You are on page 1of 16

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan, Linggo 1 at 2 –
Modyul 9
Katarungang Panlipunan

Mula sa Gabay Pangkurikulum ng EsP

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Modyul

9 Katarungang Panlipunan

Alamin
Sa Modyul 1,natutuhan mo namahalaga
ang pagsisikap ng bawat tao sa pagkamit at
pagpananatili ng kabutihang panlahat sa lipunan.
Isa sa mga nararapat pagsikapan upang makamit
ito ay ang pagsasabuhay ng mga moral na
pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan.
Pangunahin sa mga moral na pagpapahalagang ito
ay ang katarungang panlipunan.

Bakit mahalaga sa ating pakikibahagi sa lipunan ang pagkakaroon ng katarungang


panlipunan? Paano ka tutugon sa hamon ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?

Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano


makipag-ugnayan ang bawat mamamayan sa kaniyang kapuwa sa kanilang
pagkakasamang pag-iral?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
9.1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
9.2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at
mamamayan
9.3. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang
nararapat sa kaniya
9.4. Natutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga angkop na
pagkakataon
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa PagpapakataoBaitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 129.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “ Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan “?


A. Dr. Manuel B. Dy Jr. B. Andre Sponville
C. Santo Tomas de Aquino D. Santo Papa Juan Pablo II

1
2. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay.
B. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang
diktahan nito ang kaniyang buhay.

3. Natutuhan mo sa asignaturang EsP na ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng


nararapat sa kaniya. Ano ang dapat na magpatotoo nito?
A. Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tuwing kainan
B. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay
C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga

4. Paano maipakikita ang kilos ng pagiging makatarungang tao?


A. Pag-usapan ng mga magkamag-aral ang nangyayari sa sistemang legal ng bansa
B. Alamin ng mga kabataan ang kanilang mga tungkulin at mga karapatan sa lipunan
C. Bisitahin ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin na bumalik
ito sa pag-aaral
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng baranggay tuwing Sabado upang
maglaro ng basketball

5. Alin ang nagpapatunay na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?


A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay mapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral
na batas.
D. Ang moral at legal na batas ay maaaring paghiwalayin upang magkaroon ng
katarungan sa lipunan.

6. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan?
A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya
B. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkakamali at hindi na manisi ng iba
C. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid
D. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga karapatan ng kapuwa

7. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong
gawin upang maibigay mo sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila?
A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw
B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral
C. Bilhan ng laruan ang lahat ng batang makikita upang matutuwa ang mga ito
D. Bisitahin ang dating paaralan at magtanong kung ano ang maaaring maitulong

8. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan?


A. Pagpapautang ng 5-6 sa mga mahihirap
B. Pagsumbong sa guro sa kaklaseng nangongopya
C. Pagturing ng pamemeki ng lisensiya bilang hanapbuhay
D. Pagtanggap ng bayad sa boto mula sa kandidatong pulitiko sa eleksiyon

2
9. Bakit kailangan sa katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa?
A. Dahil binubuo ng tao ang lipunan
B. Dahil magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao
D.Dahil pangunahin sa pag-iral ng katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa

10. Paano unawain ang mga pagpapahalagang kaugnay sa katarungang panlipunan?


A. Malaman mo ang iyong papel sa katarungang panlipunan.
B. Makita mo alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang angkop sa iyo.
C. Masigurado mo na magtagumpay ka sa pagtugon sa hamon ng pagiging
makatarungan sa kapuwa.
D. Matulungan ka sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao at sa paggalang
mo sa dignidad ng kapuwa na likas sa pagiging tao ng tao.

Balikan

Sa naunang modyul, napalalim mo ang iyong pag-unawa sa kahalagahan ng tunay


na diwa ng pakikilahok at bolunterismo sa lipunan. Natutuhan mo na bilang kabataan,
marami kang maaaring magawa tungo sa pagbabago at pag-unlad ng lipunang iyong
kinabibilangan. Sa modyul na ito, gagabayan ka upang maunawaan mo na bilang isang
panlipunang nilalang, kailangan mo ang iyong kapuwa lalo na sa mga kritikal na sitwasiyon
ng iyong buhay.

Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano


makipag-ugnayan ang bawat mamamayan sa kaniyang kapuwa sa kanilang
pagkakasamang pag-iral?

Tuklasin

Gawain 1: Mga Palatandaan ng Katarungang Panlipunan

Panuto:
1. Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao ang
taglay mo sa iyong sarili sa kasalukuyan.
2. Sagutin ang bawat aytem sa talahanayan sa ibaba.
3. Isaalang-alang ang kasalukuyang ginagawa mo at hindi ang gusto mong gawin.

