You are on page 1of 21

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao – _Ikasiyam_ na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul _1_: Karapatan at Tungkulin

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charity B. Escobido


Editor: Jeannie Pearl Y. Niňonuevo, Robert C. Doria
Tagasuri: Dindo A. Rabago, Jeneth D. Tabungar
Tagaguhit: Richard N. Escobido
Tagalapat: Angelica M. Mendoza
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Lydia V. Ampo

Inilambag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Davao City

Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph


9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Karapatan at Tungkulin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito, paano sasagutan ang lahat ng mga
katanungan at kung saan nararapat na ilagay ang kanilang mga sagot. Kinailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mga mag-aaral, habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Natural lamang sa ating mga tao na gumamit ng iba’t ibang simbolo upang mas
matandaan natin ang isang bagay. Kung walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
Ang pinakamabisang simbolo na ating magagamit ay ang tao mismo, ang kanyang
buong pagkatao: mula sa ating ulo na may kakayahang mag-isip; sa ating puso na
siyang nakikiramdam; kamay na simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin na siyang
ginagamit natin upang makalikha ng gawain.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina
nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa
iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahan ang iyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na
gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag
mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-
iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-
unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

1
Alamin Natin

Modyul 1 Karapatan at Tungkulin

Ang halaga ng TAO ay nasa kanyang dignidad bilang isang nilikha. Bilang tao,
siya ay may angking karapatan. Ang simulain o ugat ng karapatang pantao ay
makikita sa dignidad na taglay ng bawat isa. Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang pagkatao
ng isang tao ay ang pagiging sino ng tao. TAO: Sino ka nga bang talaga? Ano-ano
ang mga kayang mong gawin, ang iyong mga karapatan at mga tungkuling kaakibat
sa mga karapatang sinasabi mo?
Sa nakaraang modyul, napag-aralan natin na ang Lipunang Sibil o ang kusang
pag-oorganisa ng ating mga sarili ay para sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa.
Lahat ay nararapat magpasakop at maging tagasunod sa mga lider na siyang binigyan
ng kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos.
Sa modyul na ito, mapagtatanto mo ang iyong mga karapatan at mga kaakibat
nitong tungkulin. Mahalagang maunawaan mo ito upang makilala mo sa makabuuang
paraan ang tungkulin ng tao sa lipunan at ang epekto ng pagtupad o hindi pagtupad
nito sa pagbuo ng kaniyang pagkatao.
Gabay ng isang babasahin at mga gawain, inaasahang masasagot mo sa
modyul na ito ang mga mahahalagang tanong na: Ano ang dapat gawin ng tao upang
magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan? Bakit moral na gawain ang
pagtupad ng tungkulin? Ano-ano ang mga tungkulin na kaakibat ng karapatan ng
isang tao?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

5.1. Natutukoy ang mga Karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-lla-5.1)


5.2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,
paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa. (EsP9TT-lla-5.2)

2
Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan ng buhay?


a. Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga biktima ng pang-
aabuso.
c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Josep Weljinski sa Peru para sa mga
batang kalye.

2. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na


ipinakita ng tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang


homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya nang simple gamit ang isang
jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing natatanggap niya ang kaniyang
pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng higit na isang milya
upang ibigay ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing).
Kier Mich, 2012, ph. 145-146
a. Karapatan sa pribadong ari-arian
b. Karapatan sa buhay
c. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay

3. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan”


(Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?

Inilikas ni Joshue ang pamilya nila mula sa Mogul, Syria, patungong Greece
upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.

a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay
c. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon)
d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas

3
4. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

• Suportahan ang pamilya nang sapat at masustansiyang pagkain


• Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
• Maging mabuting halimbawa nang pagsasabuhay ng mga birtud
• Pag-iwas sa eskandalo

a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay

5. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang


umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar

4
Aralin Natin

Ano ang mga itinuturing mong karapatan mo bilang tao?

Gawain 1: Karapatan Mo, Iranggo Mo!


