You are on page 1of 22

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Sektor ng Paglilingkod
Araling Panlipunan– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan–Modyul 6: Sektor ng Paglilingkod
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Miralyn Terese Mitzi V. Calibo, Rolyn Joy L. Nomo, Delma B.


Cababat, Maricar B. Hernani, Janice A. Catubig, Arnel B. Tormis
Editor: Nelia S. Lim, Emma P. Tormis
Tagasuri: Arnold Z. Dinglasa Ed.D., Arcelita B. Zamoras Ed.D.
Tagaguhit: Sean S. Mascardo, Vincent Hersel Murcia
Tagalapat: Marvin D. Barrientos
Management Team: Dr. Ruth L. Fuentes, CESO V
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
Lilia E. Abello Ed.D.
Evelyn C. Labad

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________

9
AralingPanlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Sektor ng Paglilingkod
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sektor ng Paglilingkod!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan–Ikasiyam na Baitang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Sektor ng Paglilingkod !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

3
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o

4
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang sektor ng industriya. Sinuri natin


ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Inisa-isa rin
natin ang mga patakarang nakakatulong sa sektor na ito. Samantala, bilang
bahagi ng yunit na ito, ang susunod na sektor na ating tatalakayin ay ang Sektor
ng Paglilingkod. Sa sektor na ito ating alamin ang mga programang pang
ekonomiya at ang kahalagahan ng sektor na ito sa bawat mamamayan ng ating
bansa para matugunan ang bawat pangangailangan. Pagtuunan din natin ng
pansin ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nabibigyang halaga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod at mga
patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong dito

Subukin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Anong paglilingkod ang nagmumula sa pribadong sektor?
A. paglilingkod ng pamahalaan
B. paglilingkod ng pampribado
C. pananalapi
D. real estate

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng paglilingkod sa


pamayanan?
A. Pagbabakuna sa mga mamamayan
B. Naglalako ng paninda
C. Nagpapasada ng sasakyan
D. Nagngongolekta ng basura
e

1
3. Anong prebilihiyo ang maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang
apat na araw mula manganak ang legal na asawa?
A. Maternity Leave
B. Parental Leave
C. Paternity Leave
D. Sick Leave

4. Anong uri ng dagdag bayad ang matatanggap ng isang manggagawa


kung papasok sa panahon ng pista opisyal o holiday?
A.Holiday Pay
B. Incentive Pay
C. Overtime Pay
D. Service Pay

5. Anong subsektor ng paglilingkod ang ibinibigay ng iba’t ibang


institusyong pinansyal?
A. Pampubliko
B. Pampribado
C. Real Estate
D. Pananalapi

6. Anong sektor ng paglilingkod napapaloob ang pagbibigay ng publikong


sakayan?
A. Transportasyon
B. Komunikasyon
C. Imbakan
D. Pananalapi

7.Alin sa hanay ng sektor ng paglilingkod na may kaugnayan sa


pagpapalitan ng iba’t ibang produkto?
A. Industriya
B. Agrikultura
C. Paglilingkod
D. Kalakalan

8. Anong ahensya ng pamahalaan na sumusubaybay sa gawain ng mga


propesyonal upang matiyak ang paghahatid ng serbisyong propesyonal?
A. Professional Regulation Commission
B. Commission on Higher Education
C. United Professionals Group
D. Department of Education

9. Anong benepisyo ang pwedeng matanggap ng manggagawa kapag siya ay


magreretiro?
A. Thirteen Month Pay
B. Incentive Pay
C. Premium Pay
D. Retirement Pay

2
10. Anong benepisyo ang matatanggap ng isang manggagawa sa pag-ukol ng
higit sa walong oras na trabaho sa isang araw?
A. Overtime pay
B. PhilHealth
C. Incentive Pay
D. Holiday Pay

11. Anong dagdag benepisyo ang dapat ibigay sa mga manggagawa na


matatanggap sa katapusan ng bawat taon?
A. Mid Year Bonus
B. Thirteenth Month Pay
C. Leave Pay
D. Christmas Bonus

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI karapatan ng isang manggagawa?


