You are on page 1of 12

Epekto ng Pambu-bully 2 Kabanata I Panimula Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng

mga suliranin, balangkas, metodolohiya at iba pang mga detalye na naglalarawan sa paksa ng pag-aaral.
Introduksyon Mula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa mga pelikula,
mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa sariling karanasan, ang

bullying ay siguradong hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Ang bullying ay isang uri ng

karahasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na

bullying

ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita sa
isang indibidwal.

Kadalasang biktima ng bullying ang mga mag

-aaral na nasa elementarya at sekondarya. Ang mga naaaping ito ay kadalasang mahina, tahimik,
mahiyain, may kapansanan, at hindi marunong lumaban na nagtutulak sa mga

bully

na apihin sila dahil alam nilang hindi sila lalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring
maapektuhan ang biktima nito sa kaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung saan
maaari silang humantong sa

matinding depresyon at kung malala pay umaabot pa ito sa kanilang kamatayan

Epekto ng Pambu-bully 3 Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-
impormasyon ukol sa mga epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mg

a bully na tigilan na ang kanilang

masamang gawain. Layunin Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong
naidulot ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may karanasang mag-
aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambu-
bully sa pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa uri ng pambu-bully na kanilang naranasan, at pati na
rin ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban dito. Suliranin Upang
maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng mga kasagutan sa mga
sumusunod na suliranin: 1.

Ano ang epektong naidulot ng pambu-bully sa aspetong:

1.1.
pisikal? 1.2.

mental? 1.3.

sosyal? 1.4.

moral ng mga mag-aaral? 2.

Anong uri ng pambu-bully ang kanilang naranasan o nararanasan?

Epekto ng Pambu-bully 4 3.

Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying?

4.

Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang bullying?

Pagpapalagay 1.

Ang pambu-bully ay nakaaapekto sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto ng isang indibiduwal.

2.
Ang karaniwang uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral ay sa paraang berbal.

3.

Ang isang indibiduwal ay nambu-bully dahil may personal itong problema.

4.

Malalabanan o maiiwasan ang pambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.

Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang nararanasan


ng mga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng bullying sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto
ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambu-bully, uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral at
ang mga pamamaraang isinagawa ng mga biktima upang malabanan ito. Ang pag-

aaral na ito ay nilimitahan lamang sa pitumput limang (75) piling mag

-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may karanasan sa pambu-
bullybilang mga tagatugon. Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulong at
makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga respondenteng ito, magiging
instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na ito.

Epekto ng Pambu-bully 5 Teoretikal na Balangkas Bilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad
ng bahaging ito ang mga teoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral. Ayon sa
teorya ni

Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na

ecological systems

, isinasaad

na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng


kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayanang
mga tao sa pamamagitan ng reciprocal interaction kung saan maaaring maging

salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng

lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga social system na nabanggit ay kinabibilangan ng mg

a indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang aktibong
kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-
tuwirang epekto sa mga bata. Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan
mataas ang bilang ng pambu-

bully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng dominance theory.

Ayon sa teoryang ito, ang

bullying

ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha

at mapanatili ang dominance ng taong nambu

-bully (Pellegrini & Bartini, 2001). Ang

dominance ay isang salik ng pakikipag

-ugnayan kung saan ang mga indibiduwal ay nakaayos sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o
kapangyarihan(Dunbar, 1988). Ayon pa sa

teoryang dominance, ang mga kalalakihan na gumagawa ng agresibong gawain na ito ay

Epekto ng Pambu-bully 6

lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas appealing sa mga grupo ng

kababaihan. Sinasaad naman sa

teoryang attraction

ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng mga kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay
naaakit sa ibang mga kabataang nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal.
pagpapabaya, pagka-agresibo, at pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang
nagtataglay ng mga

katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o childhood, (hal. pagkamasunurin)

(Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mga
peer group ang mga kabataan sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.

Konseptwal na Balangkas Nabuo ang konsepto ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbatay sa


mga ginamit na teoryang nakalap ng m

ananaliksik. Ayon sa teoryang ecological systems ni Bronfenbrenner,

ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang
posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na nasa kaniyang kapaligiran. Ang mga
kagawian o kaugalian na makukuha niya rito ay maaaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di-
tuwirang epekto. Nahinuha ng mananaliksik na isa iyon sa mga dahilan kung bakit may mga batang
nambu-bully at nabu-

bully kaakbay na rin ng teoryang dominance ni Pellegrini at teoryang attraction ni Bukowki.

