You are on page 1of 25

Epekto ng ‘BULLYING’ sa mga Kabataan

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa


Senior Highschool Department
Thoburn Memorial Academy

Isang Pananaliksik Papel ang Ipapasa kay:


Gng. Gina G. Aguinaldo

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng


Filipino: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik
Ika-1 Semester, TA: 2017-2018

Ipinasa ni:
Mart Alfie R. Grande

January 29, 2018


KABANATA 1

I. Introduksyon

A. Rasyonale

Sa panahon kung saan lahat ng kabataan at tila alam na lahat ang bagay sa mundo,

hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo

kasabay ng mabulis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kanyang paligid,

laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang

mga madalas na biktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na “bullying”.

Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mga nakakatanda

sa kanila, mga nagaganap sa kanyang sarili o sa kanyang kapaligiran. Halimbawa ng

mga pangyayaring nakakaapekto sa bata ang pasya na mga magulang na maghiwalay,

paglipat ng paaralan at pagkaligalig (stress o presyon). Ang pambubully at ang paulit-

ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugaliu na nagdudulot ng negatibong

epekto sa taong dumaranas nito. Itoý maaaring humantong sa depresyon na maging

sanhi ng pagkawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. Nakakagambala ito sa

kaginhawaan o kagalingan at pag unlad ng batang may ganitong asal at maging sa mga

batang naaapi.
B. Paglalahad ng Sulliranin

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa bilang pagtugon sa isang

pangangailangang makapangalap ng impormasyon upang magbigay kaalaman at

magpalaganap ng awareness sa bawat indibidwal na may kinalaman sa isyunng

tinalakay sap ag-aaral na ito. Nais ng pag-aaral na ito na matuunan ng pansin ang

suliraning ito na patuloy ang paglaganap sa ating mga paaralan. Sa pamamagitan

ng pagsulat ng pamanahong papel na ito, madagdagan pa ang mga malalaman ng

mga mambabasa ukol sa isyung ito.

Ang mga sumusunod ay mga tiyak na katanungang inaasahang matugunan sap

ag-aaral na ito:

1. Ano ang bullying?

2. Anu-ano ang mga katangian ng mga taong binubully at nambubully?

3. Bakit may nambubully?

4. Sinu-sino ang mga kadalasan nagiging biktima ng mga nambubully?

5. Ano ang dapat gawin kung ikaw ay nagging biktima ng pambubully?

6. Paano mapipigilan ang pambubully?

7. Anu-ano ang mga batas sa bullying?


C. Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng datos at saloobin ng mga

mag-aaral sa usaping “bullying” sa Antas Tersyarya sa Asian College of Technology,

Lungsod ng Cebu, isang pribadong mas mataas ng institusyong edukasyonal na

binubuo ng iba’t ibang kolehiyo tulad ng Computer Studies, Business Studies, Arts

and Science, Education, Engineering at Nursing.

Ang pag-aaral ay sumasaklaw s adalawampo (20) mga respondent ng mga

mag-aaral ng Asian College of Technology na pawing may kursong Bachelor of

Science in Information Technology. Kabilang ditto ang walong (8) kababaihan at

labindalawang (12) kalalakihangj mag-aaral.

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

“Every student should be able to attend a school that is safe and secure, free of

fear and conductive to learning”

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, mga guro, sa

paaralan, sa pamahalaan at sa iba pang mananaliksik.


Mga Mag-aaral. Makaktulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang lubos

na maunawaan at magbigay liwanag ukol sa isyu ng “bullying” upang hindi

masangkot sa ganitong kaguluhan.

Mga Guro. Sa pamamagitan ng pag-aaral na isinagawa at matutulungan ang mga

guro na matukoy ang saloobin sa kanilang mga mag-aaral. Tungkulin ng mga guro

na hubugin at linangin hindi lang ang kaisipan kundi maging ang karakter ng bawat

mag-aaral. Hindi lamang pang-akademikong aspeto ng konsentrasyon at marapat

maturuan ng wastong pag-uugali upang lumaki silang may matuwid na

pamumuhay. Higit sa lahat, Makita sa mga guro, ang pag-uugaling nais maitanim

sa kaisipan ng bawat mag-aaral sapagkat sila ang nagsisilbing modelo kaakibat ng

katotohanang mas sinusunid sila ng mga mag-aaral kaysa sa kanilang mag-aaral.

