You are on page 1of 32

DAILY LESSON Paaralan MVATHS Baitang/ Antas 9

LOG
(Pang-araw- Guro ABE KING B. Asignatura Edukasyon sa
araw na PEDRONAN Pagpapakatao
Tala sa Petsa/Oras December 09, 2023 Markahan Ikalawa
Pagtuturo)

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o

naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan,


o lipunan/bansa
C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao. EsP9TT-IIa-5.1

Pagkatuto. Isulat ang code 2. Napahahalagahan ang pagtupad ng tungkulin bilang isang Pilipino.
ng bawat kasanayan 3. Naipakikita ang mga karapatang natatamo at ang wastong pagtupad sa tungkulin sa
pamamagitan ng malikhaing presentasyon.

II. Nilalaman Modyul 5: Karapatan at Tungkulin


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9, TG p. 45-49

Guro
2. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, LM p. 79-83

Kagamitang Pang-Mag-
aaral

1
lOMoARcPSD|20797139

3. Mga pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Vibal Publishing House, Inc. (2013), Constantina S. Arrogante;
Nenita I. De Vega, Dolores S. Quiambao, pp. 44-49
4. Karagdagang Kagamitan

mula sa portal ng Learning


Resource
B. Iba pang Kagamitang sipi ng Paunang Pagtataya, sipi ng Panatang Makabayan, Manila paper, markers, journal, bolpen,

Panturo at notbuk
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang Ipakilala ang paksa gamit ang quotation mula sa pahayag ni Stan Lee sa kanyang sinulat na

aralin at pagsisimula ng Spiderman: “With great power comes great responsibility”.


bagong aralin.
Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Anong pananagutan ang tinutukoy sa pahayag?
2. Saan nakaangkla ang kapangyarihang ito?

Sagutan ang Paunang Pagtataya: (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa notbuk.
Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kanyang kapwa?
Karapatan
Isip at kilos-loob
Kalayaan
Dignidad

Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito? a. Hindi
maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwang ibigay sa kanya nang sapilitan

2
lOMoARcPSD|20797139

ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.


Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwang igalang ito.
Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

Ang tungkulin ay obligasyong moral ng taong gawin o iwasang gawin ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.

Ano ang buod ng talatang ito?


Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang
matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin
ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili
kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nitong
itinakda ng mga batas.
a. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kanyang tungkulin upang magampanan ng lipunan
ang tungkulin nito sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad
sa tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng
indibidwal ang sarili.

Alin ang hindi nagpapakita ng tungkuling kaakibat ng karapatan sa buhay? a.


Iniwasan ni Andrew na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Reyes para sa mga batang biktima ng pang-

3
lOMoARcPSD|20797139

aabuso.
c. Sumasali si Jayson sa mga isport na mapanganib tulad ng drag racing para sa motorsiklo.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Aling Mameng para sa mga batang kalye.

Anong karapatan ang ipinapahayag sa talata sa ibaba na kaakibat ng tungkuling ipinakita ng


tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang ay nanilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa
Roma. Namuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa.
Tuwing matatanggap niya ang kanyang pension mula sa Social Security System (SSS),
naglalakad siya nang mahigit isang milya upang ibigay niya ang kanyang kontribusyon sa
simbahan (tithing).
Kier Mich, 2012, ph 145-146
a. Karapatan sa pribadong ari-arian
b. Karapatan sa buhay
c. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay

Anong karapatang batay sa encyclical na “Kapayapaan at Katotohanan (Pacem in Terris)”


ang ipinakita ng tauhan?
Itinakas ni Akbar ang pamilya niya mula sa Surigao patungong Lucena upang
takasan ang mga kaguluhan sa kanilang lugar dulot ng terorismo.
Karapatang mabuhay
Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas

4
lOMoARcPSD|20797139

8. Ano ang ibig sabihin ng talata sa ibaba?


Ang panawagan ng karamihan tungkol sa karapatang pantao tulad ng karapatan sa
kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura ay paglabag sa katotohanan at
isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay ang pinakababantayan at
pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay
hindi naipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)
a. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
b. Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.
c. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano
na nagtataguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
d. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.

Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkuling nasa kahon sa ibaba?


Supurtahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
Pag-iwas sa eskandalo
Karapatan sa buhay
Karapatang magpakasal
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatang maghanapbuhay

Aling karapatan ang kaakibat ng tungkuling patuloy sa pag-aaral upang umangat sa karera at
maitaas ang antas ng pamumuhay?
Karapatan sa buhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatang maghanapbuhay
Karapatang pumunta sa ibang lugar

5
lOMoARcPSD|20797139

Gabay sa Pagwawasto
1. d
2. b
3. a
4. b
5. c
6. a
7. c
8. a
9. d
10. a
B. Paghahabi sa layunin ng Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 3 minuto)

aralin at pagganyak (Reflective Approach)


1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
2. Napahahalagahan ang pagtupad ng tungkulin bilang isang Pilipino.
3. Naipapakita ang mga karapatang natatamo at ang wastong pagtupad sa tungkulin sa
pamamagitan ng malikhaing presentasyon.
C. Pag-uugnay ng mga Iugnay ang paksang tatalakayin sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagbigkas sa “Panatang

halimbawa sa bagong Makabayan”. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)


aralin
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas

Aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi.


Kinukupkop ako at tinutulungan upang maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
6
lOMoARcPSD|207971

Susundin ko ang tuntunin ng paaralan


Tutuparin ko ang mga tungkulin ng mamamayang makabayan;
Naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap sa bansang Pilipinas.
Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Anong batas ang kailangang tuparin batay sa Panatang Makabayan?


2. Anong karapatan naman ang napapaloob dito?
D. Pagtalakay ng bagong A. Ipasulat sa notbuk ang anim na itinuturing nilang karapatan at iparanggo ito batay sa

konsepto at paglalahad ng kahalagahan para sa kanila. Gamitin ang bilang 1 hanggang 6.


bagong kasanayan #1
B. Pangkatin ang klase sa lima. Magbahagihan tungkol sa mga tungkuling iniranggo. Sagutan ang
sumusunod na katanungan.
1. Ano-ano ang itinuturing ng inyong pangkat na karapatan?
2. Ipaliwanag ang inyong batayan sa resulta ng pagranggong ginawa ng inyong pangkat. Ano
ang sinasabi nito sa inyong pagkaunawa sa karapatan? (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative/Reflective Approach)
E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa lima at pag-usapan ang isang malikhaing presentasyon

konsepto at paglalahad ng tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa sumusunod na aspekto: (a) sa pamilya,
bagong kasanayan #2 (b) sa paaralan, (c) sa barangay o pamayanan, (d) sa bansa o lipunan at (e) sa espiritwalidad.
(gawin sa loob ng 10 minuto)(Collaborative/Constructivist Approach)
Pangkat 1 – Tula o Rap (tungkulin at karapatan ng tao sa pamilya)

Pangkat 2 – Kanta o Jingle (tungkulin at karapatan ng tao sa paaralan)


Pangkat 3 – Maikling dula (tungkulin at karapatan ng tao sa barangay/pamayanan)
Pangkat 4 – Quiz Show (tungkulin at karapatan ng tao sa bansa/lipunan)
Pangkat 5 – TV Sitcom/News (tungkulin at karapatan ng tao sa espiritwalidad)
7
lOMoARcPSD|20797139

Gabay na mga katanungan.

a. Ano ang magkatuwang na kapangyarihan at obligasyong mahalaga sa pagpapanatili ng


maayos na buhay-pamayanan?
b. Ano-ano ang iyong tungkulin sa kapwa, sa sarili at sa bayan?
c. Paano mo ipinakikita ang pagtupad sa mga tungkulin?
d. Paano mo natatamasa ang iyong mga karapatan?
e. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan at tungkulin mo bilang
tao?
f. Paano ninyo pinahahalagahan ang inyong karapatan?
F. Paglinang sa Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat para sa presentasyon ng natapos na pangkatang

Kabihasahan (Tungo sa gawain. Bigyan din ng pagkakataong makapagbigay ng pagtatasa ang bawat pangkat sa kapwa
Formative Assessment) pangkat na magpapakita ng kanilang presentasyon. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative
Approach)
Gamiting kraytirya ang sumusunod:

1. Kaangkupan ng pormat batay sa nakatakdang uri ng presentasyon (5 puntos)


2. Maikli ngunit mahusay ang paliwanag o deskripsiyon ng nakatakdang presentasyon.
(5 puntos)
3. Kaisahan at pakikiisa ng bawat kasapi ng pangkat (5 puntos)
4. Nakapupukaw ng interes ang ginawang presentasyon. (5 puntos)
Magbigay ng ilang papuri o pagpuna sa mga ginawang presentasyon batay sa pangangailangan

nito.
G. Paglalapat sa aralin sa Sumulat ng journal na binubuo ng 5 o higit pang pangungusap na nagpapaliwanag ng quotation na

pang-araw-araw na buhay ito: “With great power comes great responsibilty.” Iugnay ito sa sariling karanasan. (gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
8
lOMoARcPSD|20797139

H. Paglalahat sa aralin Ang bawat tao ay may kanya-kanyang karapatan. Mapahahalagahan niya ito nang husto

kung ang bawat karapatan ay natatamasa at nararanasan niya sa tulong ng kanyang kapwa at ng
mga pangunahing institusyon. Kaakibat ng bawat karapatan ang pagtupad sa mga gampanin at
tungkulin ng bawat tao sa kanyang kapwa, sa bayan, at sa Diyos (gaya ng napapaloob sa
Panatang Makabayan).
I. Pagtataya ng Aralin Sabihin kung ang sumusunod ay (K) karapatan o (T) tungkulin ng tao. Isulat ang (K) o (T) sa

patlang. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)


1. Magsimba at sumamba___ (K)
2. Maglinis ng paligid___ (T)
3. Bumoto kapag halalan___(K)
4. Tumulong sa gawaing bahay___ (T)
5. Magtanong sa guro kung may hindi naintindihan__ (K)
J. Karagdagang gawain para Pumili ng linya sa Panatang Makabayan. Isulat ito sa long typewriting bilang islogan. Lagyan ng

sa takdang aralin at konting disenyo at ipaskil sa alinmang bahagi ng silid-aralang itinakda ng guro. Tiyaking madali
remediation itong mabasa upang magsilbing paala-ala ng ating mga karapatan at tungkulin bilang tao.
Sundin ang sumusunod na kraytirya sa pagbibigay puntos:

1. Malinaw ang pagkakasulat ng bawat salita. (6 puntos)


2. Simple subalit malikhaing disenyo. (4 puntos)
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na

nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

9
lOMoARcPSD|20797139

Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation

Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin?

Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang
nakatulong nang lubos?
Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?

Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

10
lOMoARcPSD|20797139

DAILY LESSON LOG Paaralan MVATHS Baitang/ Antas 9


(Pang-araw-araw na Guro ABE KING B. PEDRONAN Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras January 06, 2023 Markahan Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan

Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o

naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan o


lipunan/bansa
C. Mga kasanayan sa 1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,

Pagkatuto. Isulat ang code barangay/pamayanan o lipunan/bansa. EsP9TT-IIa-5.2


ng bawat kasanayan 2. Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa napanood na documentary film.
3. Nakapagsasagawa ng maikling dulang nagsusuri sa mga paglabag sa karapatang pantao.
II. Nilalaman Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG p. 49-51

Guro
2. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 83-85

Kagamitang Pang-Mag-
aaral

11
lOMoARcPSD|20797139

3. Mga pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan

mula sa portal ng Learning


Resource
B. Iba pang Kagamitang https://www.youtube.com/watch?v=UPpGxacNcxAdokumentaryong video tungkol sa Karapatang

Panturo Pantao, Manila paper, markers, journal, notbuk at bolpen


III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng ilang mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang takdang gawain. Atasan ang mga

aralin at pagsisimula ng mag-aaral na ipaskil ang kanilang mga ginawa. Bigyan ng konting panahon ang lahat upang
bagong aralin. makapaglibot at tingnan ang mga nakapaskil. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Ano ang pagkakaiba ng karapatan sa tungkulin?