A. Holiday Pay
B. Benepisyo sa PHILHEALTH
C. Benepisyo sa Social Security System
D. Benepisyo sa Grocery Allowance

13. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kapakanan ng mga


manggagawa?
A. TESDA
B. CHED
C. PRC
D. DOLE

14. Alin sa mga ahensya na ito ang di kabilang sa tumutulong sa sektor ng


paglilingkod?
A. TESDA
B. OWWA
C. DENR
D. DOLE

15. Sa anong artikulo ng Saligang Batas mababasa ang Mga Karapatang


Pantao ukol sa Pggawa?
A. Artikulo XIII
B. Artikulo XIV
C. Artikulo III
D. Artikulo X

3
Aralin
Araling Panlipunan:
6 Sektor ng Paglilingkod

Balikan

Ano-ano ang mga sub-sektor ng industriya?


Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Tuklasin

Gawain: Pick and Write


PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang mga salita na may kaugnayan sa
paglilingkod at isulat sa sagutang papel.

Bangko DOLE Pabrika Tree Planting


Pagmimina Konstruksyon Pangingisda Camping
Transportasyon Komunikasyon Kalakalan Turismo

4
Gabay na Tanong:
1. Anong serbisyo ang ibinibigay ng napili mong mga salita? Mahalaga ba ang
gampanin nito? Bakit?

Suriin

Ang Sektor ng Paglilingkod


Sa ekonomiya ng isang bansa hindi lamang produkto tulad ng mga
damit,kasangkapan, gamot at pagkain ang pinagkakagastusan at kinukonsumo ng
mga mamamayan. May mga pangangailangan din sila bukod sa mga produktong
agrikultural at industriyal. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng subsektor
tulad ng sumusunod:
● Transportasyon , komunikasyon at mga imbakan- binubuo ng mga
paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan,
paglilingkod ng telepono at paupahang bodega.
● Kalakalan-mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng ibat ibang
produkto o serbisyo
● Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na ibinibigay ng iba’t ibang
institusyong pampinansyal tulad ng mga bangko, bahay sanglaan,
remittance agency ,foreign exchange dealers at iba pa.
● Paupahang bahay at Real Estate-mga paupahan tulad ng apartment mga
developer ng
Subdivision, town house at condominium
● Paglilingkod na Pampribado- lahat ng paglilingkod na nagmumula sa
pribadong sektor ay kabilang dito.
● Paglilingkod ng Pampubliko-lahat ng paglilingkod na ipinagkaloob ng
pamahalaan.

Mga Ahensya Na Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

● Department of Labor and Employment (DOLE) – nagsusulong ng malaking


pagkakataon para sa pagtatrabaho,humuhubog sa kakayahan ng mga
manggagawa,nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa at
pagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng paggawa sa
bansa.
● Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) – ahensya ng
pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
● Philippine Overseas Employment Administration (POEA) itinatag sa bisa
ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at paunlarin
ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong dagat at
pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
● Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)- itinatag
sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994 ,isinusulong ng batas na ito na
hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya ,paggawa,mga lokal na

5
pamahalaan,at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at
paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
● Professional Regulation Commission (PRC) – nangangasiwa at
sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal upang
matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyonal sa
bansa.
● Commission on Higher Education (CHED)- nangangasiwa sa gawain ng
pamantasan ng bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas
na antas.

Mga Batas na Nangangalaga sa Karapatan ng mga Manggagawa


Artikulo XIII

Sesyon 3. Dapat ipagkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa


paggawa ,sa local at sa ibayong dagat,organisado at di organisado at dapat
itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa
trabaho empleyo para sa lahat.

