You are on page 1of 8

9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 3 – MODULE 3

Kagalingan sa Paggawa

1
Modyul 3: Kagalingan sa Paggawa

UNANG BAHAGI

Ano-ano ang indikasyon ng kagalingan sa paggawa? Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang tunay na
kahulugan at kabuluhan ng paggawa. Malalaman mo na ito ay daan upang makamit mo ang iyong kaganapan
bilang tao. Inaasahang mauunawaan mo na hindi sapat ang paggawa lamang. Mahalagang laging isaalang-
alang ang kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong ginawa upang maging gawi ng bawat kabataan ng
kagalingan sa paggawa.

Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit kailangang magkaroon
ng kagalingan sa paggawa at paglilingkod upang maiangat ang sarili, kapuwa, mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa at mapasalamatan ang Diyos sa talentong ipinagkaloob sa atin? Nakahanda ka na bang matuto at
malaman ang mga kagalingan sa paggawa?

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at


pag-unawa:
10.1 Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o
produkto, kasama ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras. (EsP9KP-IIIg-10.1)
10.2 Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang
gawain o produkto, kasama ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras. (EsP9KP-IIIg-10.2)

Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na kakayahan


at kahusayan. Hindi lamang lakas ng katawan at layunin sa paggawa. May mga partikular na kakayahan at
kasanayan ang kailangan sa paggawa at isa na rito ay ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos na
dapat ay isaalang-alang ngunit hindi lamang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto na siyang
mag-aangat sa iyo bilang tao. Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa
pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang
kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa
paggawa.

Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang sumusunod na katangian:

1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga


2. Pagtataglay ng positibong kakayahan
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos

Mga Katangiang Dapat Taglayin Upang Maisabuhay ang Kagalingan sa Paggawa

1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga- Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang
humuhubog sa kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ito ay
nagsisilbing gabay upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang produktong kaniyang
lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging masigasig, pagkamalikhain at pagkakaroon ng disiplina sa

2
sarili. Upang masabing ang mga ito ay iyong naisabuhay nararapat lamang na hindi lang iisa o dalawa ang
iyong taglay subalit lahat ng pagpapahalaga ay maisabuhay .

a. Kasipagan- ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso at
may malinaw na layunin sa paggawa. Ang produkto o gawaing likha ng isang taong masipag ay bunga
ng kahusayan at buong pagmamahal sa ginagawa. Dahil dito, ang nagiging resulta ng kaniyang
pagsasagawa ng gawain ay maayos, kahanga-hanga at kapuri-puri. May kagalingan ang produkto o
gawain o ang paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito ng
buong husay. Ito rin ang tumutulong sa tao upang malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad
ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integridad at kahusayan kung saan malaki ang
naitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapuwa at dahil sa taglay
na kasipagan nakatutulong siya upang umunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.

Mga palatandaan na ang isang tao ay nagtataglay ng kasipagan:


a) Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
b) Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
c) Hindi umiiwas sa anumang gawain

b. Tiyaga- ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang makahahadlang sa paggawa ng isang produkto o
gawain tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha ng iba at pag-iisip ng mga dahilan
upang hindi isagawa ang gawain. Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng
inspirasyon, turo at gabay na kaniyang nakukuha sa ibang tao.

c. Masigasig- ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa


ng gawain o produkto. Ang atensyon o oras niya ay nakatuon lamang sa produkto o gawain na kaniyang
lilikhain. Sa pamamagitan nito madali siyang nakatatapos ng produkto at gawain nang hindi
nararamadaman ang pagod o pagkabagot.

d. Malikhain- ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi nang
panggagaya o pangongopya sa gawa ng iba. Dapat ay orihinal bago at kakaiba ang produkto. Gayundin
sa pagbibigay serbisyo o iba pang gawain, hindi kailangang katulad ito ng iba o nang nakararami.
Madaling nakikilala o natatanggap ang isang produkto o serbisyo kapag ito ay bago sa panlasa ng tao.
Kung sakaling may ginaya o kinopya sa naunang nilikha, kailangang mas higit na mabuti at katanggap-
tanggap ito.

e. Disiplina sa Sarili- ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa at
mayroong paggalang sa ibang tao. Maaari niyang isantabi ang pansariling kaligayahan para sa
kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng gawain o produkto ng taong may disiplina sa sarili ay para
sa ikabubuti ng lahat.

