You are on page 1of 30

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 –
Modyul 12
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang
Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 12
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang
Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP


Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa iligan.city@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Ikaapat na
Markahan, Linggo 1 at 2 - Modyul 12: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng
Tamang Kursong Akademiko o
TeknikalBokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o
Hanapbuhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V
Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Jessa Ann M. Gaite


Mga Tagasuri: Airlene B. Lagas, MAPM, Judith V. Esmillaren, MEd at
Ernida A. Lucagbo, MAEd
Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I
Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I

MgaTagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief
Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
This page is intentionally blank
Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at
paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.(Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman ng
mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s Taxonomy ng Layuning
Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging
Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul at ng
kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay
tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa
kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman
(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s
Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang


Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-
aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Pinaka-Esensiyal
na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa
(Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman


at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career
Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat
ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay ito
ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng
buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto
(PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa
Bloom’s Taxonomy.
Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6,
2019, 49-57.
Pangkalahatang Panuto

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin
sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang
regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo
nang tapat ang sumusunod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na tahimik,
ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan ito
sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o
pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag- aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa mga


tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa bahaging Suriin.
Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng
modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto,
mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga


awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.


Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-
2.
Talaan ng mga Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya …………………………..........….................... i

Nilalaman ng Modyul …………………………..........….................... i

Pangkalahatang Panuto …………………………..........….................... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ......………………………........................... iii

Alamin …………………………......... ................................................................... 1

Subukin …………………………......... ..................... Error! Bookmark not defined.

Balikan …………………………......... .................................................. Error! Bookmark not defined.

Tuklasin …………………………......... ............................................................................................... 2

Linangin …………………………......... ............................................................................................... 6

Suriin …………………………......... .................................................................................................... 7

Pagyamanin …………………………......... ..................................................................................... 15

Isaisip …………………………......... ................................................................................................. 15

Isagawa …………………………......... ............................................................................................. 16

Buod …………………………..........…............................................................................................. 18

Tayahin …………………………..........… .......................................................................................... 18

Susi ng Pagwawasto …………………………..........…......................... Error! Bookmark not defined.

Sanggunian …………………………..........… ................................................. 21


Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutuhan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Balikan Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


ibang gawain
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat
mong matutuhan upang malinang ang pokus ng ksanayang
pampagkatuto.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutuhan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutuhan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutuhan sa mga pangyayari o
sitwasiyon sa totoong buhay.
Modyul Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang
Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal,
13 Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Alamin
“Handa ka na ba?” ang malimit na tanong ng taong hinihintay
ang iyong paghahanda sa isang gawain. Madalas ito rin ang linya ng
iyong guro bago ang pagsusulit o di kaya naman, ito ay nasasambit
ng isang Game Master sa kaniyang contest bago magsimula ang
kompetisyon o laro. Kawili-wiling tanong ngunit nakakagulat kung
paano ito sasagutin nang mabilisan. Ikaw, handa ka na rin bang
pumili ng nais mong track o kurso sa pagtuntong mo sa Senior High
School (Baitang 11 at 12)? Ito na ang huling markahan bago
magtapos ang iyong taon sa Baitang 9, ngunit bago ito mangyari,
kailangan mo munang magpasiya at pumili para sa iyong sarili kung
ano ang nais mong kuning track o kurso. Nais mo bang masagot ang mga tanong na iyan
nang sigurado ka at nang walang alinlangan? May mga dapat bang pagbantayan sa mga
pagpili mong ito, o sapat na bang makinig na lamang at umasa sa mga taong nakapaligid sa
iyo? Ang mga tanong na iyan ay malinaw na sasagutin at ipaliliwanag sa iyo ng modyul na ito
kasama ng susunod na tatlo pang bahagi ng markahang ito. Ang mga kaalaman na makukuha
mo rito ang magsisilbing unang hakbang patungo sa direksiyong minimithi mo at ang pangarap
ng mga taong sa iyo ay nagtiwala.

Inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang Tanong pagkatapos ng modyul na


ito: Bakit mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo, at Isports?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:
13.1. Natutukoy ang mga pagbabago sa iyong pansariling salik (talento, kasanayan, hilig,
pagpapahalaga, at mithiin) mula Baitang 7 hanggang ngayon at naiuugnay ang mga ito
sa pipiliing track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports
13.2. Nasusuri ang mga pansariling salik na nagsasaalang-alang ng mga panlabas na salik
(kakayahang pinansiyal, lokal na demand, pamilya, paaralan at kaibigan o barkada) sa
pipiliing track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports.
1
13.3. Naipaliliwanag na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,
sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay
o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa
13.4 Nakagagawa ng mga hakbang upang paghandaan ang pipiliing track o kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 201.
ts?

Tuklasin
Gawain 1a: Multiple Intelligences Survey Form (Copyright 1999 Walter McKenzie)
Panuto: Noong nasa Baitang 7 ka pa lamang nasagutan mo na itong Multiple Intelligences
Survey ni Walter McKenzie. Di ba? Alamin kung bakit kailangan mong sagutin uli ito
ngayong nasa Baitang 9 ka na. Relaks ka lang. Simulan mo munang sagutin ito uli.
1. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag ng Siyam (9) na seksiyon ng Multiple
Intelligences Survey sa ibaba.

