid o hindi ang
isang particular na ideya o pananaw:
1. Sino ang magsasabi ng ideya o pananaw?
2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?
3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?
4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapapanaligan ba iyon?

 PAGHIHINUHA AT PAGHUHULA
Ang isang mahusay na mambabasa ay may binubuong mga tanong sa kanyang
isipan bago magbasa, habang nagbabasa at maging matapos magbasa, mga
katanungang iyong kanya ring sinasagot at bine-verify sa kanyang pagbabasa.
Halimbawa ng mga tanong na ito ay; Tungkol saan ang teksto? Ano kaya ang
mangyayari? Bakit kaya iyon ang nangyari? Anong nais sabihin saakin ng awtor ng
teksto?

Ang paghihinuha ay tinatawag ding inferencing. Ito ay tumutukoy sa kakayahang


tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues. Ang pamagat ng isang
teksto, halimbawa, ay maaaring maging clue sa paghihinuha kung tungkol sa anong
paksa ang teksto. May mga teksto ring may kalakip na larawan. Katulad ng pamagat,
maaring maging clue sa paghihinuha kung tungkol sa anong paksa ang teksto. May
mga teksto ring may kalakip na larawan. Katulad ng pamagat, maaari rin iyong gamiting
pantulong sa paghihinuha.

Ang paghuhula ya tinatawag din naming prediksyon. Gamitin ito sa pagbabasa ng


kwento at nobela. Ang isang matalinong mambabasa ay nakagagawa ng halos akyureyt
na hula kung ano ang susunod na mangyayari o maging ang kalalabasan o wakas.

 PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLOSYON

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 17 of 29
Ang lagom o buod ay tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso
na batay sa isang binasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at mahahalagang
kaisipan ng teksto.
Samantala, ang kongklosyon naman ay tumutukoysa mga implikasyog mahahango
sa mga isang binasang teksto.
 PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA MAPA, TSART, GRAP AT
TALAHANAYAN
Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga presentasyong biswal na kadalasang
ginagamit bilang pantulong sa isang teksto. Sa tulong ng mga ito, nagagawang payak at
mas madaling unawain ang mga datos na inilalahad sa isang teksto.
Ang isang mahusay na mambabasa ay kailangang nakapagbibigay ng wastong
interpret:tasyon ng mga mapa, tsart, grap at talahanayan. Narito ang ilang mga
sumusunod :
1. Pansinin ang mga leyenda. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagbibigay
ng wastong interpretasyon.
2. Pansinin din ang iskeyl na ginamit. Sa pamamagitan nito, malalaman mo
kung ano ang tumbasang ginamit para sa isang particular na sukat.
3. Pansinin kung may talababang ginamit. Maari itong maging hanguan ng
dagdag-impormasyon na kailangan sa pagbibigay-interpretasyon.
4. Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi. Bawat bahagi ay madalas na
kinapapalooban ng mga datos na kaiba o kaya’y kaugnay sa iba. Sa
pamamagitan ng pag-unawa sa bawat bahagi, makikilala ang kaibahan o
ugnayan ng mga bahagi.

 Tsart
Nagpapakita ng estruktura ng isang organisasyon maging ng ugnayan at mga
ranggo sa pagitan ng mga posisyon. Ang terminong tsart ay tumutukoy sa isang mapa
na tumutulong sa mga manedyer na Makita ang patern ng kaniyang mga nasasakupan.
Isinasaayos nito ang organisasyon at nagbabalangkas din nito ang direksyon ng control
ng kompanya. Nakatutulong ang mga tsart upang epektibong maipalaganap ang mga
impormasyon sa isang organisasyon. Nagagamit din ito upang maisagawa ang
implementasyon ng pagbabago sa isang organisasyon.

Tsart ng Organisasyon Flow Tsart

 Mapa
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 18 of 29
Ang mapa ay isang mahalagang kasangkapan sa pag-aaral ng Heograpiya. Mapa
ang nakatutulong upang matunton ang lokasyon ng mga lugar at bagay-bagay.