Noong 2014 naglabas ang Bureau of Working Conditions ng Department of


Labor and Employment ng handbook ukol sa mga benepisyo ng mga
manggagawa ayon sa batas. Narito ang ilan sa mga mahahalagang
probisyon ng nasabing handbook.
● Republic Act No. 6727 ( Wage Rationalization Act) – nagsasaad ng
mandato sa pagsasaayos ng pinakamababang sahod o minimum wage na
naaangkop sa iba’t ibang pang industriyang sektor na kinabibilangan ng
sumusunod; hindi pang agrikultura, plantasyong pang agrikultura at di-
pamplantasyon, cottage/sining ng pagyari sa kamay at pagtitingi/serbisyo,
depende sa bilang ng manggagawa o puhunan o taunang kita sa ilang
sektor.
● Dagdag na Bayad Tuwing Pista Opisyal ( Holiday Pay- Artikulo 94)-
tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang araw ng
sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal o holiday.
● Dagdag na Bayad Tuwing Araw ng Pahinga o Special Day (Premium Pay-
Artikulo 91-93)-karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong oras
na trabaho sa araw ng pahinga at special days.
● Dagdag na Bayad sa Pagtatrabaho sa Gabi (Night Shift Differential-
Artikulo 86)-karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa
sa sampung porsyento (10%) ng kanyang regular na sahod sa bawat oras na
pagtatrabaho sa pagitan ng ikaasampu ng gabi at ikaanim ng umaga
● Service Charges (Artikulo 96) – Lahat ng manggagawa sa isang
establisyimento o kahalintulad nito na kinokolekta ng service charges ay
may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa walumpu’t limang
porsyento o bahagdan (85%) ng kabuuang koleksyon. Ang service charges ay
kadalasang kinokolekta ng halos lahat ng hotel,kainan o restaurant,night
club,cocktail lounges at iba pa.
● Service Incentive Leave (SIL-Artikulo 95)- Ang bawat manggagawa na
makapag lingkod ng hindi kukulangin sa isang taon ay dapat magkaroon ng
karapatan sa taunang service incentive leave (SIL) na limang araw na may
bayad.
● Maternity Leave (Expanded Maternity Leave Law- RA 11210 )- Ang bawat
nagdadalantaong manggagawa na nagtatrabaho sa publiko o pribadong
sektor ay makakatanggap ng maternity leave na 105 araw para sa normal na
panganganak at sa pamamagitan ng caesarean section, kasama ang mga