Seksiyon 1

1. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa kanilang


pagkakatulad.
2. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal/pangkapaligiran.
3. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay nakatutulong upang mauunawaan ko ang mga
bagong datos.
4. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
5. Naniniwala akong mahalaga ang pangangalaga sa ating mga parke at
pambansang pasyalan.
6. Mahabang oras ang ginugugol ko sa labas ng bahay.
7. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop.
8. May pamamaraan ng pagre-recycle sa aming bahay.
9. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany at Zooloy.
10. Nasisiyahan akong magtrabaho sa lugar na maraming halaman.
Seksiyon 2
1. Madali akong makasunod sa patterns.
2. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
3. Madali para sa akin ang sumunod sa tiyempo.
4. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
5. Nasisiyahan ako sa mga tula.
6. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng ritmo.
7. Mahirap mag-concentrate sa ginagawa habang nanonood ng telebisyon o nakikinig
ng radyo. 8. Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musika.
9. Ang mga musika ay higit na nakagaganyak kaysa mga drama.
10. Madali para sa akin na makaalala ng titik o liriko ng awitin.
2
Seksiyon 3
1. Pinanatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.
2. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang ipinaliliwanag.
3. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
4. Madali akong mainis sa mga taong burara.
5. Mabilis akong magtantiya gamit ang isip lamang.
6. Masaya ang lumutas ng “logic puzzles”.
7. Hindi ako makapagsisimulang gumawa ng takdang-aralin hangga’t hindi nasasagot
ang aking mga tanong.
8. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa isang gawain.
9. Kasiya-siya sa akin ang magtrabaho gamit ang computer.
10. Kailangang may kabuluhan ang isang bagay o gawain upang makatamo ako ng
kasiyahan dito.

Seksiyon 4
1. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa kabuuan ng mga
bagay-bagay.
2. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong tungkol sa buhay.
3. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
4. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang sining.
5. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
6. Nais kong maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay inspirasyon.
7. Nasisiyahan akong magbasa ng mga isinulat ng mga kilalang pilosopo.
8. Mas madali para sa akin ang matuto kung nakikita ko kung paano ito inilalapat sa
tunay na buhay.
9. Nakamamanghang isipin na mayroong iba pang nilikhang may talino sa
sansinukob.
10. Mahalaga sa akin na madama na ako ay kaugnay ng mga tao, ideya, at mga
paniniwala.

Seksiyon 5
1. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
2. Nasisiyahan ako na makipag-usap sa ibang tao.
3. Mas masaya kapag marami ang kasama.
4. Madalas akong maging pinuno ng pangkat, sa aming mga magkakaibigan o
magkaklase.
5. Mas mahalaga para sa akin ang pakikipag-ugnayan kaysa pag-iisip o kaysa mga
natatamo ko sa buhay.
6. Higit na marami akong natutuhan sa pangkatang pag-aaral.
7. Ako ay “team player”.
8. Mahalaga sa akin ang mga kaibigan.
9. Masaya ang paglahok sa mga gawaing extra-curricular.
10. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.

Seksiyon 6
1. Higit akong natututo kung ako mismo ang gagawa.
2. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga kamay.

3
3. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games).
4. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang ipakita sa publiko.
5. Para sa akin ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa
pagpapaliwanag lamang.
6. Hilig ko ang pagsayaw.
7. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang kasangkapan.
8. Mahirap para sa akin ang umupo nang pirmi sa loob ng mahabang oras.
9. Nasisiyahan ako kung ako mismo ang gumagawa.
10. Aktibo ang aking pamamaraan ng pamumuhay.

Seksiyon 7
1. Interesado akong matutuhan ang mga dayuhang salita.
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
3. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung inililista ang
mahahalagang bagay.
4. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
5. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindihan ang
itinuturo ng guro.
6. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat at e-mail.
7. Madali lang sa akin na ipaliwanag ang aking iniisip.
8. Nasisiyahan akong gumawa ng sulat.
9. Nasisiyahan akong maglaro ng mga salita tulad ng sa puns, anagrams at
spoonerisms.
10. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng publiko.

Seksiyon 8
1. Ang aking asal ay may epekto kung paano ako natututo.
2. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapwa.
3. May kamalayan ako sa aking mga paniniwalang moral.
4. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang asignatura.
5. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin.
6. Binibigyang-pansin ko ang mga isyung panlipunan.
7. Ang paggawa nang nag-iisa ay produktibo rin tulad ng pangkatang gawain.
8. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang isang bagay bago
ko ito gawin.
9. Kapag naniniwala ako sa isang bagay, ibinibigay ko nang buong-buo ang aking isip
at lakas.
10. Handa akong magprotesta o pumirma ng petisyon upang iwasto ang isang
kamalian.

Seksiyon 9
1. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
2. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
3. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
4. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa akin upang
maunawaan at maipaliliwanag ang mga datos.
5. Nasisiyahan ako sa lahat ng uri ng mga “entertainment media.”
6. Mas madali akong makaalala gamit ang graphic organizer.
4
7. Ang mga music video ay nakapupukaw ng isip.
8. Naaalala ko ang mga bagay kung ilalarawan ko ito sa aking isip.
9. Mahusay akong bumasa ng mga mapa at plano.
10. Nagdudulot sa akin ng labis na kasiyahan ang mga three (3) dimensional puzzle.

1. Lagyan ng tsek (✓) ang bilang na nakapaloob sa Seksiyon kung ang pahayag nito ay
angkop na naglalarawan sa iyong sarili at ekis (x) naman kung hindi. Maging tapat sa iyong
sagot sa bawat bilang.
2. Pagkatapos, bilangin at i-total ang mga tsek ng bawat Seksiyon. Gamitin mo ang Tsart ng
Multiple Intelligences Survey Form sa ibaba para sa mga sagot mo sa bawat Seksiyon.
Multiple Intelligences Survey Form
Bilang Section 1 Section Section Section Section Section Section Section Section Section
Halimbawa 1 2 3 4 5 6 7 8 9

1 ✓
2 ✓
3 ✓
4 ✓
5 ✓
6 ✓
7 X
8 ✓
9
10 X
Total 8
Likha ni: Felmar M. Cardanio

Pagkatapos mong sagutan ang tsart, tumuloy ka sa Gawain 1b sa ibaba para sa


interpretasyon ng iyong mga total na puntos sa bawat Seksiyon. Sana mag-enjoy at matutuwa
ka sa pagtuklas sa taglay mong talento at kakayahan. Hirit na!

