You are on page 1of 3

Anti-Bullying

I. PAKSA

Ang paksang ito ay tungkol sa anti-bullying na tumutukoy sa mga batas, patakaran,


organisasyon, at kilusan na naglalayong pigilan ang pambu-bully. Ang bullying ay isang
sitwasyon kung saan ang isang tao, na tinatawag na bully, sa salita o pisikal na pananakot o
pananakit sa isang tao, na nagiging sanhi ng tao na makaramdam ng isang tunay o
pinaghihinalaang kawalan ng timbang sa kapangyarihan sa lipunan. May mga bagong batas na
naglalayong tugunan ang nasabing isyu.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pag pigil sa lumalaganap na kaso ng pang-aapi sa


paaralan. Mahalagang mapigilan natin ang paglaganap ng kaso ng bullying sa paaralan dahil isa
ang problemang ito ang nagiging sagabal sa pag-aaral ng isang mag aaral. Maraming kabataang
mag aaral ang pinipiling huminto sa pag-aaral dahil sa nararanasan nilang diskriminasyon.

II. RASYONAL/LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito sapagkat makakatulong ito satin upang maiwasan ang pang aapi. Sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito matutulungan natin ang mga mag aaral na mapigilan at
makaiwas sa kaso ng bullying. Magiging paraan ito para sa mga mag aaral na mapigilan ang
lumalaganap na problema sa paaralan at hindi pantay na pag tingin sa kalagayan sa buhay ng
bawat isa. Napili naming ang paksang ito sa kadahilanan sa kasalukuyan ay laganap ang pang
aapi sa sinuman na walang kakayahang lumaban, kaya ninanais ng mga mananaliksik na sila ay
matulungan sa bagay na ito sa tulong ng aming pag-aaral.

Ang tiyak na layunin ng aming pananaliksik ay masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Paano makatutulong ang anti bullying sa pag-aaral ng isang kabataang mag aaral?
b. Bakit mahalaga na malaman ng mga kabataang mag aaral ang mabuti at masamang dulot
ng bullying?
c. Paano makakaiwas ang isang mag aaral sa bullying?

III. PAMAMARAAN

Ang pananaliksik na ito ay magiging malaking tulong para sa mga mag aaral, mga guro, sa
paaralan at sa mga iba pang mga mananaliksik sa hinaharap. Makakatulong ito sa mga
indibibwal na nais madagdagan ang kaalaman tungkol sa epekto ng bullying sa kabataan at
maaring maging tulong sa mga biktima nito.

IV: PANIMULA

Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na lahat ng bagay sa mundo, hindi
maiwaasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis
na pagkatuto ng tao sa kung anumang bagay sa kanyangpaligid, lumaganap ang isang di
pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mgakabataan ang madalas na nabibiktima nito.
Bunga marahil siguro ng inggit o di kaya'ypaggaya sa matanda, ang mga kabataan ay namulat na
sa tinatawag na "bullying". Isang di pangkaraniwang problema na madalas ng kinakaharap ng
mga paaralan atkomunidad sa panahin ngayon. Ang bullying sa wikang tagalog ay pang-aasar
opanloloko. Madalas itong ginagamit sa mga estudyante. May mga lokong estudyante nagustong
gusto nilang nanloloko o nang-aasar sa kanilang kapwa estudyante. Minsanhumahantong pa ito
ng sakitan. Marami sa mga kabataan na ito na nasasangkot samga ganitong klase ng kaguluhan,
ay maaring naimpluwensyahan ng kapwa nilakamag-aral o di kaya ay dala ng inggit o galit para
sa taong ginagawan nila nito. Sakabilang banda, ang mga taong nagagawan ng mga panlolokong
ito o mas alam satawag na mga biktima o "mga nabubully" ay may mga iba't ibang istilo sa pag-
iwas samga gulong kagaya nito. Sila ang mga nabibiktima ng mga "bully" na ito nahumahantong
pa nga minsan sa depresyon na maaring maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya
ay pagkamatay

V. PAGTATALAKAY
¹Ayon sa scribd.com, ang bullying ay isang uri ng karahasan laban sa mga bata. Ayon sa
Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit
nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita sa isang indibidwal. Kadalasang
biktima ng bullying ang mga mag-aaral na nasa elementarya at sekondarya.
²Ayon sa takdangaralin.ph, walang magandang naidudulot ang pagiging bully sa kapwa, bagkus
ay kapahamakan lamang ang ating kahihinatnan kapag ganito ang ating asal.
³Ayon kay Renz Michael Magbuhat, laganap sa bansa ang pambubully, mapa-pisikal man ito o
mapa-berbal. Maaaring may batas na tayo tungkol sa pambubully upang ito ay mas maiwasan
ngunit hindi nito natututukan ang berbal na bullying na siyang mas nakakaapekto sa pagtanda at
paglaki ng isang bata.
⁴Ayon naman kina Crystal Hall, Artem Cheprasob, at Sasha Blakeley, nakakatulong ang mga
patakaran laban sa bullying na panatilihing ligtas ang mga tao. Ang Anti-Bullying ay tumutukoy
sa isang pag-iingat na ginawa upang ihinto ang pambu-bully. Ang isang mas tiyak na kahulugan
ng anti-bullying ay ang pagtukoy ng pananakot at ang pinagmulan nito, pagpigil sa mga ito na
mangyari sa sandaling iyon, pagtalakay kung bakit ito nangyayari, at paghahanap ng mga
solusyon upang maiwasan itong mangyari muli. Ang mga patakaran laban sa pambu-bully ay
maaaring ipasok sa mga paaralan, kanilang mga distrito, at sa mga antas ng estado.
Dagdag pa nila, ang pananakot ay mga hindi gustong pagbabanta sa pagtatangkang kontrolin ang
biktima sa pamamagitan ng pisikal, sikolohikal, o emosyonal na takot, na maaaring makasira sa
sikolohikal o nakamamatay pa nga. Maaaring mangyari ang pambu-bully sa mga cell phone o sa
Internet at alinman sa paaralan o sa bahay. Ayon sa istatistika, 20% ng mga mag-aaral na may
edad na 12-18 ay biktima o naging biktima ng pambu-bully. Bilang karagdagan, humigit-
kumulang 19.5% ng mga mag-aaral sa mga baitang 9-12 ang naging biktima ng pambu-bully sa
paaralan noong nakaraang taon.

You might also like