3
Ako Hindi
Mga Palatandaan ng Pagiging Makatarungang tao Ito Ako Ito

1. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aking paligid.

2. Inuunawa ko ang bawat sitwasiyon sa obhektibong paraan upang


makakilos nang makatarungan ayon sa hiningi ng sitwasiyon.
3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat para sa akin, maaari pa rin akong
magparaya alang-alang sa mas nangangailangan nito.
4. Handa akong magbigay ng aking sarili upang makatulong sa pagpapabuti
ng kapakanan o buhay ng aking kapuwa.
5. Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng aming pamilya.

6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa


trabaho, sa aming baranggay o sa bansa.
7. Itinataya (commit) ko ang aking sarili sa kasunduang mayroon ako at ang
aking mga kaibigan.
8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang dapat kung igalang lalo na
ang may kaugnayan sa likas na batas moral.
9. Tinutupad ko ang aking mga pangako at mga komitment sa buhay.

10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat, pagbatikos at pagpunasaiba na


kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan.
4. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.
a. Ano ang naramdaman mo sa kinalalabasan ng iyong pagtatasa? Ipaliwanag.
b. Sa kabuuan, ano-ano ang iyong mga natuklasan tungkol sa iyong sarili batay sa
resulta ng pagtatasa?
c. Sa palagay mo, paano ka magiging makatarungang tao upang makabahagi sa
pagpapairal ng katarungang panlipunan sa iyong pamilya, paaralan, o pamayanan?
Ipaliwanag.
d. Para sa iyo, ano-ano ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan? Bakit?
e. Mula sa mga palatandaang ito, ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng katarungang
panlipunan?

Linangin
Gawain 2: Mga Paglabag sa Katarungang Panlipunan
Panuto:
1. Tukuyin ang mga paglabag sa Katarungang Panlipunan ng mga tagapamahala at
mamamayan. Gamit ang parehong talahanayan sa ibaba, isulat ito sa iyong kuwaderno.
2. Suriin ang bawat paglabag na ito ayon sa sumusunod:
a. Sanhi o dahilan
b. Mga epekto ng mga ito sa buhay ng tao
c. Mga epekto sa lipunan at
d. Mga paraan ng paglutas ng mga paglabag upang mapanumbalik ang minimithing
katarungangpanlipunan

4
Mga Paglabag Sanhi o Dahilan Epekto sa Epekto sa Paraan ng Paglutas
sa Katarungang Buhay ng Tao Lipunan
Panlipunan
A. Ng mga Tagapamahala

Hal.: - Pagpabor -Hindi ihiniwa- -Mawalan ng -Madagdagan - Makinig sa


ng isang opisyal lay ang tiwala sa ang tiwaling konsiyensiya
ng baranggay sa personal na kaniya ang opisyal upang maging
kaniyang mga ugnayan sa mga residente tapat sa tungkulin
kakilala sa kaniyang ng baranggay -Hindi uunlad
ipinamigay ng posisyon sa ang lipunan - Isaalang-alang
pamahalaan na baranggay - Hindi na ang kabutihang
tulong sa mga makiisa sa - Walang panlahat sa mga
nasalanta ng - sinamantala gawaing pagkakaisa sa pasiyang gagawin
bagyo. ang kaniyang pambaranggay lipunan
kapangyarihan ang mga -Humingi ng gabay
residente sa Diyos

1.

2.

3.

B. Ng mga Mamamayan

Hal.: Pagtikom -Takot na -Mawalan ng - mahirapan ang -Harapin ang


ng bibig sa magalit ang tiwala sa mga biktima ng takot, humanap
nakitang opisyal ng namamahala sa bagyo ng taong
pagpabor ng baranggay at baranggay mapagkatiwalaa
isang opisyal ng hindi na bibigyan - magpatuloy n at makatulong
baranggay sa ng tulong ang katiwalian sa paglantad ng
kaniyang mga sa lipunan katotohanan
kakilala sa -Walang - Hindi na
ipinamigay ng pakialam sa makikiisa sa - Kawalan ng -Kausapin ang
pamahalaan na ginawa ng gawaing pagkakaisa opisyal sa
tulong sa mga opisyal ng pambaranggay tungo sa kaniyang
nasalanta ng baranggay at kabutihang ginawa na
bagyo walang pakialam panlahat walang ibang
sa baranggay na -Hindi uunlad taong
kinabibilangan ang lipunan nakaaalam

1.