Ang isang mahusay n mapa ay naglalaman ng mga leyenda na siyang magpapakita


sa gumagamit ng mapa kung ano ang pagpapakahulugan ng mga simbolong
nakapaloob sa mapa (Rosenberg, 2007). Ang neatline ang nagtatalaga ng hangganan
ng sakop ng isang particular na mapa. Ang pamagat ang nagbibigay ideya kung anong
uri ng mapa ang nilalayon ng gumawa nito na tinatawag na cartographer. Ang kulay na
ginamit sa ilang mga guhit na nakapaloob sa mapa ay kumakatawan din ng isang
particular na impormasyon tulad halimbawa asul para sa lawa, ilog at dagat at kuay
lupa (brown naman para sa bundok.

 Piktograp

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 19 of 29
Isang larawan na kumakatawan ng isang salita tulad ng isang smiley na karaniwang
ginagamit sa pagte-text, sa email o sa chat (Pictograph, 2007). Sa kabilang banda, sa
mga spreadsheet, ang piktograp ay kumakatawan ng numerical ng datos, tiyakin na ang
sukat ng larawan ay proposyonal sa datos na kinakatawan upang maging tunay na
akyureyt ang piktograps.

 Layn Grap

Layn grap o palinyang grap ay isang uri ng grap na gumagamit ng mga tuldok upang
magpakita ng mga pagbabago sa paglipas ng oras o panahon. Ang palinyang grap ay
isang dayagram na nagpapakita n iisang linya na nag-uugnay ng mga tuldok, o isang
linya na nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng mga tuldok (Line graph, n.d.).

Ang mga bahagi ng palinyang grap ay ang mga sumusunod: pamagat; iskeyl o ang
bilang na nagpapakita ng mga yunit na ginamit na nagbibigay ideya kung anong yunit
ang ginamit sag rap; label na nagbibigay impormasyon kung anong datos ang
nakapaloob sa grap; bar na siyang sumusukat sa datos at ang data values na siyang
aktuwal na numero para sa bawat tuldok.

Apat na uri ng variable:

1. Categoric Variable. Inilalarawan sa pamamagitan ng isang salita at hindi


numero;
2. Ordered Variable. Mga categoric variable na maaaring isaayos ayon sa isang
partikular na order, tulad ng malamig, maalinsangan, maiinit;
3. Discrete Variable. Inilalarawan ang buong bilang, gaya ng 1,2,3; at
4. Continuous Variable. Inilalarawan ng kahit na anong bilang o bahagi ng bilang,
tulad ng 34.7.

Continuous variable naman ang angkop gamitin para sa palinyang gra

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 20 of 29
 Bar Graph

Ayon kina Joyce, Niel, Watson at Fischer (2008), ang bar grap ay isang uri ng biswal
na presentasyon ng mga impormasyon. Ginagamit ito upang isaayos ang impormasyon
upang maglahad ng mga pattern at mga ugnayan. Ang mga grap, tulad ng iba pang uri
ng biswal na presentasyon ay nakakatulong upang makabuo ang mga tao ng desisyon.
Bagamat, hindi laha ng mga kinakailangang datos ay matatagpuan sa isang grap kung
kaya’t paghihinuha lamang ang maaaring magbuo ng isang mambabasa. Kailangan na
maingat ang sino man sa pagbibigay interpretasyon sa mga datos na nakapaloob sa
isang grap upang hind imaging daan sa maling impormasyon, kalituhan o kahulugan.

Variables ang tawag sa mga komponent na pinaghahambing o sinusukat.


Karaniwang ang mga variable ay inuuri bilang dependent, mga datos na nakikitang
nagbabago kaugnay ng partikular na antas ng mga indeoendent na variable. Sa isang
grap, range ang tawag sa datos sa y-axis o vertical axis samantalang ang x-axis naman
ang domeyn.

Ang bar grap ay karanwang ginagamit para sa mga categoric, ordered at discrete
variables.