Panuto: Mag-isip ng anim na aytem na itinuturing mong karapatan. Isulat sa Pyramid
sa ibaba ang lalabas sa iyong isip. Pagkatapos, iranggo mo ito- 1 ang
pinakamahalaga sa iyo at 6 ang pinakahuli. Isulat ang pinakamahalagang karapatan
sa pinakatuktok ng Pyramid at ang pinakahuli sa pinakababa.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba:

1. Ano-ano ang mga itinuturing mong karapatan?

2. Ipaliwanag ang iyong batayan sa resulta ng pagranggong ginawa mo. Ano ang
sinasabi nito sa iyong pagkaunawa sa karapatan?

Rubriks ng Batayan sa Pagranggo ng mga Karapatan

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Itinuturing Nakalahad ng 6 Nakalahad ng 3- Nakalahad ng 1-2
na karapatan na mahahala- 5 na mahahala- na mahahala-
gang karapatan gang karapatan gang karapatan

Batayan sa Nakalahad ng 6 Nakalahad ng 3- Nakalahad ng 1-2


pagranggo na mga batayan 5 na mga na mga batayan
sa pagranggo sa batayan sa sa pagranggo sa
6 na mga pagranggo sa mga karapatan.
Karapatan. mga karapatan.
Kabuoang Puntos

5
Ang karapatan ay mga bagay na nararapat sa bawat nilalang.

Gawin Natin

Gawain 2: Karapatan Mo, Pahalagahan Mo!


Lahat ng tao ay nilikha ng Diyos na may puso at isip at malayang gawin ang
lahat ng kanyang nais sa mundong ito. Maliban sa pagiging malaya, bawat isa rin sa
atin ay may angking karapatan bilang tao. Subalit ang mga karapatang taglay natin
ngayon ay may katumbas ding mga tungkulin na dapat nating isakatuparan dito sa
mundo. Isa sa mga tungkulin na dapat nating taglayin ay ang pagpapahalaga sa mga
karapatang mayroon tayo ngayon. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo nga ba
pinahahalagahan ang iyong mga karapatan?
Panuto: Batay sa tinukoy mong anim na karapatan, isulat sa bawat bahagi ng puso sa
ibaba ang isang karapatan at kung paano mo pinahahalagahan ito.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang maaaring epekto ng hindi pagbibigay ng pagpapahalaga sa
karapatan? Ano kaya ang magiging epekto nito sa iyong pagkatao?

2. Bakit kailangang pahalagahan ang ating mga karapatan? Saan nakabatay ang
pagpapahalagang ito?

3. Ano ang angkop na tawag sa pagpapahalagang ito sa karapatan?

4. Ano-anong hakbang o kilos ang iyong gagawin upang maisagawa ang mga ito?

6
Rubriks sa mga pagbibigay kahalagahan sa mga karapatan

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Epekto ng hindi Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng
pagbibigay ng maaaring maging maaaring maging maaaring maging
pagpapahalaga maging epekto ng epekto ng hindi epekto ng hindi
sa karapatan hindi pagbibigay pagbibigay ng pagbibigay ng
ng pagpapahalaga pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa
sa 6 na karapatan 3-5 na karapatan 1-2 na karapatan
Mga hakbang o Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng
kilos sa hakbang o kilos na hakbang o kilos hakbang o kilos
pagpapahalaga maaaring gagawin na maaaring na maaaring
sa karapatan upang maisagawa gagawin upang gagawin upang
ang pagpapa- maisagawa ang maisagawa ang
halaga sa 6 na pagpapa-halaga pagpapa-halaga
karapatan sa 3-5 na sa 1-2 na
karapatan karapatan
Kabuoang Puntos