.2

3.

4. Sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Ano ang iyong naramdaman sa mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at ng mga mamamayan? Ano naman ang naisip mo tungkol dito?
5
b. Ano ang pagpapahalagang nararapat taglayin ng bawat isa upang mapairal ang
Katarungang Panlipunan? Ipaliwanag.
c. Paano mananaig ang Katarungang Panlipunan sa ating bansa? Ipaliwanag.
d. Ano ang kinalaman ng Katarungang Panlipunan sa iyong buhay?
e. Paano ito nagiging mahalagang sangkap sa ugnayan ng mga kasapi ng lipunan?

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.
Katarungang Panlipunan
“Walangiwanan.” Sa ano-anong sitwasiyon o
konteksto mo narinig ang pahayag na ito? Anong
pagpapahalaga ang masasalamin sa katagang ito?
Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may
likas na pangangailangan sa kapuwa, lalo na sa mga
kritikal na sitwasiyon sa buhay. Ito ay dahil ang tao
ay panlipunang nilalang o umiiral na kasama ang
ibang tao. Matutugunan lamang ang
pangangailangang ito kung may nabubuong ugnayan
sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin – isang
ugnayang dapat na pinamamayanihan ng katarungan.

Kahulugan ng Katarungan

Ano ang katarungan? Ayon sa karaniwang kahulugan nito, ang katarungan ay


pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr, ito ay isang
pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng katarungan ay ang labas ng
sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling interes.

Ano naman ang nararapat sa kapuwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi
malalabag na espasyo ng kaniyang pagka-indibidwal - ang kaniyang dignidad bilang tao.
Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at
paggalang.

Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. Bakit mo kailangang maging


makatarungan sa iyong kapuwa? Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao kundi dahil ikaw rin
ay namumuhay sa lipunan ng mga tao. Ang pagiging makatarungan ay minimum na
pagpapakita mo ng pagmamahal bilang tao na namumuhay kasama ang iba. Halimbawa,
ang paninira sa ibang tao ay isa ring paglapastangan sa iyong sariling pagkatao.

Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na
gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Ang kilos-loob
na isang makatuwirang pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao.
Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral.

6
Makatarungang Tao

Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre Comte-Sponville (2003), isa
kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa. Isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao.
Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa kabila ng napakaraming hindi patas na sitwasiyon
na maaaring nararanasan mo at maaaring minsan ay ikaw rin mismo ang may gawa.
Samakatuwid, kailangan mong salungatin ang iyong mismong sarili, ang ibang tao at ang
mundo sa hindi pagiging patas ng mga ito. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang
walang katapusang laban dahil sa katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili.

Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan

Ano-ano ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa


kapuwa? Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkakapitbahay,
magkaklase, o magka-opisina kung hindi sila palaasa, walang kompetisyon o hindi nang-
aagrabyado sa isa’t isa. Maaaring hindi makatarungan ang kanilang ugnayan kung ang
isang panig ay nagbibigay-hadlang sa pamumuhay at buhay ng kabilang panig. Bilang tao,
karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi hinahadlangan o
pinanghihimasukan ng iba. Kung nilalabag ang karapatang ito, mawawalan ng katarungan.
Hindi nila ito magugustuhan at maaaring magbunga ng gulo sa buhay ng mga nasasangkot.

Ano ang papel ng katarungan sa ganitong sitwasiyon? Mahalagang tandaan na ang


pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat isa
anomang ugnayan mayroon ka sa iyong kapuwa.

Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan

Sa pamilya, una mong nararanasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng


kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti-unti kang nagkakaroon ng kakayahan na
mauunawaan kung ano ang katarungan. Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa
paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang iyong konsensiya,
natutuhan mo na ang katarungan at kawalan ng katarungan ay hindi nakadepende kung
nahuhuli ka ng iyong mga magulang o ng iyong mga kapatid sa iyong mga nagawang
pagkakamali. Hindi rin ito nakababatay sa mga patakaran na sinasabi ng iyong mga
magulang o ng sino pa man.

Nauunawaan mo sa tulong ng iyong mga karanasan na nagiging makatarungan ka


kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng iba at isinasaalang-alang mo ang kabutihang
panlahat.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang mo sa paghubog ng


iyong pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa katotohanang may karapatan at
tungkulin ka bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan. Ginagabayan ka
nila upang mapahalagahan at maisabuhay mo sa iyong pang-araw araw na ugnayan sa
kapuwa ang mga karapatan at tungkuling ito. Samakatuwid, sa tulong ng iyong mga
magulang, nagsisimula ka na magkaroon ng mapanagutang ugnayan sa iyong kapuwa na
daan patungo sa pagiging makatarungan.

