You are on page 1of 19

Edukasyon 

sa 
Pagpapakatao 9 
Ikatlong Markahan – Modyul 1: 
 
Katarungang Panlipunan 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Katarungang Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa 
Pagpapakatao 
Ikatlong Markahan – Modyul 1: 
 
Katarungang Panlipunan 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Paunang Salita 
 

Ang  Self-Learning  Module  o  SLM  na  ito  ay  maingat  na  inihanda  para  sa 
ating  mag-aaral  sa  kanilang  pag-aaral  sa  tahanan.  Binubuo  ito  ng  iba’t-ibang 
bahagi  na  gagabay  sa  kanila  upang  maunawaan  ang  bawat  aralin  at malinang ang 
mga kasanayang itinakda ng kurikulum. 
 
Ang  modyul  na  ito  ay  may  inilaang  Gabay  sa  Guro/Tagapagdaloy  na 
naglalaman  ng  mga  paalala,  pantulong  o  estratehiyang  magagamit  ng  mga 
magulang  o  kung  sinumang  gagabay  at  tutulong  sa  pag-aaral  ng  mga  mag-aaral 
sa kani-kanilang tahanan. 
 
Ito  ay  may  kalakip  na  paunang  pagsusulit  upang  masukat  ang  kaalaman 
ng  mag-aaral  na  may  kaugnayan  sa  inihandang  aralin.  Ito  ang  magsasabi  kung 
kailangan  niya  ng  ibayong  tulong  mula  sa  tagapagdaloy  o  sa  guro.  Mayroon  ding 
pagsusulit  sa  bawat  pagtatapos  ng  aralin  upang  masukat  naman  ang  kanilang 
natutunan.  May  susi  ng  pagwawasto  upang  makita  kung  tama  o  mali  ang  mga 
sagot  sa  bawat  gawain  at  pagsusulit.  Inaasahan  namin  na  magiging  matapat  ang 
bawat isa sa paggamit nito. 
 
Pinapaalalahanan  din  ang  mga  mag-aaral  na  ingatan  ang  SLM  na  ito  upang 
magamit  pa  ng  ibang  mangangailangan.  Huwag  susulatan  o  mamarkahan  ang 
anumang  bahagi  ng  modyul.  Gumamit  lamang  ng  hiwalay  na  papel  sa pagsagot sa 
mga pagsasanay. 
 
Hinihikayat  ang  mga  mag-aaral  na  makipag-ugnayan  agad  sa  kanilang  guro 
kung  sila  ay  makararanas  ng  suliranin  sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng 
SLM na ito. 
 
Sa  pamamagitan  ng  modyul  na  ito  at  sa  tulong  ng  ating  mga  tagapagdaloy, 
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. 
 

Alamin 
 
 
 
Ang Modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Ito ay ginawa upang 
mas mapalalim ang iyong kaalaman sa pag- unawa ng katarungang panlipunan. 
Sa huli’y inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, 
kakayahan at pang- unawa: 
 
 
 
1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan. 
 
 
2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng 
mga tagapamahala at mamamayan. 
 

Subukin 
 
 
 
 
Panuto: ​Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik 
ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 
 
1. Ano ang katarungan? 
a. Paggalang sa sarili. c. Pagtrato sa tao bilang kapwa. 
b. Pagsunod sa batas. d. Lahat ng nabanggit. 
 
2. Bakit kailangan ng tao ang mga batas? 
a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila. 
b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos. 
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali. 
d. Lahat ng nabanggit. 
 
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan? 
a. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakakatupad sa mga 
gampanin sa klase. 
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina. 
c. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye. 
d. Wala sa nabanggit. 
 
4. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa: 
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” 
b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.” 
c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.” 
d. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.” 
 
5. Ang katarungang panlipunan ay: 
a. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga. 
b. ukol sa parehong komunidad at sarili. 
c. pinatutupad ng pamahalaan. 
d. Wala sa nabanggit. 
 
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan? 
a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya. 
b. Pagpapautang ng 5-6. 
c. Pagturing sa mga ​fixer ​ng lisensya bilang kapwa naghahanap-buhay. 
d. Wala sa nabanggit. 
 
7. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan? 
a. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa 
pamilya. 
b. Nagiging bukas ang loob na tumangap sa pagkakamali at hindi naninisi 
ng iba. 
c. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga 
kapatid. 
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa 
karapatan ng iba. 
8. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad 
ng tao? 
a. Binubuo ng tao ang lipunan. 
b. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao. 
c. Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan. 
d. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao. 
 
9. Bakit mahalagang maunawaaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng 
katarungang panlipunan? 
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang 
panlipunan. 
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang 
kailangan mo para sa iyong sarili. 
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa 
pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa. 
d. wala sa nabanggit. 
 
10. “Ang batas ay para sa tao, at hindi ang tao ay para sa batas.” Ano ang 
kahulugan ng pahayag na ito? 
a. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay 
nabubuhay. 
b. Ang mga itinakdang batas ay para sa ikakabuti ng tao kaya dapat niyang 
sundin ang lahat ng mga ito. 
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung 
susuwayinn niya ang mga itinakdang batas. 
d. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at 
hindi upang diktahan nito ang kanyang buhay. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
   
“Kung kawalang-katarungan ang pagpatay, ang buhay ay katarungan… 
 
Kung kawalang-katarungan ang pang-aagaw ng lupa, katarungan ang gumalang sa 
pagmamay-ari (ng lupa)… 
 
Kung kawalang-katarungan ang pang-aapi, katarungan ang pagkalinga at 
paggalang sa dignidad ng tao.” 
 
 
 
 

 
Balikan 
 
 
 
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng angkop 
na titik upang mabuo ang salita. 
1. Ang pa _ i k _ l _ h _ k ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat 
na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. 
2. Ang k a b _ t _ h a n g p _ n l a h _ t ay tumutukoy sa kabutihan para sa bawat 
indibidwal na nasa lipunan. 
3. Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at 
lipunan na hindi naghahangad ng anumang kapalit. B _ l u _n t e _ i s m _ 
 
 
 
 
 

Tuklasin 
 
 
 
 
Gawain 1: Tignan ang larawan at pumili ng nagpapakita ng isang makatarungang 
panlipunan. 
 
 
 
 

A C 
 
 
 

 
 
1. Batay sa pinili mong larawan, ipaliwanag kung bakit ito ang makatarungang 
lipunan.? 
2. Anu- ano ang iyong batayan upang masabi na umiiral ang katarungan sa 
isang lipunan.? 
 
 
 

Suriin 
 
 
 
 
❖ Bilang  panlipunang  nilalang,  tayo  ay  may  likas  na  pangangailangan  sa 
kapwa  lalo  na  sa  mga  kritikal  na  sitwasyon  ng  buhay.  Ito  ay  dahil  ang  tao 
ay  panlipunang  nilalang  o  umiiral  na  kasama  ang  ibang  tao.  Matutugunan 
lamang  ang  pangangailangang  ito  kung  may  nabubuong  ugnayan  sa  atin  at 
sa  mga  taong  nakapaligid  sa  atin  –  isang  ugnayang  dapat  na 
pinamamayanihan ng KATARUNGAN. 
 
❖ Ayon  kay  Santo  Tomas  de  Aquino,  ang  katarungan  ay  isang  gawi  na 
gumagamit  lagi  ng  kilos-  loob  sa  pagbibigay  ng  nararapat  sa  isang 
indibidwal.  Sa  pamamagitan  ng  pagiging  makatarungan,  sinusunod  mo  ang 
Likas na Batas Moral. 
 
❖ Ang  legal  na  batas  ay  siyang  panlabas  na  anyo  ng  moral na batas. Ang legal 
na  kaayusan  kung  gayon  ay  nararapat  na  maging  tulay  ng  moral  na 
kaayusan sa lipunan. 
 
❖ Masasabing  isa  kang  makatarungang  tao  kung  ginagamit  mo  ang  iyong 
lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa. 
 
❖ Sa  pamilya,  una  mong  naranasan  ang  mga  bagay-bagay  na  nagbigay  sa  iyo 
ng  kamalayan  tungkol  sa  katarungan.  Napakahalaga  ng  kanilang  papel  na 
ginagampanan  sa  paghubog  ng  iyong  pagiging  makatarungan.  Iminumulat 
ka  nila  sa  katotohanang  may  karapatan  at  tungkulin  ka  bilang  tao  hindi 
lamang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan. 
 