Gawain 1b: Interpretasyon ng mga total sa Multiple Intelligences Survey


Panuto: Sinagot mo ba nang buong tapat ang Multiple Intelligences survey? Ngayon,
malalaman mo na kung may pagbabago ba sa iyong taglay na talino/talento o
kakayahan ngayong nasa Baitang 9 ka na. Ano pang hinihintay mo? Sige go! Alamin
mo na, ngayon na!
1. Gamit ang iyong total ng (✓) sa bawat seksiyon at ang talaan ng mga pangalan ng mga
ito sa ibaba, maaari mo nang tuklasin kung alin sa mga ito ang iyong talino/talento o
kakayahan sa ngayon.
Seksiyon 1: Naturalist Intelligence
Seksiyon 2: Musical Intelligence
Seksiyon 3: Mathematical/Logical Intelligence
Seksiyon 4: Existentialist Intelligence
Seksiyon 5: Interpersonal Intelligence
Seksiyon 6: Bodily Kinesthetic Intelligence
Seksiyon 7: Verbal/Linguistic Intelligence
Seksiyon 8: Intrapersonal Intelligence
Seksiyon 9: Visual/Spatial Intelligence

5
2. Sa resulta ng iyong Multiple Intelligence Survey, bigyang-tuon ang tatlong seksiyon na
may pinakamataas na total ng tsek (✓) dahil malaki ang posibilidad na ang mga ito ang
taglay mo na talino o talento. O ano, tukoy mo na ba ang tatlong ito? Binabati kita!
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. May pagbabago ba sa mga natuklasan mong talino/talento o kakayahan sa kaparehong
survey ngayong nasa Baitang 9 ka na kung ihambing ito noong nasa Bitang 7 ka pa? Ano
ang napapansin mo? Ipaliwanag.
2. Ilang talino/talento o kakayahan ang natuklasan mo sa iyong sarili sa ngayon? Anong
naramdaman mo?
3. Mahalaga ba ang pagsagot uli sa Multiple Intelligence Survey kung nasa Baitang 9 na ang
isang mag-aaral? Ipaliwanag.
4. Ano ang hamon sa iyo ng iyong talino/talento o kakayahan ngayong may pandemya?

Linangin

Gawain 2
Panuto: Naiisip mo ba na isang taon na lamang ang bibilangin at magiging Senior High School
ka na? May napili ka na bang track o kurso? Paano ka magkaroon ng matalinong
pagpili?
1. Basahin sa loob ng kahon sa ibaba ang caselet ng isang magulang at anak tungkol sa
pagpili ng tamang kurso o track at paggamit ng wastong pagpapasiya.
Ina: Anak, isang taon na lamang at magtatapos ka na ng
Junior High School. May naisip ka na bang track o
kurso na kukunin mo sa Senior High School?

Anak: Yon nga po ang iniisip ko, Nay. Nalilito pa ako kung
anong track ang kukunin ko pagtuntong ng Senior
High School.

Ina: Ang payo ko sa iyo bilang magulang mo anak,


maging matalino ka sa pagpili ng track o kurso kung saan hindi masasayang ang
panahon at perang Gugugulin sa iyong pag-aaral. At siyempre, piliin mo kung
anoman ang makapagpapasaya sa iyo.

Anak: Inay, pwede n’yo po ba akong matulungan sa pagpili?

Ina: Alam mo anak, napansin ko sa iyo ngayong walang pasok dahil sa pandemya, kinahihiligan
mo ang pagkumpuni ng mga sirang gamit natin at magaling ka sa paggawa ng mga bagay-bagay
tulad ng lalagyan ng halaman gamit ang recyclable materials. Maaari kang magpa-enroll sa track
kung saan nabibilang ang iyong mga kakayahan at hilig.

Anak: Tama po kayo, Inay! Ngayon na walang pasok dahil sa lockdown, natutuklasan ko sa sarili ko
na may talento at kakayahan pala ako sa pagkukumpuni at paggawa ng mga bagay-bagay. At
alam n’yo po! Masaya po ako sa mga ginagawa ko. Maraming salamat po sa inyong payo at
paggabay, Inay.

2. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong na ito.


6
a. Naranasan mo na ba ang kaparehong sitwasiyon na iyong nabasa? Anong
naramdaman mo sa pagkakataong iyon?
b. Ngayong nasa Baitang 9 ka na, natuklasan mo na ba sa iyong sarili ang iyong mga
kakayahan at talento? Ano-ano ang mga hakbang na iyong ginawa sa pagtuklas ng
mga ito?
c. Paano mo mas mapauunlad ang iyong mga hilig at talento? Ipaliwanag.
d. Sa palagay mo, ano-ano ang nararapat isaalang-alang sa pagpili ng magiging track o
kurso sa Senior High School?
e. Bakit mahalagang isaalang-alang ang talento at kakayahan ayon hilig, mithiin, lokal at
global na demand sa pagpili ng track o kurso sa Senior High School? Ipaliwanag

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa
Pagyamanin.

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kurso Daan sa


Maayos at Maunlad na Hinaharap

“Anak, mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya.” Narinig
mo na ba ito sa iyong nanay o tatay, maging sa iyong lolo o lola? May ideya ka ba kung bakit
nila ito sinabi sa iyo? Bunga ng kanilang mga karanasan at karanasan ng iba nilang kakilala,
ibinahagi sa iyo ang ganitong payo. Matapos mong tuparin ang kanilang payo, may mga
paghahanda ka bang ginawa para sa papasukin mong mundo pagkatapos ng pag-aaral – ang
mundo ng paggawa?