Malaki ang papel ng pagsasanay upang magiging makatarungan ka bilang tao. Ang
pagsasanay na ito ay una mong nararanasan sa piling ng iyong pamilya. Kung hindi mo ito
nasisimulan at nagagawa sa pamilya, ang buong proseso ng pagiging makatarungang tao
ay maaaring maging mahirap para sa iyo. May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan

7
mo ng pansin sa pagsasanay sa loob ng inyong pamilya upang mahubog sa iyo ang
katarungan. Narito ang mga aspektong titingnan mo sa iyong sarili:

1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong gawin ang


mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba nila upang
maiwasan mo ang hindi makatarungang gawain?
2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa?
Kaugnay nito, tinutulungan ka ba nila na sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram
ng isang bagay na pagmamay-ari ng iyong kapatid kung gusto mong gamitin ito?
3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang tao
lalo na ang mga nakapaligid sa iyo?
4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayos
ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?

Ang apat na aspekto ng pagsasanay na ito ay ginagamitan ng iyong isip at kilos-


loob na isa sa mga paksa na pinag-aralan mo sa Baitang 7. Ang una at ikaapat na mga
punto ay mga pagsasanay ng iyong kilos-loob, ang ikatlong punto ay ng iyong isip at ang
ikalawang punto ay ang pagsasanay mo ng iyong isip at kilos-loob.

Pinagsisikapan nating suriin ang mahalagang papel na ginagampanan ng iyong


pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao tungo sa pagiging makatarungan. Sa puntong ito
ng iyong buhay, magiging mas bukas pa sana ang iyong isip sa pagtanggap ng paggabay
ng iyong mga magulang sa iyo. Sana hindi mo mabalewala at hayaang mauwi lamang sa
wala ang mga ginagawa nilang ito na tanda ng kanilang pagmamahal sa iyo.
Pinahahalagahan mo ba ang pagmamahal nila? Paano?

Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan

Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na kaayusan? Kung


titingnan nating mabuti ang tanong na ito ayon sa tunay na diwa ng pagpapakatao, ang
batas sibil ay nararapat na nakababatay sa batas moral. Ibig sabihin na ang mga legal na
batas ay kailangang nakaangkla sa moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan
ay mawawalan ng kahulugan. Ihinihiwalay kasi ito sa moral na kaayusan. Mahalagang
malaman mo na ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang
legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na maging tulay ng moral na kaayusan sa
lipunan.

Kaugnay ng pahayag sa itaas, ang batas moral ay maituturing na isang panloob na


aspekto ng katarungan. Ang batas sibil ay ang panlabas na aspekto nito. Sabi nga, “Ang
batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Kung kaya, ang sistemang legal ng
lipunan ng Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng proteksiyon sa karapatang pantao ng
bawat mamamayan nito. Mahalagang sinisegurado ng batas legal ng bansa ang katarungan
para sa lahat. Sa mata ng batas na ito ay nararapat na walang mahirap o mayaman,
mahinaat makapangyarihan. Sa batas, ikaw at ako ay magkapantay. Subalit, paano
nangyayari na ang sistemang legal na dapat ay pumuprotekta sa mga mahirap at mahina ay
nagagamit ng mga mayayaman at makapangyarihan? Bakit nagiging instrumento ito ng
inhustisya at pang-aapi? Sa ganitong paraan ng paggamit ng sistemang legal, malinaw na
hindi ito nagiging makatarungan dahil hindi nito sinusunod ang batas moral. Nilalabag nito
ang pangunahing batas ng pagpapakatao – ang Likas na Batas Moral.

8
Katarungang Panlipunan

Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.


Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo, pangungurakot
sa pribado at publikong institusyon, hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado at
ang iba pang mga katulad na sitwasiyon. Isinasaalang-alang ng katarungan ang ugnayan ng
bawat isa sa lipunan. Kaya, kung titingnan mong mabuti ang mga ugnayan sa lipunan,
makikita mo kung gaano kalaki ang hamon ng pagpapairal ng katarungang panlipunan.
Mabisang paraan ito upang mapangalagaan at mapanatili ang kabutihang panlahat. Hindi
lamang ito nakatatak sa Saligang Batas ng ating bansa kundi ito ang siyang isinisigaw ng
ating bayan sa kasalukuyan nitong kalagayan.