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 21 of 29
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 22 of 29
Pie Graph
Pie gaph naman ay ginagamit upang ipakita ang ugnayan ng mga bahagi na siyang
sangkap ng isang kabuuan. Ito ay mainam upang paghambingin ang sukat ng mga
magkaugnay na bahagi.
Ang mga grap ay nakakapagbgay ng impormasyon, sa katunayan ay maaari nga
itong magamit sa pagbuo ng mga prediksyon, lalo na sa mga palinyang grap, nguni sa
kabilang banda, dapat pakatandaan na mayroong limitasyon ang mga grap kung datos
ang pag-uusapan. Ito ang dahilan kung bakit bukas sa maraming katanungan ang mga
grap kaugnay ng validity nito at kung ito’y lubhang mapagkakatiwalaan ba.

 Talahanayan
Ang talahanayan ay isang organayser ng isang imbestigasyon; isang
pamamaraan ng pagharap ng mga datos; at isang organayser upang makatulong sa
pag-unawa at pag-iisip.
Sa paglikha ng talahanayan, karaniwang nasa kaliwang column ang independent
variable at sa kanan ang dependent variable.

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 23 of 29
GAWAIN 4
Pangalan:__________________ Taon at Set:_____________

1. Bumuo nang sariling maikling kwento. Isulat sa yellow paper.

2. Gumawa nang sariling halimbawa ng (mapa, pictograp at pie grap). Pumili lamang ng
isa.

END OF WEEK 4
---------------------------------------------NOTHING FOLLOWS..-----------------------------------------

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 24 of 29
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION
___________________________________________________

MODYUL SA PAGKATUTO SA
GEE 2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

_____________________________________________________

WEEK 5

WEEK 5

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 25 of 29
Batayang Kaalaman sa Wika

Ang Rehistro ng Wika

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay patunay ng pagbubuklod ng tao dahil


sa wika. Ayon kay Richard Nordquist ng www.amazon.com., tumutukoy ang barayti ng
wika sa diyalekto, idyolek, sosyolek at register ng wika. Pinangkat naman ni Pamela
Constantino sa dalawa ang tinatawag niyang baryabilidad ng wika: ang diyalektona
nabuo dahil sa dimensyong heyograpikal o teritoryo, at ang sosyolek na nabuo mula sa
dimensyong sosyal o estado sa buhay, kasarian, antas ng pinag-aralan at paniniwala.

Kay Jose Villa Panganiban, diyalekto ang tawag sa mga wikang lalawiganin o
wikang urban na nagbuklod sa mga mananalita di lamang ng pangunahing wika –
Ilocano, Bicolano, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Hiligaynon, Waray, Samar-
Leyte, Cebuano, Maguinadanaon, Tausug –kundi maging ng mgaa minoryang wika –
Tiruray, Aeta, Ivatan, Ifugao, atbp. (San Juan, 2000)

Ipinakita ng idyolek ang natatanging mga punto sa pagsasalita at ekspresyong


ikinaiba ng isa sa iba pang mananalita ng kaparehong wika – ang “ala eh” ng mga
Batangueño; ang pagpapalit ng “bang” sa “ang” ng mga taga-Angono; ang puntong
malambing ng mga Ilonggo; ang “r” na ipinalit sa “d” ng mga taga-Morong.

Binuklod ng sosyolek ang mga taong may pare-parehong antas ng


pamumuhay, interes at kinahihiligan, kasarian at edad.

Sa register ng wika na tinatawag na ding jargon ay makikita ang pagbubuklod


ng mga mananalita batay sa kanilang propesyon-may diktang bokabularyo ang
medisina, komunikasyong pangmadla,abogasya, atbp.- na tanging propesyonal na
ispesipikong propesyon ang nakauunawa. Wika nga ni Joos (1961), tumutukoy ang
register ng wika sa istilo ng pagsasalita ng mga mananalita, gayundin sa piling
bokabularyong kanyang gamit batay sa hinihingi ng pagkakataon. Narito ang kanyang
klasipikasyon:

 Nananatiling Register (Frozen Register)


Tumutukoy ito sa register ng wika na ginagamit sa Saligang Batas, sa
Panunumpa sa Watawat, sa panunumpa sa tungkulin, sa mga himno ng mga
paaralan at organisasyon at sa mga sitas sa mga Banal na Kasulatan. May
kakintalan itong pormal kung sinasambit. Taglay ng mananalita sa wikang ito ang
pagmamalaki, mataas na respeto at pag-aangkop sa sarili.

