You are on page 1of 22

Arellano University

Jose Rizal High School


Gov. Pascual Ave. Malabon City
Tel/Fax 921 27 44
________________________________________________________________

“Epekto ng Kakulangan ng mga Kagamitang


Panlaboratoryo sa mga Mag-aaral ng STEM sa Arellano
University Jose Rizal High School”

MGA MANANALIKSIK
Cruz, Kirstentahle
De Guzman, Josh Aaron
Gaddi, Charlemagne
Partosa, Charles Brian
Tabios, Junje
Bonifacio, Cyril Denise
Mendoza, Erika Mei
Obong, Flordeliza

Isinumite bilang pagtupad sa Pambahaging


Pangangailangan para sa Pananaliksik
ng Senior High School Department ng
Jose Rizal High School-Arellano University
Concepcion, Malabon City
S.Y.: 2018-2019

GURO:
Gng. Junefe Flores
Dahon ng Pagpa patibay

Arellano University
Jose Rizal High School
Gov. Pascual Ave. Malabon City
Tel/Fax 921 27 44
PACUCOA Accredited Level II

Ika-11 ng Marso, taong 2019


Mrs. Ma. Aileene Cruz
Minamahal na punong-guro,
Magandang araw! Upang maisagawa ang kinakailangan sa asignaturang
Pananaliksik, may pitong grupong nananaliksik ngayon sa aming klase at ang
kanilang paksa ay ang mga sumusunod:
 Pangkat 1: Kakulangan ng Kumpyansa sa Sarili ng mga Estudyante sa
STEM Baitang 11 ng Arellano University Jose Rizal Campus
 Pangkat 2: Pagkahapong Nakakapekto sa Kakayahang Pag-iisip ng mga
Mag-aaral sa Agham Teknolohiya Inhinyero't Matematika ng Arellano
University Jose Rizal Campus
 Pangkat 3: Kahalagahan ng Pamamahala ng Oras sa Pagitan ng Pag-aaral
at Ibang Gawain sa Mag-aaral ng Senior High School sa Arellano Univesity
Jose Rizal Campus
 Pangkat 4: Emosyonal na Epekto ng Stress: Akademikong Pangganap ng
mga Mag-aaral sa STEM sa Arellano University Jose Rizal High School
 Pangkat 5: Mga Dahilan na Humahadlang sa mga Estudyante sa Pagpili ng
STEM Strand
 Pangkat 6: Epekto ng Kakulangan ng mga Kagamitang Panlaboratoryo sa
mga Mag-aaral ng STEM sa Arellano University Jose Rizal High School
 Pangkat 7: Kakulangan ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Ika-sampung
Baitang ng Arellano University Ukol sa STEM Strand
Kami, ang 11 STEM - 1A ng Cluster 2, ay humihingi ng pahintulot upang
maisagawa ang sarbey na aming inihanda ngayong Marso 13-15, 2019
(Miyerkules - Biyernes) na nangangailangan ng 50-60 na respondente na
pwedeng magmula sa mga estudyanteng nag-aaral sa baitang 10 at 11, dito sa
Arellano University Jose Rizal Campus.
Kung mapapahintulutan, ito'y magiging isang malaking tulong para sa amin
dahil kami ay naatasang mangalap ng datos na aming gagamitin upang mabigyan
ng sapat na katarungan ang aming paksa.

ii
Abstrak
Isa sa mga hinaharap na problema ng mga mag-aaral sa STEM ay ang
kakulangan ng mga kagamitang panlaboratoryo. Ang layunin ng pananaliksik na
ito ay tukuyin ang mga dahilan na kakulangang ito at ang epekto nito hindi lamang
sa mga mag-aaral, kundi pati na rin sa mga guro. Sa pagkamit ng inaasahan
resulta, dumaan sa isang maayos at sistematikong proseso ang mga
mananaliksik. Sa pamamagitan ng sarbey na pinasagutan sa mga mag-aaral sa
STEM mula sa ikalabing-isang baitang, nakakalap ng datos ukol sa nasabing
problema. Ang mga datos na ito ay makapagpapatunay na talaga ngang
nangyayari ang mga problemang ito. Magsisilbi din itong hakbang upang mas
mapaganda pa ang programa ng STEM.