Kaya naman, nagtulak ito sa mananaliksik na alamin ang mga epekt

ong dulot nito sa ibat

ibang aspeto ng isang indibiduwal partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral. Nais din ng

Epekto ng Pambu-bully 7 mananaliksik na tukuyin ang mga dahilan sa pananaw ng mga biktima at ang
mga pamamaraang

isinagawa nila upang maiwasan ito. Kung kayat

naghanda ang mananaliksik ng isang bukas na talatanungang sarbey na magdidikta sa mga sagot sa
suliranin ng pag-aaral. Metodolohiya ng Pananaliksik Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong
metodo sa kwantitatibong uri sa pangangalap ng datos. Ang metodong ito ang siyang maglalarawan sa
pangkasalukuyang kondisyon ng paksa ng pag-aaral at siya ring makatutulong sa pagtugon ng mga
suliranin ng pag-

aaral na ito. Bumisita naman ang mananaliksik sa mga ibat ibang mapagkakatiwalaang websayt

sa internet upang makangalap ng mga mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pag-aaral.


Bukas na talatanungano open-ended survey ang ginamit ng mananaliksik bilang instrumento ng pag-
aaral sa pagkuha ng mga datos. Ang nasabing talatanungan ay naglalaman ng apat (4

) na katanungan na ibinahagi sa pitumput limang (75) bullied na mga mag

-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa Santa Mesa, Maynila bilang
mga respondente. Masasabing malawak ang saklaw ng mga respondente sapagkat hindi

nakasisiguro ang mananaliksik na mayroong pitumput lima o higit pa ang nakaranas ng pambu
- bully sa isang departamento o kolehiyo lamang.Sa PUP naman ang napiling lugar ng mananaliksik dahil
sa aksesibilidad at sa dali na makapagsagawa ng sarbey. Makikita ang sampol ng sarbey sa huling pahina
ng bahaging ito

unan ng Pag-aaral

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa paaralan ng Notre Dame of Makilala, Inc. na kasalukuyan kaming
nag-aaral kasama ng mga respondente na kasali sa aming pagsusurbey.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na aming gagawin, maraming suliranin ang dapat naming makamit o mahanapan ng
kasagutan. Sa pag-aaral na ito, kinakailangan naming malaman kung ano ang mga sanhi at epekto ng
pambubulas o bullying sa isang estudyante lalo na sa kanyang pisikal, mental, at behavioral na
kalagayan.

Sa pag-aaral na ito, masasagot ang mga sumusunod na katanungan:

1.Ano ba ang motibo at bakit nambubulas ang mga estudyante sa mga kapwa nila estudyante?

2.Sino ang nabibiktima o palaging binibiktima ng pambubulas?

3.Bakit ba binubulas ang mga estudyanteng nabibiktima nito?

4.Ano ang nangyayari sa isang estudyanteng binubully?

Paglalahad ng Suliranin

Metodolohiya

Sa aming pag-aaral, gumamit kami ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis at maging maayos
ang aming pananaliksik. Katulad sa mga ito ay ang paggamit namin ng kompyuter at printer para sa
pagkuha ng karagdagang impormasyon, pagtatayp ng mga nilalaman ng aming sulating pananaliksik, at
paglilipat nito sa malinis na papel. Kumuha rin kami ng mga respondente para may pagbabasihan kami
sa magiging resulta ng aming pananaliksik.

Mga sanhi at epekto ng Pambubulas o Bullying sa Pisikal, Mental, at Behavioral na kalagayan ng mga
mag-aaral na nakararanas sa NDMI