Sa Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagpapatupad

ng patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubully. Ang ganitong

patakaran ay kailangan maisulong s apakikipagtulungan ng mga tauhan ng

paaralan, nagtuturo man o hindi nagtuturo at sumasangguni sa mga magulang at

mag-aaral. Kailangang malinaw na maunawaan ng lahat ng mga kinauukulan ang

mga layunin ng patakaran, mga tungkulin at mg nais makamtan.

Sa Pamahalaan. Nakatutulong ang pag-aaral na ito upang malaman ang baway

hinaing at pagjihirap na nararanasang pambubully upang magkaroon ng mas

matibay na batas laban sa ganitong uri ng pananakit sa kapwa.


Mga Mananaliksik. Makatutulong ang pag-aaral na ito para maging gabay at

sanggunian sa mga isasagawang kaugnay na pananaliksik.

E. Kahulugan ng Katawagan

Inilalahad ang kahulugan ng mga katawagan ayon sa pagkagamit sa

pananaliksik na ito upang madaling maunawaan ang isinagawang pag-aaral.

Agresyon. Katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o

masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay.

Bullying. Paghahari-harian o pagmamaton; isang uri ng pang-aapi o panunupil, na

isa ring ugalli mapanalakay, mapaghandulong , o agresyon na kinikitaan ng

paggamit ng dahas, pamimilit o pamumwersa, o koersiyon upang maapektuhan

ang ibang tao, prtikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng

kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyrihan.

Cyber-Bullying. (Pagmamaton sa Internet) ay ang paggamit ng internet at iba pang

kaugnay na teknolohiya para sadya at paulut-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil

sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sag a kabataan, nagsusulong g mga batasat

kampanya upang itoý matigil na.


Depresyon. Isang sakit sap ag-iisp na inilarawan ng malawakang mababang mood

na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawawal ang pagpapahalaga sa

sarili) kawalan g interes o kasiyahan sa mga normsl na nakasisiyang mga Gawain.

Peers. Kasamahan.

Saloobin. Paniniwala, palagay, atityud o kabuuan ng positibo o negatibong

damdamin ng mga respondente.


KABANATA II

II. Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay kinalolooban ng mga kaugnay na literature at pag-aaral na

nakuha sa binasang aklat, tesis, disertasyon, at iba pang mga babasahing may

malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Isinasagawa ang paghahanay ng mga

kaisipan at konsepto mula sa iba’t ibang manunulat at mananaliksik upang mabigyang

linaw ang isinagawang pag-aaral.

A. Mga Kaugnay sa Literatura

Ang mga kaugnay sa literatura, banyaga man o local man ay inilahad sa

pananaliksik na ito. Ito ay hango sa mga aklat, dyornal at iba pang lathalaing may

kaugnay sa paksa.

Dayuhan

Ang literature ay punong-puno ng iba’t ibang uri ng mga bully. Sila ay

magandang halimbawa ng isang kontrabida sa mga kwento. Ang mga ito ay

nagpapakita sa isang bahaging nangyayari sa totoong buhay.


Noong 1530, ang ibig sabihin ng salitang bully ay “sweetheart”, ito ay

ginagamit na pantawag sa kahit na anong kasarian. Ito ay nagmula sa salitang

Dutch na “boul” o salating Aleman na “boule”. Ngunit noong ika-17 siglom anng

kahukugan nito ay unti-unting sumama. Mula sa isang maginoo, ang ibig

kahulugan nito ay naging nang-aapi ng mahina. MAArahil ito ay nagmula sa

katangian ng toro o bull (etymonline.com).

