You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


Grade 9 (Q3, Linggo 1, Modyul 1: Katarungang Panlipunan: “Pagbuo, Paggawa at
Paglikha sa Gitna ng Pandaigdigang Krisis”)

Pangalan : __________________________________________ Petsa: ____________

I. Panimula (Susing Konsepto)

Sa kasalukuyang hinaharap na pandaigdigang krisis dulot ng pandemya ang


bansa ay tumatawid sa tinatawag na “new normal” na kung saan samo’t saring isyu
at sitwasyon ang pumukaw sa atensiyon ng bawat isa lalo na sa aspekto ng
katarungan at paggalang sa Karapatan katulad na lamang ng diskriminasyon sa
mga frontliners, pagkagahaman sa ayudang ibinibigay ng gobyerno, maling
pagpapakalat ng impormasyon ay iilan lamang.

II. Kasanayang Pagkatuto at Koda

9.1 Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan.


9.2 Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan.

III. Mga Gawain

Gawain 1: Makatarungang Tahanan

Punuan ang bawat bahagi ng bahay ng iyong mga karanasan sa iyong


sariling pamilya na nagpapakita ng makatarungan sa kaliwang bahagi at hindi
makatarungang karanasan sa kanang bahagi.

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Gawain 2: Makatarungang Tao

Bilang isang panlipunang nilalang na galing sa isang pamilya ano ang iyong mga
katangian na nagpapakita ng katarungan sa iyong sarili at higit sa lahat sa iyong kapwa.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagdidikit ng iyong larawan at pagpapakilala ng iyong
sariling katangian gamit ang pormat sa ibaba.

MAKATARUNGANG KATANGIAN
Ako si _____________(Pangalan)____________________
_______________________________________________
Profile _______________________________________________
Picture _______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

IV.Pagpapalalim

Katarungang Panlipunan

Ang katarungang panlipunan ay pag-iingat sa sarili ng komunidad upang


makabuo, makagawa at malikha. Ang tao bilang binubuo ng katawan, pagnanasa,
kasaysayan, mga layunin, at pangarap ay tinatawag ng sarili na ipunin ang mga
naghahatakang puwersang ito upang manatiling isa at buo.

 Kung magpapabaya ang tao sa kaniyang sarili – halimbawa ay hindi pagsuot


ng face mask o face shield at hindi pagsunod sa protocols ng IATF – maaari
siyang mahawaan ng virus at hindi na niya magagawa ang mga gusto niyang
gawin.
 Kung magpapadala lamang siya sa mga pagnanasa ng katawan-- uubusin ang
oras sa bigay-hilig na paglalaro ng ML at iba pang computer games,
mawawalan siya ng oras para sa iba pang importanteng bagay tulad ng
pagsagot ng modules at iba pang importanteng gawain.
 Kung puro prinsipyo lamang ang paninindigan ng tao, baka makalimutan niya
ang iba pang mahahalagang relasyon na kaniya ring kinapapalooban.

Ano ang katarungan?

 Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ito ay isang pagbibigay at hindi isang
pagtanggap. Kung kaya ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili.
 Ayon naman kay Sto. Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na
gumagamit ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
 Ang makatarungang tao ayon kay Andre Comte-Sponville (2003) ay
gumagamit ng lakas sa paggalang sa batas at Karapatan ng kapwa. Ang
makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkapitbahay,
magkakaklase o magka-opisina kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon o
hindi nang-aagrabyado sa isa’t isa.

Sa halip na pag-usapan ang katarungan kapag nawawala na ito, ang hamon ay


makita ang katarungan na isang pagpapahalagang kailangang pagsikapang panatilihin
sa bawat sandali.

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

 Katarungan ang pagbibigay galang sa mga frontliners. Katarungan ang


pagsunod sa protocols ng IATF.
 Katarungan ang pagsagot ng tapat at wasto sa modules at pagsagot sa
pagsusulit.
 Katarungan ang pagsasabi ng katotohanan. Katarungan ang aminin sa
sarili ang totoo.

Sagutin ang sumusunod na katanungan sa loob ng dayagram

3. Ano ang kalalabasan


ng pananagutan sa
pagtataguyod ng
katarungan sa sarili at
sa kapwa?

2. Ano ang aking


pananagutan sa
pagtataguyod ng
katarungan sa aking
kapwa?

1. Ano ang aking


pananagutan sa
pagtataguyod ng
katarungan sa sarili?

V. Sanggunian/Reference for Learners


Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa mag-aaral p.129-143

Inihanda ni:

HECTOR B. ORASA
Nabua National High School
Division of Camarines Sur

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com

You might also like