Sanayin Natin

Gawain 3

Panuto: Suriin ang sitwasyon. Tukuyin kung anong uri ng Likas na Karapatan ng tao
ang nilabag sa bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung bakit. Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong sa ibaba ng gawain. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Isang buwan nang kasambahay si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa nakaraang
isang linggo, tatlong bahay sa kanilang kalye ang inakyat ng magnanakaw.
Natakot si Gng. Hermoso dahil hindi niya kilala nang ganap si Ida. Inisip din ni
Gng. Hermoso na baka makipagkaibigan ang mga magnanakaw kay Ida at
dahil dito, baka pasukin din ang kanilang bahay kapag siya lang ang tao rito.
Nagpasiya si Gng. Hermoso na huwag ng palabasin ng bahay si Ida, kahit pa
bumili lamang sa tindahan ng subdivision.
2. Nagsabi na ang 32 gulang na si Mary Jean sa kaniyang ina na mag-aasawa na
siya. Napagtapos na niya ang kaniyang dalawang kapatid at nasa Junior High
School na ang bunso. Ngunit sinabi ng kaniyang ina na kailangan munang
magtapos ang huli bago siya magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng
kaniyang ina.

7
3. Inilabas ng United Nations ang planong Sustainable Development na may bisa
hanggang 2030. Isa sa mga tunguhin nito ang pagbibigay permiso sa lahat,
kasama ang kabataan, sa karapatang seksuwal at pagpaparami (reproductive).
Hindi binanggit sa dokumento ang aborsiyon bilang resulta ng mga karapatang
ito. Hinihingi ng UN ang suporta ng mga lider ng mga bansa para sa
pagpapatupad ng planong ito.

4. Mula nang lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia,


nangailangan siya ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusuweldo
niya sa mga ito at libre ang pagkain nila lalo na kapag may overtime. Ngunit
nang nagkatampuhan si Aling Delia at ang kaniyang asawa, nagpasiya itong
bumili ng condominium upang iwasan ang stress na sanhi ng tampuhan nila.
Dahil dito, hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi
pa nila ito natatanggap sa takdang araw.

5. Maraming sako ng bigas ang nakatago sa 50 container vans ni Mang Enteng


bukod sa nakikita sa kaniyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan
ng pamahalaan ng tulong sa pagkain, pera, at damit para sa mga biktima ng
bagyong Yolanda, 30 sako ng bigas lamang ang pinadala niya sa Samar at
Leyte.

Mga Tanong:
1. Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan ang
inilalarawan sa bawat sitwasyon?
2. Ano-ano ang maaaring gawin ng kabataang kasing edad mo upang pukawin
ang kamalayan ng kapuwa Pilipino sa mga paglabag na ito?

Rubriks sa dahilan ng paglabag

Pamantayan Napakahusay Masuhay Nangangailangan


(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Angkop na Nakalahad ng Nakalahad ng mga Nakalahad ng mga
dahilan mga dahilan ng dahilan ng dahilan ng
ng paglabag sa paglabag sa paglabag sa paglabag sa
karapatan sa karapatan ng karapatan ng karapatan ng
bawat sitwasyon tauhan sa 5 ng tauhan sa 3-4 tauhan sa 1-2
sitwasyon sitwasyon sitwasyon
Mga dapat gawin Nakalahad ng Nakalahad ng mga Nakalahad ng mga
ng kabataan sa mga dapat gawin dapat gawin ng dapat gawin ng
mga paglabag sa ng mga kabataan mga kabataan sa mga kabataan sa
bawat sitwasyon sa mga paglabag mga paglabag sa mga paglabag sa
sa 5 sitwasyon 3-4 na sitwasyon 1-2 na sitwasyon

Kabuoang Puntos

8
Tandaan Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa Suriin Natin.

Karapatan at Tungkulin
Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa papaanong
paraan maipakikita ito? Ano ang kailangan upang matamasa ito nang
may pananagutan?
Napag-aralan mo sa Baitang 7 na may pantay na karapatan
ang lahat ng tao. Natutuhan mo rin na ang batayan ng pagiging pantay
ng tao sa kaniyang kapuwa ay ang taglay na dignidad. Nag-uugat ang
dignidad na ito sa kaniyang kakayahang mag-isip at makapili ng
mabuti at pagiging bukod-tangi. Ano naman ang batayan ng pagiging
pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano-ano ba ang mga karapatan
na taglay mo bilang tao dito sa ibabaw ng mundo? At ano-ano naman
ang mga tungkuling kaakibat ng mga karapatang taglay mo?

