You are on page 1of 1

MODYUL 14

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY


3. Tipunin ang mga impormasyon.
• Kailangan mong magpasya at pumili para sa iyong sarili • Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na
kung ano ang nais mong kuning track o kurso. ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa
• Ang unang hakbang sa pagplaplano sa iyong kukuning buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan
kurso ay ang Pagsusuring Pansarili (Self- assessment). ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng
• Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.
pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-
ugnayan sa kapwa. “All of us are creators of our own destiny”
• Ang pansariling salik sa pagpili ng tamang karera ay • Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan.
ang Talento, Hilig, Kasanayan, Pagpapahalaga at Mithiin. Anuman ang iyong hahantungan ay bunga ng iyong
mga naging pagpapasya sa iyong buhay.
• Alam mo ba ang direksyon na tinatahak mo sa buhay? • Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan sapagkat
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung saan ka patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
patungo? sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay

Misyon sa Buhay Stephen Covey – “Nagkakarron ng kapangyarihan ang


• Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang misyon sa buhay kung… “
tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kanya upang 1. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang
makamit ang kaniyang mga layunin sa buhay. mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
• Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang 2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may
buhay at ganap na pagkatao. kahusayan bilang pagpapahayag ng ating pagka-
• Sa tuwing magpapasiya, kinakailangang pag- isipan ito bukodtangi.
ng mabuti upang sigurado at hindi maligaw. 3. Nagagampanan nang may balance ang mga
• Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, kapwa at lipunan. tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan, atbp.
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ipagyabang sa iba.
• Isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay
kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ano ang Misyon?
• Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa • Ang MISYON ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na
pagkakaroon ng sariling kamalayan at mataas na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
pagpapahalaga sa iyong layunin sa buhay. • Ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang
• Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven misyon na ipinagkaloob Niya sa atin.
Habits of Highly Effective People “Begin with the end in Pagkakaiba ng Propesyon sa Bokasyon
mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na • Ang PROPESYON ay trabaho na ginagawa ng tao
sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang upang siya ay mabuhay.
nais mong mangyari sa iyong buhay. • Ang BOKASYON ay salitang Latin na “vocatio”, ibig
• Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na sabihin ay “calling” o tawag.
iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay. Mula dito ay hindi na lamang simpleng trabaho kundi
• Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, isang misyon. Dito nagkakaroon ang tao ng tunay na
makatutulong na magkaroon ka ng pansariling pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang
pagtataya o personal assesment sa iyong kasalukuyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.
buhay.
• Ang resulta nito ay magiging kapaki- pakinabang sa SMART
iyong mapanagutang pasya at kilos. Specific (Tiyak) – ispisipiko at sigurado
Measurable (Nasusukat) – tugma sa kakayanan
Pansariling Pagtataya sa paglikha ng Attainable (Naaabot) – kayang abutin at gawin
Personal na Misyon sa buhay: Relevant (Angkop) – angkop na makatugon sa
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. pangangailangan ng kapwa
• Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon Time Bound (Nasusukat ng Panahon) - takdang panahon
sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at
mga katangian. Pagbubuod:
• Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala • Napakahalaga para sa isang kabataan na bumuo ng
sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na personal na pahayag ng misyon sa buhay (PPMB). Ito ang
iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano makapagbibigay ng direksiyon patungo sa iyong
ka kumikilos para sa iyong gagawin na pagpapasya. bokasyon.
• Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD. Ang
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao
• Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan ng tunay na kaligayahan - Fr. Jerry Orbos.
nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan
nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon.
• Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging
pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa
buhay.

You might also like