You are on page 1of 11

0

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 15: Bolunterismo at Pakikilahok

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan n anaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabassatelebisiyon, pelikula, atbp.) naginamitsaaklatnaito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa pag gamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga taga pag lathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Name of Writers: Jean V. Juntado


Name Editors: Kaithlen P. Astive
Leah Lynn A. Hidalgo
Ellen B.Saulon
Name Reviewers: Lourdes S. Sevilla
Gerumi S. Seňar
Name Illustrator: Julio B. Granpio
Name Layout Artist: Julio B. Granpio

0
Panimula

Ang tao ay isinilang na isang panlipunang nilalang;


hindi niya tunay na makakamit ang kanyang
kaganapan bilang tao kung hindi siya makikipamuhay
kasama ang kanyang kapwa:KAILANGAN NIYANG
MAKILAHOK SA LIPUNAN. Mahalagang makibahagi
ang tao sa mga gawaing panlipunan upang
makatulong ito sa pagbuo ng kanyang pagkatao

Sa iyong pagbubukas ng puso at isip sa mga


nangyayari sa lipunan at sa pagpapahalaga mo sa
dignidad ng iyong kapwa, magkakaroon ng ganap na
pagbabago...ang pagkakaroon ng isang maunlad at
nagkakaisang lipunan para sa kabutihang panlahat.

Tara na at ating simulan ang pagkatuto!

Layunin
Napatutunayan na:

a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing


pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at
papel sa lipunan, ay makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa
pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na
pananagutan.

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Panuto:

a. Isulat sa loob ng kahon ang salita o mga salita na nagbibigay-kahulugan para sa iyo ng
salitang Pakikilahok. Isulat sa iyong kuwaderno. Gamiting pormat ang nasa ibaba.

1
Tungkulin na dapat isakatuparan
ng lahat ng tao

Pakikilahok

b. Isulat sa loob ng bilog ang iyong sariling kahulugan ng salitang


Bolunterismo.

Hal.
Pagbibigay ng
sarili na hindi
naghihintay
nang kapalit

Bolunterismo

2
Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa

1 Pagsusuri ng mga larawan: Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng


pakikilahok at bolunterismo? Isulat sa patlang ang iyong kasagutan
batay sa paglalarawan ng nasa larawan.

1.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________ _
____________________________________
____________________________________

2.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________ _
____________________________________
____________________________________

3
3.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________ _
____________________________________
____________________________________

4.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________ _
____________________________________
____________________________________

5.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________ _
____________________________________
____________________________________

4
Pagpapahayag ng Pag-unawa

Mula sa unang gawain, mayroon ka bang natuklasan tungkol sa pakikilahok at


bolunterismo? Ano-ano ang malaking maitutulong sa ating lipunan sa
kasalukuyan lalo na sa panahon ngayon ng krisis ng pandemikong COVID 19?
Paano mo ito maisasagawa nang bukal sa kalooban na nagpapakita ng
pananagutan sa iyong kapuwa? Lalong lalalim ang pagkaunawa mo dito sa
pagsagot mo sa mga susunod na gawain ng modyul na ito.

1.
Pagpapalalim

Gabay na Katanungan:
1. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na iyon ni Bishop Teodoro Bacani Jr?
Ipaliwanang.
2. Bilang kabataan, anong mga gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa
ang maibabahagi mo batay sa iyong talento, kakayahan at papel sa lipunan para
sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
.

5
Pagsasabuhay

Panuto: Tingnan ang kahon sa ibaba. Isulat sa unang kolumn ang iyong mga
talento/kakayahan. Sa ikalawang kolum, isulat an iyong mga maaring gawin o
maitulong gamit ang iyong mga talento/kakayahan.

Talento/Kakayahan Paano ko gagamitin?

1. Pananahi 1. Magtatahi ako ng maraming face


masks upang magamit
pangproteksiyon sa panahon ngayon
ng pandemya.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

6
Pagtataya
Babasahin:

Naalala ko tuloy ang isang kuwento ng aking kakilala. Labinlimang taong


gulang siya noon ng maging mulat siya sa pagtulong at pagbabahagi ng
kaniyang sarili sa iba na hindi niya kakilala o kaanu-ano. Siya ay nagsimula sa
pagiging aktibong kasapi ng kanilang simbahan at dito niya nakita na siya ay
may malaking pananagutan sa kaniyang kapuwa. Sa kaniyang kabataan siya
ay nagbobolunter sa isang bahay ampunan upang mag-alaga ng mga batang
ulila. Siya ay naatasan sa pagpapaligo, pagpapakain, at pagbibihis sa mga
maliliit na bata doon.

Naranasan niya rin ang matulog sa malamig na semento katabi ang mga
bata doon, pati ang paglilinis ng sugat nila at gayundin ang paghehele sa mga
sanggol na umiiyak. Hindi ito naging madali para sa kaniya sapagkat hindi siya
sanay sa ganitong klaseng gawain. Ngunit ilang taon din niya itong ginawa at
lubos ang kaniyang kasiyahang naramdaman sa kaniyang paglilingkod sa iba.
Nagbigay din siya ng oras upang magturo ng Religion sa mga mag-aaral sa
publis school sa kanilang lugar sa kabila ng pagiging abala niya sa kaniyang
trabaho at pamilya. Hindi rin siya tumigil na maglingkod bilang Tagapagpahayag
ng Salita ng Diyos o Lector sa kanilang simbahan. Isang araw nga may
nagtanong sa kaniya, "Hindi ka ba nagsasawang maglingkod?" ang sagot niya:
"Kulang pa nga iyang ibinibigay ko sa napakaraming pagpapala na natatanggap
ko mula sa Panginoon."

Hindi lamang siya, sa tuwing ako ay nadaraan sa aming kalsada sa


aming baranggay pag araw ng Linggo ay nakapukaaw sa aking paningin ang
mga naglilinis dito. Minsan kong kinausap ang isa sa kanila at nalaman ko na
sila pala ay samahan ng mga solo parent. Ang iba sa kanila ay namatay na ang
asawa, ang iba naman ay iniwan ng asawa. Tinanong ko siya bakit ninyo ito
ginagawa?ang sagot niya ay, nais kasi naming makatulong sa baranggay upang
mapanatiling malinis ang paligid at maiiwas sa sakit ang mga mamamayan lalo
na ang mga bata." Ako ay natuwa sa kaniyang sagot sapagkat ang mga taong
ito na solo parent na bagamat nangangailangan din ng tulong ay nakapgbibigay
pa rin ng kusang loob para sa kapakanan ng kanilang kapuwa. Sa ngayon ay
mayroon na silang tatlumpung kasapi.

7
Nawa’y sa pamamagitan ng babasahing ito ay lalo mo pang
madagdagan ang sigasig na magagawa, na may personal na pananagutan ka
para sa iyong kapuwa at lipunan at magawa ito ng buong puso, tiyak na
magkakaroon ng kaganapan sa iyong buhay, buhay na ganap at masaya.

Tayahin ang Iyong Pag-unawa


Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan? Pangatwiranan.
2. Ano-ano ang maidudulot nito sa iyong kapuwa? Sa paaralan? Sa lipunan?. Ipaliwanag.
3. Paano mo gagamitin ang talento sa iyong pagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo lalo na sa panahon ngayon ng pandemyang COVID 19?

8
Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul Para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015,


Department of Education

You might also like