Ano ang katarungang panlipunan? Ayon kay Dr. Dy, ito ay nauukol hindi lamang sa
ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. Iba ang
kapuwa sa kalipunan. Ang kapuwa ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao.
Halimbawa: sa batang nasa lansangan, sa isang matandang babae na nagpapaturo sa iyo
kung saan ang daan, sa kaibigan na nagpapatulong tungkol sa kaniyang problema.
Samantala, ang kalipunan (socius) ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang
tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. Halimbawa nito ay ang guro o mag-
aaral sa paaralan, ang konduktor ng bus o ang empleyado sa opisina. Sila ay kalipunan
dahil may namamagitan na institusyon sa kanilang ugnayan. Magkaiba, ngunit hindi
magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapuwa.

Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa


kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan. Inilalagay nito sa ayos ang
panlipunang ugnayan ayon sa kraytirya ng pagsunod sa batas. Isinasaalang-alang din nito
ang mga panlipunan, pampulitikal at pang-ekonomiyang aspekto ng tao, mga problema ng
lipunan at mga maaaring solusyon ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat.

Masasalamin sa mga konsiderasyong nabanggit ang mga katangian ng katarungang


panlipunan tulad ng: paggalang sa karapatan ng bawat tao, paglampas sa pansariling
interes, at pagsasaalang-alang sa kabuuang sitwasiyon upang tunay na makamit ang
kabutihang panlahat.

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga

Alam mo ba na may mga kaugnay na pagpapahalaga ang katarungang panlipunan?


Ang mga ito ay ang dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa at kapayapaan.
Makatutulong sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao ang pag-unawa mo sa
mga ito.

Angkatarungangpanlipunansatunaynakahulugannito ay kumikilalasadignidadngtao.
Angbawattao ay may dignidadhindidahilsakaniyangpag-aari, posisyonsalipunan o
mganakakamitsabuhay, kundidahilsakaniyangpagkatao. Bukod-
tangiangtaosalahatngmganilalangngDiyosdahilnilikhasiyangDiyosna may isip at kalayaan.
Angkaniyangpagkabukod-tangi ay hindidumidependesakanino man.
Walasiyangkatuladsabuongkasaysayan. Hindi siyamauulit. TuladngbinaggitsaBaitang 7,
kung angdiyamante ay mahalagadahilbihiraito, ano pa kaya angtaonabukod-tangi? May
dignidadangtaodahilmay halagasiya. Mahalagasiyasakaniyangpagkasiya, pagka-ako,
pagkabukod-tangi. Itoangnararamdamanngtaosakaniyangkapuwa at
sakaniyangsarili.Dahilmahalagaangtao,
makatarungannaibigayangnararapatsakaniya.Totoonaangpagbibigay kung
anoangnararapatsatao ay hindinakadependesakaniyangsitwasiyon,
9
kundisakaniyanghindimalalabagnakarapatangkaugnaysakaniyangdignidadbilangtao.
Angkatarungangpanlipunan, kung gayon, ay nakatutuonsakabutihanngmgatao.
Samakatuwid, angmgaistrakturanglipunan ay nabubuo at
nararapatnaumiiralparasakabutihannglahatngtao.

Makakamit ang katarungang panlipunan sa tulong ng isa pang pagpapahalaga – ang


katotohanan. Sa paghahanap mo ng katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuan ng
isang sitwasiyon. Ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay mag-uudyok sa iyo na
handa mong ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan sa iyong buhay at sa
buhay ng iyong kapuwa. Kaya, ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay hindi isang
simpleng opinyon lamang dahil hindi mo maitataya ang iyong pagkatao at buhay para sa
isang opinyon lamang. Ang katotohanan sa puntong ito ay ang pag-unawa na may iba pang
apektado sa sitwasiyon, hindi lamang ikaw. Inuuunawa at pinagninilayan mo ang
sitwasiyong ito upang makita ang katotohanang nakakubli rito. May kasama ka sa
kinasasangkutang sitwasiyon at hindi makabubuti sa mga kasama mo na ikaw lamang ang
masusunod at maging sunud-sunuran lamang sila sa iyo. Ang pagmomonopoliya o
pagsasarili sa mga kaganapan ay sumasalungat sa kabutihan ng inyong pagkakasamang
pag-iral sa sitwasiyon na kapuwa ninyo kinasasangkutan. Upang matugunan ang
pangangailangan ng katarungang panlipunan, kailangan mong makipag-usap at
makipagdiyalogo sa iba pang sangkot sa sitwasiyon.

Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal. Ang katarungan


ay walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal na likas sa tao. Sa
pagmamahal, ang iyong kapuwa ay isang kaibigan o maaari ring ituring mo siya na isang
kapatid. Kung mawawala ang pagmamahal, paano na ang tao? Ano ang mangyayari sa
katarungan? Ang katarungan ay maaaring mauwi sa simpleng legalismo na ibig sabihin ay
pagiging parang isang bulag kung saan sunud-sunuran na lamang ang tao sa batas. Kaya,
ang pagmamahal bilang isang pagpapahalaga ay isang aktibong pagkalinga sa kapuwa na
nagpauunlad sa kaniyang mga kakayahan bilang tao. Kung ang katarungang panlipunan ay
ginagabayan ng diwa ng pagmamahal, ito ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na
makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay isang positibong paglapit sa kaniya upang
samahan at suportahan siya sa kaniyang pagtubo bilang tao at sa pagpauunlad niya ng
kaniyang mga potensyal. Ito ay nangangahulugan ng sama-samang pagkilos ng mga
institusyon ng lipunan upang makabuo ng sistemang susuporta sa pagpauunlad ng
pagkatao ng tao. Ang pagmamahal ay siyang puso ng pagkakaisa.

Hindi lingid sa iyong kaalaman na may namumuong pagkakahati-hati sa mga


mamamayan ng ating bansa at maging sa pagitan ng mga bansa ng daigdig. Marahil, ito ay
dahil sa magkakaibang prinsipyo at pananaw sa buhay ng mga tao sa larangan ng politika,
relihiyon at iba pang aspekto ng buhay ng tao. Mahirap itong malampasan kung ang
pagbabatayan lamang ng ugnayan ay ang katarungan. May pag-asang maghilom ang sugat
ng pagkakahati-hating ito ng ating bansa sa bisa ng pagkakaisa (solidarity). Makatutulong
dito ang pagtanggap sa katotohanan na tayong mga Pilipino ay sama-samang namumuhay
sa iisang bansa lamang. Sa pandaigdigang sitwasiyon, makita sana ng lahat ng mga bansa
na magkakaiba man ang mga lahi, lahat ay namumuhay naman sa iisang daigdig.
Samakatuwid, kailangan na maging bukas tayo at handang isakripisyo ang ating pansariling
adhikain para sa pagkakaisa tungo sa kabutihang panlahat. Ang sabi ni Santo Papa Juan
Pablo II, “Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan.”

Sa iyong ugnayan sa kapuwa at sa kalipunan, makabubuting tahakin mo ang landas


ng katarungan at pagmamahal lalo na para sa mga mahirap at mahina tungo sa
pagkakaroon ng kapayapaan. Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayapaan sa

10
pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng sandatahan. Ang kapayapaan ay hindi
nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan o sa pagkakaroon ng parehong kapangyarihan

ngmgabansa. Ang kapayapaan ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang


kaayusan ng katarungan. Muli, kailangan dito ang paggalang sa dignidad ng tao at ang
palagiang pagsasanay na maisabuhay ang diwa ng pagkakaisa upang maitaguyod ang
kabutihang panlahat. Ang kapayapaan ay bunga rin ng pagmamahal, ang pinakamataas na
antas ng pag-iralng katarungan.

Sa huli, maitataguyod mo ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng


pagbibigay mo sa iyong kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ito ay tanda ng paggalang mo sa
kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagiging makatarungan sa kapuwa tao ay nagsisimula at
sinasanay sa pamilya. Ibinabatay ang makatarungang ugnayang ito sa moral na kaayusan
ng lipunan. Pinatitibay ang pag-iral ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng mga kaugnay na mga pagpapahalaga na daan tungo sa kabutihang
panlahat.

Teka, sandali lang. Nag-iiwan ba sa iyo ng hamon ang natutuhan mo tungkol sa


katarungang panlipunan? Paano mo ito tutugunan? Huwag mo sanang kalimutan, “Walang
iwanan” ha?

Pagyamanin
Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.

Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Ano ang katarungan? Bakit kailangan ang panloob na kalayaan sa pagtataguyod nito?
2. Paano magiging makatarungan ang isang tao? Ipaliwanag.
3. Paano nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan? Patunayan.
4. Bakit nararapat na ibinabatay sa batas moral ang batas legal? Ipaliwanag.
5. Ano ang katarungang panlipunan? Ipaliwanag.
6. Ano-ano ang kaugnay na pagpapahalaga ng katarungang panlipunan?Patunayan.

