You are on page 1of 4

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Mula sa mga babasahing libro, sa mga balita o pahayagan, sa mga teleserye sa


telebisyon, sa mga pelikula hanggang sa karanasan, ang "bullying" ay siguradong hindi
lingid sa kaalaman ng lahat. Ang "bullying" ay isang uri ng kaharasan laban sa matanda
man o mapabata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, matatawag na
"bullying" ang pananakit nang pisikal o pagsasabi ng masasakit na salita o mapanirang
salita at paulit-ulit na pang-aasar sa isang indibidwal.

Kadalasang biktima ng "bullying" ay ang mga mag-aaral lalo na kung ito ay mga bata
pa, halimbawa nito ay yung mga nasa elementarya pa lang. Ang mga nakararanas ng
ganitong sitwasyon ay yung mga taong mahihina, may kapansanan, mahiyain, tahimik,
walang kaibigan at hindi marunong lumaban kaya ang mga bully ay hindi natatakot
gawin ito dahil alam nilang hindi sila nito lalabanan. Sa pamamagitan ng pambu-bully,
maaaring maapektuhan ang taong nabully sa kanyang emosyonal, pisikal at sosyal na
aspeto kung saan maaari silang humantong sahindi magandang sitwasyon dahil sa
kanilang nararamdamang depresyon at kung ito ay malala pa baka humantong sa
kanilang kamatayan.

Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-impormasyon


ukol sa mga epekto ng pambubully at mahikayat ang mga ilang "bully" na tigilan na ang
kanilang masamang gawain sa kanilang kapwa.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa epekto ng


bullying sa mga mag-aaral ng Montalban Heights San National High School at
naglalayong matugunan ang mga sumusunod nakatanungan.

1. Anong uri ng pambu-bully ang kanilang nararanasan o naranasan?

2. Ano ang paraan para malabanan ang mga nambubully?

3. Ano ang epektong naidulot ng pambubully sa:

a. Pisikal?

b. Emosyonal?

c. Sosyal?

4. Paano mapipigilan ang pambubully?

5. Sinu-sino ang kadalasan nagiging biktima ng pambubully?


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidulot ng


pambubully sa pisikal, emosyonal at sosyal na aspeto ng mga may karanasang mag-
aaral na nasa unang taon sa Montalban Heights National High School. Nais din nitong
tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambubully sa pananaw ng mga biktima nito, pag-
aaral sa uri ng pambubully na kanilang nararanasan at pati narin ang pagtukoy sa mga
paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban dito.

Mahalaga rin ito sa mga mag-aaral ng Montalban Heights National High School
upang malaman nila kung ano ang magiging bunga nito sa biktima at tumatak sa isipan
ninuman na walang magandang maidudulot ito kundi ang paglihis sa ating magandang
kinabukasan. Napakahalaga din nito lalo na sa mga bata o taong nambubully upang
malaman nila ang mga dapat gawin. Para matugunan din ang mga kaaya-ayang gawain
para mapaunlad ang kaalaman at mapalago rin ang ating paaralan. Ang matiwasay at
magandang pakikisama ay isa sa mga kadahilanan ng pag-unlad.

Sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing gabay o


kaalaman tungo sa hinaharap na pananaliksik.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang nararanasan ng


mga estudyante sakop nito ang mga epekto ng bullying sa emosyonal, pisikal at sosyal
na aspeto ng mga estudyante, mga dahilan ng pambubully, uri ng pambubully na
nararanasan ng mga estudyante at mga pamamaraang isinagawa ng mga biktima
upang malabanan ito.

Ang pag-aaral na ito ay nililimitahan lamang sa tatlumpu (30) piling estudyante na nasa
apat na taon sa Montalban Heights National High School (MHNHS) na may karanasan
sa pambubully bilang mga tagatugon sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos
na makatulong at makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng
mga respondenteng ito, magiging instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na
ito.

You might also like