Mga Uri ng Karapatan


Kailangan ang mga karapatan para sa maayos na pakikipag-ugnayan sa
kapuwa. May anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay Santo
Tomas de Aguino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay,
magkaroon ng mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at
maghanapbuhay.
1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil
kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong
mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga ng
bawat buhay, kasama rito ang mga taong nakapatay ng kanilang kapuwa.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maiaalis sa tao ang karapatang ito
dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos,
makapagtrabaho nang produktibo at makibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako,
maituturing na isang pang-aabuso sa karapatang ito kung naaapi o
naaagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.
3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noong panahon ng pang-aalipin, na
kailangang humingi ang alipin ng pahintulot sa kaniyang amo upang makapag-
asawa. Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, kailangan ng
kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang
mapangalagaan siya sa anumang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-
aasawa ang mga may nakahahawang sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang
karapatang magpakasal.

9
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang
karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho
o komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib, tulad ng paglikas ng mga
taga-Syria upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic
State.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan
ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang
mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.
Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang
partikular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng
pamahalaan.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o
pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang matamo nila ang karapatang mabuhay. May karapatang
magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang oportunidad sa
kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang
pangangailangan.

Ilang karapatang pang-indibiduwal ang kinilala sa encyclical na


Kapayapaan at Katotohanan (Pacem in Terris):
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon,
pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa
pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain at
proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito
Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in
Terris ay masasalamin sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng
Tao (Universal Declaration of Human Rights). Ibinatay ang mga karapatang
kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao, patas at hindi
maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng
kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa buong mundo.
Mga Tungkulin
May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na
tungkulin na tutugon sa angkop na karapatan:
1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang
kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at

10
kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang mga talento at
kakayahan – sa aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng
pag-aaral nang mabuti) at moral. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot
kung may sakit o pumunta sa ospital kung kinakailangan. Kailangang iwasan
ang mga isports na mapanganib, na maaaring humantong sa kamatayan tulad
ng car racing, wrestling, o boxing.

2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian. May tungkulin ang tao na pangalagaan


at palaguin ang anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang
kapuwa at paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa
mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, o
pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.

3. Sa karapatang magpakasal. May kaakibat na tungkulin na suportahan ang


pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito.
Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa
eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at
pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya. Ginagarantiya ng
pamahalaan at estado ang karapatang ito sa pamamagitan ng batas na nag-
iingat sa Karapatan ng asawang babae at mga anak sa abusadong asawang
lalaki.

4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar. May tungkulin na igalang ang mga


pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang
limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga
ang paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.

5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May tungkulin


na igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang
mga relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang
nilalang na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang
paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga patay at ninuno.

6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May tungkulin ang bawat


isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa
anumang gawain. Mahalaga ang karapatan ng mga empleyado sa kanilang
trabaho – ibig sabihin, nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras nang
walang ginagawa. Kasama sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa (strike)
kung may inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging bukas ng mga
empleyado sa diyalogo sa kompanya o arbitration.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maalis na karapatan ng bawat tao sa buong
mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang
makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae ay mamumuhay nang
mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung
bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng mga
Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human Responsibilities) noong 1997.

11
Suriin Natin

Tayahin ang Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga
mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang anim na uri ng karapatan ayon kay Santo Tomas de Aquino?
Ipaliwanag ang bawat uri at magbigay ng halimbawa.
2. Ano-ano naman ang anim na tungkulin na kaakibat ng anim na karapatang
ibinigay mo sa unang bilang.
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisakatuparan ang mga tungkuling iyong
binanggit?
4. Bakit kailangang tuparin ng bawat indibiduwal ang kaniyang tungkulin na
hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao ayon kay Scheler?
5. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Rubriks sa Paglahad ng Mahalagang Konsepto


