You are on page 1of 8

PANIMULA

Sa paghakbang ng isangnagdadalaga o nagbibinata, binibigyan na ng


mga magulang kayo ng Kalayaan ng mga magulang niyo na na pumili ng
Magiging mga kaibgan.Ito angyugto na kayo ay hindi na bata at hindi pa
rin naman binate o dalaga. Ayon sa mga sikolohista ito ay tinatawag na
“identiy crisis”
Sa panahon na ito kailangan nilang makipagkapuwa dahil kailangan
din nila ng sagot sa marami nilang katanungan sa mga pagbabago sa
kanilang sarili at kaisipan. Sa kadahilanang ito, nararapat na ang
kanilang kasama ay mga makakaimpluwensiya sa kanila ng mabubuting
bagay para mapabuti rin ang lahat ng aspeto ng kanilang buhay.
Ang mga impuwensiyang maari nilang makuha sa kanilang kapuwa
ay mga kaisipang: intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at
politikal.Sa pakikipagkaibigan hindi nawawala ang pagmamalasakit na
nagpapatibay ng kanilang relasyon. Sa kabuuan ang paglilingkod sa
kapwa ay indikasyon ng pagmamahal na siya naming nagiging bunga ng
pagiging ganap na pagkatao.
LAYUNIN
Sa araling ito inaasahan na ang mag-aaral ay maisasagawa ang mga
sumusunod:
• natutukoy ang tao na itinuturing na kapuwa
• nasususri ang impluensiya ng iyong kapuwa sa aspetong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan at politikal
• mahinuha na ang tao ay:
a. likas na panlipunang nilalang na kailangan makipag-ugnayan sa
kapuwa upang malinang ang mga nabanggit na aspeto ng pagkatao.

1
b. ang katarungan at pagmamahal ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapuwa
c. ang pagiging ganap na tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapuwa
PAGTALAKAY
ASPETO NG IMPLUWENSIYA NG PAKIKIPAGKAPUWA
Ang tao ay likas na panlipunang nilalng, kaya’t nakikipag-ugnayan
siya sa kaniyang kapuwa, na Malaki ang impluwensiya kung sino man
tayo.
Mayroon tayong mga kaibigan o matalik na kaibigan na
nakakaimpluwensiya sa atin sa mga aspetong inteletuwal,
panlipunannpangkabuhayan at politikal.
ANG IMPLUWENSIYANG POLITIKAL
Ayon kay Mehta(2013) ang kaibigan ng isang mag-aaral ay
nakakaimpuwensiya sa kaniyang marka, higit sa impluwensiya ng
kaniyang mga magulang.
Gamit ang mga salita ni Vera Borukhov, isang gurosinabi ni Mehta
na, “Ang mga Kabataang may positibong panlipunang buhayay
kadalasang may mataas na gawaing Pang-akademiko”Ayon kay mehta
kung ang kaibigan ay mahilig sa gawaing pang-paaralan ay malamang
na ganun ka din. Halimbawa ang isang kabataan na mababa ang
kaniyang marka ay maaaring tumaas kung ang mga magiging kaibigan
nito ay mga may matataas na marka.
Napatunayan ni Hiroko Sayama, isang mananaliksik at system scientist
sa State Univesity of New Yok sa Burningham, na nakakahawa ang
pagkakaroon ng mataas na marka.

2
Ayong sa pagsasaliksik ni Sayama,ang academic performance ay
maituturing na “social contagion” o panlipunang-gawi na
nakakaengganyong gayahin. Sa kabuuan malalim ang impluwensiyang
intelktwalsa mga magkakaibigan.Maaaring ito man ay positibo o
negatibo. Dito na din nabibigyang halaga ang payo ng mga guro at mga
magulang sa kung sino ag pipiliin ng mga kabataan na kanilang mga
kaibigan na makakaimpluwensiya ng Mabuti sa kanila.
ANG IMPLUWENSIYANG PANLIPUNAN
Ito ay epekto ng ing tao sa paniniwala o ugali ng iba.
Tatlong aspeto ng impuwensiyang panlipunan
1. Ang mga tao ay nagbabago ang mga pananaw o ugali upang
sumunod sa umiiral na sosyal na pamantayan.
2. Isang porma ng sosyal na impuwensiya na ay direktang kahilingan
mula sa ibang tao patungo sa iba.
3. Isang porma ng sosyal na impuwensiya kung saan ang isang tao ay
tuwirang nag uutos upang isagawa ang mga tiyak na kilos.
Ang impluwensiyang panlipunan ay katulad ng “peer pressure” kung
saan ang epekto nito ay mula sa ibang tao.Ang positibo o negtibong
impluwensiya sa kabataan ay may epekto kung paano mag-isip at
kumilos tungo sa iba.
Mahalaga sa inyo bilang nagbibinata at nagdadalaga na pumili ng
isang kaibigan na positibo ang pananaw sa buhay upang ang
impuwensiya sa inyo ay magbunga ng mabubuting bagay.
Ang wika ng ani Simon Alexander Ong (2013) “ Ang ating tagumpay
sa buhay ay kadalasang dahil sa mga taong pinili nating maging
kasamanang matagal”. O magigiging katulad kayo ng mga taong lagi
niyong kasama.

