You are on page 1of 27

Suliranin Ng Mga Guro Sa Mga Estudyanteng Walang Disiplina

Isang pananaliksik sa iniharap para kay Ginoong Aljohn Roi Ollos

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba't-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Norhata Delna

Johanna Gumacap

Earl Warrien Miranda

Nhaleyn Murillo

Jhon Mark Villamonte

Jeremy Bagsik

John Diaz
KABANATA 1
Ang Suliranin at Kaganapan

Panimula

Ang pagkakaroon ng wastong pagsunod sa mga tao sa mga tuntunin o

mga pamantayan ng paggawi, at pagpaparusa sa kanila kapag hindi sila sumunod

ay tinatawag na pagdidisiplina.

Sa internet maging sa sosyal at tradisyunal na medya ay araw araw

tayong inuulanan ng iba’t ibang impormasyon. Kadalasan walang kontrol ang mga

impormasyon na nakukuha ng kabataan kung kaya humahantong ito sa maling

pag-aakala na alam na nila ang lahat ng bagay.

Maraming bagay ang nakikita rito. Ang mga bagay na ito ay nagkakaroon

ng iba't ibang epekto sa isipan ng mga nasa menor de edad. Maaaring ito ay

mabuti o maaari ring masama. Makikita pa natin minsan na sa mga usapang pang-

matanda ay may mga bata na “sumasali” na sa usapan at kadalasan pa ay

makikipagtalo sa mga higit na nakakatanda sa kanila. Wala na yung panahon noon


na pag sumasagot ang bata sa matanda o kaya ay sumasabat sa kanilang usapan

ay siguradong mapapagalitan o di kaya ay mapapalo.

Malaki na ang pinagbago sa uri ng pagdidisiplina sa kabataan. Nakikitang

“marahas” ng marami kung paano dinidisiplina ang mga kabataan noon kumpara

sa ngayon. May ilan pa na may batayan pang mga pag-aaral sa psychology ang

nagpuna sa pagdidisiplina sa kabataan at kadalasan na ang pag-aaral na ito ay

galing sa kanlurang bahagi ng mundo. Ang “child spanking” bilang bahagi ng

disiplina ay mas laganap rin sa silangang bahagi ng mundo tulad dito sa tin sa

Pilipinas maging sa malaking bansang tulad ng China. May mga aklat pang

naisulat patungkol sa ganitong uri ng pagdisiplina at paanong nahubog ang

pagkatao ng sumulat nito. Sa west naman,sa panahon ngayon ay maaaring ika-

kulong pa ng mga magulang kung pagbubuhatan ng kamay ang kanilang anak.

Dalawang bagay ang mainit na napaguusapan sa ating bansa ngayon na

nauukol sa kabataan, una ang “Juvenile Justice Law” at pangalawa ay ang ruling

ng Dep Ed sa teachers na “Bawal Sumimangot”. Sa Juvenile Justice law,

maraming karapatan ng kabataan ang pinatibay sa kabila ng kanilang maaaring

pagkasangkot sa krimen. Hindi sila maaaring kasuhan at itrato na tulad ng

matatanda na nagkasala sa parehong krimen at kung sakali man na gumawa ng

di maganda ang biktima o kahit sino laban sa mga batang nagkasala ay maaari pa

silang kasuhan ng child abuse.


Sa “bawal sumimangot rule" naman ng DepEd ay pinagbabawal na ang

pagsimangot ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Hindi ko lang alam kung

kahit tipong may dysmenorrhea, migraine sila o talagang may ginawang

kabulastugan ang mga bata ay bawal pa rin silang sumimangot.

Sa dalawang kautusang ito ay para nating ginapos ang kamay ng

dalawang ahensya para disiplinahin ang ating kabataan. Una ang kapulisan at

pangalawa ay ang mga paaralan. Inalisan natin ng ngipin ang mga ito para

disiplinahin sana sa maling gawa ng ating mga kabataan. Ayos sana ito kung sa

mga tahanan pa lamang ay nadidisiplina nang maigi ng mga magulang ang

kanilang mga anak. Subalit ayon na rin sa ating mga nakikita sa paligid ay

humahantong pa sa mas malalang bagay ang dulot ng kawalan ng disiplina ng

mga bata mula sa mga pabayang magulang.