B. Paghahabi sa layunin ng Gamit ang objective board, babasahin ng guroang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 5

aralin at pagganyak minuto) (Reflective Approcah)


1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
2. Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa napanood na documentary film.
3. Nakapagsasagawa ng maikling dula na nagsusuri sa mga paglabag sa karapatang pantao.
C. Pag-uugnay ng mga Tumawag ng tatlong mag-aaral. Magpagawa ng charade sa tatlong salitang ito: (a) paggalang sa

halimbawa sa bagong buhay, (b) paggalang sa ari-arian at (c) paggalang sa kapwa. (gawin sa loob ng 5 minuto)
aralin (Constructivist Approach)
D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa lima. Ipasuri ang mga karapatang pantaong nalabag sa bawat sitwasyon.

konsepto at paglalahad ng Ipahayag ang pagsusuri sa pamamagitan maikling pagsasadula. (gawin sa loob ng 20 minuto)
12
lOMoARcPSD|20797139

bagong kasanayan #1 (Collaborative/ Integrative Approach)

Pangkat 1: Isang buwan ng kasambahay si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa nakaraang isang linggo,
tatlong bahay sa kanilang kapitbahayan ang inakyat ng magnanakaw. Natakot si Gng. Hermoso
dahil hindi niya kilala nang ganap si Ida. At dahil dito, baka pasukin din ang kanilang bahay
kapag isya lang ang tao rito. Nagpasiya si Gng. Hermoso na huwag palabasin ng bahay si Ida,
kahit bumili sa tindahan sa loob ng subdivision.

Pangkat 2: Nagsabi na ang 32 taong gulang na si Mary Jean sa kanyang ina na mag-aasawa na
siya.napagtapos na niya ang kanyang dalawang kapatid at nasa Junior High School na ang bunso.
Ngunit sinabi ng kanyang ina na kailangan munang magtapos ang huli bago siya magpakasal.
Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.

Pangkat 3: Inilabas ng United Nations ang planong Sustainable Development na may bisa
hanggang 2030. Isa sa mga tunguhin nito ang pagbibigay permiso sa lahat, kasama ang
kabataan, sa karapatang seksuwal at pagpapadami (reproductive). Hindi binanggit sa dokumento
ang aborsyon bilang resulta ng mga karapatang ito. Hinihingi ng UN ang suporta ng mga lider ng
mga bansa para sa pagpapatupad ng planong ito.

Pangkat 4: Mula ng lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia, nangangailangan
siya ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusuweldo niya sa mga ito at libre ang
pagkain nila lalo na kapag may overtime na trabaho. Ngunit nang magkatampuhan si Aling Delia
at ang kanyang asawa, nagpasiya itong bumili ng condominium upang iwasan ang stress na
sanhi ng tampuhan nila. Dahil dito, hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at
hindi pa nila ito natatanggap sa takdang araw.

Pangkat 5: Maraming sako ng bigas ang nakatago sa container van ni Mang Enteng bukod sa
nakikita sa kanyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa
pagkain, pera at damit para sa biktima ng kalamidad, 30 sako ng bigas lamang ang pinadala
niya.

13
lOMoARcPSD|20797139

E. Pagtalakay ng bagong Ipanood ang documentary film na tumatalakay sa karapatang pantao na nai-download mula sa

konsepto at paglalahad ng https://www.youtube.com/watch?v=UPpGxacNcxA (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective


bagong kasanayan #2 Approach)
Sagutan sa notbuk ang mga katanungang ito.
1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga karapatang pantao?
2. Ano ang tungkulin ng bawat tao kaugnay ng mga karapatang pantao? Magbigay ng
halimbawa.
3. Ano ang mahahalagang mensahe ng documentary film na napanood? Ipaliwanag.
4. May magagawa ka ba sa mga malawakang paglabag sa karapatang pantao na ipinakita sa
documentary film? Ano ang maaari mong gawin sa mga paglabag na ito?
F. Paglinang sa Kabihasahan Magpahayag ng mga maaaring mangyari sa mga sitwasyon sa ibaba at kung ano ang magiging

(Tungo sa Formative epekto nito sa lipunan. Ang unang bahagi ay ginawa para sa iyo.
Assessment) Sitwasyon Ano ang maaring mangyari? Epekto sa lipunan
Walang paaralang Marami ang hindi makapag- Maraming mangmang at
pampubliko. aaral dahil sa kasalatan sa inaapi sa lipunan.
buhay.
Walang mga pagamutang
pampubliko.
Walang batas-trapiko.
Walang bayarin sa tax ang
sinumang tao.
Walng resibo sa alinmang
tindahan.
Hindi na bawal ang droga.