Carl Angelo Fernandez

Justin Karl Nunez


Leo Albert Escoto

Glydel Lucero

Francis Merin

IV-Our Lady of Mt. Carmel

Marso, 2014

Sa lipunan natin ngayon, marami ng bagay ang hindi natin matukoy kung bakit ito nangyayari o bakit
natin ito ginagawa. Ang mga kagaya sa mga ito ay ang mga kaugalian nating hindi natin malaman kung
saaan ito nanggagaling. Mga ugaling masama at mapanakit sa kapwa natin, lalo na sa paaralan, kung
saan ang mga ugaling ito ay kadalasang nakikita at ginagawa ng mga estudyanteng mapang-asar,
mapanloko, at nambubully. Tama, sa lipunan natin ngayon, napakasikat na talaga ng salitang
bullying o pambubulas kung sa wikang Pilipino. Ang pambubulas ay isang masamang gawain ng mga
estudyante na hindi katanggap-tanggap na ugali o asal ng isang tao. Ito ay nangyayari kapag sinubukan
ng isang tao o grupo na saktan o kontrolin ang ibang tao sa isang mapanganib na paraan. Kaya nga kahit
na sino ang pwedeng gumawa at maging biktima nito. Maging mahirap man o mayaman, maganda man
o pangit, at matalino man o bobo. May ibat-ibang uri ng pambubulas at lahat ng ito ay mapanakit.
Maari itong gawin sa pisikal, mental, at behavioral na pananakit. Katulad sa mga ito ay ang
pambubugbog, pang-aaway, pang-uutos, paninira, panununtok, pagpapahiya, pang-aasar, at panloloko.
Minsan ay sa paraan ng pagsasabi ng masasakit na salita at pagbabanta. Ngayon, kami ng mga kagrupo
ko sa proyekto naming thesis ay nagdesisyon na ang aming magiging paksa ay tungkol sa mga dahilan
kung bakit ba ang mga estudyante sa NDMI ay nambubulas at kung ano ba ang nagiging epekto nito sa
mga estudyanteng binibiktima nila maging sa pisikal, mental, o behavioral man na epekto.

Introduksiyon

Layunin ng Pag-aaral

Nilalayun sa pag-aaral na ito na malaman kung ano ang mga sanhi at epekto ng pambubulas sa isang
estudyante ng NDMI lalo na sa kanyang pisikal, mental, at behavioral na katangian. Layunin din ng pag-
aaral na ito na maiwasan ang pambubulas ng mga estudyante sa kapwa nila estudyante upang ang
atmospera ng pag-aaral sa NDMI ay matiwasay, maayos at kaaya-ayang tignan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral tungkol sa pambubuso o bullying ay napakahalaga sa ating lipunan lalo na sa mga mag-
aaral dahil sa isa itong paraan upang makita natin ang kadalasang dahilan ng karahasan at pang-aapi sa
paligid at para maiwasan natin ang pagkasira ng kinabukasan ng isang mag-aaral na nakararanas nito.
Napakahalaga nito sa mga estudyante lalo na sa mag-aaral ng NDMI kasi ito ay isang paraan para
maiwasan natin ang gulo at pagsasakitan. Maiiwasan din natin ang mga pisikal, mental, at behavioral na
epekto nito para wala nang mag-aaral ng NDMI ang palaging absent sa klase at mababa ang garado sa
mga asignatura. Isa rin itong gabay para sa mga mag-aaral ng NDMI upang matanim sa kanilang isipan na
kaya sila nag-aaral sa NDMI ay para matuto, maging maayos ang pamumuhay at pakikitungo sa iba pang
mag-aaral sa paaralan, para maging mabuting nilalang, at higit sa lahat, maging mapamalapit sa Diyos at
may takoy sa kanya.

Saklaw at Delimitasyon

Sa aming paggawa ng pananaliksik na ito, nangalap kami ng impormasyon sa paaralan namin na Notre
Dame of Makilala Inc. para sa malapit na ugnayan namin sa aming mga respondent. Sa paaralan ding ito
kumuha kami ng dalawampung respondente para sa makatotohanang resulta ng aming imbestigasyon o
surbey. Sa taong 2014 ng Enero hanggang sa ika-27 ng Pebrero isinagawa ang pananaliksik na ito.

Notre Dame of Makilala (NDMI)

- paaralan kung saan kaming mga mananaliksik ay nag-aaral at kung saan namin nalaman kung paano
namin gagawin ang aming pag-aaral. Dito rin nag-aaral ang aming mga respondente kaya dito namin
isinagawa ang aming pagsusurbey.

Respondente

- mga tao o estudyanteng tumulong na sagutan ang aming talatanungan at kaya kami nakakuha ng mga
impormasyon ukol sa aming paksa.

Talatanungan - bahagi ng aming sulating pananaliksik na gumagamit ng mga katanungan para


makompleto ang aming surbey o datos.

Pisikal

- isang aspeto ng isang bagay na nararanasan sa paggamit ng isa sa limang pandama ng tao nang hindi
binabago ang kanyang komposisyong kimikal. Ang mga sumusunod ang mga halimbawa ng pandama ng
tao: hipo, lasa, amoy, tingin, o tunog.

Mental

- ito ay tungkol sa kaisipan ng isang tao, kung paano siya mag-desisyon o umaksyon na nakaaayon sa
kanyang isip.

Behavioral - tumutukoy ito sa mga nagiging asal o kaasalan at katangian o karakter ng isang indibidwal
sa kanyang kapwa, na magiging sanhi at batayan ng mga kaugalian, mga gawi, wani o kinagawian at kilos
na nagbubunga sa mga paniniwala at pananaw.