Kung hindi kayang disiplinahin ng maraming magulang ang kanilang mga

anak, at aalisan pa natin ng kakayahang disiplinahin ng lipunan ang ating mga

kabataan, sino na lang ang matitirang magdidisiplina at magtuturo ng tamang

pamumuhay sa mga musmos na kaisipan?

Kaya't ito ang napili namin paksa upang saliksikin dahil kami ay napaisip

at nabahala sa mga batang walang desiplina sa kanilang mga guro pero hindi natin

alam kung ano ang kani-kanilang dahilan kaya't ating mas aalamin para mas

maintindihan natin kung bakit nila ito nagagawa.


KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAGAARAL

Gusto nating lahat na makakuha ang ating mga mag-aaral ng isang

mahusay na edukasyon, at ang mga pundasyon para sa isang mahusay na

edukasyon ay nagsisimula sa mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan ng may

maganda at tamang disiplina. Nagkakaroon ng mabuting gawi ang mga magaaral

sa pamamagitan ng pagpasok ng may magandang disiplna - mga gawi na

kinakailangan upang magtagumpay pagkatapos ng paaralan. Ang kawalan ng

desiplina sa paaralan ay may malaking epekto sa pag-aaral at pakikisalamuha ng

mga mag-aaaral. Maaapektuhan nito ang mga resulta ng kanilang pagsusulit at

ang kanilang mga relasyon sa ibang mga mag-aaral, at maaaring humantong sa

hindi pakikisalamuha. Walang tamang bilang ng mga araw para sa hindi maayos

na pag-uugali sa paaralan - ang bawat araw na napalampas ng isang mag-aaral

dahil sa kawaaln ng desiplina ay maglalagay sa kanya sa hulihan ng klase, at

maaaring makaapekto, sa mga kalalabasan ng kanyang edukasyon. Bawat

napalampas na mga araw ay nauugnay may kaugnayan sa lalong bumababang

antas ng pagkatuto sa pagbilang, pagsulat at pagbasa. Hindi na kagulatgulat na

ang mga estudyante na may mataas na bilang ng hindi magandang pag-uugali at

maayos na disiplina sa klase ay mas mababang mga marka ang nakukuha sa

klase (Redick & Nicoll 1990).


Karamihan ngayon sa mga kabataan ay mga tinatamad nang pumasok

dahil sa kanikanilang mga dahilan. Dapat tulungan silang maging masigasig ulit sa

pagaaral para maipagpatuloy ang nasimulang gawain. Natagpuan na ang hindi

magandang ugali at kawalan ng disiplina sa klase ay maaaring nauugnay sa

lokasyon ng paaralan at tahanan Wright (1978). Minsan masyadong maingay sa

ibang paaralan dahil narin sa kapaligiran nito. Dapat maayos at malinis din ang

kapaligirang paaralan dahil malaki ang pwedeng maging apekto nito sa mga mag-

aaral. Pinananatili ang katahimikan at kaayusan sa paligid ng paaralan para

maayos na makapakinig at matuto ang bawat estudyante ditto. Kinilala rin ng

Kagawaran ng Edukasyon na ang pakikipagtutulungan ng mga estudyante at

kanilang pamilya ay siyang pinakamabuting paraan upang suportahan ang regular

na pagpasok ng mga estudyante sa paaralan. Para mas magkaroon ng gana ang

mga estudyante ay dapat nabibigyan din ng pansin kung paano magturo ang mga

guro sa paaralan.
BATAYANG TEORETIKAL

Ecological Systems Theory

"Ayon sa teoryang "Ecological Systems Theory" ni Bronfenbrenner, ang

isang mag aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung

saan malaki ang posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na

nasa kanyang kapaligiran. Ang mga kagawian o kaugalian na makukuha nya rito

ay maaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di tuwirang epekto. Sinasabi

rito na maaaring ang nakapaligid o ang mga umiimpluwensya sa mga batang ito

kaya sila walang desiplina sa klase.

Social Dominance Theory

Ayon sa "Social Dominance Theory" ni Sidanius and Pratto, ang bullying ay isang

agresibong pamamaraan na may layuning makakuha at mapanatili ang "

dominance" ng taong nambu-bully (Pellegrini and Bartini, 2001).ayon narin sa

nakasaad sa teorya na ito ay isa pa marahil na rason kug bakit ang mgbatang ito

sa kanilang klase ay agresibo at walang desiplina marahil narin sa pambu-“bully”

na kanila ring naranasan.


BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng magiging daloy ng pag-aaral na ito:

INPUT

 Mga Suliranin
 Mga Teorya

PROCESS
 Paggawa ng mga
talatanungan

 Pangangalap ng
mga surbey sa
mga guro sa
paaralang JPC

OUTPUT
 Mga epekto ng
pagiging walang
disiplina ng mga
estudyante sa
paaralan
Pigura 1. Ang Balangkas Konseptwal ng Pagaaral

Gumamit ang mga mananaliksik ng Input-Process-Output para maipakita

ang magiging daloy ng kanilang pananaliksik. Sa unang kahon, tinala muna ang

magiging suliranin na kanilang sasaliksikin at nagkalap ng mga gagamiting teorya

patungkol sa “No Discipline” o pagiging walang disiplina sa klase. Nagkalap ng

mga kapakipakinanang na inpormasyon na mas lalong makakatulong sa kanilang

pananaliksik. Sa ikalawang kahon makikita natin na para malaman ang sagot sa

suliraning pagiging walang disiplina ng mga estudyante ay gumamit sila ng surbey

o mga talatanungan. Sa mga mag-aaral ng paaralang St. John Paul II College Of

Davao sila gumawa ng surbey at nagobserba sa magiging resulta nito para mas

maintindihan ang pananaliksik. Sa ikatlong kahon naman, doon ay malalaman na

ang mga dahilan kung bakit o anong dahilan ng pagiging walang disiplina ng mga

estudyante sa paaralan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito ay naglalayon na malalaman kung anu ang dahilan ng

pagiging walang disiplina ng mga estudyante sa paaralan.

1. Ano ang maaaring kahihinatnan ng pagiging walang disiplina ng mga

estudyante sa kanilang mga guro?

2. Ano ang mga posibleng dahilan kung bakit ang mga estudyante ay

walang disiplina sa kanilang mga guro?

3. Paano mabibigyan solusyon ng mga guro ang ganitong sitwasyosn?

4. Anong pamamaraan ang gagamitin ng isang guro para madisiplina ang

mga estudyanteng walang disiplina?


HAYPOTESIS

Ayon sa surbey hindi maiiwasan ang ganitong suliranin sa mga paaralan.

Nag-umpisa sa hindi pagkakaunawaan hangganang sa ito ay umabot sa iba't-

ibang sanga at tuluyang lumaki kung sakaling hindi mabigyan ng solusyon. Noon

ay madalas nilang binibigyan ng "sanctions" ang mga estudyante pero hindi sapat

ang parusang ito. Nawawalan ng disiplina ang kabataam ngayon, dahil sa

naiimpluwensyahan sila ng kanilang kapwa. Bukod diyan ay, akala nila magaling

na sila sa lahat ng bagay. Kaya ito nangyayari dahil, kulang ang pagdisiplina ng

kanilang mga magulang sa kanila noong sila ay bata pa.

Ang problema kasi ng mga kabataan ngayon, ay gusto nila sila ay palaging

tama, kailangan nadusunod ang ang kanilang mga kagustuhan sa buhay.

Tungkulin din ng mga guro na alamin ang kinakaharap na problema ng mga

estudyante, dapat gawin ng mga kabataan ang tungkulin bilang estudyante at

maging tapat na mag-aaral. At ang pagiging kakulitan ay pwedeng

mapagkamalang walang galang.


KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL

KAHALAGAHAN SA MANANALIKSIK

Bilang isang mag-aaral ng St. John Paul II College Of Davao, gusto kong
malaman ang mga salik na nakakaapekto sa kapwa ko estudyante at para
matulungan sila at magkaroon ng ideya sa mga problemang pwede nilang
kaharapin sa mga salik na matutuklasan dito sa pagaaral na ito.

KAHALAGAHAN SA MGA MAG-AARAL.Makatutulong para mas maintindihan at

mas mamulat sila sa kahalagahan ng maayos at tamang disiplina sa klase. Para

sila ay may maayos na ugnayan sa kapwa kaklase o mga guro at maayos na

paraan sa pag-abot ng pangarap nila.

