You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


Grade 9 (Q3, Linggo 6, Modyul 6: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at
Wastong Pamamahala sa Naimpok)

Pangalan : __________________________________________ Petsa: ____________

I. Panimula (Susing Konsepto)

Ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa


naimpok ay mga mabubuting katangian at kasanayan na makatutulong sa tao
upang siya ay magtagumpay sa kanyang napiling larangan.

II. Kasanayang Pagkatuto at Koda

12.1 Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa


paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok.
12.2 Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan
ayon sa pamantayan at may motibasyon.

III. Mga Gawain

Gawain 1: Mga Katangiang ito, Taglay ko!

Punan ang concept map. Sumulat ng 1-3 konsepto na may kaugnayan sa


sariling pamamaraan sa pagpapakita ng mga sumusunod na katangian:
a. Kasipagan
b. Pagpupunyagi
c. Pagtitipid
d. Pag-iimpok

AKO

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Gawain 2: Katangiang Taglay ko, Ikaaangat ko

Isa ang ating bansa sa mga nakararanas ng matinding epekto ng pandemya


hindi lamang sa aspektong pangkalusugan kundi pati na rin sa ekonomiya. Base sa
iyong mga naging obserbasyon at karanasan sa nagdaang mga buwan, paano
nalampasan ng iyong pamilya ang mga hamon na dulot ng pandemya sa pamamagitan
ng mga sumusunod na katangian:
a) Kasipagan
b) Pagpupunyagi
c) Pagtitipid
d) Tamang pamamahala sa naimpok

Gamitin ang tsart sa ibaba sa pagpapayahag ng mga sagot.

MGA KATANGIAN MGA NAITULONG NITO SA PANAHON NG


PANDEMYA
Kasipagan

Pagpupunyagi

Pagtitipid

Pag-iimpok

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

IV. Pagpapalalim

Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok

 Ang kasipagan ay ang pagpapakita ng aktibong paggawa ng isang


gawain. Ang taong masipag ay hindi umaasa sa iba bagkus ay gumagawa siya ng
may kasiglahan. Halimbawa nito ay paggising sa itinakdang oras na bilang
pagsisimula sa paggaganp sa nakaatang na gawain. Isa pang halimbawa ay ang
paggawa ng takdang -aralin bago pa man maghanda sa pagpasok sa paaralan. Sa
kabilang banda, ang katamaran ay ang kabaligtaran ng kasipagan. Ito ang
pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang
siya ay magtagumpay. Masasalamin sa isang baong tamad ay pagtanggi sa gawain.

Katangiang taglay ng isang taong masipag:

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.


2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

 Ang pagpupunyagi ay isang matatag na katangian. Ito ay pagpapakita ng


pagtitiyaga na maabot o makuha ang layunin o mithiin sa buhay. Kalakip nito ang
pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at determinayon. Ang taong may pagpupunyagi ay
nahsusumikap sa kabila ng mga hamon na kanyang kinakaharap. Katulad ni
Thomas Edison, ang Amerikanong nakaimbento ng electric light bulb, maraming
pagsubok ang kanyang hinarap bago niya ito natapos. Maraming beses siyang
nagkamali ngunit hindi tumigil bagkus ay nagpatuloy siya sa kanyang nasimulang
imbensiyon hanggang sa magawa niya ito ng tama at maipakilala sa buong mundo.
 Isa pang katangian dapat taglayin ay ang pagtitipid. Pagtitipid ang tawag
sa kasanayan ng pamamahala sa pera. Ang taong matipid ay nalaalaman kung ano
ang kailangang bilhin sa hindi na mahalagang pagkagastusan.

 Kaakibat nito ang pag-iimpok. Ito ay paraan upang makapag save o


makapag-ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa
takdang panahon.

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Ayon sa financial expert na si Francisco Colayco, may tatlong dahilan kung bakit
kinakailangang matutong magtipid at mag-impok ang tao. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Proteksiyon sa buhay.
2. Hangarain sa buhay.
3. Pagreretiro.

Ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa


naimpok nararapat na maisabuhay sa mas maagang edad ng isang tao. Sa paaran
ito naihahanda niya ang kanyang sarili sa mas mabibigat at mas malalaking
responsibilidad sa hinaharap.

Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano nakatutulong sa iyo ang alin man sa mga katangiang nabanggit sa aralin
sa pagganap sa iyong mga tungkulin bilang:
a. Anak
b. Mag-aaral
c. Mamamayan

2. Bakit mahalagang taglayin ang mga iyo ng isang kabataang katulad mo?

V. Sanggunian/Reference for Learners

Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa mag-aaral p.129-143

Inihanda ni:

KAITHLEN P. ASTIVE
Nabua National High School
Division of Camarines Sur

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com

You might also like