Maari ng sigawan ng mga


anak ang kanilang magulang.
14
lOMoARcPSD|20797

G. Paglalapat sa aralin sa Magsulat ng journal na nagpapahayag ng iyong sariling saloobin at opinyon hinggil sa mga umiiral

pang-araw-araw na buhay na paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa batay sa mga balita sa radyo, diyaryo,
telebisyon at social media kagaya ng extra-judicial killing. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
H. Paglalahat sa aralin Bawat tao ay may karapatan. Bawat tao ay nilikhang pantay-pantay. Walang sinuman ang

nakahihigit sa kaninuman lalo at sa usaping karapatang pantao. Sa mata ng batas, pantay-pantay


ang lahat – walang mahirap, walang mayaman.
I. Pagtataya ng Aralin Magbigay ng sitwasyong labag sa bawat karapatan sa ibaba. 2 puntos sa bawat karapatan.

(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)


a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa malayang pagpapahayag
c. Karapatan sa paghahanapbuhay
d. Karapatan sa pagkain
e. Karapatan sa pagmamay-ari o ari-arian
J. Karagdagang gawain para Pumili ng isang serye ng panoorin sa telebisyon kapag prime time. Maglista ng mga paglabag sa

sa takdang aralin at karapatang ipinakita sa panoorin. Sa bawat nailistang paglabag, magbigay ng tungkulin na sa
remediation iyong palagay ay nararapat gawin ng isang tulad mo.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na

nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na

15

)
lOMoARcPSD|20797139

nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang
nakatulong nang lubos?
Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?

Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

16
lOMoARcPSD|20797139

DAILY LESSON LOG Paaralan MVATHS Baitang/ Antas 9


(Pang-araw-araw na Guro ABE KING B. PEDRONAN Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras JANUARY 13, 2023 Markahan Ikalawa
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan

Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o

naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan,


o lipunan/bansa.
C. Mga kasanayan sa 1. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan

Pagkatuto. Isulat ang code ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang
ng bawat kasanayan pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao. EsP9TT-IIb-5.3
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan o alinmang uri ng media na
tumatalakay sa mga karapatang pantao.
II. Nilalaman Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG p. 51-52

Guro

2. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 85-92

17

)
lOMoARcPSD|20797139

Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan

mula sa portal ng Learning


Resource
B. Iba pang Kagamitang kopya ng awiting Bawat Bata ng Apo Hiking Society, PowerPoint Presentation, laptop, projector,

Panturo Manila paper, marker, notbuk, https://www.youtube.com/watch?v=gdaTGTFqrno


III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng apat na mag-aaral na magkakaiba ang pinanood na serye sa telebisyon at hayaan

aralin at pagsisimula ng silang magbahagi tungkol sa kanilang ginawang pagsusuri. (gawin sa loob ng 5 minuto)
bagong aralin. (Reflective Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 5

aralin at pagganyak minuto) (Reflective Approach)


1. Napatutunayang ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan
ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang
pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan, o alinmang uri ng media na
tumatalakay sa mga karapatang pantao.
B. Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng sabayang pag-awit ng awiting pinasikat ng

Apo Hiking Society na may pamagat na “Bawat Bata”.


C. Pag-uugnay ng mga Panoorin ang video na naglalagom ng araling nai-download mula sa

18

)
lOMoARcPSD|20797139

halimbawa sa bagong https://www.youtube.com/watch?v=gdaTGTFqrno. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective


aralin Approach)
D. Pagtalakay ng bagong Talakayin ang paksa gamit ang PowerPoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang sumusunod na

konsepto at paglalahad ng katanungan. (gawin sa loob ng 20 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)


bagong kasanayan #1 1. Ano ang karapatan? Bakit ito ay sinasabing kapangyarihang moral?
2. Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na determinasyon ang karapatan sa buhay?
Pangatuwiranan.
3. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.
4. Ano ang tungkulin? Bakit ito ay obligasyong moral?
5. Bakit kailangang tuparin ng sinuman ang kanyang tungkulin na hubugin ang sarili tungo sa
pagpapakatao ayon kay Max Scheler?
6. Ano ang batayan sa pagbuo ng Pangkalahatang Deklarasyon ng mga Tungkulin ng Tao?
7. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag.

