You are on page 1of 13

Aralin 6: Kapuwa Natin, Kasama sa

Pag-unlad ng Ating Pagkatao


• Sino ang iyong tunay na Kaibigan?
• Ano ang naimpluwensiyang mabuting
gawain galing sa iyong kaibigan?
• Anu-ano kaya ang mga aspeto ng
impluwensiya sa pakikipagkapuwa?
• Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t
nakikipag-ugnayan siya sa kaniyang kapuwa. Ang ating
kapuwa ay malaki ang nagiging impluwensiya sa atin,
maging sino man tayo.
• Mayroon tayong kaibigan, matalik na kaibigan at iba
pang nakakasama nang matagal sa iba’t ibang gawaing
ating ginagampanan. Sa iba’t ibang pagkakataon,
nakatatanggap tayo ng impluwensiya sa aspetong
intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal.
Mahalagang bigyan ng pansin ang mga impluwensiyang
nabanggit, na siyang nakatutulong sa ating pagiging
ganap na tao.
Ang Impluwensiyang
Intelektuwal
• Ayon kay Mehta (2013), ang ma kaibigan ng isang mag-aaral ay
nakaiimpluwensiya sa kaniyang marka, higit sa impluwensiya ng kaniyang
mga magulang.
• Gamit ang mga salita ni Vera Borukhov, isang guro, sinabi ni Mehta na
‘’Ang mga kabataang may positibong panlipunang buhay, ay kadalasang
mataas ang gawaing pang-akademiko.’’ Kapag nakikita ng mga bata na ang
kanilang mga kaibigan ay mahilig sa mga gawaing pampaaralan, malamang
na magpupunyagi siya sa gawaing pang-akademiko upang makasunod siya
sa naabot na mataas na marka ng kaniyang mga kaibigan. Kapag ang isang
batang nakatatanggap dati ng katamtamang marka, ay biglang napasama
sa isang kaibigang nasa honor roll, malamang na biglang tataas din ang
kaniyang marka dagdag na paliwanag ni Mehta.
• Napatunayan ng isang pananaliksik ni Hiroko Sayama, isang system
scientist sa State of New York sa Birmingham, na nakahahawa ang
pagkakaroon ng mataas na marka.
• Pinasagot ni Sayama ang 160 na mag-aaral sa high school ng isang
sarbey, at hiniling niyang maglista ng kanilang matalik na kaibigan,
malapit na kaibigan, mga kakilala at mga kamag-anak. Ang mga mag-
aaral ay binigyan ng class rank mula junior hanggang senior na taon.
Gayundin, ang mga mag-aaral na sumasama sa mga mag-aaral na may
mabababang marka ay nakikitaan rin ng pagbaba sa kanilang marka. Ang
nakakagulat, ang mga mag-aaral na matatas ang marka ay hindi nagbago
ang mga marka.
• Iminumungkahi ng resulta ng pagsasalik ni Sayama na ang academic
performance, ay maaaring maituring na ''social contagion'', (Sa simpleng
paliwanag, panlipunang-gawi na nakaka-engganyong gayahin).
• Ayon sa isa pang pananaliksik sa 145 na mga kabataang may edad 13.
(Spavins:2007), napatunayan na ang uri ng pakikipagkaibigan at
kaugnayan ay nahuhulaan ang maaaring kahinatnan ng akademiko ng
pananagumpay sa pagdaan ng panahon. Bilang patunay sa haka ng mga
nananaliksik, ang mga kabataan ay nag-ulat ng mataas na antas ng
pagiging malapit sa kani-kanilang mga kaibigan noong sila ay 13 taon pa
lamang ay nagkaroon ng mataas na akademikong pananagumpay sa
edad na 17. Ang mataas na antas ng kalidad ng pagkakaibigan, tulad ng
pagpuri at pag-alaala, noong sila ay may edad 13 ay napapatunayan din
ang kanilang hula(prediction) na ito ay makapagdadala sa mataas na
antas ng akademikong pananagumpay para sa mga kabataang edad 17
na kasali sa pananaliksik.
• Sa madaling sabi, malalim ang impluwensiyang intelektuwal sa mga
magkakaibigan. Maaaring ang impluwensiya ay positibo o negatibo. Dito
na pumasok ang gabay ng mga magulang at guro sa pagbibigay ng payo
sa mga kabataan sa pagbili ng kanilang magiging kaibigan na dadalhin
sila sa mabuti at hindi sa masama.
Ang Impluwensiyang
Panlipunan
Ang impluwensiyang panlipunan ay ang epekto ng isang tao sa
paniniwala o ugali ng iba.
-Mayroong tatlong aspeto ng impluwensiyang panlipunan:
• Impluwensiyang panlipunan kung saan ang mga tao ay
nagbabago ng pananaw o ugali upang sumunod sa umiiral na
sosyal na pamantayan.
• Isang porma ng sosyal na impluwensiya kung saan ang isang tao
ay tuwirang nag-uutos upang isagawa ang mga tiyak na kilos.
• Isang porma ng sosyal na impluwensiya na may direktang
kahiligan mula sa ibang tao patungo sa iba.
• Ang impluwensiyang panlipunan ay katulad sa peer pressure, kung saan
ang epekto nito ay mula sa ibang tao. Dahil dito, ang impluwensiyang
panlipunan ay maaring magkaroon ng positibo o negatibong bunga. Sa
maikling pagpapaliwanag , ito ay mga epekto kung paano tayo nag-iisip
at kumiikilos bilang tugon sa iba't ibang tao, bunga ng ating
pakikipagkapuwa.
• Sa inyong paglalgo bilang nagdadalaga o nagbibinata, mahalaga ang
paalaala na pumili ng mga taong positibo ang pananaw sa buhay, upang
ang maging impluwensiya nila sa inyo ay magbubunga ng mabubuting
bagay.
• Ang wika nga ni Simon Alexander Ong (2013), “Ang ating tagumpay sa
buhay ay kadalasang dahil sa mga taong pinili nating maging kasama
nang matagal.” Sa bandang huli, ayon kay Ong, tayo ay nagiging katulad
ng mga taong lagi nating kasama.
Ang Impluwensiyang pangkabuhayan