KAHALAGAHAN SA MGA GURO. Upang makaisip o makagawa sila ng mas

epektibong paraan ng pagtuturo nila upang ganahan ang kanilang mga estudyante

na pumasok sa klase ng may maayos na ugali at disiplina. Para mas bigyang

pansin ang mga estudyante na may hindi magandang disiplina sa klase at gumawa

ng hakbang upang matulungan ito.

KAHALAGAHAN SA MGA MAGULANG. upang mas bigyan nila ng pansin ang

mga anak nilang may hindi magandang ugali at disiplina sa klase. Para mas

palakasin nila ang loob ng kanilang mga anak na huwag na ulit gaagwa ng hindi

maganda sa klase at bagkus ay mag-aral ng mabuti.


KAHALAGAHAN SA ADMINISTRADOR NG IBA PANG PAARALAN

Bilang administrador ng paaralan, gamit itong pag-aaral na ito, maaring

makatulong sila sa kanilang mga estudyante sa mga problemang kinakaharap nila.

Magkakaroon rin ang mga administrator ng kaalaman o kamalayan sa mga salik

na nakakaapekto sa mga estudyante nila sa kanilang paaralan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa apat na suliranin ng mga


guro sa mga estudyanteng walang disiplinanA. Itong pag-aaral ay para sa
paaralang St. John Paul II College Of Davao. Ang mga guro lamang ng JPC ang
nasasangkot sa pag-aaral na ito.

KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Para mas maintindihan ang mga nabasang impormasyon, tinala naming ang mga

mahahalagang salita na may katumbas na kahulugan:

Mag-aaral- Ang mga mag aaral na tinutukoy dito ay ang mga estudyante sa

paaralang St. John Paul II College Of Davao.

Moral- Tumutukoy sa mga prinsipyo ng tama at maling pag-uugali at kabutihan o

kasamaan ng karapatang pantao.

DAGDAGAN PA ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


SA BAWAT BAHAGI NG PANANALIKSIK AY KINAKAILANGANG MAY

KAUNTING PAHAYAG NA MAGPAPAKILALA SA NATURANG BAHAGI AT

KUNG ANO ANG NILALAMAN NITO

SA BAHAGING SAKLAW AT LIMITASYON AY DAPAT AY MAILARAWAN KUNG

SAAN ISASAGAWA ANG NATURANG PAG-AARAL AT SINO ANG MGA

KALAHOK.

SURIING MABUTI ANG MGA PAHAYAG AT AYUSIN ANG PAGKAKASUNOD-

SUNOD NG MGA IMPORMASYON

KABANATA II

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

KAUGNAY NA LITERATURA

Pagtuturo—Ang Sakripisyo at mga Panganib


‘Napakaraming inaasahan sa mga guro, subalit kadal
asan ay kakaunting papuri buhat sa publiko ang tinat
anggap ng dedikadong mga guro sa ating mga paaral
an . . . para sa kanilang mga pagsisikap.’—Ken Eltis, U
niversity of Sydney, Australia.

DAPAT aminin na itong “pinakamahalagang propesy


on,” gaya ng tawag dito, ay naghaharap ng maramin
g suliranin—mula sa di-sapat na suweldo hanggang s
a mababang uri na mga kalagayan ng mga silid-arala
n; mula sa sobrang daming isinasaayos na mga papel
es hanggang sa napakaraming estudyante sa isang kl
ase; mula sa kawalang-galang at karahasan hanggan
g sa kawalang-interes ng mga magulang. Paano hina
harap ng ilang guro ang mga suliraning ito?

Kawalan ng Paggalang

Tinanong namin ang apat na guro mula sa New York


City kung anu-ano ang itinuturing nilang pangunahin
g suliranin. Buong pagkakaisa silang sumagot: “Kawal
an ng paggalang.”