Nilalaman ng PowerPoint Presentation


MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN
Karapatan
Kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay
Nakabatay sa Likas na Batas Moral
Pakikinabang ng tao dahil tao lamang ang may moral na kilos
Kaakibat ay obligasyon o tungkulin
Kapangyarihang Moral ng Karapatan
Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya ng sapilitan
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay
Obligasyon
Akuin at tuparin ng tao ang kanyang tungkulin
Igalang ng tao ang isa pang tao

19

)
lOMoARcPSD|20797139

Mga Karapatang Halaw sa Pacem in Terris


Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
Karapatan sa batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay
Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
Karapatan sa pagpili ng propesyon
Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito
Mga Karapatan at ang Kaakibat na Tungkulin Nito
Karapatan sa buhay
Pangalagaan ang kalusugan at ang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.
Paunlarin ang talento at kakayahan.
Pagpapagamot kung may sakit
Umiwas sa isport na mapanganib
Karapatan sa pribadong buhay
Pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian at gamitin ito upang makatulong sa
kapwa at sa pamayanan
Karapatang magpakasal o bumuo ng pamilya
Suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao
Pagiging mabuting halimbawa sa anak
Pag-iwas sa iskandalo na makakasira sa pamilya
Pagsasabuhay ng mga birtud bilang pamilya
Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
Igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba
Paggalang sa pag-alaala sa mga patay at ninuno
Karapatang pumunta sa ibang lugar

20
lOMoARcPSD|2

 Igalang ang pribadong boundary


 Kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa
 Paggalang sa pag-aari ng iba
6. Karapatang magtrabaho at maghanapbuhay
 Magpunyagi at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain
 Hindi pinalilipas ang oras na walang ginagawa
F. Epekto ng Hindi Pagtupad sa Tungkulin
 Kawalan ng katarungan
 Kawalan ng kapanatagan
 Pagsisisi
 Kaguluhan ng kaisipan
 Sirang pangako at uganayan sa kapwa
G. Fundamental Principles for Humanity
 Ang bawat tao - anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa mga
isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon – ay may tungkulin na
pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.
 Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya
ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at
tiwala sa sarili at kapwa.
 Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army, o pulisya ang dapat mangibabaw
sa mabuti at masama, lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay
may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
 Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang
kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan at
relihiyon nang may pagkakaisa. Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw
mong gawin nila sa iyo.
E. Pagtalakay ng bagong Magtala ng limang karapatan bilang bata at sabihin kung ito ay malaya at masaya mong

konsepto at paglalahad ng natatamasa. Iranggo ito ayon sa antas ng kasiyahang iyong nararanasan. Gamitin ang bilang 1-5.
21
lOMoARcPSD|20797139

bagong kasanayan #2 (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)


F. Paglinang sa Kabihasahan Pangkatin sa lima ang klase. Magbahagihan upang makabuo ng isang Concept Map. Ibahagi sa

(Tungo sa Formative klase ang output ng pangkat. Gamiting gabay ang mga tanong na ito. (gawin sa loob ng 10
Assessment) minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
1. Ano ang dapat gawin upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
2. Bakit moral na gawain ang pagtupad sa tungkulin?
3. Ano-ano ang obligasyong kaakibat ng karapatan ng isang tao?
G. Paglalapat sa aralin sa Gumawa ng liham para sa iyong magulang na nagsasaad ng iyong pasasalamat sa pagkakaloob

pang-araw-araw na buhay nila sa iyo ng mga pangunahin mong karapatan: pangalan, damit, tirahan, edukasyon, pagkain, at
iba pang katulad nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist/Integrative Approach)
H. Paglalahat sa aralin Kaakibat ng karapatan ng isang tao ay ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa na igalang

ang karapatan nito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdaming pagsisisi.
Kasama sa pagiging moral ng tao ay ang tungkulin. Ang pagtalikod o hindi pagtupad sa tungkulin
ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at mga ugnayan.
I. Pagtataya ng Aralin Aling tungkulin ang kaakibat ng bawat karapatan sa ibaba? (gawin sa loob ng 5 minuto)

