You are on page 1of 11

0

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 1: Paggalang sa Karapatan at Pagtupad sa Tungkulin

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan n anaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabassatelebisiyon, pelikula, atbp.) naginamitsaaklatnaito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa pag gamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga taga pag lathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


AssistantRegional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Name of Writers: Mylene O. Del Valle


Name Editors: Kaithlen P. Astive
Leah Lynn A. Hidalgo
Ellen B.Saulon
Name Reviewers: Lourdes S. Sevilla
Gerumi S. Seňar
Name Illustrator: Julio B. Granpio
Name Layout Artist: Julio B. Granpio

0
Panimula
Lahat tayo ay may tungkulin na dapat
gampanan, higit sa panahon ngayon na
laganap ang mga tinatamaan ng COVID-19.
Naisip mo ba kung ano ang maaaring
mangyari kung ang mga frontliners natin,
tulad ng mga doktor, mga pinuno ng
pamahalaan, mga pulis at iba pa ay hindi
magampanan ng maayos ang kanilang
tungkulin? Kung ito ay mangyayari mas
marami pa ang tatamaan ng virus. Bilang
kabataan, ano ang tungkulin mo sa
sitwasyong ito? Sa modyul na ito matutunan mo kung ano ang iyong mga karapatan at
tungkulin para sa ikabubuti ng bawat isa.

Layunin

• Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-llb.5.1)

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga aytem. Tukuyin kung ito ay
Karapatan o Tungkulin . Isulat sa kwaderno ang sagot.

___________1. Mag punyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa


anumang gawain.
___________2. Maging mabuting halimbawa sa mga anak at umiwas sa eskandalo na
makasisira sa pamilya.
___________3. Magkaroon ng mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at
makapagtrabaho nang produktibo.
___________4. Lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho at
ligtas sa panganib.
___________5. Igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.

1
Panuto: Tukuyin kung anong karapatan ang ipinapahiwatig ng nasa larawan.

6. Karapatan sa _____________ 7. Karapatan sa ____________

8. Karapatang _______________ 9. Karapatang _______________

10. Karapatang _____________

Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa


Isang mahalagang bahagi ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng karapatan at
tungkulin. Ito ay kaakibat ng kanyang pagiging isang panlipunang nilalang. Kompletuhin ang
tsart kung anong uri ng karapatan at kaakibat na tungkulin ang ipinapakita sa sumusunod na
aspekto.

Aspekto Mga karapatan ng tao Mga Tungkulin ng tao


Sa Pamilya Halimbawa: Halimbawa:
Mahalin at alagaan ang Tumutulong sa gawaing
anak/magulang bahay
1. 1.

2. 2.

Sa Paaralan Halimbawa: Halimbawa:


Mag-aral kahit kulang sa Sundin ang alituntunin ng
pinansiyal o gamit sa pag- paaralan
aaral 1.
1.

2. 2.

2
Sa Barangay/ Halimbawa: Halimbawa:
Pamayanan Mamuhay ng ligtas at malakas Magsuot ng face mask para
1. makaiwas sa virus
1.
2.
2.

Sa Bansa/ Lipunan Halimbawa: Halimbawa:


Makatanggap ng ayuda mula Sumunod sa ipinatutupad na
sa Pamahalaan batas
1. 1.

2. 2.

Sa Espiritwalidad Halimbawa: Halimbawa:


Sumamba Patuloy na manalig at
1. magdasal sa Panginoon
1.
2.
2.

Pagpapalalim

“Paggalang sa Karapatan at Pagtupad sa Tungkulin”


Napag-aralan mo sa baitang 7, ang iba’t ibang tungkulin, bilang nagdadalaga o
nagbibinata. Nalaman mo rin na ang karapatan ay may katumbas na tungkuling dapat
gampanan. Samakatuwid, ano nga ba ang karapatan? May pagkakaiba/pagkakatulad ba ito
sa tungkulin? Maaring gawin ito kung mayroong available na gadyets o kagamitan:
Pakinggan ang awitin na inawit ng Asin –Batingaw (Karapatang Pantao, 1989)
https://www.youtube.com/watch?v=5kbTd8kAyF8

Tanong:
1. Ano ang naramdaman mo tungkol sa awit?
2. Anong mahalagang konsepto ang iyong nahinuha mula sa rito?

Pagtalakay ng Karapatan at Tungkulin hango sa Modyul ng Mag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao 9 pahina 85-91.

3
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at


angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral, dahil hindi
maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kanya nang sapilitan o
puwersahin ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao
ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito,
magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.

Anim na Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (Inalienable) Ayon Kay Santo Tomas de
Aquino (Quito, 1989)

Karapatan sa Buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito,
hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang
karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.

Karapatan sa Pribadong Ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan
niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo at
nakikibahagi sa lipunan.

Karapatang Magpakasal. May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng


kasal. Pinag-iingat sa pag-aasawa ang mga may nakahahawang sakit o may sakit sa isip,
kahit taglay pa rin nila ang karapatang magpakasal.

Karapatang Pumunta as Ibang Lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o
tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa
anumang panganib.

Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya. May karapatan ang bawat tao
na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao
at pakikipag ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing obligasyon ang
pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging
opisyal sa pamahalaan.

Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan


na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang
mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.

Tungkulin bilang Obligasyong Moral

Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain.
Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. Kailangang
tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti. Kasama ito sa pagiging moral
ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral ang siyang nagpapanatili
ng ating buhay-pamayanan (Dy,2013). Ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay
pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

Mga Tungkulin

Sa karapatan sa buhay. May tungkulin ang tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at
ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin
ang kanyang mga talento at kakayahan. Mag-aral upang umangat ang karera at maitaas ang

4
antas ng pamumuhay. Paglinang ng mga birtud upang malampasan ang mga pansariling
kahinaan.