 Akademikong Register
Ito ang register ng mananalita na ginagamit sa mga paaralan, sa paghahatid
ng mga imporamsyong pampubliko, sa mga pananaliksik at sa mga
pampublikong pagbigkas tulad ng pakikipagdebate, pagtatalumpati at
palelektura. Karaniwang pormal ang istilo ng mga sangko0t na mananalita sa
wikang ito. Sinasabi ring ang tinatawag na jargon ay bahagi ng akademikong
register. Ito ay tumutukoy sa mg asset ng bokabularyo na eksklusibong gamit sa
isang partikular na disiplina o larangan.

 Konsultatibong Register
Ang uring ito naman ng register ng wika ay gamit ng mga sumasangguni sa
pinagkakatiwalaang makapagbibigay ng mabuting payo, opinyon o hatol. May
pagkapormal sapagkat ang sumasangguni ay may katanggapan na mas mataas
at dapat na may respeto sa pinagsasangguni. Ilan sa mga ito ay ang paghingi ng
payo ng mga pasyente sa doctor; pagkonsulta ng isang nasasakdal, biktima o
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 26 of 29
hinihinalang may sala sa isang abogado; pagsangguni ng isang mag-aaral sa
kanyang guro; at paghingi ng payo ng anak sa magulang.

 Karaniwang Register
Gamit ito sa karaniwang pakikipag-usap sa kaibigan, kakilala o di man
kakilala. Hindi pormal ang pili ng mga salita at malayang nakapipili ng
bokabularyong gagamitin ang mananalita ng wikang ito. May himig ng gaan at
laya ang pakikipagpalitan ng ideya, damdamin, kaisipan, memorya, panaginip,
pangarap at mithiin kung gamit ang register na ito ng wika.

 Intimasyong Register
Isa sa mga halimbawa ng register na ito ay ang wikang gamit sa pag-uusap
ng naglalambingang magkasuyo o magkasintahan. Walang kapormalan ang istilo ng
usapan sa register na ito ng wika. Karaniwan ding sa register na ito ay nasasaling
ang sekswalidad at may paggamit ng mga terminolohiyang tinatawag na “taboo”
kung kaya’t piling pili ang pinaggagamitan.

Sa dami ng mga magkakasingkahulugang salita, may iba’t ibang paraan ng


pagpapahayag ang namumutawi sa bibig ng mananalita, gayung pare-pareho
naman ang kahulugan ng nais ibahagi. Narito ang ilang halimbawa:

Pahayag 1: Buksan mo ang bentilador.


Pahayag 2: Pahingi ng pamaypay.
Pahayag 3: Walang kahangin-hangin.
Pahayag 4: Ang init!