Matapos mong magpamalas ng kasipagan sa pag-aaral, paghahasa ng iyong isipan sa mga


pagsusulit, at pagbubuo ng mga konsepto mula sa lahat ng iyong mga natutuhan, ano naman
kaya ang paghahandang iyong ginawa upang makapili ng angkop o tamang track o kurso
tungo sa hanapbuhay o trabahong iyong papasukin? Pareho rin kaya ang mga ito noong ikaw
ay nasa Baitang 7? Nagbago na ba ito dahil sa maraming mga bagay na dapat mo munang
isipin bago ka magpasiya? Nais mo bang malaman ang mga pangunahing salik sa pagpili ng
tamang track o kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, ngunit
nauunahan ka ng agam-agam o pagkalito dahil sa dami ng nanghihikayat sa iyo o dahil sa
impluwensiya ng kapaligiran at sa lumalaking demand ng lipunan?

Ang nakalulungkot dito ay hindi mo man lang masabi o maipahayag ang iyong tunay na pasiya
o nais na kuning track o kurso dahil may gusto ang iyong mga magulang para sa iyo. Maaaring
hindi pa matatag ang iyong loob na ito ay sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na
magpasiya para sa sarili at maging maligaya sa pinili mo ang iyong loob na ito ay sabihin at
ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na magpasiya para sa sarili at maging maligaya sa pinili
mo.

Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa iyong makita
ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo ng sitwasiyon. Mas maraming kaalaman sa mga
bagay at sitwasiyon, mas malinaw itong makikita. Mas malaki ang panahon at oras sa pag-

7
iisip ng solusyon, mas malaki rin ang pagkakataon na maging tugma at angkop ito sa mga
bagay na pinili o ninais. Malaya kang lumapit sa mga taong pinagkakatiwalaan at
makapagbibigay sa iyo ng mabuting payo. Hindi ito maiaalis sa iyo dahil sila ang mga taong
matatakbuhan natin sa oras na kailangan natin ng tulong. Sila ang may malaking
impluwensiya sa ating pagkatao. Bagaman ikaw ay may malayang isip at kilos loob, hindi pa
rin ito sa lahat ng oras ay maaaring pagbatayan. Kailangan natin ang mga taong nakapaligid
sa atin upang matulungan tayong magtimbang, magsuri ng mga bagaybagay, at maggabay
tungo sa tamang pagpapasiya.

Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian – mabuti man ito o masama.
Kaya nga, ang kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan ito
upang ikaw ay magkamali sa pasiya o pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga plano sa
buhay upang maging batayan sa maayos na tatahaking karera. Ang isang kabataan na nais
ng kalayaan at nais na maging malaya ay kailangan na maikintal sa isip ang kaniyang
kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kaniyang pagpili.

Sa yugtong kinalalagyan mo ngayon, mainam na matutuhan mo na ang buhay ay binubuo ng


maraming pagpipilian. Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti. Kahit ang
taong ayaw pumili o magpasiya, makialam sa isang bagay o sitwasiyon ay pumipili pa rin sa
isang aksiyon o kilos: ang hindi pagpili o hindi pakikialam. Dahil ang tao ay malaya at may
kakayahang pumili, siya ay inaasahang maging mapanagutan sa piniling pasiya at maging
masaya para dito.

Sa bahaging ito ng modyul, pagtuunan mo naman ng malaking pansin ang mga pansariling
salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo,
at isports: Talento, Kasanayan (Skills), Hilig, Pagpapahalaga, Mithiin.

Narito ang mga pansariling salik. Basahin at unawain ang mga ito sa tulong at gabay
ng iyong guro sa EsP Baitang 9.

1. Talento. Paglipas ng dalawang taon, pagkatapos mong masuri at malaman ang mga resulta
na lumabas sa iyong Multiple Intelligences Survey Form noong ikaw pa ay nasa
Baitang 7, lumabas ba at napalago mo ba ito nang buong husay o mas lalo itong nadagdagan
dahil naging malaya ka sa pagpapahayag ng iyong sarili sa track o kursong nais mong kunin?
Naibahagi mo rin ba ito sa iba tulad ng iyong mga kamag-aral, kaibigan, at kapatid? Tandaan
mo na ang mga talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang
tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos ng Junior High
School (Baitang 10). Sa iyong pagsusuri mula sa mga talentong napaunlad mo na, alin pa sa
mga ito ang natuklasan mo at ngayon ay napagtutuunan mo ng pansin at pagpapahalaga?
Maaari bang isa-isahin mo ito upang maging konsiderasyon mo sa pag-iisip ng angkop na
track o kurso para sa iyo?

Balikan natin ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr.
Howard Gardner (1983):
1. Verbal/Linguistic 4. Mathematical/Logical 7. Naturalist
2. Musical/Rhythmic 5. Interpersonal 8. Visual/Spatial
3. Bodily/Kinesthetic 6. Intrapersonal 9. Existentialist
8
Nakapag-imbentaryo ka na ba ng mga napalago mong talento mula sa itaas? Alin sa
kanila ang tunay na makatutulong sa iyo sa pagpili mo ng tamang track o kurso? Gamitin
ang iyong kalayaang mag-isip at ang iyong malayang kalooban sa pagkakataong ito.

Kung matagumpay mong maitutugma ang iyong talento sa trabaho/hanapbuhay ay


makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa.

2. Kasanayan (Skills). Ang mga kasanayan o skills ay isa ring maituturing na mahalagang
salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o kurso. Ang mga kasanayang ating tinutukoy
ay ang mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa
salitang abilidad, kakayahan (compentency) o kahusayan (proficiency). Upang makilala at
matukoy mo ang iyong mga kasanayan sa isang bagay, kailangang ikaw ay may hilig o
interes, mga tiyak na potensiyal at malawak na kaalaman. Sa iyong pagsusuring pansarili,
may mga tiyak ka bang kasanayan o skills na siyang magagamit mo sa pagtukoy ng iyong
pipiliing track o kurso? Kung hindi mo pa tukoy ang mga ito, makabubuting tingnan at bigyan
ng oras ang mga kategorya na nakalista sa susunod na pahina (Career Planning Workbook,
2006):
a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) – nakikipagtulungan at
nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod, at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip
para sa iba.
b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) – humahawak ng mga dokumento, datos, bilang,
naglilista o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumilikha ng mga sistemang
nauukol sa mga trabahong inatang sa kaniya.
c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) – nagpapaandar, nagpapanatili o
nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa
mga pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions.
d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – lumulutas ng mga mahihirap at
teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing
paraan.