Ayon kay William, na taga-Kenya, nagbago na ang m


ga bagay-bagay may kaugnayan sa paggalang maging
sa Aprika rin. Sabi niya: “Humihina na ang disiplina s
a mga bata. Noong ako’y lumalaki [siya ngayon ay m
ahigit nang 40 anyos], nangunguna ang mga guro sa
mga taong lubhang iginagalang sa lipunan ng Aprika.
Ang guro ay laging minamalas ng bata’t matanda bila
ng isang huwaran. Humihina na ang paggalang na it
o. Unti-unting naiimpluwensiyahan ng kultura sa Kan
luran ang mga kabataan, kahit na sa mga lalawigan n
g Aprika. Ipinakikita ng mga pelikula, video, at literat
ura ang kawalan ng paggalang sa awtoridad bilang ka
bayanihan.”

Ganito ang hinagpis ni Giuliano, na nagtuturo sa Italy


a: “Apektado ang mga bata ng espiritu ng paghihima
gsik, pagkamasuwayin, at pagsuway na laganap sa la
hat ng lipunan.”

Droga at Karahasan

Nakalulungkot sabihin, ang droga ay naging isang pro


blema sa mga paaralan—gayon na lamang ang probl
ema sa droga anupat ang guro at awtor sa Estados U
nidos na si LouAnne Johnson ay sumulat: “Ang pagha
dlang sa pag-abuso sa droga ay bahagi ng kurikulum
sa halos lahat ng paaralan, mula sa kindergarten. [A
min ang italiko.] Mas maraming nalalaman ang mga
bata tungkol sa droga . . . kaysa sa nalalaman ng kara
mihan sa mga adulto.” Sabi pa niya: “Ang mga estud
yanteng nakadaramang sila’y walang-kaya, hindi ma
hal, nag-iisa, nababagot, o walang-katiyakan ay mas
malamang na mag-eksperimento sa droga.”—Two P
arts Textbook, One Part Love.

Si Ken, isang guro sa Australia, ay nagtanong: “Paano


tuturuan ng ating mga guro ang isang siyam-na-taón
g-gulang na natutong gumamit ng droga mula mismo
sa kaniyang mga magulang, at ngayon ay sugapa n
a?” Si Michael, na mahigit nang 30 anyos, ay nagtutu
ro sa isang comprehensive school sa Alemanya. Sum
ulat siya: “Kung tungkol sa paggamit ng droga, alam
na alam natin na nangyayari ito; bihira nga lamang it
ong matuklasan.” Nagkomento rin siya sa kawalan n
g disiplina at nagsabi na “maliwanag na nakikita sa p
angkalahatang hilig ng mga estudyante na manira,” n
a idinagdag pa: “Ang mga mesa at mga dingding ay d
inudumhan, at ang muwebles ay sinisira. Dinakip ng
pulisya ang ilan sa mga estudyante ko dahil sa pagna
nakaw sa tindahan o mga bagay na katulad niyaon. H
indi nga nakapagtataka na madalas din ang mga pag
nanakaw sa paaralan!”

Si Amira ay nagtuturo sa Estado ng Guanajuato, Mexi


co. Sabi niya: “Nakakaharap namin ang mga problem
a ng karahasan at pagkasugapa sa droga sa loob ng p
amilya na tuwirang nakaaapekto sa mga bata. Lubha
silang naaapektuhan ng isang kapaligiran kung saan
natututo sila ng malalaswang salita at iba pang bisyo.
Ang isa pang malaking problema ay karalitaan. Baga
man walang-bayad ang pag-aaral dito, ang mga mag
ulang ay kailangang bumili ng mga kuwaderno, panul
at, at iba pang gamit. Subalit dapat munang unahin a
ng pagkain.”
May mga Baril sa Paaralan?

Sa Estados Unidos, itinampok ng ilang insidente ng p


amamaril sa mga paaralan kamakailan na ang karaha
san na nauugnay sa baril ay isang malaking problema
sa bansang iyon. Isang ulat ang nagsasabi: “Tinataya
ng 135,000 baril ang dinadala sa 87,125 pampubliko
ng paaralan sa bansa araw-araw. Upang bawasan an
g bilang ng mga baril sa mga paaralan, ang mga opisy
al ay gumagamit ng mga metal detector, surveillance
camera, mga asong pantanging sinanay na amuyin a
ng mga baril, paghahalughog sa mga locker ng mga e
studyante, mga ID kard, at pagbabawal sa pagdadala
ng portpolyo sa paaralan.” (Teaching in America) Ang
gayong mga hakbang na panseguridad ay maaaring
magpangyari sa isa na magtanong, Ang tinutukoy ba
natin ay mga paaralan o mga bilangguan? Sinasabi p
a ng ulat na mahigit na 6,000 estudyante ang pinaalis
sa paaralan dahil sa pagdadala ng mga baril!