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Paglahad ng Naiisa-isa ang 6 Naiisa-isa ang 6 na Naiisa-isa ang 6 na
mahalagang na uri ng uri ng karapatan at uri ng karapatan at
konsepto karapatan at tungkulin at tungkulin at naibigay
tungkulin at naibigay ang ang kahulugan ng 1-
naibigay ang kahulugan ng 3-5 2 sa mga ito.
kahulugan ng sa mga ito.
bawat isa.
Mga Gawain Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng 2 Nakapaglahad ng 1
upang 3 gawain kung gawain kung paano gawain kung paano
maisakatuparan paano maisakatuparan maisakatuparan ang
ang mga maisakatuparan ang bawat bawat tungkulin at
tungkulin ang bawat tungkulin at nakapagbigay ng
tungkulin at nakapagbigay ng mga halimbawa.
nakapagbigay ng mga halimbawa.
mga halimbawa.
Kabuoang
Puntos

12
Payabungin Natin

Gawain 4
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa ibaba.

1. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao


na nagaganap sa kasalukuyan.

2. Bakit napakahalaga na maunawaan ang kaugnayan ng (k)Karapatan at


tungkulin ng tao sa lipunan sa pagkatao ng tao?

Gawain 5

Tsart ng mga Karapatan at mga Paglabag sa mga Ito


Mga Karapatan Mga Paglabag sa Bawat
Karapatan
1. Karapatang mabuhay at kalayaan Hal. Aborsiyon sa
pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan -
Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
(pagkain, damit, tahanan, edukasyon,
pagkalingang Pangkalusugan, tulong sa walang
trabaho, at tulong sa pagtanda.
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng
opinyon at impormasyon.
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at
pagsunod sa konsensiya.
5. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar
upang manirahan (migrasyon)
6. Karapatan sa patas na proteksyon ng batas
laban sa mga paglabag sa mga karapatang ito.

13
Pagnilayan Natin

Panuto: Balikan ang mga karapatang binigyan mo ng una hanggang ikaanim na


ranggo sa Gawain 1. Gumawa ng makabuluhang plano sa loob ng isang markahan
ng mga tungkuling gagawin mo upang maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga
karapatang ito. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Rubriks sa Paggawa ng Makabuluhang Plano


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(10 puntos) (8 puntos) Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Nakalahad ng Nakalahad ng maka- Nakalahad ng maka-
makabuluhang makabuluhang plano buluhang plano sa buluhang plano sa
plano sa pagtupad ng 6 na pagtupad ng 4-5 na pagtupad ng 1-3 na
tungkulin bilang tungkulin bilang tungkulin bilang
pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa
mga karapatan mga karapatan mga Karapatan
Paglalahad ng Nailalarawan ang de- Nailalarawan ang de- Nailalarawan ang de-
suportang ideya o talye sa planong talye sa planong talye sa planong
mga halimbawa gagawin sa pamama- gagawin sa pamama- gagawin sa pamama-
sa planong gitan ng pagbibigay gitan ng pagbibigay gitan ng pagbibigay
gagawin ng halimbawa sa 6 ng halimbawa sa 3-5 ng halimbawa sa 1-2
na tungkulin na tungkulin na tungkulin
Kabuoang Puntos

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga Gawain? Kung oo,


magpunta ka na sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga gawain sa
modyul na ito. Hingin ang tulong o paggabay ng iyong magulang o guro.

14
Binabati kita sa natapos mong modyul! Ipagpatuloy mo ang pagiging
mapanagutan sa kapuwa.

15
16
Answer (Gawain 3) Answer (Subukin
1. Karapatang pumunta sa
ibang lugar
Natin)
2. Karapatang magpakasal 1. C
3. Karapatan sa buhay 2. A
4. Karapatan sa pribadong
ari-arian 3. B
5. Karapatan sa pribadong
ari-arian 4. B
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mula sa Aklat:
• Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 9 ph.79-94

Mula sa Internet:
• Modyul 6: Karapatan at Tungkulin Retrieved 16, Sept., 2020
www.academia.edu/18978395/Grade-9-ESP-Learning
• Modyul 6: Karapatan at Tungkulin Retreived 17, Sept., 2020
www.slideshare.net/maflechoco/modyul -6- 488378403
• Modyul 6: Karapatan at Tungkulin Retrieved 19, Sept., 2020
https.//www.slideshare.net/sirArnelPHhistory/esp-9modyul-6

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


18

You might also like