❖ Ang  katarungan  ay  isang  mahalagang  pundasyon  ng  panlipunang 
pamumuhay.  Umiiral  ito  kung  tinatanggihan  ng  mamamayan  ang 
pandaraya  sa  negosyo,  pangungurakot  sa  pribado  at  publikong  institusyon, 
hindi  makatarungang  pasahod  sa  mga  empleyado,at  ang  iba  pang  katulad 
na sitwasyon. 
 
❖ Ang  katarungang  panlipunan  ay  namamahala  sa  kaayusan  ng  kaugnayan 
ng  tao  sa  kanyang  kapwa  at  sa  ugnayan  ng  tao  sa  lipunan.  Inilalagay  nito 
sa  ayos  ang  panlipunang  ugnayan  ayon  sa  kraytirya  ng  pagsunod  sa  batas. 
Isinasaalang-  alang  din  nito  ang  mga  panlipunan,  pampolitikal,  at  pang- 
ekonomiyang  aspekto  ng  tao,  mga  problema  ng  lipunan  at  mga  maaaring 
maging solusyon ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat. 
 
❖ Ang  katarungang  panlipunan  sa  tunay  na  kahulugan  nito  ay  kumikilala  sa 
dignidad  ng  tao.  Ang  bawat  tao  ay  may  dignidad  hindi  dahil  sa  kanyang 
pag-  aari,  posisyon  sa  lipunan  o  mga  nakakamit  sa  buhay,  kundi  dahil  sa 
kanyang pagkatao. 
 

Pagyamanin 
 
 
 
 
Gawain  2:  ​Batay  sa  naging  buod  ng  aralin  tungkol  sa  katarungang  panlipunan, 
ano  ang  nabuo  mong  ideya  tungkol  sa  Katarungang  Panlipunan?  Magbigay  ng 
limang (5) palatandaan ng katarungang panlipunan gamit ang ilustrasyon sa ibaba. 
 
 
 

 
Gawain  3:  ​Ayon  sa  simbolo  ng  katarungan,  isulat  sa  ilalim  ng  timbangan ang mga 
palatandaan  ng  katarungang  panlipunan  at  isulat  naman  sa  ilalim  ng  espadang 
hawak nito ang mga paglabag ng mga tagapamahala at mamamayan. 
 

 
 
1. Pagkilos ng may katapatan sa lahat ng oras/ pagkakataon. 
2. Pandaraya sa negosyo. 
3. Mga rebeldeng laban sa pamahalaan. 
4. Lumalaking agwat ng mayayaman at mahihirap. 
5. Laganap na katiwalian. 
6. Paggalang sa dignidad ng tao. 
7. Pagwawalang - bahala sa mga may kapansanan. 
8. Paglahok sa mga programa ng pamahalaan. 
9. Hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado. 
10. Pagsunod sa batas. 
 

Isaisip 
 
 
 
Gawain 4: ​Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang talata. Piliin 
ang tamang sagot sa loob ng kahon. 
 
 

 
 
 
1. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa 
ng tao. 
2. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang  . 
3. Masasabing isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa 
sa batas at karapatan ng kapwa. 
4. Sa  , una mong nararanasan ang mga bagay- bagay na nagbibigay sa 
iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan. 
5. Maitataguyod ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay mo 
sa iyong kapwa ng  sa kanya. 
 

Isagawa 
 
 
 
 
Gawain 5: ​Gumawa ng isang akrostik gamit ang salitang KATARUNGAN. 
Punan ang bawat letra ng mga salitang mayroong kinalaman sa paksang 
tinalakay, 
K – 
A – 
T – 
A – 
R – 
U – 
N – 
G – 
A – 
N – 
 
 
 
 
 

Tayahin 
 
 
 
 
Panuto: ​Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik 
ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 
 
1. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao ay para sa batas.” Ano ang 
kahulugan ng pahayag na ito? 
a. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay 
nabubuhay. 
b. Ang mga itinakdang batas ay para sa ikakabuti ng tao kaya dapat niyang 
sundin ang lahat ng mga ito. 
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung 
susuwayinn niya ang mga itinakdang batas. 
d. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at 
hindi upang diktahan nito ang kanyang buhay. 
 