Sa karapatan sa pribadong ari-arian. May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin


ang anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang
pamayanan.

Sa karapatang magpakasal. May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at


gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito ang pagiging
mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na maging sanhi ng pagsira ng
pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
Sa karapatang pumunta sa ibang lugar. May tungkulin na igalang ang mga pribadong
boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling
kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa.

Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May tungkulin na igalang ang


relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang relihiyon, may pagkakapareho
rin ang mga ito- ang pagsamba sa isang nilalang na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama
sa tungkuling ito ang paggalang sa paraan ng pag-alala sa mga patay at ninuno.

Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May tungkulin ang bawat isa na


magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain.
Mahalaga ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho.

Pagsasapuso

1Natutuhan sa modyul

Panuto: Isulat ang mahalagang konseptong iyong nahinuha mula sa aralin.

Ang
Ang karapatan bilangobligasyong
tungkulin bilang moralmoral
kapangyarihang ay….ay…

2 Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa sa modyul

Bawat tao ay may karapatan at tungkulin na dapat gampanan para sa pagpapanatili


ng kaayusan sa buhay-pamayanan. Bilang kabataan, itala mo ang iyong mga karapatan at
tungkulin.

5
Aspekto Karapatan Tungkulin
1. Bilang anak
2. Bilang kaibigan
3. Bilang mag-aaral
4. Bilang konsyumer ng
media
5. Bilang tagapangalaga
ng kalikasan

Pagsasabuhay

Panuto: Gumawa ng “Thank you” card para sa mga tao na nais mong pasalamatan dahil sa
kanilang patuloy na pagganap sa kanilang tungkulin kung kaya nagkakaroon ka ngayon ng
maayos na buhay-pamayanan. Maging malikhain sa iyong gagawing card.

Pagtataya
Tukuyin kung anong karapatan ang nasa larawan at kung ano ang kaakibat nitong tungkulin.

Karapatan Tungkulin

1.

2.

3.

4.

6
5.

Kasunduan (Kung may Youtube)

Panoorin ang documentary film na “ Karapatang Pantao: Batayan ng Makataong Pag-


unlad at Kinabukasan” na matatagpuan sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=rRCy4YQWXv8

Isulat sa kuwaderno ang mga mahalagang mensahe ng documentary film.

7
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang pagtataya
1. Tungkulin 6. Karapatan sa buhay
2. Tungkulin 7. Karapatan sa pribadong ari-arian
3. Karapatan 8. Karapatang magpakasal
4. Karapatan 9. Karapatang sumamba
5. Tungkulin 10. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay

Rubriks para sa Thank you card:


Nilalaman: 5 puntos
Pagkamalikhain : 5 puntos
Kabuuan : 10 na puntos

8
SANGGUNIAN
https://www.google.com.ph/search?q=babies&sxsrf=ALeKk00EIrR06fSpZoIhszVrs29Y36PUTg:15944
76613236&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi6sImhsMXqAhWMy4sBHTCcD6IQ_AUoAX
oECB0QAw&biw=1280&bih=578

https://www.google.com.ph/search?q=wedding&tbm=isch&ved=2ahUKEwj6j-2isMXqAhWhzIsBHU-
VDzAQ2-
cCegQIABAA&oq=wedding&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIIxAnMgQIIxAnMgcIABCxAxBDMgcIABCxAx
BDMgIIADICCAAyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyCAgAELEDEIMBOgQIABBDOgQIABAYOgYIABA
KEBhQhMUhWL29ImC65CJoAHAAeACAAbwBiAHEDpIBBDEwLjeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&
sclient=img&ei=SMgJX_rLOqGZr7wPz6q-gAM&bih=578&biw=1280#imgrc=Qmt2RrPWV5rRYM

https://www.google.com.ph/search?q=praying+to+god&tbm=isch&ved=2ahUKEwj_6t7ztMXqAhUYz
IsBHXgUASoQ2-
cCegQIABAA&oq=praying+to&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIA
DICCAAyAggAMgIIAFDWgBdYhYUXYPygF2gAcAB4AIABd4gB5AGSAQMwLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2
l6LWltZw&sclient=img&ei=JM0JX__IFJiYr7wP-KiE0AI#imgrc=7vekqnbpoXScwM

https://www.google.com.ph/search?q=mga+ari+arian&tbm=isch&ved=2ahUKEwjKne_iuMXqAhUDU
pQKHUXfAq0Q2-
cCegQIABAA&oq=mga+ari+arian&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQGDoECCMQJzoHCAAQsQMQQzoECA
AQQzoHCCMQ6gIQJzoCCAA6BQgAELEDOgYIABAIEB5QvlNY5pgBYMyuAWgFcAB4AIABhgGIAbQOkgE
EOC4xMJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=MtEJX8q8KoOk0QTFvovoCg&bih=5
29&biw=1263&hl=en&hl=en

https://www.google.com.ph/search?q=factory+working&tbm=isch&ved=2ahUKEwi2h7f9ucXqAhUJ6
ZQKHcsUAA4Q2-
cCegQIABAA&oq=factory&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBD
MgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoFCAAQsQNQieYBWMjwAWDdjwJoAHA
AeACAAYMBiAG8BpIBAzAuN5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=dtIJX7b0MonS0wT
LqYBw&bih=529&biw=1263&hl=en&hl=en#imgrc=CIVT36s9n1FuNM

You might also like