Professional Documents
Culture Documents
sa
Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ibigay ang Nararapat
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ibigay ang Nararapat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ibigay ang Nararapat
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang kaalaman
ng mag-aaral na may kaugnayan sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang kanilang
natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang Modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Ito ay ginawa upang
mas mapalalim ang iyong kaalaman sa pag- unawa ng katarungang panlipunan.
Sa huli’y inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pang- unawa:
1. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na
ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya.
2. Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa
mga angkop na pagkakataon.
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pangunahing prinsipyo ng Katarungan?
a. Palaging nakakasalamuha ang kapwa.
b. Tutulong ang mga mayayaman sa mahihirap.
c. Paggalang sa karapatan ng bawat isa.
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao.
2. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
a. sarili b. pamahalaan c. lipunan d. Diyos
3.Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na
batas?
a. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
b. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay
alinsunod sa moral na batas.
c. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang
magkaroon ng katarungan sa lipunan.
d. Wala sa nabanggit.
4. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat para sa kanya. Alin sa
mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. Kumakain nang sabay- sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang mga gawaing bahay.
c. May “FeedingProgram” ang paaralan para sa mga mag- aaral na kulang sa
timbang.
d. May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi
ito ng maaga.
5. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a. Pinag - uusapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa
sistemang legal ng bansa.
b. Inaalam ng mga mag- aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa
lipunan.
c. Nagkikita-kita ang mga kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang
barangay tuwing sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
d. Nagbibigay ng limos si Chelsea sa mga pulubing nakatira sa gilid ng
simbahan upang may mai-post sa kanyang facebook.
Para sa bilang 6 – 10, isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng mga
pangungusap ay katotohanan at MALI naman kung hindi.
6. Ang paggalang sa karapatan ng kapwa ay palatandaan ng pagiging
makatarungang tao.
7. Maaring mapataas o mapababa ang dignidad ng tao depende sa
kanyang kalagayan sa buhay.
8. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang
pamumuhay.
9. Nag-uugat ang dignidad ng tao sa kanyang kakayahan bilang isang
nilalang.
10. Ang pagiging makatarungan sa kapwa tao ay nagsisimula at
sinasanay sa pamilya.
“At sa isang katwang balik – ikot ng ugnayang tao at komunidad, kung wala ring
katarungan sa lipunan, pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang
sarili.”
Balikan
Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang talata. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
1. Masasabing isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa
sa batas at karapatan ng kapwa.
2. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa
ng tao.
3. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang .
4. Maitataguyod ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay mo
sa iyong kapwa ng sa kanya.
5. Sa , una mong nararanasan ang mga bagay- bagay na nagbibigay sa
iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan.
Tuklasin
Gawain 1: Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging
makatarungang tao ang taglay mo sa iyong sarili sa kasalukuyan.
Mga Palatandaan ng Pagiging Makatarungang Ako Ito Hindi Ako
Tao Ito
1. Isinasaalang – alang ko ang mga karapatan ng
tao sa aking paligid.
2. Inuunawa ko ang bawat sitwasyon sa
obhektibong paraan upang makakilos nang
makatarungan ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat sa akin
ay maaari akong magparaya alang- alang sa
mas nangangailangan nito.
4. Handa akong magbigay ng aking sarili upang
makatulong sa pagpapabuti ng kapakanan o
buhay ng aking kapwa.
5. Kinikillala ko at iginagalang ang mga Karapatan
ng bawat miyembro sa aking pamilya.
6. Kinikilala at iginagalang ang mga Karapatan
ng ibang tao sa paaralan, trabaho, sa aming
barangay, o sa bansa.
7. Itinataya (commit) ko ang aking sarili sa
kasunduang mayroon ako at ang aking mga
kaibigan.
8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang
dapat kong igalang lalo na ang may kaugnayan
sa likas na batas.
9. Tinutupad ko ang aking pangako at mga
komitment sa buhay.
10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat,
pagbatikos, at pagpuna sa iba na kulang ng
batayan ay kawalan ng katarungan.
Gawain 2: Batay sa natapos na pagtatasa, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang naramdaman mo sa kinalabasan ng iyong pagtatasa? Ipaliwanag.
2. Sa kabuuan, anu- ano ang mga natuklasan mo tungkol sa iyong sarili batay sa
resulta ng indibidwal na pagtatasa?
3. Sa iyong palagay , paano ka makatutulong o makikibahagi sa pagpapairal ng
katarungang panlipunan?
Suriin
Ano ang katarungan? Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr, ang katarungan
ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya ang
tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng
panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling interes.
Isinasaalang -alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa
dignidad ng tao sapagkat may halaga ang tao ayon sa kanyang taglay
na kalikasan.
Mahalagang tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan
ay ang paggalang sa karapatan ng bawat isa anumang ugnayan
mayrooon ka sa iyong kapwa.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng iyong mga magulang upang
magkaroon ka ng kamalayan tungkol sa katarungan. Sa
pamamagitan ng kanilang paggabay, nagsisimula ka na magkaroon
ng mapanagutang ugnayan sa iyong kapwa,na daan tungo sa pagiging
makatarungan.