Gawain 3b: Pagninilay

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa loob ng talahanayan upang lubusang mapalawak ang
iyong pagkakaunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Ano-ano ang konsepto at kaalaman Ano ang aking Ano-ano ang hakbang na
na pumukaw sa akin? pagkaunawa at aking gagawin upang
reyalisasyon sa mailapat ko ang mga pang-
bawat konsepto at unawa at reyalisasyong ito
kaalamang ito? sa aking buhay?
1. Pagpapairal ng katarungang
panlipunan
2. Bilang mamamayan namumuhay
sa lipunan kasama ang kapuwa

11
Isaisip

Gawain 4a :Paghihinuha ng Batayang Konsepto

Panuto:
1. Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na salita ang
pangungusap sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto.
2. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

mamamayan kaniya maayos kapuwa nararapat pananagutan

May ________________ ang bawat _____________ na ibigay sa ___________ ang


___________sa ______________.

Gawain 4b: Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto tungkol sa Katarungang Panlipunan sa aking
pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto tungkol sa
Katarungang Panlipunan?

Isagawa
Gawain 5: Pagganap

Panuto: Paano mo maipamamalas ang iyong pagkatuto tungkol sa katarungang panlipunan


sa modyul na ito?
1. Balikan ang ginawa mong pagtatasa ng sarili sa Gawain 1 tungkol sa mga palatandaan
ng pagiging makatarungang tao.
2. Sa Kolum 1 ng tsart sa ibaba, isulat ang mga aytem ng palatandaan na kailangan mo
pang taglayin. Sa kolum 2, isulat ang 2 o 3 tiyak na paraan o hakbang na gagawin mo
sa pagsasakatuparan ng bawat palatandaan. Sa Kolum 3 naman, isulat ang mga
3. kaugnay na pagpapahalaga sa mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao na
mahubog sa iyong sarili. Gabay mo ang halimbawa.
Mga Palatandaan ng Pagiging Mga Paraan o Hakbang na Mga Kaugnay na
Makatarungang Tao na Gagawin Ko sa Pagsasakatuparan Pagpapahalagang
Kailangan Kong Taglayin ng Bawat Palatandaan Mahuhubog sa Aking
Sarili
Halimbawa: Isinasaalang- • Hinaan ko ang volume ng aming Paggalang sa kapuwa
alang ko ang mga karapatan stereo/component tuwing
12
ng mga tao sa aking paligid. pinapatugtog ko ito upang hindi
makaisturbo sa aming mga
kapitbahay.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:


1. Magkaugnay ang sagot sa parehong bilang mula sa una hanggang ikatlong kolum
2. Tiyak ang kilos na gagawin sa pagsakatuparan ng bawat palatandaan
3. Makatotohanan ang gagawing kilos sa pagsasakatuparan nito
4. Angkop ang isinulat na kaugnay na pagpapahalagang mahubog sa sarili sa isinulat sa
una at ikalawang kolum ng parehong bilang

Buod
May
pananagutanangbawatmamamayannaibigaysakapuwaangnararapatsakaniya.

Tayahin
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan?
A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkamali at hindi manisi ng iba.
C. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga karapatan ng kapuwa.
2. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong
gawin upang maibigay mo sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila?
A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw.
B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral.
C. Bilhan ng laruan ang lahat ng batang makikita upang matutuwa ang mga ito
D.Bisitahin ang dating paaralan at magtanong kung ano ang maaaring maitulong
3. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan?
A. Pagpapautang ng 5-6 sa mga mahihirap
B. Pagsumbong sa guro sa kaklaseng nangongopya
C. Pagturing ng pamemeki ng lisensiya bilang hanapbuhay
D. Pagtanggap ng bayad sa boto mula sa kandidatong pulitiko sa eleksiyon.

13
4. Paano unawain ang mga pagpapahalagang kaugnay sa katarungang panlipunan?
A.Malaman mo ang iyong papel sa katarungang panlipunan.
B.Makita mo alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang angkop sa iyo.
C.Masigurado mo na magtagumpay ka sa pagtugon sa hamon ng pagiging
makatarungan sa kapuwa.
D.Matulungan ka sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao at sa paggalang
mo sa dignidad ng kapuwa na likas sa pagiging tao ng tao.
5.Bakit kailangan sa katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa?
A. Dahil binubuo ng tao ang lipunan
B. Dahil magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao
D. Dahil pangunahin sa pag-iral ng katarungang panlipunanang paggalang sa kapuwa

6. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “ Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan “?