Mga Rehistro ng Wika sa Iba’t Ibang Larangan


Bawat larangan ng pag-aaral, disiplina o propesyon gayundin ang antas ng
pamumuhay ay may kaakibat na rejister ng wika na iniaangkop ng mga nag-uusap. Iba
ang mga salitang ginagamit ng mga artista sa kadiskursong kapwa artista o ka-artista;
ng mga manggagamot sa ka-manggagamot; at iba pang propesyonal kung ka-
propesyon nila ang kadiskurso; at iba rin ang gamit nilang “wika” kung kausap nila ang
karaniwang tao o sinumang walang alam sa kanilang propesyon o larangan. Pansinin
ang mga sumusunod na halimbawa:
LARANGAN KAHULUGAN
composition Musika Piyesa o awit
komposisyon
Lengguwahe Sulatin
Agham Pinagsama-samang elemento
issue Politika Usaping pampulitika at panlipunan
isyu
Pamamahayag Paglabas ng isang pahayagan
stress Saykolohiya Tension
istress
Lengguwahe Diin, tuldik
stike Isports Nasapol (termino sa bowling)
istrayk
Paggawa Welga
Lengguwahe Hambalusin, hampasin
authority Batas Tuntunin o kapasyahan ng hukuman
awtoriti
GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 27 of 29
Sosyolohiya Tao o pangkat na may karapatan o
Literature kapangyarihan
Edukasyoon Dalubhasa dahil sa sariling likha
Militari Dalubhasa sa paksa o sangay ng
Politika karunungan
Taong may katungkulan sa military
Taong may kapangyarihan sa pamahalaan

PAGGAMIT NG MGA SALITA


Ang kakayahan sa paggamit ng salita ay kinapapalooban ng kasanayan sa
pagkilala sa mga bahagi ng pananalita, pagbuo ng mga salita at paggamit ng mga
matatalinhagang salita o pahayag. Ayon kay Bloomfield, ang mga salita ng wikang
Filipino ang nakita niyang pinakamapang-angkop o flexible. Maaaring ang kalikasan ng
salita ay pangngalan subalit maaaring magamit bilang pandiwa o pang-uri batay sa
gamit sa loob ng pahayag.

Mga Bahagi ng Pananalita

1. Pangngalan
Ito ang pinakakaraniwang bahagi ng pananalita. Ang mga salitang nasa ganitong
kaurian ay ginagamit sa tao, bagay, hayop, lunan o pangyayari. Sa loob ng pahayag,
ang bahaging ito ay panalita ay ginagamit bilang:

a. paksa ng pangungusap;
Si Joy ay maganda.

b. panuring sa kapwa pangngalan;


Si Jay, ang kapatid ng kanyang kasintahan ay ang nais
kong makilala.

c. layon ng pang-ukol;
Taga-Quezon pala siya, ayon kay Leo.

d. kaganapang pampaksa;
Mahusay na guro si Ginang Corazon.

e. pangngalang pantawag;
Ganda, dahan-dahan sa iyong pagsasalita.

f. pagkatuwirang layon; at
Nagluto muna siya ng ampalaya bago pumasok ng
paaralan.

g. pagkadi-tuwirang layon
Nag-iwan siya ng pera para sa kanyang anak.

2. Panghalip
Ang bahaging ito ng pananalita ay salitang panghalili o pamalit sa mga

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 28 of 29
pangngalan. Tulad din nang pangngalan ang gamit ng mga salitang ito.

Halimbawa:
Ikaw, ako, tayo, amin, kami, inyo, kanilaa
Ito, dito, ganiyan, ganoon, heto, ayan

3. Pandiwa
Ito ang mga salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap sapagkat nagsasaad ng
kilos o galaw ng simuno ng pahayag.

Halimbawa:
Tumakbo, tumawa, nagsaliksik, susulat

4. Pang-Uri
Nagsasaad ng katangian o uri ng pangngalan o panghalip ang bahaging ito ng
pananalita.

Halimbawa:
maganda, magaling, makulay, wasto

5. Pang-abay
Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay ang mga salitang
ito.

Halimbawa:
maayos na pumipila
tuwing Linggo
iilan marahil
6. Pang-ugnay
Ito ay ang mga salitang nagpapakita ng ugnayanng dalawang yunit sa
pangungusap na maaaring salita, parirala o sugnay.
3 uri ng pang-ugnay:
1. pangatnig – kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita
Halimbawa: at, sapagkat, dahil, o, upang, pati
2. pang-angkop – nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
Halimbawa: magandang babae, bahay na bato
3. pang-ukol – katagang nag-uugnay sa pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap
Halimbawa: para, kina, sina, hinggil kay

END OF WEEK
---------------------------------------------NOTHING FOLLOWS..-----------------------------------------

GEE2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. Page 29 of 29

You might also like