Ganito ang sinabi ni Iris, isang guro sa New York City,


sa Gumising!: “Ang mga estudyante ay nagpupuslit n
g mga sandata sa mga paaralan. Nakalulusot pa rin a
ng mga sandata sa paaralan sa kabila ng mga metal d
etector. Isa pa ring malaking problema ang bandalis
mo sa paaralan.”

Sa kabila ng magulong kapaligirang ito, sinisikap ng


matitiyagang guro na magturo at magbahagi ng mga
pamantayan. Hindi nakapagtataka na maraming guro
ang dumaranas ng panlulumo at pagkasagad (burno
ut). Si Rolf Busch, presidente ng Samahan ng mga Gu
ro sa Thuringia, Alemanya, ay nagsabi: “Halos sangka
tlo ng isang milyong guro sa Alemanya ang nagkakas
akit dahil sa kaigtingan. Nasasagad sila sa trabaho.”

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang guro ang itinuturing na ikalawang magula


ng ng mga estudyante sa loob ng paaralan. Kaya na
man kung anong respeto ang ibinibigay natin sa mga
magulang ay gayundin dapat sa mga guro. Malaki na
ang pinagbago sa uri ng pagdidisiplina sa kabataan.
Nakikitang “marahas” ng marami kung paano dinidisi
plina ang mga kabataan noon kumpara sa ngayon.

Ayon kay Rene Villanueva na isang guro nanghi


hingi sya ng payo kung ano ang gagawin nya sa mga
estudyanteng hindi nagbabasa o ayaw magbasa. Nilil
inaw nya ang kanyang mga patakaran sa unang araw
ng klase , isa sa mga patakaran nya ang hindi nagbas
a ng assignment ay palalabasin nya ng silid. Dahil sa k
atigasan ng ulo ng mga mag-aaral sa kadahilanang w
alang disiplina binalaan nya ito kung sino man ang m
ahuli nyang hindi nagbasa ihuhulog nya ito sa bintan
a o kayay kaladkarin sa buhok pababa ng hagdanan.
Nang pakiusapan nya kinabusan na ang sino mang hi
ndi nagbasa ay pwede ng lumabas ng silid, nagulat n
a lamang sya na halos sampung estudyante ang tum
ayo at lumabas sa silid. Napailing na lamang sya dahil
isa ito sa mga suliranin nya sa mga estudyante. Gust
o nya lamang na matuto ang mga bata at maenggany
ong magbasa ang mga estudyante.

Ayon nmn kay Dee Masangcay noon July 3 ,


2015 ang mga pangunahing suliranin ng mga guro sa
mga estudyante sa paaralan ay ang madalas na
pagliban sa klase, isa ito sa kakulangan ng disiplina
ng mga estudyante ang madalas na pagliban sa klase
dahil ito ay tinatamad o kung saan-saan gumagala at
na impluwensyahan ng mga kaibigan. Kawalang ng
suporta ng mga magulang ay isa sa mga suliranin rin
kaya nawawalan ng disiplina ang mga estudyante o
mag-aaral. Ang kakulangan ng gabay ng mga
magulang ay nag dudulot ng kawalang disiplina ng
mga estudyante kaya ay pinapabayaan ng mga
magulang mga ginagawa nito kahit masama at di
kaaya-aya nag bubunga ito ng kawalan ng interes sa
pag-aaral at kung walang disiplina ang mga
estudyante ito’y maagang paghahanapbuhay at pag-
aasawa. Kaya nag babanta ang mga guro sa
kadahilanang gusto nilang matuto at maging
disiplinado ang mga estudyante, dahil maraming
suliranin ang pwedeng maging sanhi ng kawalan ng
disiplina.

“batang bata ka pa at marami ka pang


kailangang malaman at intindihin sa mundo,
…iyan ang totoo”.

Mga salita mula sa isang klasikong awitin ng grupong APO Hiking Society na
tumatalakay sa kakulangan pa sa kaalaman sa mga bagay bagay sa mundo ng mga
kabataan. Subalit tila sa panahon ngayon, sa dami ng maaaring panggalingan ng
impormasyon at maging sa pananaw na rin ng nakatatanda ay tila nawawala na ang
kahulugan nito.