2. Nagtataglay ng Kakailanganing Kasanayan- Ito ay ang mga kasanayan sa pagkatuto na may tatlong
yugto bukod sa mga kasanayan sa basic literacy tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig at

3
pagsasalita. Ito ay ang pagkatuto bago ang paggawa, pagkatuto habang ginagawa at pagkatuto pagkatapos
gawin ang isang gawain. (Morato 2007)

Tatlong Yugto ng Kasanayan sa Pagkatuto:

Pagkatuto Bago ang Paggawa– Ito ang yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o
produkto. Kailangang taglayin ang mga sumusunod na kasanayan upang masigurong maayos ang resulta ng
gagawing produkto na nangangailangan ng pagtutulungan ng isang grupo, pagbibigay ng mga ideya na
naaayon sa pinag-iisipang gawain.

Mga kasanayan:
• Pagbuo ng mga layunin
• Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan
• Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpapaliwanag sa gawain
• Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa konseptong binuo
• Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
• Pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng gawain
• Pagtatakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang gawain

Isang halimbawa dito ang paggawa ng isang proyekto na ang layunin ay tutugon sa mga
pangangailangan ng mga batang edad 5-9 sa inyong lugar. Kailangang malinaw ang tunguhin at kalalabasan
ng isinagawang gawain. Kapag natiyak na at naplano na ang tunguhin, maaari ng gumawa ng tanong sa
pamamagitan ng paggawa ng mga organisadong katanungan bilang batayan sa gagawing proyekto na tutugon
sa kanilang pangangailangan.

a. Pagkatuto Habang Ginagawa- ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t-ibang istratehiya ng maaaring
gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng kahaharaping
problema at solusyon sa mga ito. Halimbawa, pagkatapos makuha ang mga impormasyon sa paggawa
ng proyekto na inilahad sa unang bilang, magiging madali na ang pagsasagawa ng mga plano dahil
may batayan na sa susunod na hakbang na isasagawa. Nakatutulong ang mga impormasyong nakuha
upang maiwasan ang anumang problema na maaaring kaharapin at kung sakaling mayroon, madali na
ang paglalapat ng solusyon dahil napaghandaan na. Halimbawa, kung sinong tao o opisyal ang
lalapitan para makatulong sa gagawing proyekto. Dahil sa mga nakalap na impormasyon nagkaroon
ka ng ideya kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin upang maisaayos at magawa nang buong
husay ang gawain mainam na magbigay ang bawat isa ng suhestiyon base sa kanilang natutunan mula
sa kanilang mga nakuhang kasagutan sa kanilang pagtatanong. Makinig at maging bukas sa mga
ipinahahayag ng bawat miyembro ng grupo at ugaliing kunin ang pasya ng nakararami.

b. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain- ito ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o
kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito, malalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat mong
baguhin at panatilihin. Halimbawa, magkakaroon ng ebalwasyon sa isinagawang proyekto, ang resulta
ng programang isinagawa, ang naging epekto nito sa pamayanan, gaano naging kapaki-pakinabang

4
ang gawain at kung naisakatuparan ang tunguhin ng proyekto. Kung sakaling ang resulta ng proyekto
ay hindi kaaya-aya, gagamiting basehan ito sa pagpaplano at pagpapaunlad ng susunod na gawain.

IKALAWANG BAHAGI
Gawain I
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at gumuhit ng bilog ( ) kung ito ay naglalahad ng hakbang sa
pagkakaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa at ekis ( X ) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
____________1. Gumising nang mas maaga upang mag-aral ng aralin.
____________2. Magtakda ng oras ng pag-aaral sa araw-araw.
____________3. Humingi ng payo mula sa iyong guro.
____________4. Humanap ng lugar kung saan maaari mong gamiting study room.
____________5. Tumuklas ng mga kasanayan na magagamit mo sa iyong pag-aaral.
____________6. Pagsasagawa ng iskedyul sa nakatakdang gawain.
____________7. Basahin ang mga kraytirya upang maging gabay sa paggawa .
____________8. Mangalap ng mga impormasyong iyong magagamit sa paggawa.
____________9. Gumawa ng draft sa mga nagawang pangangalap ng impormasyon.
___________10. Rebisahin ang bawat detalyeng kailangang baguhin.
___________11. Gawin ang mga takdang aralin.
___________12. Tapusin ang final output para sa pagsusumite.