Ayon sa timeline.com, ang bullying ang unang lumitaw sa ingles na literature

noong 1838 sa librong “Oliver Twist” ni Charles Dickens. Ito ang kauna-unahan sa

uri nito na tumalakay sa isyu ng bullying at criminal na pagmamaltrato sa batang

bida nito.

Isa pang librong tumalakay sa issue ng bullying ay ang “Lord of the Files” ni

William Golding noong 1954. Ipinakita nito ang mga aksyong ginawa ng mga

batabf habang walang patnubay ng mga magulang o matatanda ay naging mga

asal barbaro mula sa pagiging sibilisado(netplace.com).

Noong 1967, nakilala naman ang mga librong “The Outsiders” ni S.E Hinton.

Ito ay isang coming-of-age na kwento tungkol sa isang 14 na taong gulang na

batang binubully at biniktima ng kaaway nilang paaralan. Halos kasabay nito ang

kwentong “Blubber”ni Judy Blume noong 1974 na tumatalakay naman sa

pambubully ng isang batang babae sa kaniyang paaralan (netplace.com).

“Madalas, tinatrato ng mga kabataang bully na para ng nakatataas sila . . . kung

paano tinatrato ng mga magulang nila, nakakatandanng kapatid, o iba pang


kapamilya ang ibang tao,” ang sabi ni Jay Mc Graw sa kanyang aklat na Life

Strategies for Dealing with Bullies.

“Kumikilos ang mga kabataang bully na parang nakakataas sila, pero madalas

ginagawa lang nila iyon para itago ang kanilang nasaktang damdamin at ang

nadarama nilang walang-kakayahan,” ang sabi ni Barbara Coloroso sa kaniyang

aklat na The Bully, The Bullied and The Bystander.

Lokal

Ayon sa isang blog na pinamagatang “Kapamilya News ni Ted Failon”, talamak

na ang nagaganap na pambubully sa loob g Pilipinas. Ayon ditto, maraming dahilan

kung bakit nabubully at nambubully ng isang tao. Maaring nabubully sila dahil sa

kakulangang pinsansyal, pisikal na kaanyuan, at kapansanan. Sa nasabing blog,

maaring nambubully ang isang tao dahil sa inggit, galit o kaya’y impluwensiya ng

barkada sa kanya. Karaniwan na ngang laman ito ng mga pahayagan at telebisyon.

Ayon kay Ben Tulfo, ang bullying ay pagpapakita ng pagiginng dominante ng

isang tao. Kung kaya’t dahil sa lumalalang kaso ng bullying, nagpasyahan ng DepEd

o Department of Education na tuligsain na ang problemang ito na nakapagdudulot

ng pinsala sa bawat kabataan.

Ayon sa DepEd, nais nilang gumawa ng isang maikling pelikula ukol sa epekto

ng bullying sa kada isang indibidwal upang maunawaan ang lahat na hindi

maganadang pangyayari na maaaring maranasan ng isnag tao. Marapat na ang


guro ang siyang maghubog sa kabataan upang hindi mamulat ang kanilang isipan

sa ganitong uri ng kapaligiran at para mapanatili narin ang kaayusan.

Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang pang-aapi ay isang uri

ng pang-aabuso. Itp ay maaring mahati sa tatlong klase, emosyonal, makadiwa at

pisikal. Ngunit ito ay maaaring nasasangkot sa mahiwagang paraan ng pamimilit

tulad ng sikolohikal na pamamanipula. Dagdag pa ng grupong ito, ang pang-aapi

ay maaaring mangyari sa anu mang konteksto kung san ang mga tao ay nakikipag-

ugnayan sa isa’t isa. Kabilang na ditto ang paaralan, simbahan, pinagtratrabahuan,

sa kapitbahay at maging sa bahay.

Ang pang-aapi ay maaring umiiral sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng

mga bansa. Isa sa pinakamatibay na halimbawa ay ang nangyari noong panahon

ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ayon sa Nobelang El Filibusterismo na

sinulat ni Dr. Jose P. Rizal, ang mga kastila noon ay parating nang-aapi sa mga

Pilipino. Anng tingin nila sa mga Pilipino ay isng mababang uri ng lahi at nararapat

lang na maging alila nila.