Sa internet maging sa social and traditional media araw araw tayong inuulanan ng iba’t
ibang impormasyon. Kadalasan sa hindi, walang kontrol ang mga impormasyon na
nakukuha ng kabataan kung kaya humahantong ito sa maling pag-aakala na alam na
nila ang lahat ng bagay.

Marami tayong makikita sa mga social networking sites na mga bata na may mga
account na kung hindi sila ang gumawa ay mismong mga magulang pa ang bumuo para
sa kanila. Puedeng ito ay para sa komunikasyon rin lalo na kung nasa malayong lugar
ang magulang. Wala sigurong problema kung nababantayan ng maigi ang mga
kabataan sa paggamit ng mga sites na ito. Pero mas madalas na hindi sila
naoobserbahan.

Maraming bagay ang nakikita rito. Ang mga bagay na ito ay nagkakaroon ng iba't ibang
epekto sa isipan ng mga nasa menor de edad. Maaaring ito ay mabuti, pero maaari ring
masama. Makikita pa natin minsan na sa mga usapang pang-matanda ay may mga bata
na “sumasali” na sa usapan at kadalasan pa ay makikipagtalo sa mga higit na
nakakatanda sa kanila. Wala na yung panahon noon na pag sumasagot ang bata sa
matanda o kaya ay sumasabat sa kanilang usapan ay siguradong mapapagalitan o di
kaya ay mapapalo.

At isa sa malalalang pangyayari na dahil sa kawalan ng pagantabay ay ilang beses na


ring may mga kabataang napahamak at napariwara sa walang disiplinang paggamit ng
social networking sites.

Malaki na ang pinagbago sa uri ng pagdidisiplina sa kabataan. Nakikitang “marahas” ng


marami kung paano dinidisiplina ang mga kabataan noon kumpara sa ngayon. May ilan
pa na may batayan pang mga pag-aaral sa psychology ang pagpuna sa pagdidisiplina
sa kabataan at kadalasan na ang pag-aaral na ito ay galing sa kanlurang bahagi ng
mundo. Ang “child spanking” bilang bahagi ng disiplina ay mas laganap rin sa silangang
bahagi ng mundo tulad dito sa tin sa Pilipinas maging sa malaking bansang tulad ng
China. May mga aklat pang naisulat patungkol sa ganitong uri ng pagdisiplina at
paanong nahubog ang pagkatao ng sumulat nito. Sa west naman,sa panahon ngayon
ay maaaring ika-kulong pa ng mga magulang kung pagbubuhatan ng kamay ang
kanilang anak. Maaari pa itong mangyari kapag ang anak pa mismo ang nagsumbong
sa kinauukulan at pag naipasa pa ang isang sinusulong nilang batas, maaari pa itong
humantong sa "habambuhay na pagkakakulong" sa magulang.

Sabi sa ilang pag-aaral na nagbubunga raw ng “anxiety and aggression” sa kabataan


ang pagbubuhat ng kamay sa kanila. Sa paglaki raw ng kabataang napapalo ay mas
malaki ang tsansa na maging mas agresibo at bayolente sila kumpara sa hindi. Tulad ng
nabanggit sa itaas, hindi normal sa kanluraning mga bansa ang pamamalo ng anak
bilang pagdisiplina. Pero bakit tila mas marami tayong nalalamang mararahas na mga
krimen na ginagawa ng kabataan sa mga bansa tulad ng Amerika? May mga namamaril,
nambubugbog at pumapatay ng hindi lang iisang tao kadalasan at ang gumagawa ay
mismong kanilang mga kabataan. Mas nakikita rin natin ang pagiging mas agresibo at
kadalasang pagsuway sa magulang kumpara sa mga kabataan sa mga bansa sa
silangan. Pero sa panahon ngayon, tila dun na rin papunta ang ating bansa sa ganoong
sitwasyon.