6
benepisyong katumbas ng isang daang porsiyento (100%) ng humigit
kumulang na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa batas.
● Paternity Leave (RA 8187) – maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa
unang apat na araw mula manganak ang legal na asawa na kaniyang
kapisan; Para sa layuning ito, ang pakikipagpisan ay tumutukoy sa
obligasyon ng asawang babae at asawang lalake na magsama sa
iisang bubong.
● Parental Leave Para sa Solong Magulang ( RA 8972)- ipinagkaloob sa
sinumang solong magulang o sa indibidwal na napag-iiwanan ng
responsibilidad ng pagiging magulang
● Leave Para sa mga Biktima ng Pang-aabuso Laban sa Kababaihan at
Kanilang mga Anak ( Leave for Victims of Violence Against Women and
their Children RA 9262)- Ang mga babaeng empleyado na biktima ng pang-
aabusong pisikal,sekswal,sikolohikal o anumang uri ng paghihirap,kasama
na rin dito ang hindi pagbibigay ng sustento,pagbabanta,pananakit,
harassment,pananakot,at hindi pagbibigay ng kalayaang makisalamuha o
makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa,dating asawa o kasintahan
ang may karapatang gumamit ng leave na ito.
● Special Leave para sa mga Kababaihan (RA 9710)-Kahit sinong babaeng
manggagawa, anoman ang edad at estadong sibil,ay may karapatan sa
special leave benefit kung ang empleyadong babae ay mayroong
gynecological disorder na sinertipikahan ng isang competent physician.
● Thirteenth Month Pay (PD 851) Lahat ng empleyo ay kinakailangang
magbayad sa kanilang rank and file employees ng thirteenth month pay
anumang estado ng kanilang pagkakaempleyo at anoman ang kanilang
paraan ng kanilang pagpapasahod. Kinakailangan lamang na sila ay
nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang buwan sa isang sa isang taon
upang sila ay makatanggap ng proportionate thirteenth month pay. Ang
thirteenth month pay ay ibinibigay sa mga empleyado nang hindi lalagpas
ng ika-24 ng Disyembre bawat taon.
● Bayad sa Paghiwalay sa trabaho (Separation Pay- Artikulo 297-298)
Kahit sino mang manggagawa ay may karapatan s separation pay kung siya
ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na nakasaad sa Artikulo 297-298
ng Labor Code of the Philippines.
● Bayad sa Pagreretiro (Retirement Pay- Artikulo 3015) – Ang sinumang
manggagawa ay maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sae dad na
animnapung taon (60) hanggang animnapu’t limang taon (65) at
nakapaglingkod nang hindi kukulangin sa limang taon.
● Benepisyo sa Employees’ Compensation Program (PD 626)-isang
programa ng pamahalaan upang magbigay ng isang compensation package
sa mga manggagawa o dependents ng mga manggagawang nagtatrabaho sa
pampubliko at pampribadong sektor sakaling may kaganapang
pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho,pinsala,kapansanan,o
kamatayan.
● Benepisyo sa PHILHEALTH (RA 7875 as amended by RA 9241)- Ang
National Health Insurance program (NHIP), dating kilala bilang medicare ay
isang health insurance program para sa mga kasapi ng SSS at GSIs at sa
kanilang dependents kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa
pananalapi sa may sakit, na maaaring nangangailangan ng pinansyal na
tulong kapag sila ay naospital.
● Benepisyo sa Social Security System (RA 1161, as amended by RA
8282) – nagbibigay ng isang pakete ng benepisyo sa pagkakataon ng
kamatayan, kapansanan, pagkakasakit .

7
● Benepisyo sa PAG-IBIG (RA No. 9679)- Ang Home Development Mutual
Fund na kilala bilang PAG-IBIG ( pagtutulungan Sa Kinabukasan:
Ikaw ,Bangko,industriya sa Gobyerno) Fund ay isang mutual na sistema ng
pag-iimpok at pagtitipid para sa mga nakaempleyo sa pribado at
pamahalaan at sa iba pang grupo na kumikita , na suportado sa
pamamagitan ng parehas na ipinag-uutos na mga kontribusyon ng kani-
kanilang mga may paggawa na ang pangunahing investment ay pabahay.

Maliban sa mga batas na nabanggit,ayon naman sa International Labor


Organization (ILO) ang pinakamahalagang karapatan ng manggagawa ay
sumusunod:
● Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na
malaya mula sa panghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
● Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipag sundo bilang
bahagi ng grupo sa halip mag-isa
● Ikatlo, bawal ang lahat ng anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang
aliping trabaho at trabahong pang kulungan.Dagdag pa rito, bawal ang
trabaho ng pamimilit o duress.
● Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.
Samakatuwid mayroong minimong edad at mga kalagayang pagtatrabaho
para sa para sa kabataan.
● Ikalima,bawal ang lahat ng anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na
sweldo para sa parehong trabaho.
● Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at
ligtas sa mga manggagawa . pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay
dapat walang panganib at ligtas.
● Ikapito, ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat dapat para sa
makataong pamumuhay.

Pagyamanin

Gawain 1: Kumpletuhin ang dayagram.

Mga ahensya ng Layunin ng bawat


pamahalaan na ahensya sa
tumutulong sa sektor pagtulong
Gampanin ng sektor ng
gampa ng paglilingkod
1.
paglilingkod
1.
2.
2.
3.
3.
4.
4.
5.
5.
6.
6.
8
1._________________________

2._________________________

3._________________________

Isaisip

Gawain 2: Kaya Ko’ to!