Mainam na ngayon pa lamang ay matiyak mo nang maaga ang iyong mga


kasanayan o skills, ng sa gayon ay makatulong ito nang malaki sa iyong pagpili ng track
o kurso na nais kuhanin.

3. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at
buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod
o pagkabagot. Salungat dito ang mga gawain o bagay na ayaw mong gawin.
Nakararamdam ka ng kawalan ng sigla at mabagal na pagkilos kung kaya maikling oras
lamang ang iyong ginugugol sa mga ito. Kumpara sa mga bagay na kinahihiligan mong
gawin, hindi mo pansin ang humahabang oras sa pagsasagawa ng mga ito dahil
nasisiyahan kang gawin kahit ito ay mahirap sa paningin ng iba. Kung magagawa sa
ngayon ang ituon ang pansin sa mga tiyak mong mga hilig, umasa kang mas magiging
madali ang pagpili ng iyong nais na kuning track o kurso sa iyong nalalapit na Senior High.
Hamon ito na dapat mong paghandaan upang maging makabuluhan ang iyong pipiliing
hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa
pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

9
Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers/Work
environments, ito ay ang sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising
at Conventional. Hindi lamang nasa iisang kategorya ang hilig o interes ng isang tao,
maaari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon. Halimbawa, maaaring tatlo ang
kombinasyon ng kaniyang trabaho gaya ng ESA (Enterprising, Social at Artistic) o di kaya
naman ISC (Investigative, Social at Conventional) o anomang dalawa o tatlo sa iba’t ibang
kombinasyon.

Sa mas malawak na pagtingin, ang mga kategoryang ito ay maaaring makabuo ng


mas marami pang mga job personalities, ang ilan sa mga ito ay maaaring maging taliwas
sa katangian ng isang tao at ang kaniyang piniling trabaho. Halimbawa, ang isang tao ay
nasa kategoryang realistic (R) ngunit maari din maging artistic (A) at ang enterprising (E)
ay makakita ng trabahong ang gawain ay masiglang naglilingkod sa publiko sa ilalim ng
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan o DENR. Gamitin mo ang mga ideyang
ito patungo sa magandang hakbangin sa mas malawak mo pang pag-unawa sa iyong sarili.

Mga Interes Deskripsiyon Halimbawa ng mga Trabaho


Realistic - ang taong nasa ganitong forester, industrial arts teacher, radio
interes ay mas nasisiyahan sa operator, auto engineer, mechanical
pagbuo ng mga bagay gamit ang engineer, mining engineer, vocational
kanilang malikhaing kamay o agriculture teacher, civil engineer,
gamit ang mga kasangkapan industrial engineering technician,
kaysa makihalubilo sa mga tao at aircraft mechanic, mechanical engineer
makipagpalitan ng opinyon. Ang technician, fish and game warden,
mga taong realistic ay matapang surveyor, dental technician,
at praktikal, at mahilig sa mga architectural draftsman, electrician,
gawaing outdoor jeweler, powerhouse repairman, tool
and dye maker, machinist, mechanic,
stone cutter, locksmith, nuclear reactor
technician, tree surgeon, piano tuner,
typesetter, air conditioning engineer,
ship pilot, instrument mechanic, motion
picture projectionist, carpenter, tailor,
machine repairer
Investigative - ang mga trabahong may Economist, internist, physician,
mataas na impluwensiya rito ay anthropologist, astronomer,
nakatuon sa mga gawaing pang- pathologist, physicist, chemist,
agham. Ang mga taong nasa production planner, medical lab
ganitong interes ay mas gustong assistant, tv repairer, biologist,
magtrabaho nang magisa kaysa osteopath, chiropractor, math teacher,
gumawa kasama ang iba. Sila ay natural science teacher, optometrist,
mayaman sa ideya psychiatrist, psychologist, medical

10
at malikhain sa mga kakayahang technologist, bacteriologist,
pang-agham, isa na rito ang mga physiologist, research analyst,
pananaliksik. Mapanuri, malalim, computer analyst, programmer,
matatalino at task-oriented ang pharmacist, actuary, quality control
mga technician, computer operator,
katangian nila geologist, mathematician/statistician,
surgeon, meteorologist, agronomist,
animal scientist, botanist, zoologist,
horticulturist, natural scientist,
oceanographer, biochemist,
veterinarian, geographer, x-ray
technician, administrator, dentist, tool
designer, chemical lab technician,
engineers such as aircraft, chemical,
electrical, metallurgical, radio/tv
technician, engineering aide, weather
observer
Artistic - ang mga taong may mataas na Drama coach, language teacher,
interes dito ay mailalarawan journalist-reporter, drama-teacher,
bilang malaya at malikhain, dancing teacher, foreign language
mataas ang imahinasyon at may interpreter, philosopher, art teacher,
malawak na isipan. Nasisiyahan literature teacher, music teacher,
ang mga nasa ganitong interes musician, orchestra conductor,
advertising manager, entertainer, public
sa mga sitwasiyon kung saan
relations person, fashion model, writer,
nakararamdam sila ng kalayaan editor, radio program writer, dramatist,
na maging totoo, nang walang actor/actress, designer, interior
anomang estrukturang decorator, critic, fashion illustrator,
sinusunod at hindi basta napipilit furniture designer, jewelry designer,
na sumunod sa maraming mga furrier, garment designer, decorator,
panuntunan. Nais nila ang mga architect, artist,
gawaing may kaugnayan sa photographer , photograph retoucher,
wika, sining, musika, pag-arte, photolithographer (printer), music
pagsulat at iba pa arranger, composer
Social - ang mga nasa ganitong grupo Education, teaching, social welfare,
ay kakikitaan ng pagiging human development, counseling,
palakaibigan, popular at health professions (medicine, nursing,
responsable. Gusto nila ang etc.), social service, compensation
interaksiyon at pinaliligiran ng advising etc., dorm director,
mga tao. Madalas na mas interviewer, employment
interesado sila sa mga talakayan
representative, funeral director,
ng mga problema o sitwasiyon
chamber of commerce executive,
ng iba at mga katulad na gawain,
kung saan mabibigyan sila ng employee benefits approver, food
pagkakataong magturo, service manager, claim adjuster,
magsalita, manggamot, production expediter, health and
tumulong at mag-asikaso welfare coordinator, educational
administrator, training director,
historian, environmental health
engineer, home service representative,