(Reflective/Constructivist Approach)
Karapatan Tungkulin
1. Karapatan sa buhay (c) a. Magpakita ng kahusayan sa paggawa
2. Karapatan sa pribadong ari-arian (d) b. Paggalang sa pribadong boundary
3. Karapatang pumunta sa ibang lugar (b) c. Pangangalaga sa kalusugan ng katawan at
kaluluwa
4. Karapatang sumamba o ipahayag ang d. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad
pananampalataya (e)
5. Karapatang magtrabaho o e. Paggalang at pagdiriwang sa Araw ng
maghanapbuhay (a) Pasko
22

)
lOMoARcPSD|20797139

J. Karagdagang gawain para Gumawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan o alinmang uri ng media na tumatalakay

sa takdang aralin at sa mga karapatang pantao at ang tungkuling kaakibat nito. Humanda sa pagbabahagi.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na

nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na

nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang

remedial? Bilang ng mag-


aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral

na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang

pagtuturo ang nakatulong


nang lubos? Paano ito
nakatulong?
23

)
lOMoARcPSD|20797139

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

24
lOMoARcPSD|20797139

DAILY LESSON LOG Paaralan MVATHS Baitang/ Antas 9


(Pang-araw-araw na Guro ABE KING B. PEDRONAN Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras JANUARY 20, 2023 Markahan Ikalawa
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o

naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o


lipunan/bansa.
C. Mga kasanayan sa 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang

Pagkatuto. Isulat ang code paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o
ng bawat kasanayan lipunan/bansa. EsP9TT-IIb-5.4
2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.
3. Nakapaglalahad ng tungkuling kaakibat ng bawat karapatang pantao.
II. Nilalaman Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG p. 53-54

Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 92-95

Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

25

)
lOMoARcPSD|2079713

4. Karagdagang Kagamitan

mula sa portal ng Learning


Resource
B. Iba pang Kagamitang kopya ng Bawat Bata ng Apo Hiking Society, audio player, Manila Paper, journal, notbuk, bolpen

Panturo
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng limang mag-aaral na magbabahagi tungkol sa kanilang ginawang takdang aralin.

aralin at pagsisimula ng (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)


bagong aralin.
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng

aralin at pagganyak 5 minuto) (Reflective Approach)


1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o
lipunan/bansa.
2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.
3. Nakapaglalahad ng tungkuling kaakibat ng bawat karapatang pantao.
B. Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng sabayang pag-awit ng awiting pinasikat ng

Apo Hiking Society na may pamagat na “Bawat Bata”.


C. Pag-uugnay ng mga Ipasuri ang ang awiting “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society. Ipatala ang mga karapatan ng bata

halimbawa sa bagong aralin na binanggit sa awitin. Sagutan ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)
1. Naranasan mo rin ba ang mga karapatang ito? Ipaliwanag.
2. May nasaksihan ka bang paglabag sa mga karapatang nabanggit? Ano ang iyong naging
26
damdamin ukol dito?
D. Pagtalakay ng bagong A. Pangkatin sa walo ang klase. Magpalabunutan sa pag-uusapang paksa halaw sa encyclical ni

konsepto at paglalahad ng Papa Juan XXIII na “Kapayapaan sa Katotohanan (Pacem in Terris).


