You are on page 1of 2

KABANATA I

Panimula

Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga suliranin,

balangkas,metodolohiya at iba pang mga detalye na naglalarawan sa paksa ng pag-

aaral.IntroduksyonMula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga

napapanood sa mga pelikula,mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan

hanggang sa sariling karanasan, ang “bullying” ay siguradong hindi lingid sa kaalaman

ng lahat. Ang “bullying” ay isang uri ngkarahasan laban sa mga bata. Ayon sa

Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangungutya,

pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salitasa isang

indibidwal. Kadalasang biktima ng “bullying” ang mga mag-aaral na nasa elementarya

at sekondarya.Ang mga naaaping ito ay kadalasang mahina, tahimik, mahiyain, may

kapansanan, at hindimarunong lumaban na nagtutulak sa mga bully na apihin sila dahil

alam nilang hindi silalalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring

maapektuhan ang biktima nito sakaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na

aspeto kung saan maaari silang humantong sa matinding depresyon at kung malala

pa‟y umaabot pa ito sa kanilang kamatayan.

Layunin

Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidulot

ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may karanasang

mag-aaral nanasa unang taon sa kolehiyo. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan
sa likod ng pambu- bully sa pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa uri ng pambu-

bully na kanilang naranasan, at pati na rin ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng

mga biktima sa paglaban dito.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga iba't ibang literatura at pag-aaral

mula sa lokal at internasyonal na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Isang artikulo mula

sa websayt ng DepEd Nueva Ecija na pinamagatang "Pang-Aapi (Bullying)... Dapat Maiwasan"

na kung saan binanggit ng may-akda ang ilang kadahilanan kung bakit may nagaganap na

pambu-bully sa mga paaralan. "Biktima ng pang-aapi kadalasan ang mga maliliit, mahihina at

mga may kapansanan na walang kakayahang lumaban at ipangtanggol ang sarili mula sa mas

malalaking kaklase na kadalasan din mapang-api dahil sa pag-aakalang takot sa kanila ang

mga kamag-aral. Ayon sa aking pagsasaliksik at base sa aking nakikita, ang mga mapang-api

ay mga batang kulang sa pansin (KSP) na sabik sa atensyon at pagmamahal ng magulang at

hindi masyadong nagabayan kaya sa ganitong paraan nila inilalabas ang kanilang saloobin

upang makakuha ng atensyon.

You might also like