3
ANG IMPLUWENSIYANG PANGKABUHAYAN
Kadalasang pinag-uusapan dito ay ang direktang kaugnayan sa
kakayahang pinansyal ng pamilya sa mga kabataan. Napatnayan sa pag-
aaral Hjalmarsson at Mood (2015) ang bigkis ng pagsasama-sama ng
mga kabataan ay naaayon sa kanikanilang kakayahang pinansyal.
Ayon sa mga mananaliksik na gumamit ng sociometrico upang pag-
aralan ang pinasyal na sitwasyon ng mga mag-aaral, naatunayan nil ana
ang pinnasyal na kakayahan ng mga magulang ay may epekto sa mga
mag-aaral. Ang mga batang nabibilang sa mga may kakulangan sa
kabuhayan ay nakatanggap ng mababang boto sa pagbili ng mga
kaibibigan sa sociometric.Ngunit ayon pa rin sa pananaliksik ay mas
mahalaga pa rin sa mga kabataan ang nabubuong relasyon nila sa
kanilang mga kaibigan kaysa sa level ng kanilang pangkabuhayan na
sitwasyon.
ANG IMPLUWENSIYANG POLITIKAL
Dahil ang mga bata ay ang kanilang tahanan ang una nilang
paaralan, at ang mga magulang ang kanilang unang guro, kaya ang mga
usaping politikal ay nadadala din nila ito na impluensiya sa kanilang
mga kaibigan.
Sa artikulong “How Family Communication Can Influence Our Politica
Identities”, sinabi ni Hoffman(2012) na sa hapag kainan pinag-uusapan
ang mga isyung politikal.Sinabi rin ni Hoffman na kung anu man ang
pinag-uusapan ng pamilya ay malaking impluwensiya sa pagkiling sa
politika.

4
BUOD
• Ang mga impuwensiyang maaring makuha ng mga kabataan sa
kanilang kapuwa ay mga kaisipang: intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal.Sa pakikipagkaibigan hindi nawawala ang
pagmamalasakit na nagpapatibay ng kanilang relasyon.
• ASPETO NG IMPLUWENSIYA NG PAKIKIPAGKAPUWA
Ang tao ay likas na panlipunang nilalng, kaya’t nakikipag-ugnayan
siya sa kaniyang kapuwa, na Malaki ang impluwensiya kung sino man
tayo.
• ANG IMPLUWENSIYANG PANLIPUNAN
Ito ay epekto ng ing tao sa paniniwala o ugali ng iba.
Tatlong aspeto ng impuwensiyang panlipunan
1. Ang mga tao ay nagbabago ang mga pananaw o ugali upang
sumunod sa umiiral na sosyal na pamantayan.
2. Isang porma ng sosyal na impuwensiya na ay direktang kahilingan
mula sa ibang tao patungo sa iba.
3. Isang porma ng sosyal na impuwensiya kung saan ang isang tao ay
tuwirang nag uutos upang isagawa ang mga tiyak na kilos.
• ANG IMPLUWENSIYANG PANGKABUHAYAN
Kadalasang pinag-uusapan dito ay ang direktang kaugnayan sa
kakayahang pinansyal ng pamilya sa mga kabataan. Napatnayan sa pag-
aaral Hjalmarsson at Mood (2015) ang bigkis ng pagsasama-sama ng
mga kabataan ay naaayon sa kanikanilang kakayahang pinansyal.
• ANG IMPLUWENSIYANG POLITIKAL

5
Dahil ang mga bata ay ang kanilang tahanan ang una nilang
paaralan, at ang mga magulang ang kanilang unang guro, kaya ang mga
usaping politikal ay nadadala din nila ito na impluensiya sa kanilang
mga kaibigan.
SANGGUNIAN
NENITA L. DELA VEGA ET. AL. Edukasyon sa pagpapakatao 8, Vibal
Group Inc.Manila. Philippines

6
Ika-2 markahan ESP 8 mo-1
PANGALAN__________________________________________
Gawain 1.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang impluwensiyang nakukuha natin sa ating
pakikisalamuha sa ating kapuwa?
2. Sa anong impluwensiya ng kapwa nasasakopang pagkakaroon ng
isang kasamang mag-aaral na mataas ang marka sa paaralan?
3. Anong impluwensiya ang madalas nagiging basehanng mga mag-
aaral sa pagpili ng mga kaibigan?
4. Anong aral ukol sa impluwensiyang pangkabuhayan sa mahihirap na
kabataan ang natutuhan mo?
5. Ayon kay Hoffman, bakit mahalang kilalanin ang ating politikal na
pagkakakilanlan?
GAWAIN 2
Ipaliwanag sa tig tatatlong pangungusap ang bawat aspeto ayon sa
kanilang kahalagahan sap ag unlad ng pagkatao ng isang kabataan na
katulad mo.
a. impluwensiyang inteletuwal
b. impluwensiyang panlipunan
c.impluwensiyang pangkabhayan
d. impluwensiyang politikal

7
8

You might also like