bagong kasanayan #1 1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangngailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa
walang trabaho at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon o impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesiyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa inbang lugar upang manirahan (migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa karapatang pantao
B. Itala ang mga paglabag sa mga karapatang napili.
C. Iulat sa klase ang napag-usapan sa pamamagitan ng isang malikhaing paglalahad gaya ng
sabayang pagbigkas, awit o rap. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
E. Pagtalakay ng bagong A. Balikan ang mga karapatang iyong binigyan ng ranggo sa pasimula ng modyul. Suriin ito at

konsepto at paglalahad ng ihanay ayon sa walong karapatang halaw sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan”
bagong kasanayan #2 (Pacem in Terris).
B. Iranggong muli ang mga ito at sagutan ang sumusunod na tanong.
1. May nabago ba sa iyong ginawang pagranggo? Ipaliwanag.
2. Alin ang pinakamahalaga para sa iyo? Ibigay ang iyong katuwiran.
3. Alin naman ang hindi gaanong mahalaga? Bakit?
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
F. Paglinang sa Kabihasahan A. Pangkatin ang klase sa dalawa – isang pangkat para sa panig ng “sang-ayon” at ang isa ay sa

(Tungo sa Formative panig ng “hindi sang-ayon”. Maglaan ng 3-5 minuto upang mapag-usapan ng pangkat ang
27
lOMoARcPSD|20797139

Assessment) kanilang katuwiran batay sa paksang ito: “Pamamaraan ng pamahalaan para sa pagsugpo ng
bawal na gamot, sang-ayon ka ba o hindi?”
B. Tumawag ng lima sa bawat pangkat upang siyang kumatawan at magpahayag ng kanilang
saloobin sa paksa. Magtalaga rin ng isang tagapamagitan. (Maaring ilapat ang pamantayang
gingamit sa asignaturang Filipino tungkol sa debate)
C. Bumuo ng isang pormal na debate batay sa paksa. Ang mga kasaping hindi kakatawan sa
grupo ay magsisilbing audience at tagapalakpak para sa kanilang panig.
(gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
G. Paglalapat sa aralin sa Sagutan ang mga tanong sa napapaloob sa talahanayan upang lubusang mapalawak ang pag-

pang-araw-araw na buhay unawa sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Ano-ano ang Ano ang aking Ano-anong hakbang
konsepto at pagkaunawa at ang aking gagawin
kaalamang pumukaw reyalisasiyon sa upang mailapat ang
sa akin? bawat konsepto at mga pang-unawa at
kaalamang ito? reyalisasyonng ito sa
aking buhay?
Tungkol sa karapatan
Tungkol sa tungkulin
Tungkol sa paglabag
sa karapatan
H. Paglalahat sa aralin Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi

pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakipagkapwa-tao sa lipunan.Kapag ang isang tao
ang mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at
pagkakaisa.
Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng
kaloob na karapatang pantao. Ngunit tandaan na may mga batas na kinakailangang sundin sa
28
lOMoARcPSD|20797139

lipunan.
I. Pagtataya ng Aralin Sabihin kung anong karapatan ang nalabag batay sa sumusunod na headlines ng balita. Piliin

ang sagot sa loob ng kahon.


Karapatan sa Buhay Karapatang Makapaghanapbuhay
Karapatan sa Pribadong Ari-arian Karapatang Ipahayag ang Pananampalataya
Karapatan sa Pagpunta sa Ibang Lugar Karapatan sa Pagpapahayag
1. Fetus Natagpuan sa Tagiliran ng Simbahan (Karapatan sa Buhay)
2. Gabinete, Ikinasa na ang Batas Laban sa “Endo” (Karapatang Makapaghanapbuhay)
3. Demolition ng Squatters sa Novaliches, Nauwi sa Karahasan (Karapatan sa Pribadong Ari-
arian)
4. Tigil Pasada Ikinasa ng mga Transport Group sa Kalakhang Maynila (Karapatan sa
Pagpunta sa Ibang Lugar)
5. 1 Patay, 5 Sugatan sa Salpukan ng Jeepney at Tricycle (Karapatan sa Buhay)
J. Karagdagang gawain para Mula sa mga napag-usapan ng grupo batay sa pangkatang gawain, bumuo ng isang TV sitcom

sa takdang aralin at (tulad ng T3, KSP at Imbestigador) o documentary video na nagpapamalas ng inyong
remediation pagkondena sa mga paglabag sa karapatang pantao.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na

nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na

nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
29

)
lOMoARcPSD|20797139

remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang
nakatulong nang lubos?
Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at superbisor?

Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

30

You might also like