Gawain II
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay naglalarawan ng kagalingan sa paggawa
at MALI naman kung hindi ito naglalarawan ng kagalingan sa paggawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___________1. Hinihingi ang gabay ng Panginoon bago simulan ang gawain at nagpapasalamat pagkatapos
nito.
___________2. Hindi sumusuko sa hamon ng anumang gawain kahit mahirap ito.
___________3. Pabago-bago ng mga ideya sa isinasagawang gawain.
___________4. Nagpaplano ng paraan kung paano sisimulan ang gawain.
___________5. Tinatapos ang gawain sa itinakdang oras.
___________6. Isinasantabi ang kaniyang sariling kapakanan para sa nakararami.
___________7. Nagpapadala sa mga negatibong puna sa kaniyang natapos na gawain.
___________8. Tinatapos ang gawain ng may malinaw na layunin sa paggawa.

Gawain III
Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kagalingan sa paggawa na tumutukoy sa mga sumusunod na
kasanayan sa ibaba. Pumili ng isa at gawin ito sa sagutang papel.
A.Pagiging Malikhain B. Pag-aaral ng mabuti C. Kalinisan sa Paggawa D. Kasipagan

Pamantayan sa Paggawa
Pamantayan 5 4
Malinaw na naipakita ang Hindi malinaw na naipakita
Kaugnayan sa Konsepto konsepto sa larawan ang konsepto sa larawan

5
SUSI SA PAGWAWASTO:
Gawain I
1. X
2. X
3. O
4. O
5. O
6. O
7. O
8. O
9. O
10. O
11. X
12. O

Gawain II
1.Tama
2.Tama
3. Mali
4.Tama
5.Tama
6.Tama
7. Mali
8.Tama

Gawain III- Gamitin ang Pamantayan sa Paggawa

SANGGUNIAN
* K to 12 Curriculum Implementation and Learning Management Matrix
Website: http://lrmds.deped.gov.ph/.
*Edukasyon sa Pagpapakatao 9

6
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan, Pangasinan
WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Quarter 3, Week 3

Most Essential Learning Competencies:


1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto
kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito. (EsP9KP-IIIg-10.1)
2. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain
o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito. (EsP9KP-IIIg-10.2)

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _____________


Baitang/Seksyon: __________________________________________ Iskor:______________

Gawain A.1
Panuto: Basahing mabuti ang mga konsepto sa Hanay A at piliin ang tamang sagot sa Hanay B. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain
na walang pagmamadali at buong pagpapaubaya. a. Disiplina sa Sarili
2. Pagpapatuloy sa gawain sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang b. Malikhain
paligid. c. Masigasig
3. Pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at sigla habang d. Tiyaga
gumagawa. e. Kasipagan
4. Ang produkto ay hindi bunga ng panggagaya kundi likha ng f. Mausisa
mayamang isip.
5. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng taong alamin ang kaniyang
hangganan o limitasyon at may paggalang sa tao.

Gawain A.2
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa loob ng kahon. Sumulat ng tatlong (3) hakbang sa
paggawa ng isang proyekto na nagpapakita ng isang dekalidad na produkto. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Sitwasyon: Ikaw ay isang SK Chairman sa inyong lugar at naatasan kang gumawa ng proyektong
tutugon sa mga pangangailangan ng mga bata at Senior Citizen sa inyong lugar ngayong panahon ng
pandemya. Ano ang iyong gagawin?
7
Pamantayan sa Paggawa
Pamantayan 3 2 1
Pagkakagawa sa Malinaw at maayos Hindi gaanong maayos Hindi maayos ang
hakbang na naibigay ang 3 ang naibigay na 3 pagkakagawa ng mga
hakbang hakbang hakbang

Gawain A.3
Panuto: Bilang mag-aaral, magbigay ng dalawang (2) gawain na nagawa mo nang may kahusayan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1._______________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________

You might also like