11
community recreation administrator,
business agent, extension agent,

physical education teacher, building


superintendent, therapist, political
scientist, sociologist, social and group
worker, personnel director, food and
drug inspector, teacher, minister,
librarian, foreign service officer, history
teacher
Enterprising - likas sa mga taong nasa Sales and marketing field, banker,
ganitong grupo ang pagiging insurance underwriter, real state
mapanghikayat, mahusay appraiser, florist, industrial engineer,
mangumbinsi ng iba para sa contractor, warehouse manager,
pagkamit ng inaasahan o target salesperson-technical products, lawyer,
goals. Ang mga taong may judge, attorney, tv/radio announcer,
branch manager, director
mataas na interes dito ay
industrial relations, government official,
madalas na masigla,
insurance manager, managers such as
nangunguna at may pagkusa at restaurant/office/ traffic/human
kung minsan ay madaling resource/production, etc., salary and
mawalan ng pagtitimpi at wage administrator, labor arbitrator,
pasensiya systems analyst, director of
compensation and benefits, securities
salesperson, human resource recruiter

12
Conventional - ang mga grupo o pangkat ng Clerical, administrative, time study
mga taong may mataas na analyst, business (commercial)
interes dito ay naghahanap ng teacher, finance expert, accountant,
mga panuntunan at direksiyon; credit manager, timekeeper, auto
kumikilos sila nang ayon sa tiyak writing machine operator, bookkeeping
na inaasahan sa kanila. Sila ay machine operator, estimator, foreign
trade clerk, office worker, payroll clerk,
maaaring mailarawan bilang
accounting machine operator,
matiyaga, mapanagutan at
personnel clerk, sales correspondent,
mahinahon. Masaya sila sa mga
reservations agent, bookkeeper,
gawaing tiyak, may sistemang
cashier, secretary, medical secretary,
sinusunod, maayos ang mga
library assistant, data processing
datos at organisado ang record
worker, mail clerk, personnel secretary,
proofreader at iba pa

4. Pagpapahalaga. May kilala ka bang taong nakamit ang kaniyang pangarap sa buhay nang
dahil sa kaniyang mga natatanging pagpapahalaga? Sa iyong palagay, ano kaya ang
nagpaunlad sa mga taong ito? Ang kanilang mga ipinamalas na pagsisikap na abutin ang
mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

Sa isang gurong nagbibigay ng mga aralin, takda at grado, at humihikayat sa kaniyang


mga mag-aaral na matuto at magsikap sa pag-aaral, ang mga pagpapahalaga ay may
kalakip na kaalaman at pagsasanay. Personal na alam ng guro ang halaga at bunga ng
kaalaman mula sa pormal na pag-aaral tungo sa magandang hinaharap ng kaniyang mga
mag-aaral. At siya, sa kaniyang sinumpaang tungkulin ay determinado na ganapin ito nang
buong tapang para sa kapakanan at kabutihan ng kaniyang mga mahal na mag-aaral.
Gayunpaman, sa tindi at bigat ng kaniyang responsibilidad, gusto niya ang kaniyang
ginagawa at masaya siya dahil dito niya nakikita ang kaganapan ng kaniyang mga pinili at
pinahalagahang katangian.

5. Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring
magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin din
ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat. Kung ngayon pa lamang sa mura mong
edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, hindi
malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap.

Sa huling pansariling salik na ito sa pagpili ng tamang track o kursong kukunin ay


masasabing may malaking bahagi sa pagtamo ng iyong mga naisin sa buhay. Dito na
hinahamon ang iyong kakayahan upang isakatuparan o gawing ganap ang iyong mithiin sa
buhay. Sigurado akong may ginamit kang pamantayan sa pagtakda at pagkamit ng iyong
mga itinakdang mithiin.
Subukan mong sagutin at pagnilayan ang mga inihandang katanungan para sa iyo.

1. Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa pagpili, anong


track o kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports) ang nasa
isip mo ngayon?
2. Angkop ba ito sa iyong kakayahan sa pag-abot ng mga mithiin ayon sa itinakda mong
panahon?
13
3. Alin sa mga itinakda mong mithiin ang pangmadalian (short-term) at pangmatagalan
(long-term)?
4. Positibo ka bang ito ay matutupad ayon sa itinakda mong panahon na mangyari ito?
Kung hindi, anong alternatibo o iba pang paraan ang naiisip mo?
5. Sino-sino ang mga posibleng tao na maaari mong malapitan na higit na makatutulong
sa pag-abot mo ng iyong mithiin?

Ngayong nasagot mo na ang mga katanungang ito, malaki ang posibilidad na


maisaayos pa ng mabuti ang mga itinakda mong mithiin bilang pansariling salik sa pagpili
ng tamang track o kurso. Binabati na kita!

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang iyong mga pansariling salik sa pagpili


ng track o kurso ngunit hindi lamang ang mga ito ang dapat na iyong batayan. Marapat
lamang na alam mo rin ang mga panlabas na salik na maaaring makaapekto sa iyong
pagpapasiya. Ilan sa mga panlabas na salik ay impluwensiya ng pamilya, impluwensiya ng
kaibigan o barkada, gabay ng guro o Guidance Advocate, kakayahang pinansiyal at lokal
na demand. Ilan lamang ang mga ito sa mga karaniwang panlabas na salik na nakaaapekto
sa kabataang tulad mo.

Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang track o kurso para sa Baitang 11,
makakamit mo ang tunay na layunin nito:

Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang makatutulong


na maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong kalakip nito
kundi ang halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at
pagpapahalaga sa iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay ang iyong kahusayan dahil
ang talento, kasanayan at interes ang iyong puhunan.

Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang


produktibong manggagawa ay masasabing isang “asset” ng kanyang kompanya o
institusyong na kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at
adhikain ng kaniyang pinagtatrabahuhan tungo sa sama-samang paggawa.

Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay
nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa
pamamagitan ng tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga
proyekto sa takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon at
maayos na pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin. Kung ang isang
mag-aaral na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi malayo na taglayin mo
ang mga kahanga-hangang gawi na ito at maging bahagi ka ng lumalaking bilang ng mga
magagaling na manggagawa ng ating bansa.

Ang pagsusuri ng maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at epekto sa iyo ng mga


pansarili at panlabas na salik ay higit na makapagbibigay ng tamang pasiya na
makatutulong upang maging produktibo bilang isang mamamayan. Mahalaga sa kukunin
mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibalik sa Diyos kung ano ang mayroon
ka bilang tao.

14
Pagyamanin
Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.
Panuto: Mula sa iyong nabasa, subukan mo ang iyong pagkaunawa sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong sa ibaba.
1. Ano-ano ang pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong Akademiko, Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports sa pagtuntong mo ng Senior High School?
2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik na ito sa pagpili mo ng iyong track o kurso at
hanapbuhay?
3. Alin sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ang iyong higit na isinaalang-
alang? Alin ang hindi? Ipaliwanag.
4. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan (Baitang 9) na
may kaugnayan sa iyong pagsasaalang-alang sa pipiliing track o kurso o hanapbuhay?

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 217-227.

Gawain 3b: Paghihinuha ng Batayang Konsepto


Panuto: Anong mahalagang konsepto na nahinuha mo mula sa mga Gawain at babasahin?
1. Punan ang mga patlang ng tamang salita mula sa kahon sa ibaba upang mabuo ang
Batayang Konsepto ng aralin.

kursong personal ekonomiya produktibo daan tugma hanapbuhay

Ang pagiging ________ ng mga __________ na salik sa mga pangangailangan


(requirements) sa napiling _________ akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o
negosyo ay ______ upang magkaroon ng makabuluhang ___________ o negosyo at matiyak
ang pagiging __________ at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ________ ng bansa.

Isaisip

Gawain 4: Pagninilay
Panuto: Pagnilayan at sagutan ang mga tanong sa loob ng kahon. Isulat sa inyong journal ang
naging reyalisasyon o pag-unawa,

Ano-ano ang konsepto Ano ang aking pagkaunawa Ano-ano ang hakbang na aking
at kaalaman at reyalisasyon sa bawat gagawin upang mailapat ko ang
na pumukaw sa akin? konsepto at kaalamang ito? mga pang-unawa at reyalisasyong
ito sa aking buhay?

15
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 230.

Isagawa

Gawain 5: Pagganap
Panuto: Sasang-ayon ka ba na ngayon pa lamang ay mahalagang gawin mo na ang mga
gawaing angkop sa iyong paghahanda sa pagkamit ng iyong piniling track o kurso sa
Senior High School? Habang ginagawa mo ito, masimulan mo na ring maging
produktibo at makibahagi sa pagpauunlad ng ekonomiya ng bansa.
1. Gamit ang mga taglay mo na talento at hilig at ang alam mo na mga kurso o track sa Senior
High School tukuyin ang iyong mga paghahandang gagawin.
2. Isulat ang mga hinihingi ng bawat kolum ng tsart sa ibaba.
3. Gawin mong gabay ang ibinigay na halimbawa. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Mga Paghahandang Gagawin Ko Upang Makamit ang
Piniling Kurso o Track sa Senior High School
Tatlong Kurso Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: HUMSS
o Track na STEM ABM
Angkop sa
Akin
Mga Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Paghahandang 1. Pagkuha ng 1. Pagsali sa 1. Pagsasanay
Gagawin Ko impormasyon mga Math Contest sa aking mga
tungkol sa kurso o talento at hilig
track na ito 2. Pagbabasa 2. Pagkakaroon
2. Pag-unawa ng mga aklat ng positive self-
sa kurso o track tungkol sa kursong talk sa
na ito batay sa ito pagpauunlad ng
nakalap na aking tiwala sa
impormasyon sarili
Mga Taong Halimbawa Halimbawa Halimbawa
Makatulong 1. Guro ng Science 1. Guro ng Math 1. Guro ng EsP
2. Mga magulang 2. Kaklase ko na 2. Mga kasamahan
3. Ate ko na nasa magaling sa Math ko sa EsP School
STEM track ng 3. Tiyuhin ko na Level Officers
Senior High nagtuturo ng ABM 3. Guidance
School track ng SHS counselor ko sa
Baitang 9
16
Ikaw naman:
Mga Paghahandang Gagawin Ko Upang Makamit ang
Piniling Kurso o Track sa Senior High School
Tatlong Kurso
o Track na
Angkop sa
Akin
Mga 1. 2. 1. 2. 1. 2.
Paghahandang 3. 3. 3.
Gagawin Ko
Mga Taong 1. 1. 1.
Makatulong 2. 2. 2.
3. 3. 3.