Dalawang bagay ang mainit na napaguusapan sa ating bansa ngayon na nauukol sa


kabataan, una ang “Juvenile Justice Law” at pangalawa ay ang ruling ng Dep Ed sa
teachers na “Bawal Sumimangot”. Sa Juvenile Justice law, maraming karapatan ng
kabataan ang pinatibay sa kabila ng kanilang maaaring pagkasangkot sa krimen. Hindi
sila maaaring kasuhan at itrato na tulad ng matatanda na nagkasala sa parehong krimen
at kung sakali man na gumawa ng di maganda ang biktima o kahit sino laban sa mga
batang nagkasala ay maaari pa silang kasuhan ng child abuse. Sa “bawal sumimangot
rule" naman ng DepEd ay pinagbabawal na ang pagsimangot ng mga guro sa kanilang
mga estudyante. Hindi ko lang alam kung kahit tipong may dysmenorrhea, migraine sila
o talagang may ginawang kabulastugan ang mga bata ay bawal pa rin silang
sumimangot.

Sa ngayon ay napakarami nang kabataang nasasangkot sa krimen. Gaya ng mga


tinaguriang “hamog boys” na nagnanakaw sa mga pumapasadang drivers at kadalasan
ay nananakit pa. Meron ding mga pumapatay at nanggagahasa pa. Talagang kalunos
lunos ang sitwasyon ng mga kabataang ito. Ang tanong ay nasan kaya ang kanilang
mga magulang? Hindi ba nila kayang kontrolin o disiplinahin ang kanilang mga anak
hanggang humantong sila sa ganito?

Sa kabilang banda naman, ipinagbabawal na daw ang pagsimangot ng mga guro sa


mga mag-aaral sa kadahilanang marami ang “nadidiscourage” na mga kabataan at
nahahantong pa ito sa kawalan ng gana na mag-aral. Pinakita pa sa isang balita na may
isang kinse anyos na bata na hindi na pumasok sa eskwela dahil palaging pinapagalitan
ng guro at maging ng principal. Grade 2 lang ang inabot ng batang ito. Ano kaya ang
ginawa ng magulang at hinayaan na ganito na lang ang abutin ng kanilang anak? Kung
pinag-iinitan man ang kanilang anak, ano kaya ang dahilan? At bakit hindi nila kinausap
man lang ang guro at ang kanilang anak para maayos ito?

Sa aking karanasan, marami akong mga naging guro na masasabi nating “terror”. May
ilan na matalim talaga ang mga salitang binibitawan at may ilan pa na may mga pisikal
na pagdidisiplina sa estudyanteng matigas talaga ang ulo tulad ng pagpalo sa kamay,
pag pingot , pagpapalabas sa klase at iba pa. Subalit ang mga gurong ito ang siya ring
mas tumatak at nakapagbigay ng disiplina sa maraming mag-aaral na kanilang
nahawakan.

Sa dalawang kautusang ito ay para nating ginapos ang kamay ng dalawang ahensya
para disiplinahin ang ating kabataan. Una ang kapulisan at pangalawa ay ang mga
paaralan. Inalisan natin ng ngipin ang mga ito para disiplinahin sana sa maling gawa ng
ating mga kabataan. Ayos sana ito kung sa mga tahanan pa lamang ay nadidisiplina
nang maigi ng mga magulang ang kanilang mga anak. Subalit ayon na rin sa ating mga
nakikita sa paligid ay humahantong pa sa mas malalang bagay ang dulot ng kawalan ng
disiplina ng mga bata mula sa mga pabayang magulang.

Kung hindi kayang disiplinahin ng maraming magulang ang kanilang mga anak, at
aalisan pa natin ng kakayahang disiplinahin ng lipunan ang ating mga kabataan, sino na
lang ang matitirang magdidisiplina at magtuturo ng tamang pamumuhay sa mga
musmos na kaisipan?

Saan Patungo ang Lumalalang Disiplina ng Kabataan?

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

PAMAMARAANG GAGAMITIN

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptiv analitikal na


pamamaraan sa pag-aaral na ito. Gumamit rin ang mananaliksik ng
survey questionnaire na talatanungan para mas madali ang paglilikom
ng mag datos mula sa maraming respondante na kakailanganin sa pag-
aaral na ito.

POPULASYON

Ang mga respondanteng nasasangkot ay lahat ng mga guro sa

paaralang St. John Paul II College Of Davao.

PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK

DESKRIPSYON NG MGA RESPONDENTE

INSTRUMENTO
PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

You might also like