A. Dr. Manuel B. Dy Jr.
B. Andre Sponville
C. Santo Tomas de Aquino
D. Santo Papa Juan Pablo II

7. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito?
A.May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay.
B.Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito.
C.Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas.
D.Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang
diktahan nito ang kaniyang buhay.
8.Natutuhan mo sa asignaturang EsP na ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng
nararapat sa kaniya. Ano ang dapat na magpatotoo nito?
A.Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tuwing kainan.
B. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.

9. Paano maipakikita ang kilos ng pagiging makatarungang tao?


A. Pag-usapan ng mga magkamag-aral ang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
B. Alamin ng mga kabataan ang kanilang mga tungkulin at mga karapatan sa lipunan.
C.Bisitahin ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin na bumalik
ito sa pag-aaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng baranggay tuwing Sabado upang
maglaro ng basketball.

10. Alin ang nagpapatunay na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay mapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na
batas.
D. Maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon katarungan sa
lipunan

14
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Pagsasabuhay

Panuto: Habang kinakaharap ng buong bansa ang Bagong Normal o New Normal dahil sa
pandemya, ito na marahil ang pinakamainam na pagkakataon na maisabuhay ang
pagiging makatarungang tao lalong-lalo na sa isang kapitbahay o ka-baranggay na
higit na nangangailangan. Kung kaya, magkaroon ng diyalogo o bukas na pag-
uusap sa mga kasapi ng tahanan kung paano maipadama at maipakita sa
kapitbahay o ka-baranggay na ito, na siya ay may mahalaga at dignidad bilang tao.
Gabay mo ang sumusunod:
1. Narito ang mga maaaring ibahagi sa isang kapitbahay o ka-baranggay na
nangangailangan: Panahon (Time), Talento (Talent) at Kayamanan (Treasure).
2. Gamiting gabay ang sumusunod na hakbang para sa diyalogo:
a. Gumawa ng tahimik at ligtas na pagsisiyasat kung sino sa mga kapitbahay o ka-
baranggay ang may pangangailangan na kailangan ng agarang pagtugon.
b. Huwag kalimutan ang safety protocols sa Bagong Normal na dapat sundin sa
pagsasakatuparan ng gagawing pagtulong. (Magsuot ng mask, maghugas ng kamay
gamit ang sabon, gumamit ng alcohol, at mag-social distancing).
c. Kumuha ng detalye ng impormasyong kailangan tungkol sa sitwasiyon ng tutulungan.
d. Magtala ng mga paraan kung paano matutugunan ang agarang pangangailangan ng
kapitbahay o ka-baranggay na ito.
e. Isa-isahin ang mga kagamitang kinakailangan.
f. Lahat ng pag-uusap ng pamilya tungkol dito, ang mga pangyayari, mga karanasan at
mga aral na matutuhan ay i-dokumento at maaaring samahan ng kuhang larawan.
g. Pagkasunduan ang panahong ilalaan para sa gagawing pagtulong.
3. Pagkatapos ng diyalogo, huwag kalimutang magpasalamat sa mga kasapi ngtahanan.
4. Bumalik sa lugar ng bahay kung saan ka nag-aaral at sagutin ang sumusunod natanong:
a. Ano ang nararamdaman mo sa napagkasunduan ninyong gagawing pagtulong sa
isang kapitbahay o ka-baranggay na may agarang pangangailangan?
b. Paano makatutulong ang napiling gagawing pagtugon upang maipadama at
maipakita sa kapitbahay o ka-baranggay na siya ay may mahalaga at dignidad bilang tao?
c. Ano ang gagawin mo upang makaambag sa tagumpay ng pagtugon sa agarang
pangangailangan ng kapitbahay o ka-baranngaynaito?

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:


1. Natutukoy ang agarang pangangailangan ng isang kapitbahay o ka-baranggay na
kailangang tugunan
2. Angkop ang paraan ng pagtugon sa pangangailangan ayon sa hinihingi ng pagkakataon
3. Natutukoy ang mga konkretong gawain bilang paraan ng pagtugon sa pangangailangan
4. Natutukoy ang mga pagpapahalagang pairalin sa pagtugon sa pangangailangan
5. May maikling paliwanag sa napiling tulungan at uri ng pagtulong na gagawin
6. May patunay na kuhang mga larawan sa ginawang diyalogo at sa aktuwal na ginawang
pagtulong
7. May kasamang pagninilay sa resulta ng diyalogo at ng aktuwal na ginawang pagtulong
ang ipinasang output.
15

You might also like