Ang katarungang panlipunan ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng
tao sa kanyang kapwa kundi sa ugnayan din nya sa lipunan.
Masasabing umiiral ang katarungang panlipunan kung naisasabuhay
ang mga sumusunod: paggalang sa karapatan ng bawat tao,
paglampas sa sariling interes, at pagsasaalang -alang sa kabuuang
sitwasyon upang tunay na makamit ang kabutihang panlahat.
May mga kaugnay na pagpapahalaga ang katarungang panlipunan.
Ang mga ito ay ang dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal,
pagkakaisa at kapayapaan. Makatutulong sa iyong pagsisikap na
maging makatarungang tao ang pag- unawa mo sa mga ito.
Masalimuot man ang pagtupad ng iba’t-ibang tungkulin sa bawat
papel na ginagampanan , lalo na sa lipunan, mahalagang patuloy na
tayahin ang sarili kung napauunlad mo ang mga kaloob ng diyos sa
pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at paglilingkod sa
lipunan.
Pagyamanin
Gawain 3: Gumawa ng isang malikhaing collage na nagpapamalas ng
pananagutan mo bilang mamamayan sa pangangailangan ng iyong kapwa o
pamayanan sa panahon ng pandemya o kalamidad.
BATAYAN SA PAMANTAYAN PUNTOS
PAGMAMARKA
Kaangkupan sa tema o 8 puntos
paksa
Kahusayan sa 7 puntos
pagpapahayag ng
mensahe gamit ng sining
Kalinisan 5 puntos
Kabuuang Marka 20 puntos
Isaisip
Gawain 4: Gamit ang malikhain mong pag- iisip, ipaliwanag ang mensaheng nais
iparating ng larawan.
Paliwanag:
Isagawa
Gawain 5: Sumulat ng tatlong (3) saknong na tula na nagpapakita kung,
Paano ka makatutulong upang maitaguyod ang pag- iral ng Katarungang
Panlipunan?
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1.Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na
batas?
a. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
b. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay
alinsunod sa moral na batas.
c. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang
magkaroon ng katarungan sa lipunan.
d. Wala sa nabanggit.
2. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a. Pinag- uusapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa
sistemang legal ng bansa.
b. Inaalam ng mga mag- aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa
lipunan.
c. Nagkikita-kita ang mga kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang
barangay tuwing sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
d. Nagbibigay ng limos si Chelsea sa mga pulubing nakatira sa gilid ng
simbahan upang may mai- post sa kanyang facebook.
3. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
a. sarili b. pamahalaan c. lipunan d. Diyos
4. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a. Palaging nakakasalamuha ang kapwa.
b. Tumutulong ang mga mayayaman sa mahihirap.
c. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
5. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat para sa kanya. Alin sa
mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. Kumakain nang sabay- sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang mga gawaing bahay.
c. May “FeedingProgram” ang paaralan para sa mga mag- aaral na kulang sa
timbang.
d. May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi
ito ng maaga
Para sa bilang 6 – 10, isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng mga
pangungusap ay katotohanan at MALI naman kung hindi.
6. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang
pamumuhay.
7. Ang paggalang sa karapatan ng kapwa ay palatandaan ng pagiging
makatarungang tao.
8. Ang pagiging makatarungan sa kapwa tao ay nagsisimula at
sinasanay sa pamilya.
9. Maaring mapataas o mapababa ang dignidad ng tao depende sa
kanyang kalagayan sa buhay.
10. Nag-uugat ang dignidad ng tao sa kanyang kakayahan bilang isang
nilalang.
Karagdagang Gawain
Gawain 6: Pumili ng isa sa loob ng kahon at ibigay ang pagsusuri ayon sa
hinihingi ng mga sumusunod:
a. Sanhi o dahilan
b. Epekto sa buhay ng tao
c. Epekto sa lipunan
d. Mga paraan ng paglutas ng mga paglabag upang mapanumbalik ang
minimithing Katarungang Panlipunan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mula sa internet
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fimgv2-1-
f.scribdassets.com%2Fimg%2Fdocument%2F448712278%2Foriginal%2F2b32dd17
63%2F1605884524%3Fv%3D1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.scribd.com%2Fd
ocument%2F448712278%2FGrade-4-TG-ESP-Quarter-
4&tbnid=YNfUkp1SHds1zM&vet=12ahUKEwi90J6-
r77uAhWH6mEKHTO5Dx8QMygZegUIARDKAQ..i&docid=ibzC8td7ogk_PM&w=768
&h=1024&itg=1&q=pananagutan%20sa%20kapwa%20at%20lipunan%20drawing&
hl=en&ved=2ahUKEwi90J6-r77uAhWH6mEKHTO5Dx8QMygZegUIARDKAQ
http://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_9_lm_draft_3.31.201
4-2.pdf
Mga Aklat
Gayola, Sheryl T. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang.Modyul
para sa mag-aaral Unang Edisyon 2015.ISBN:98-9601-75-3 DepEd-IMC