Narito ang kraytirya ng pagtataya ng iyong output sa Gawain 5:


1. Natutukoy ang tatlong pinagpipilian na kurso o track sa Senior High School
2. Magkatugma ang isinulat na kurso, paghahandang gagawin at mga taong tutulong
3. Makatotohanan ang mga isinulat na paghahandang gagawin
4. Tiyak ang mga isinulat na paghahandang gagawin
5. Malinaw ang mga isinulat na paghahandang gagawin

Gawain 6: Pagsasabuhay Panuto:


1. Tingnan at pag-aralan ang halimbawa ng Force Filed Analysis sa ibaba. Makatutulong ito
sa iyong ginagawang paghahanda para sa kurso o track pagdating mo sa Senior High
School.
2. Subukan mong bumuo nito. Ito ay isang tool sa paglutas ng isang suliranin ng
pagsasakatuparan ng iyong mga plano. Kasama dito ang pagsuri sa mga puwersa (forces)
na nakakaapekto sa iyong mga gawain na maaaring nakatutulong o nakasasagabal
patungo sa pagkamit ng iyong Career Goal o mithiin sa buhay.
3. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

17
Ikaw naman:

Narito ang kraytirya ng pagtataya ng iyong output sa Gawain 5:


1. Natutukoy ang mga puwersang pantulong at mga paraang magpalakas nito
2. Natutukoy rin ang mga puwersang balakid at mga paraang magpahina nito
3. Magkatugma ang mga isinulat na puwersa at mga paraan
4. Makatotohanan ang mga isinulat na puwersa at mga paraan
5. Tiyak ang mga isinulat na puwersa at mga paraan
6. Malinaw ang mga isinulat na puwersa at mga paraan

Buod
Ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements)
sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan
upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Sino ang nagbuo ng teoryang Multiple Intelligences na nagsasabing ang lahat ng tao ay
may angking likas na kakayahan at iba’t iba ang talino o talento?
A. Jurgen Hubermas C. Santo Tomas de Aquino
B. Howard Gardner D. John Holland

2. Si John ay interesado sa kursong TECH-VOC. Ang local na pamahalaan ng Iligan City ay


naghahanap ng mga potensiyal na mag-aaral para sa kursong ito. Anong pansariling salik
ang isaalang-alang ni John sa programang ito ng local na pamahalaan?
A. In-demand na kurso
18
B. Kursong kagustuhan ng marami
C. Kunin ang kursong gusto ng magulang
D. Mithiin, kasanayan, pagpapahalaga, hilig, talino at talento

3. Isa ka sa mga mag-aaral na nalilito kung anong track o kurso ang kukunin pagtuntong mo
ng Senior High School dahil sa hindi pa naging malinaw sa iyo ang sarili mong kakayahan
at talento. Batay sa iyong natutuhan sa EsP 9, ano ang gagawin mo?
A. Magkaroon ng kalinawan ng isip at masayang kalooban
B. Magkaroon ng kagalingan sa pangangatwiran at matalas na pag-iisip
C. Magiging mahusay sa pagsusuri at magkaroon ng matinong pag-iisip
D. Sanayin ang sarili sa paggamit ng kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

4. Si Theo ay may interes sa pagbabasa ng pahayagan, pagsusulat ng sanaysay at sumali


sa mga paligsahan ng Press Conference ng paaralan. Aling pansariling salik ang
nakatutulong kay Theo?
A. Ang pagtuklas ng kanyang hilig B. Pagpapahayag ng mithiin C. Pagtukoy
sa kasanayan D. Pagpapahalaga ng iba

5. Paano maipakikita na pinapahalagahan ang paglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng


track o kurso?
A. Kunin ang kursong pinili ng magulang
B. Tingnan kung aling kurso ang mas sikat
C. Alamin kung alin sa mga kurso ang maraming nag-enrol
D. Suriin ng mabuti ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo sa pagpili

6. Bakit mahalagang pundasyon o haligi ng pagpili ng track o kurso ang pagpapahalaga?


A. Dahil lahat ng tao ay may pagpapahalaga
B. Kaibig-ibig ang taong may pagpapahalaga
C. Dahil lamang ang taong may pagpapahalaga
D. Dahil maging gabay ito sa tamang pagpapasiya sa pagpili ng kurso

7. Bakit mahalaga ang mga kakayahang mag-isip at malayang kilos loob sa pagpili ng track
o kurso sa Senior High School?
A. Dahil kailangan niyang mamili ng tamang track o kurso
B. Dahil magagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpapasiya
C. Dahil kailangan mag-isip ng track o kurso kapag magpa-enrol sa Senior High School
D. Dahil magagamit ito sa Senior High School sa pagpapasiya at malayang pagpili ng
kurso nang may pananagutan

8. Natutuhan mo sa EsP ang teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner. Batay
rito bilang mag-aaral sa Baitang 9, ano ang dapat mong gawin sa pagpili mo ng kurso sa
Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong
ipinagkaloob sa akin.
B. Pagtuunan ko ng pansin at palaguin ang angking likas na kakayahan, talino o talentong
ipinagkaloob sa akin.
C. Paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin
para sa sarili at ibahagi ito para sa kabutihang panlahat

19
D. Tuklasin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin
at gamitin ito sa pagpapaunlad mula sa tinapos na kurso.

9. Bilang mag-aaral sa Baitang 9 na may angking likas na kakayahan, talino at talento, paano
mo maipakikita ang pagpapahalaga rito?
A. Pahalagahan ang angking kakayahan at talento para sa sarili.
B. Palaguin ang angking kakayahan at talino para sa aking ikakabuti.
C. Tuklasin ng mas magamit ko ang aking angking talento para sa pagpapayaman.
D. Paunlarin ko ang aking angking kakayahan, talino at talento para sa ikabubuti ng aking
sarili at ng maibabahagi ko rin ito sa iba para sa kabutihang panlahat.

10. Alin ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga
pagpipili ang kurso para sa Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

20
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Magaaral.


Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.

Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and
Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September
26, 2017.

21
Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo St., Iligan City
Telefax: (063) 221 -6069
E-mail Address: iligan city@deped.gov.ph

22

You might also like