You are on page 1of 7

MGA EPEKTO NG PANGUNGUTYA SA PAARALAN NG CHRISTIAN

ECCLESIASTICAL SCHOOL BAITANG 11


Isang sulatin sa pananaliksik kay:

Bb.Manilyn M. Temblor

Guro sa PPIITTP

Christian Ecclesiatical School

Isinumite nina:

Buhat, Sherwin

Nario, Reymaru

Nario, Reyamar

Paglicawan, Lester

Crisostomo, Luke

Bernal, Barron
Kabanata I

MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Panimula

Ang Pangungutya ay isang nakababahalang gawain dahil ito ay makaka-apekto sa mga na

kukutya dahil bumababa ang kanilang moral nawawalan sila ng tiwala sa sarili hindi dahil doon

hindi nakikisalamuha sa iba’t ibang indibidwal na nasa paligid niya naaapektuhan din ang

kanilang pag-aaral dahil napapadalas ang kanyang pagliban sa klase dahil sa mga na ngungutya

sa kanya. At dahil din sa Pangungutya maraming negatibong mga bagay ang tumatakbo sa

kanilang isipan kagaya ng pag papatiwakal,pananakit sa sarili.


Ayon kay Cristina L. Dela Cruz (2014) Kadalasang mga Indibidwal na walang

kakayahang ipag tanggol ang kanilang mga sarili na kukutya dahil mas ang tingin sa kanila ng

mga nangungutya ay mahihina o hindi kayang ipag-tanggol ang kanilang mga sarili kagaya ng

mga indibidwal na nag iisa lagi halimbawa sa isang paaralan kung sino ang mas mahina sila ang

kawawa sila ang mga kinukutya.

1.2 Batayang Teoretikal

Ikonsidera ang ilang teorya upang magsilbing batayan ng pag-aaral.

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na “ecological systems”, isinasaad

na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng

kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-

ugnayanang mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal interaction” kung saan maaaring maging

salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng

lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga “social system” na nabanggit ay kinabibilangan ng mga

indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang

aktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring

magkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.


Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang kanilang programa kontra bullying o pang-

aapi para matutukan ang problemang ito sa mga eskuwelahan, sabi ng isang opisyal ng ahensiya.

Ayon kay Suzette Medina ng DepEd Legal Affairs, mahigpit na rin nilang ipinatutupad ang

Republic Act No. 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013 para maiwasan ang mga insidente ng

pang-aapi sa mga paaralan.

1.3 Konseptuwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay napakahalaga hindi lamang sa mga biktima ng pangungutya , pati

na rin sa mga magulang kundi higit na kanino man sa mga mag-aaral na siyang sentro ng

pangungutya o pang-aapi. Matutuldukan ang gawaing ito kung ang mga bata ay may kaalaman

tungkol sa pangungutya, kung ito ay may kaalaman sa magiging epekto nito sa mga na

bibiktima. Nakasalalay sa mga magulang ng mga kabataang nang mga nakukutya ang pag

didisiplina sa kanilang anak, Sila din ay may responsibilidad sa pagtuturo ng mabuting pag-

uugali. Nakaalalay din ang mga guro sa pagdidisiplina sa mga estudyante upang iwasan nila ang

gawaing katulad ng pambubuly o pangungutya.


1.4 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng epekto ng pambubulas sa mga mag-aaral ng

CES na may edad 14-18 bilang isang pang-akademikong pangangailangan. Saklaw nito ang

pagsusuri tulad ng gusto, kasarian at karanasa. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito matutukoy

kung ano-anong uri ng pangungutya ang kanilang naranasan o nararanasan, kung ano ang mga

dahilan ng pangungutya sa pananaw ng biktima.

Nilimitahan sa mga mag-aaral na nagmumula sa Grade 11 Senior High ng CES. Mula sa

random seleksyon, pumili ang mga mananaliksik ng sampo(10) respondente na biktima ng

pambubulas. Ang mga napili lamang ang tanging bahagi ng pag-aaral sa ikalawang semestre

taong panuruan 2019-2020.

1.5 Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pagpapakahulugan ay nagsilbing gabay upang lubos na maunawaan ang nais

iparating ng bawat impormasyon sa pananaliksik.

kagawaran ng Edukasyon (Dep-Ed)tagaisip ng mga polisyang pang edukasyon.


Physical Bullying sinasaktan sa pamamagitan ng halimbawa pananabunot, pangungurot.

paninipa, panununtok at iba pa

Verbal Bullying minumura at pagsasabi ng iba pang mapangutyang salita.

1.6 Saklaw at Limitasyon

You might also like