2. Ang katarungang panlipunan ay: 
a. ideyal lamang at hindi mangyayari talaga. 
b. ukol sa parehong komunidad at sarili. 
c. pinatutupad ng pamahalaan. 
d. Wala sa nabanggit. 
 
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan? 
a. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga 
gampanin sa klase. 
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina 
c. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye 
d. Wala sa nabanggit 
 
4. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan? 
a. Natutuong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa 
pamilya. 
b. Nagiging bukas ang loob na tumanngap sa pagkakamali at hindi naninisi 
ng iba. 
c. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga 
kapatid. 
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa 
karapatan ng iba. 
 
5. Bakit mahalagang maunawaaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng 
katarungang panlipunan? 
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang 
panlipunan. 
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang 
kailangan mo para sa iyong sarili. 
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa 
pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa. 
d. wala sa nabanggit. 
6. Ano ang katarungan? 
a. Paggalang sa sarili. c. Pagtrato sa tao bilang kapwa. 
b. Pagsunod sa batas. d. Lahat ng nabanggit. 
 
7. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan? 
a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya. 
b. Pagpapautang ng 5-6. 
c. Pagturing sa mga ​fixer ​ng lisensya bilang kapwa naghahanap-buhay. 
d. Wala sa nabanggit. 
 
8. Bakit kailangan ng mga tao ang batas? 
a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila. 
b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos. 
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali. 
d. Lahat ng nabanggit. 
 
9. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa: 
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” 
b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.” 
c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.” 
d. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.” 
 
10. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa 
dignidad ng tao? 
a. Binubuo ng tao ang lipunan. 
b. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao 
c. Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan. 
d. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao. 
 

Karagdagang Gawain 
 
 
 
 
Gawain 6: ​Ipaliwanag sa limang pangungusap ang mensaheng nais iparating ng 
larawang nasa ibaba. Sikaping iugnay ito sa natapos na aralin. 
 
 

 
 
Paliwanag: 
 
 
 
 
 
 

Susi sa Pagwawasto 
 
 
 

 
Sanggunian 
Mula sa internet 
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi.ytimg.com%2Fvi 
%2FZlOjejaTt8o%2Fhqdefault.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.youtube. 
com%2Fwatch%3Fv%3DZlOjejaTt8o&tbnid=EdVkf7BjCV7NlM&vet=12ahUKEw 
ieluGc6rbuAhUQg5QKHbZWC0QQMygCegUIARCUAQ..i&docid=NcGumTJObALE 
FM&w=480&h=360&q=sagupaan%20ng%20militar&ved=2ahUKEwieluGc6rbuA 
hUQg5QKHbZWC0QQMygCegUIARCUAQ 
 
https://www.google.com/search?q=KAHIRAPAN&source=lnms&tbm=isch&sa= 
X&ved=2ahUKEwjN_LTl6rbuAhWZHXAKHRbQAO0Q_AUoAXoECAgQAw&biw=18 
21&bih=758&dpr=0.75#imgrc=dbSznRU_rl58SM&imgdii=vkFg4_6HY2tCTM 
 
 
https://www.google.com/search?q=pagtutulungan+sa+pamayanan&tbm=isch& 
ved=2ahUKEwiR-vr567buAhUHaN4KHRrmDLcQ2- 
cCegQIABAA&oq=pagtutulungan+sa+pamayanan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAy 
AggAMgIIADIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAgQHlCJA1iJA2D0CGgAcAB4A 
IAB- 
QGIAfkBkgEDMi0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=E 
5kOYNGkEofQ-QaazLO4Cw&bih=833&biw=1821 
 
 
http://www.inquiriesjournal.com/articles/896/the-visual-rhetoric-of-lady-justice- 
understanding-jurisprudence-through-metonymic-tokens 
 
https://rabbisacks.org/justice-peace-yitro-5777/love-peace-justice-logo/ 
 
http://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_9_lm_draft_3.31.201 
4-2.pdf 
 
 
Mga Aklat 
Gayola,  Sheryl  T.  et.al.  Edukasyon  sa  Pagpapakatao-Ikasiyam  na 
Baitang.Modyul  para  sa  mag-aaral  Unang  Edisyon  2015.ISBN:98-9601-75-3 
DepEd-IMC 

You might also like