• Sa apat na impluwensiyang nabanggit sa araling ito, ang


pangkabuhayang impluwensiya sa kabataan ay hindi gaanong nabibigyan
ng pansin ng mga mananaliksik. Ang kadalasang napag-uusapan sa
impluwensiya ito ay may direktang kaugnayan sa kakayahang pinansyal
ng pamilya sa mga kabataan. Sa obserbasyon ng marami, ang
nagsisilbing bigkis sa pagsasama-sama ng mga kabataan ay naaayon sa
kani-kanilang kakayahang pinansyal. Ito ay napatunayan sa isang pag-
aaral nina Hjalmarsson at Mood (2015).
• Inalam ng mga nabanggit na mananaliksik ang kaugnayan ng kakayahang
pangkabuhayan at relasyon ng mga kabataan sa kanilang kaibigan.
• Upang matiyak na mapag-aaralan ang pangkabuhayang kakayahan ng
mga mag-aaral na ginamit sa pagsasaliksik, pinaghambing nila ang
pangkabuhayang sitwasyon ng mga mag-aaral at ang mga napiling
kaibigan ng buong klase, sa pamamagitan ng sociometrico. Natuklasan sa
pananaliksik na apektado ng pinasyal na kakayahan ng pamilya ang mga
mag-aaral.
• Ang mga mag-aaral na nagmumula sa mababang kabuhayan at ang mga
lumiliban sa mga pampaaralang gawain, dahil sa kakulangang
pangkabuhayan ay nakatanggap ng mabababang bato sa mga piniling
mga kaibigan sa sociometric.
• Sa kabuuan, ang mga resultang ito ay nagmumungkahi ng direktang
kaugnayan ng mababang kabuhayan ng pamilya ng mga kabataang ito, sa
relasyon nila sa kapuwa nila kabataan. Subalit, ayon sa mga
mananaliksik, mas mahalaga ang nabubuong relasyon ng mga kabataan,
kaysa sa kanilang pangkabuhayang kondisyon.
ANg Impluwensiyang politikal
• Sa kadahilanang ang mga magulang ang unang guro ng mga
anak at pamilya ang unang paaralan, sa pamilya rin natutuhan
ng kabataan ang usapang pampolitikal. Sa kanilang paglaki
naman ay nadadala nila ang impluwensiyang ito sa kanilang
mga kaibigan.
• Sa artikulong “How Family Communication Can Influence Our
Political Identities”, sinabi ni Hoffman (2012) na sa hapag-kainan
pinag-uusapan ng pamilya ang mga isyu sa politika. Binigyang-
diin ni Hoffman na, anomang uri ng komunikasyon ang
ginagamit ng pamilya-kung ukol man sa pamahalaan o hindi, ay
maaaring magkaroon ng impluwensiya sa pagkiling nito sa
politika.
• Nadadala tayo sa kapaligirang politikal, ayon kay Hoffman, sa
pamamagitan ng paaralan, mga kaibigan at ng media. Ang
komunikasyong pamilya, na hinihimok ang mga anakl na
maghayag ng opinyong politikal ay mas maalam sa mga
pampublikong pangyayari, dagdag ni Hoffman. Sa bandang
huli, ipinaalaala ni Hoffman na mahalagang malaman kung
saan nanggaling ang ating pagkakakinlanlang politikal, upang
higit nating maunawaan ang ating sariling politikal na
pananaw at ikinikilos.
• Kung susuriin nang mas malalim ang mga impluwensiyang
nabanggit, malaki ang maitutulong nito upang malaman ng
tao, kung alin sa mga ito ang kaniyang magagamit tungo sa
pagiging ganap niya bilang tao.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
• Ano-ano ang impluwensiyang nakukuha natin sa ating
pakikisalamuha sa ating kapuwa?
• Sa anong impluwensiya ng kapuwa nasasakop ang
pagkakaroon ng isang kasamang mag-aaral na matataas
ang marka sa paaralan?
• Anong aral ukol sa impluwensiyang pangkabuhayan sa
mga mahihirap na kabataan ang natutuhan mo?
• Ayon kay Hoffman, bakit mahalagang kilalanin ang ating
politikal na pagkakakinlanlan?

You might also like