You are on page 1of 3

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Panimula
Kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga bata sa anumang bagay sa kanyang paligid,
laganap ang isang hindi pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang madalas
na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na bullying.
Ang pambu-bully ay isang uri ng pang-aapi o panunupil, na isa ring uri ng ugaling
nagpapakita ng agresyon na kinakakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa na
nakakasakit sa ibang tao.
Ayon kay Dela Cruz (2014), kadalasang biktima ng bullying ang mga mag-aaral na nasa
elementarya at sekondarya. Ang mga naaaping estudyante ay kadalasang mahina, tahimik,
mahiyain, may kapansanan at hindi marunong lumaban na nagtutulak sa mga bully na apihin sila
dahil alam nilang hindi sila lalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring
maapektuhan ang biktima nito sa kaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung
saan maaari silang humantong sa matinding depresyon at kung malala pa ay umabot pa ito sa
kanilang kamatayan.
Ang problemang ito ay hindi lamang kinakaharap ng Pilipinas ngunit pati na rin sa buong
mundo. Sa katunayan, 77 bahagdan ng mga mag-aaral sa buong mundo ang umamin na sila ay
naging biktima ng bullying at naging malaki ang epekto nito sa kanilang pag-aaral (Bullying
Statistics 2014).
Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-impormasyon ukol
sa mga epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mga bully na tigilan ang kanialng masamang
gawain.

Ateoritikal na Paninindigan

Bilang basihan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad ng bahaging ito ang mga teoryang
may kaugnayan at magiging batayan ng pag-aaral.
Ayon sa teroya ni Uric Bronfenbrenner (1977,1979) na ecological systems, isinasaaad na
ang isang mag-aaral ay nasa sentry ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng
kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan
ang mga tao sa pamamagitan ng reciprocal interaction kung saan maaaring maging salik ito ng
pag-uugali ng isang indibidwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng lipunan.
Mula naman kay Pellegreni 2003, ang kabataan ay ang panahon na kung saan mataas ang
bilang ng pambu-bully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliwanag sa dominance theory. Ayon
sa teoryang ito, ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha at
mapanatili ang dominance ng taong nambu-bully (Pellegreni & Bartini, 2003). Ang dominance ay
isang salik ng pakikipag-ugayan kung saan ang mga indibidwal ay nakaasyon sa herarkiya ayon
sa kanilang kakayanan o kapangyarihan (Dunbar, 1988)

Pilosopikong Paninindigan
Nabuo ang konsepto ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbatay sa mga ginamit
na teoryang nakalap ng mananaliksik. Ayon sa teoryang “ecological systems” ni Brofenbrenner,
ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng lipupang kanyang kinabibilangan kung saan malaki
ang posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibidwal na nasa kaniyang kapaligiran. Ang
mga kagawian o kaugalian na makukuha niya rito ay maaaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran
o mga di-tuwirang epekto. Nahinuha ng mananaliksik na isa iyon sa mga dahilan kung bakit may
mga batang nambu-bully at nabu-bully kaakbay na rin ng teoryang “dominance” ni Pellegrini at
teoryang “attraction” ni Bukowski.
Dahil sa mga ito, nagtulak ito sa mananaliksik na alamin ang epektong dulot ng bullying
sa pang-akademikong performans ng isang mag-aaral.

Epistimolohiya ----
Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pag-aaral ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon sa mga sumusunod na
stakeholders upang malaman nila na ang epekto ng bullying sa pang-akademikong perfomans ng
mga estudyante bilang bahagi sila sa ecological system ng isang mag-aaral. Ang mga sumusunod
ay:

Mag-aaral. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang magkaroon sila ng
kaalaman sa kung ano ang epekto ng bullying sa kanilang kapwa mag-aaral at upang makatulong
sila sa iba pa nilang kapwang mag-aaral na biktima ng bullying

Mga Magulang. Masuri ang ikinikilos ng anak at makilala kung biktima ng bullying ang mga
anak. Magiging tulong din ito upang maintindihan nila ang kalagayan ng kanilang anak at malaman
nila ang maaari nilang gawin upang matulungan ang kanilang mga anak.

Mga Guro. Magkakaroon ng ideya ang guro sa maaaring maging dulot ng bullying sa kanilang
mga mag-aaral na biktima nito. Maaaring makabuo o makagawa ng mga estratehiya o teknik ang
guro upang magabayan, matulungan, mabigyan ng pokus ang performans ng kanilang estudyante
sa biktima ng bullying.
Iba Pang Mananaliksik. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay maaaring makabuo pa ng mga
kaugnay na maaaring makakapagpalalim pa ng perspektibo at makasuri naman ng mga epekto sa
ibang aspekto ng kabuaan ng isang estudyante.Maaari itong maging pundasyon sa iba pang pag-
aaral na magkakaroon ng mas malawak at holistic na dulog hinggil sa epekto ng bullying.

Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang tuklasin ang epekto ng bullying sa pag-
akademikong performans ng piling mag-aaral ng Madridejos National High School, tanong
panuruan 2017-2018.
Tiniyak ng mananaliksik ang kahalagahan at kabuluhan ng pag-aaral kaugnay sa paksa ang
mga sumusunod na katanungan upang mabigyang linaw at mapatibay ang isinagawang
pananaliksik:

1. Ano-ano ang mga dahilan ng pambu-bully?


2. Ano ang nararamdaman ng mga mag-aaral na nabu-bully?
3. Mula sa mga nararamdaman ng nabu-bully, ano- ano ang mga ginawa?
4. Ano-ano ang epekto mga ginagawa sa pang-akademikong performans?
5. Paano masosolusyunan ang problemang ito?

You might also like