B. Mga Kaugnay sa Pag-aaral

Anng mga pag-aaral sa banyaga at local ay isinaalang-alang sa pananaliksik. Ito

ay hango sa mga di-nalathalang tesis at disertasyon. Ang kanilang mga natuklasan

ay buod ay hinalaw at naging batayan ng mga pagpapahalagang may pagkakatulad

at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral.


Dayuhan

Ang National Crime Prevention Council ay nakapagtala ng mga serye ng pang-

aapi sa iNternet at ito ay tinawag na Cyberbullying. Ayon sa kanila, cyber-bullying

ay isang uri ng pang-aapi na ginamitan ng kompyuter, cellphone, telepono, o iba

pang mga aparato na ginamit upang makapadala nng mga post, ng mga tet, o mga

imahe na napakanakit na kalooban ng ibang tao o masira at mapahiya ang tao.

Ang cyber-bullying ay maaring maging simple hangga’t patuloy na magpadala ng

e-mail sa isang sa isang taong may sinabi na gusto nilang walang karagdagan

makikipag-ugnayan sa nagpadala, ngunit maaari ding isama ang pagbabanta,

sekswal na pangungusap, nakaksira ng etiketa, pinagtutulungan ang mga biktima

sa pamamagitan ng mga ito anng paksa ng panlilibak sa forums, at pag-post ng

huwad na pahayag bilang katunayan na naglalayong sa kahihiyan.

Maraming mga siyentipiko na ang nag-aaral sa ppaksang ito, at isa na rito ay

sina Dr. Alison Maddock isang Pediatrician at Dr. Lorna Price isa ring pediatrician

ng Morriston Hospital sa United Kingdom. At ayon s kanila:

A) Maraming nananakit na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito ba ay

nakakabuti o nakakasama.
B) Ang bullying o pang-aapi ang nagiging daan upang umabot sap unto ng

pagkamatay ang taong naapi.

C) Mas maraming lalaki kaysa babae ang nadidisgrasya o nauuwi sa pisikal na

sitwasyon. Sa ibang mga kaso, ang mga bata nag mas naapektuhan sa ganitong

uri ng Gawain. Samakatuwid, ilang mga psychologist ang nagsasagawa ng pag-

aaral tungkol sa epekto ng pang-aapi o bullying. Sabi nila, angmga epekto ng

pang-aabuso ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal at mental

o emosyonal ng tao tulad ng pagkatakot, stress, depresyon, anxiety na

makakaapekto sap ag-aaral nito. Lalong-lalo na ngayon, na an gating bansa ay

wala pang batas na magbibigay ng kaukulang parusa sa mga taong nang-aapi.

Ayon sa mga security agents ng Seattle Public Schools, isang paaralan ng

Washington, USA, kadalasang biktima ng pang-aapi ay ang mga estudyanteng

matatakutin, mahiyain, maramdamin, maaaring di mapalagay at mahirap na

makapag-isip, madaling sumuko sa nang-aapi, sobrahan ang kilos, maaari na

wala o kaunti ang kaibigan sa paaralan, maymababang pagpapahalaga sa sarili,

may pinangangalagaang katayuan sa silid-aralan, iba pa ang lahi, kultura,

rehiyon, kapansanan, kasarian, kakaibang pagkilos.Ngunit maaari ding walang

dahilan.

Ayon sa artikulong ginawa nina Susan P. Limber at Maury M. Nation, may

mga nagdaang pananaliksik na naisagawa sa United States at pati narin sa

ibanng bansa na nagtala na ang pang-aapi ay isang pangkaraniwan at maaaring

porma ng karahasan para sa mga kabataan. Hindi lamang ng mga pang-aapi


kundi pati narin ang klima s aloob ng paaralan at hindi man direkta ngunit

maaaring maapektuhan ang abilidad ng isang estudyante na matuto hanggang

sa kanilang pinakamahusay na abilidad.