Kompyuter

- isang makina o electronic device na ginawa para mapabilis ang mga gawain ng tao tulad ng
komunikasyon, paghahanap ng mga impormasyon at iba pa.
Printer

- ginagamit ito upang maiprenta sa papel ang mga dokumento o larawan mula sa kompyuter.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kabanata I

Kabanata II

Nakikita naman natin na kahit saan ay maaring mangyari ang pambubulas. Isa itong problema na hindi
na maaring itanggi o ikaila pa. Kahit sino ay maaaring maging biktima nito. Ngunit bakit nga ba na may
mga tao, madalas ay mga kabataan, na nambubulas ng iba? Anu nga ba ang bullying o pambubulas?
Ito ay isang hindi katanggap tanggap na ugali o asal ng isang tao. Ito ay kapag sinusubukan ng isang tao o
grupo na saktan o kontrolin ang ibang tao sa isang mapanganib na paraan. May ibat ibang uri ng pang
bubully, at lahat ng ito ay nakakasakit. Maari itong sa paraan ng pagsuntok, pagsipa, at pag uutos.
Minsan ay sa paraan ng pagsasabi ng masasakit na salita at pagbabanta. Pano ba natin malalaman kung
ang ating mga kapatid o kamag anak ay biktima na ng pambubulas? Isa na dito ang kawalan ng interes sa
pag aaral at nais mag isa palagi, kapag palaging nawawalan ng gamit sa eskwela at kadlasang may mga
galos at sugat na hindi maipaliwanag. Kapag hindi napigilan at nagpatuloy ang pambubulas, maaring
magkaroon ng hindi magandang pangyayari tulad ng karahasan. At ang pinakamasamang mangyari ay
makapatay ang biktima tulad ng nangyari sa 13 gulang na bata sa Quezon City na nakapatay sa
nagbubulas sa kanya. Isa pang maaring epekto nito ay an pagkasira ng ulo at pagpapakamatay ng
biktima dahil sa sobrang takot o depresyon na nanyayari madalas sa bansang Amerika at Japan.
Ipinapahayag ko ang mga ito upang makita natin ang dahilan kung bakit ito nangyayari. Upang hindi
pamarisan at iwasang magawa ang mga bagay na nagiging dahilan ng karahasan.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata III

Ang naisagawang pag-aaral ng aming grupo ay gumamit ng deskriptibo o analitika na pananaliksik.


Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili naming mga mananaliksik na gamitin ang
Descriptive Survey Research Design, na kung saan gumamit kami ng talatanungan o survey
questionaire para makalikom ng mga datos. Naniniwala kaming mga mananaliksik na angkop ang
disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali nito ang pangangalap ng datos mula sa mga
respondente.

Respondente

Ang aming mga respondente ay mga mag-aaral sa Notre Dame of Makilala Inc. na kung saan sila ay mga
estudyanteng nanggagaling sa ibat-ibang taon at pangkat ng paaralan.

Paraan ng Pagpili ng Respondente


Ang aming sulating pananaliksik ay kailangan ng makatotohanan at maayos na mga detalye at
impormasyon tungkol sa pambubulas, kaya naman kumuha kami ng mga respondenteng nanggagaling
sa NDMI. Ang mga respondente na kinuha namin ay nanggagaling sa magkaibang taon at pangkat ng
paaralan kasi kailangan namin ng mga respondenteng may kanya-kanyang karanasan sa pambubulas at
ang mga epekto nito sa kanila. Kumuha kami ng mga respondenteng marunong dumagdag ng mga sagot
na makapararami sa aming magiging konklusyon.

Paraan ng Pag-aaral

Sa aming pag-aaral, ang paraan na ginamit namin ay ang surbey na pamamaraan o paglalarawan na kung
saan ito ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o
paksa. Itoy may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga
paniniwala at prosesong naggaganap, mga epektong nararamdaman o mga bagay na nilinang. Ang
paraang surbey rin ay ginagamit para sukatin ang mga umiiral na pangyayari.

Kagamitan ng Pag-aaral

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral at pagsusuri ng mga datos ay ang talatanungan o survey
questionaire na binigay sa dalawampung respondente na nakakaranas ng pambubulas o pambu-bully
sa NDMI Campus. Ang talatanungan ay binubuo ng mga katanungan na tungkol sa mga sanhi at epekto
ng pambubulas at pinasagutan sa mga respondente. Sinasagot ng bawat respondente ang bawat tanong
sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kanilang kasagutan. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay
siyang naging daan namin para makakuha ng mga datos na sumusuporta sa aming pananaliksik.

