You are on page 1of 4

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KAGILIRAN NITO

Introduksyon

Mula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa pelikula, mga

babasahin libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa sariling karanasan, ang “bullying” ay siguradong

hindi lingid sa kaalaman ng lahat.

Ang “bullying” ay isang uri ng kaharasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon,

matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o

mapanirang salita sa isang indibidwal.

Kadalasang biktima ng “bullying” ang mga mag-aaral na nasa elementarya at sekondarya. Ang mga

naaping ito ay kadalasang mahina, tahimik, mahiyain, may kapansanan, at hindi marunong lumaban na

nagtutulak sa mga bully na apihin sila dahil alam nilang hindi sila lalabanan nito.

Sa pamamagitan ng pambu-bully maaaring maapektuhan ang biktima nito sa kaniyang pisikal,

emosyonal, sosyal at moral na aspeto kung saan maaari silang humantong sa matinding depresyon at

kung Malala pa’y umaabot pa ito sa kamatayan.

Kaya naman isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-impormasyon ukol sa mga

epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mga “bully” na tigilan na ang kanilang masamang Gawain.

Layunin ng Pag-aaral

Ang papel na pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidulot ng pambu-

bully sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto ng mga may karanasang mag-aaral na nasa unang taon

sa sekondarya. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambu-bully sa kanilang

naranasan, at pati rin ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban dito.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, mga guro, sa paaralan, at sa

pamahalaan.

Mga Mag-aaral

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral upang mas lalo pa nilang maunawaan

ang pambubulas at ang mga sanhi nito.

Mga Guro

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay matutulungan ang mga guro na maka gawa ng solusyon at

mas lalo pa nilang maintindihan ang ganitong sitwasyon upang makatulong sa mga batang nambubulas at

nabubulas.

Sa Paaralan

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng patakaran sa paaralan na

may kinalaman sa bullying.

Sa Pamahalaan

Makakatulong ang isinasagawang pag-aaral na ito upang malaman ang bawat hinaing at

paghihirap na nararansan sa bullying upang mapagtibay pa ng batas ang aksyon laban sa ganitong uri ng

pananakit sa kapwa.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambubully na karaniwang nararanasan ng mga mag-

aaral, mga dahilan ng pambubully na nararanasan ng mga mag-aaral at mga biktima upang malabanan ito.
Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lang ng Isang Daang (100) piling mag-aaral na nasa unang taon

sa mataas na Paaralang Morong National High School (MNHS) na may karanasan sa pambubully bilang

mga taga tugon. Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulong at makatutugon sa

mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga respondenteng ito, magiging instrument sila sa

katagumpayan ng pananaliksik na ito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

1.Bullying -isang paraan ng panankit sa pisikal o emosyonal na parte ng isang indibidwal o grupo ng mga

tao.

2.Teleserye - isang uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang

pawang pruweba na masasabing ito ay totoo.

3.Sekondarya -ay isang baitang o hakbang sa edukasyon na kasunod ng edukasyong primarya.

4.Depresyon -ay isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan ng

mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga

normal na nakasisiyang mga gawain.

5.Pisikal -Tumutukoy sa panlabas na anyo, katangian na tinataglay ng isang Tao, o isang bagay.

6.Emosyonal -ay patungkol naman sa damdamin ng isang tao sa isang bagay o pangyayari.
7.Sosyal -Supistikado, maaaring sa paraan ng pananamit, sa paggalaw at iba pa.

8.Moral -Ito ay may kaugnayan sa tungkulin o obligasyon.

9.Pangungutya -Mapanguyam na tao-para sa maraming ay hindi isang lihim.

10.Kamatayan -ay ang katapusan ng buhay ng isang organismo.

You might also like