Sa pangunguna ni Dan Olweus ng Norway at Sweden, kasama ang iba pang

mananaliksik sa Australia, Canada, Ireland, England at United States, ay

nagsimulang galugarin ang likas na katangian at ang mga epekto ng pang-aapi

sa mga paaralan ng mga kabataan. Sabi nila, ang kaso ng pang-aapi ay dapat

bigyan ng kaukulang atensyon mula sa mga guro, magulang at mga kabataan

para maiwasan ang ganitong karahasan sa dalawang dahilan. Una ang

paglaganap ng kaso ng pang-aapi at anng pinsala na naidulot nito ay lubhang

isinawalang bahala ng mga kabataan at ng mga matatanda. Dapat gumawa ng

mga statehiya upang tumaas ang kamalayan ng mga kabataan at mga

magulang hinggil sa koneksyon ng mga pang-aapi at sa iba pang karahasan na

nagaganap sa paligid. Pangalawa, ang pang-aapi ay hindi lang humahantong sa

parehong pangyayari gaya ng away at gulo, pwede rin itong humantong sa

pagkagulo ng kaisipan ng tao.

Maraming ginawang mga pananaliksik ukol sa pang-aapi ngunit karamihan

ditto ay tungkol lamang sa kung ano ang pang-aapi at mg anyo nito. Hindoi

masyadong natalakay ang epekto nito paraan ng pamumuhay ng mga

estudyante. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay isang panimula na maaaring

tularan, sundan at ipagpatuloy ng ibang mga mananaliksik.


Lokal

Noong 2008, nagkaroon ng pag-aaralang isangn ahensya ukol sa bulling sa

ating bansa. Ayon sa Plan Philippines noong 2008, “ang bullying ay isang

karaniwang ‘behaviour’ na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa PIlipinas,

abng bullying ay nakakaapekto na sa maraming estudyante sa mga pribado at

pampublikong paaralan”.

Ayon sap ag-aarall na ito na ginawa sa 58 na pampublikong paaralan, ang

mga “peers”mismo ng mga estudyante ang gumawa ng iba’t ibang uri ng

karahasan sa kapawa estudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang

pinaka-komon na Gawain. Halos 50 porsyento ng mga bata sa Grades 1

hanggangn 3 ang biktima nito at 67 percent naman ng mga bata sa Grades 4

hangganng 6. Sa high school, 65 percent ng mga estudyante ay naging biktima

narin ng pangungutya at pamamahiya. Dahil sa bullying maraming mga

bataang naging mahiyain at lagging takot at nawawalan ng gana sap ag-aaral.


KABANATA 111: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng paraan ng pananaliksik upang matugunan ang

lahat ng mga pangangailangan ng pag-aaral gayundin ang mga instrumenting ginagamit

at sa paraan ng pagtipon nng mga datos.

A. Paraan ng Pananaliksik

Inihanda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang bilang gabay sa

gawaing pag-aaral. Ginamit ang pag-aaral sa “descriptive survey”o palarawang

pagsusuri kung san ang talatanungan ang pinakamahalagang instrumenting ginamit

sa pagkalap nng datos.

Ang palarawang pagsusuri ay isang paraan ng paglalahad at pagpapakahulugan ng

mga datos na nakalap na kung saan tutukuyin ang kalagayan at kaugnayan ng mga

pangyayari.

Pinili ang paraang ito dahil ang pangunahing hangarin ng mananaliksik ay

maibugay ang saloobin ng mga kabtaan ng Asian College Technology tungkol sa

usaping “bullying”.
B. Mga Respondente

Ang mga sumagot sa aking mga katanungan ay mga mag-aaral ng Asian College of

Technology na nasa 16-20 taong gulang at maaaring nakaranas na ng ‘’bullying”.

C. Instrumento sa Pgkalap ng Datos

Ang instrumenting ginamit upang maisagawa anng pananaliksik na ito ay pagkuha

ng mga mahahalagang impormasyon mula sa libro at internet.

D. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman lamang ng mg akatanungan ukol sa

mga karanasan at kaalaman ng isang indibidwal sa usaping “bullying”.


KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON

NG MGA DATOS

Matutunghayan sa mga sumusunod na pahina ang mga kaukulang datos na

maglalapat ng kapamigatan sa isinagawang pag-aarl.

1. Mga karanas na pambubully

Mayroong dalawampung (20) kalahok ng mga mag-aaral bilang respondent

ng pananaliksik, mula ditto nakapagtala ng labing-isa (11) o 55 percent ang

nakaranas ng pambubully at siyam ang hindi nakaranas na may katumbas na 45

percent.
KABANATA V

LAGOM

Sa pananaliksik na ito, lumabas ang mg atunay na dahilan kung bakit

marami sa atin ang nabubully o nambubully. Mga dahilan ng mga

pangkaraniwan na lamang dahil maaari ding maging dahilan ito sa iba pang

mga problema ngunit dahil sa mga kadahilanan na ito ay lalong lumalala ang

mga kasong may kinalaman sa “bullying”. Ang mga espondente ay

nakaktulong ng malaki upang mailahad ng maayos ang mga detalye na

maaaring makatulong sa atin. Ang pananaliksik na ito ay bunga ng

masinsinang paghahanap ng mga kasagutan upang s agayon maibigay ang

mga tamang impormasyon sa bawat isa. Sa tulong ng sarbey na naipahayag

ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga saloobin ukol sa usaping ito kkung

kaya’t nabigyan ang bawat isa ng mga karapatan upang ihayag ang kanilang

saloobin sa tulong ng mga tanong na isinagot.


Konklusyon

Sa bawat problema ay may solusyon. Kung kaya’t ang problema sa

bullying ay maari pang masulosyonan. Kung ang dahilan ay problema sa

pamilya, maari pang agapan ito sa pamamagitan ng mahinahong pag-

uusapan ng bawat isa. Sa tulong nito, maaring mabawasan o maiwasan ang

paglala ng sitwasyon. Kung pagganti naman sa kapwa ang problema, hindi

ba’t mas masayang mamuhay sa isang lugar na mapayapa at lahat ng

maakasalamuha mo ay kasundo? Tamang pagtanggap ang kailangan at

pagpapatawad upang matamo ang katahimikan at hindi na magawi sa

masama. Kung iisipin nating mabuti, walang dulot na maganda ang bullying

sa kabataan man o maging sa matatanda. Lagi tayong talo dito. Walang

nanalo walang tunay na magiging masaya.

Rekomendasyon
Kaugnay sa mga naging konklusyon ng pag-aaral na ito, buong

pagkumbabang nirerekomenda ng mga mananakiksik ang mga sumusunod.

Hinati naming ang mga rekomendasyon para sa mga magulang, guro, mag-

aaral at paaralan.

Magulang

 Bilang isnag magulang, kailangan alam mo kung papaano tutugon

kapag ang iyong anak ay tinatakot o kayaý nagpapakita ng ugaling

pananakot.

 Kung hindi sigurado sa dapat gawin, kapag nahihirapan na ang mga

anak dahil sa sitwasyon, kung nawawalan na ang mga magulang ng

pananalig sa kanilang pansariling kakayahan sa paglutas ng kakayahan

ng suliranin ukol sa anak, kapag nakakagambala na sa pang araw-araw

na gawain ng bata ang kanyang ugali, kung nananakit na ng iba pang

bata, kung nasasaktan na ng bata ang kanyang sarili, at kung

lumalabag na sa batas ang bata. Makakahingi ka ng tulong mula sa

sariling doctor, sa mga manggamot ng mga klinika at iba pang


pagamutan sa sentro o lundayang pamayanan. Kasama rin sa mga

mahihingan ng tulong ang mga tagapayong nasa paaralan.

 Dapat mabantayang mabuti ang mga anak upang maiwasan ang

ganitong senaryo ng pang-aapi. Tama nga na ituro sa bata ang daan na

dapat niyang lakaran upang sa kanyang paglaki siyaý maging huwaran.