Panuto: Basahin at unawain. Isulat sa sagutang papel ang tamang salita.
____________1. Nabibilang sa paglilingkod na ito ang mga bangko, bahay-
sanglaan, remittance agency, at foreign exchange dealers.
____________2. Nangangasiwa sa gawain ng pamantasan at kolehiyo sa
bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas.
____________3. Ito ay isang mutual na sistema ng pag-iimpok at pagtitipid
para sa mga naka empleyo sa pribado at pamahalaan at sa iba pang grupo
na kumikita.

Isagawa

Gawain 3: Sulat Pasasalamat


Halimbawa kung ikaw ay isang recipient ng Pantawid Program ng
Pamilyang Pilipino, paano mo pasasalamatan ang pamahalaan?

:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at bilugan ito.

1. Anong pangunahing ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa


kapakanan ng mga manggagawa?
A. TESDA
B. CHED
C. PRC
D. DOLE

2. Alin sa mga ahensya na ito ang hindi kabilang sa mga tumutulong sa


sektor ng paglilingkod?
A. TESDA
B. OWWA
C. DENR
D. DOLE

3. Sa anong batas nagsasaad ng karagdagang bayad sa manggagawa sa loob


ng walong (8) oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days?
A. Artikulo 87 - Overtime Pay
B. Artikulo 91-93 - Premium pay
C. Artikulo 96 - Service Charges
D. Artikulo 94 - Holiday Pay

4. Alin sa mga programa ng International Labor Organization (ILO) ang hindi


nagbibigay karapatan sa mga manggagawa?
A. Karapatang sumali sa mga unyon na malaya
B. Karapatang makipag kasundo bilang bahagi ng grupo
C. Karapatang walang panganib at ligtas ang mga manggagawa
D. Hindi pantay ang sweldo para sa parehong trabaho.

5. Paano nakakatulong ang TESDA para sa mga manggagawa?


A. Sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa
B. Pangangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa
C. Matiyak ang kahusayan sa paggawa

10
D. Humuhubog ng kapayapaan sa trabaho

6. Sino ang pinagkalooban ng isang parental leave ng batas RA 8972?


A. Solong magulang
B. Asawang lalaki
C. Retiradong manggagawa
D. Babaeng inaabuso

7. Kanino ibinigay ang isang benepisyo ng special leave para sa kababaihan?


A. Babae na walang asawa
B. Babae na nagdadalantao
C. Babaeng may gynecological disorder
D. Babaeng inaabuso

8. Alin ang HINDI kabilang ang benepisyo sa Social Security System?


A. Kamatayan
B. Panganganak
C. Kapansanan
D. Kaarawan

9. Saang establisimyento na kadalasang kinokolekta ang service charges?


A. Simbahan
B. Palengke
C. Kainan
D. Paaralan

10. Ano ang nasa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na
pinangasiwaan ng POEA?
A. Hikayatin ang partisipasyon ng mga manggagawa sa industriya
B. Tumitingin sa kapakanan ng mga manggagawa sa labas ng bansa.
C. Pangasiwaan ang kahusayan sa edukasyong propesyonal sa bansa
D. Isulong at paunlarin ang mga programa at kapakanan ng OFW

Karagdagang Gawain

Gawain: Gumawa ng tula na naglalaman sa kahalagahan ng sektor ng paglilingkod


sa pamumuhay ng bawat mamamayan.

11
12
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayahin
1. b 1. d
2. a 2. c
3. c 3. a
4. a 4. b
5. d 5. a
6. a 6. a
7. c 7. c
8. a 8. d
9. d 9. c
10. a 10. d
11. b
12. d
13. d
14. c
15.a

13
Sanggunian:
EKONOMIKS – IKASIYAM NA BAITANG
Yunit 4 –Mga Sektor ng Ekonomiya at mga Patakarang
Pang-Ekonomiya Nito.
Unang Edisyon 2015

14
Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like