Koleksyon ng Datos

Ang pamamaraan ng pangagalap ng datos ay nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at sinundan ng


pag-e-edit sa instrument para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang
kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik. Ang paghingi ng
pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal na pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang
pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang
makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumentro at inihambing ang mga sagot ng bawat
kalahok at binigyan ng kabuuan.

Ang grupo ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal na nagbigay ng kanilang


kontribusyon sa pagkumpleto sa aming pananaliksik.

Sa

Diyos

na poong maykapal na nagbigay ng husay, tiyaga, at pasensya ng isip sa lahat ng mga miyembro ng
aming grupo upang makamit ang matiwasay na pagtatapos ng pananaliksik na ito.
Kay

Ginoong Jerome P. Rentuaya

na nagsilbing aming gabay sa pagbuo, pagsulat, at pagwawasto ng bawat detalye sa aming sulating
pananaliksik.

Sa mga guro tulad nina

Bb.Aileen Joy Fementira, Bb.Raynie Pacino at G.Joy Beltran

na nagbigay daan para hindi kami mahirapan sa mga patong-patong na katungkulan o proyekto namin sa
kanilang asignatura ngayong ikaapat na markahan. Imbis na magpapagawa sila ng kanilang proyekto sa
amin ay magbibigay nalang sila ng grado sa aming nagawang proyekto sa Filipino na sulating
pananaliksik.

Sa

miyembro ng aming mga pamilya

na hindi lamang nagbigay ng pinansyal para sa mga gastusin namin sa aming pag-aaral kundi tumulong
din sa pagbibigay ng ispasyo o lugar para makabuo kami ng aming sulating pananaliksik.

Sa

lahat ng mga respondente

ng nag-isang tabi ng kanilang oras upang makapagbigay ng kanilang kasagutan at impormasyon para
makagawa kami ng aming resulta o konklusyon sa aming sulating pananaliksik.

At sa aming mga

kaklase

na tumulong sa amin na iwasto ang pagkahanay-hanay ng bawat pahina ng aming pananaliksik.

Ang Bullying o Pangungutya ay isa sa mga problema na hinahrap ng mga kabataan sa panahong ito.
Mapa Asya man o Europa ay hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari. Walang pinipiling kasarian ang
bullying, mapa babae man o mapa lalaki. Kadalsan sa kinukutya ay ang mga matataba, mapapayat,
bakla, tomboy, at iba pa. Hnding hindi natin masisisi ang mga taong nangungutya pero pwede natin
itong maiwasan. Bakit nga ba may mg bully? Ano nga ba ang pwedeng gawin para hindi
maapektuhan?

Sa mga pelikula sa telebisyon, madalas nating nakikita ang pang-aapi ng karakter ng kontrabida sa
kawawang bida upang mas lalong mahikayat ang mga manonood ngunit sa bandang huli,
magtatagumpay ang biktima ng pang-aapi at malalagay sa kaawa-awang sitwasyon ang nang-api. Ngunit
hindi isang pelikula lamang ang nangyayaring ito ngayon sa loob at labas ng paaralan at nakalulungkot
isipin na hindi rin pala ligtas ang mga bata kahit pa nasa loob ng paaralan dahil maaring maging biktima
sila ng bullying

Nag kakaroon ng bully sa isang lugar particular ang paaralan dahil may nakikita sila sa isang tao na hindi
kaaya-aya. Halimbawa, matabang babae, payat na lalake, malaking ngipin, maliit ang tenga, at iba pa.
Pwede ring may nalaman ang bully tungkol sa problema ng kanilang pamilya. Halimbawa walang tatay,
walang nanay, ampon ang bata, at iba pa. Nang bu-bully ang isang tao dahilsa wala silang magawa sa
kanilang buhay. Ang gusto lamang nila ay gawing miserable ang buhay ng isang tao o ng isang mag-aaral.

Para sa akin, ang pinakamagandang paraan para hindi ka nila maapektuhan ay huwag pansinin. Pero
may mga oras na kahit anong iwas mo sa kanila ay hindi ka nila tatantanan. Ang pinakamagandang
gawin ay isumbong ito sa iyong mga magulang, teacher, guidance counsellor, at sa ibang nkakatanda
sayo. Huwag magpaapekto o gumanti sa mga taong ito. Ang pag kitil ng iyong buhay ay isang paraan na
pinakita mo sa kanila na nanalo sila. Mahalaga ang buhay na ibinigay sa atin ng Diyoskay mag purige
tayo sa ating pag-aaral at ipakita natin sa kanila na kaya nating bumangon sa madilim na kahapon.

You might also like