 Patuloy na paggabay sa mga anak para sa mga epektibong pag-aaral.

 Kailangam din ng buong pusong suporta sa mga ank at iparamdam sa

kanila ito.

 Makakatulong rin ang pagpili at pagpatnubay sa mga kaibigan ng mga

anak.

Guro

 Mahigpit na superbisyon sa mga itinuturing na ‘mainit na lugar’ o

‘hotspot’para sa mga pananakot.

 Dapat ay hindi mahikayat ang mga mag-aaral na gumamit ng berbal at

pisikal na pang-aabuso, gaano man ito kalumanay. Gayundin, ang mga

guro mismo ay hindi dapat gumamit ng mga salitang nagpapababa o

sarkastiko, o nng anumang pisikal na pang-aabuso.


 Gawing mas maayos at mas mabuti ang pagtuturo sa paraang

makapagbibigay ng interes na mag-aral ang mga mag-aaral.

 Huwag masyadong maging mahigpit o malupit dahil ang pagkatakot sa

guro ay dahilan din sa pagliban ng mga mag-aaral.

 Suportahan din ang mga mag-aaral di lamang sa pang-akademiko

kundi pati narin sa iba pang aspeto tulad ng sosyal, emoyonal at iba

pa.

 Gamitin ang kurikulum upang mabigyang diin ang mga katanggap-

tanggap nap ag-uugali. Personal at edukasyong panlipunan, form

period at drama.

Mag-aaral

 Isipin at pahalagahan ang suporta at gabay ng mga magulang at guro.

 Matutong ngumiti at bumati. MAging palakaibigan at sikaping

magpalawak ng network of friends upang may suporta sa iyo sakaling

i-bully ka. Kasabay niya, alamain kung sino ang pagkakatiwalaan mo.

Kung minsan, ang mga inaakala mong suplada ang siya pang

makakatulong sa iyo at ang mga bumabati at kumakaibigan sa iyo ang


siya pang gagawa ng hindi mo inaasahan. Mas mabuting huwag

magbanggit ng kahit aning issue at huwag magpasimuno ng tsismis

dahil baka idiin at iwan ka rin ng mga tao sa paligid mo sa bandang

huli.

 Magkarron ka ng kumpiyansa sa sarili. Huwag kang matakot na

ipagtanggol ang paniniwalaan mo. Marami ang humihinto sa

pambubully kapag nakita nila na hindi ka nila kayang kontrolin at na

hindi ka takot.

 Iwasan ang mga lugar o sitwasyon kung saan madali kang mabu-bully.

Tandaan din na may sariling mga problema ang mga nambubully.

Kapag iniisip mo iyon, hindi ka masyadong masasaktan sa sinasabi nila.

School Counselor

 Muling bigyan ng kasiguruhan ang biktima pati na ang mga magulang

na ang pangyayari ay pag-ukulan ng pansin at haharapin.

 Makipagkita sa biktima sa lalong madling panahon. HUmingi ng

manakasulat na record kung ano ang nangyari. Magbigay ng mga

gabay kung kinakailangan saan/ano/kalian nangyari ang insidente?


 Isa-isang kausapin ang mga saksi upang subukang makakuha ng mas

malinaw na larawan kung ano ang nangyari.

 Tulungan ang biktima na makapag-plano ng kanyang tugon at mga

estrahiya para sa sarili nyang proteksyon, kung ang insidente ang

mangyayari ulit.

 Gamitin ang mga kurikulum upang maibalik ang mga tiwala sa sarili,

halimbawa drama, poetry, video, atbp.

 Pagkasunduan ang isasagawang aksyon-halimbawa , interbyuhin ang

nananakot at ipaalam sa kanila na ang ganitong pag-uugali ay hindi

katanggap-tanggap.

 Posibleng referral sa ibang ahensya- halimbawa, psychologist, clinical

medical officer, education welfare, youth service.

You might also like