iii
Pasasalamat
Hinihingi namin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang aming guro na si
Gng. Armilyn Sison sa binigay niyang oportunidad sa amin na makapagsagawa ng isang
pananaliksik, sa kanyang suporta, mga komento, at paggabay na nakatulong nang lubos
sa pagtapos ng gawaing ito. Nagpapasalamat rin ang bawat isa sa amin sa aming mga
magulang na handang tumulong at magbigay ng pinansiyal na pangangailangan, mga
kasagutan, at pagmamahal.
Sa buong Grade 11 STEM 1A na nariyan para sa isa't isa upang maisagawa ang
pananaliksik na ito, maraming salamat. Pati na rin sa aming gurong-tagapayo na si Gng.
Rosemarie Pavia na hindi kailanman nagdalawang-isip na tulungan kami sa pananaliksik
na ito.
Sa aming punong guro na si Gng. Aileene D. Cruz sa pagbibigay sa amin ng
permiso upang magsagawa ng sarbey at sa tiwalang kanyang ibinigay sa kanyang mga
estudyante.
At higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na Siyang nagbibigay-lakas sa bawat
estudyante at mga guro upang magtulong-tulong sa pagsasagawa ng napakagandang
proyektong ito.

iv
Paghahandog
Inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa Panginoon na
nagbigay lakas at kaalaman sa bawat isa sa pagsasagawa nito, sa kanilang
minamahal na pamilya at kaibigan, sa kanilang mga kaklase, sa kanilang
punongguro na si Gng. Ma. Aileene D. Cruz, sa kanilang gurong tagapayo na si
Gng. Rosemarie Pavia, at kay Gng. Junefe Flores, ang kanilang guro sa
asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng ibat ibang Teksto tungkol sa Pananaliksik.

v
Table of Contents
Dahon ng Pagpapatibay ........................................................................................ii

Abstrak ................................................................................................................. iii

Pasasalamat .........................................................................................................iv

Paghahandog ....................................................................................................... v

Table of Contents .................................................................................................vi

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO ...................................... 1


Panimula ........................................................................................................... 1
Layunin ng Pag-aaral ........................................................................................ 2
Saklaw at Delimitasyon ..................................................................................... 2
Depinisyon ng mga Katawagan ......................................................................... 2

KABANATA 2: REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL ........ 3


Kaugnay na Literatura ....................................................................................... 3
Lokal na Literatura ......................................................................................... 3
Lokal na Pag-aaral ......................................................................................... 3
Banyagang Literatura ..................................................................................... 4
Banyagang Pag-aaral .................................................................................... 4

KABANATA 3: METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK ....... 5


Metodolohiya ..................................................................................................... 5
Disenyo ng Pag-aaral ........................................................................................ 5
Respondente at Populasyon ............................................................................. 5
Respondente ng Pananaliksik........................................................................ 5
Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente...................................................... 5
Instrumento sa Pampananaliksik ...................................................................... 6
Proseso sa Pagsusuri ng Datos ........................................................................ 6

vi
KABANATA 4: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG
MGA DATOS ........................................................................................................ 7
PAGSUSURI NG DATOS ................................................................................. 7
Interpretasyon ng Datos .................................................................................... 7

KABANATA 5: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON ...................... 9


Lagom ............................................................................................................... 9
Konklusyon........................................................................................................ 9
Rekomendasyon ............................................................................................... 9

Bibliograpiya ....................................................................................................... 10

Appendiks ........................................................................................................... 11

Curriculum Vitae ................................................................................................. 12

vii
KABANATA 1: ANG SULIRANI N AT KALIGIRAN NIT O

Panimula
Ang STEM ay tahanan ng mga susunod na engineer, doktor, at mga
trabahong nangangailangan ng totoong karanasan dahil ang lahat ng propesyong
ito ay malaki ang ambag sa buhay ng tao. Ang aming paksa ay nagpaparating ng
mensahe na ang bawat mag-aaral ng STEM ay masisipag, masigasig, at ibinibigay
ang lahat ng makakaya sa aming mga ginagawa. Kami ay laging handang matuto
at sabik nang lutasin ang problema na nagpapahirap sa mundo. Gayunpaman,
may mga hadlang sa pag-aaral at pagpapabuti ng kanilang mga kakayahan ng
mga Grade 11 STEM Students. Ayon kay John Maxwell, ang karanasan ay hindi
natin masasabing pinakamagandang bagay na magtuturo satin kundi ang mga
suring karanasan. Isipin natin na kung ang mga estudyante ay kailangang
sumabay sa kanilang kapwa mag-aaral sa kabila ng kanilang hindi pagiging
edukado sa ilang mga simpleng bagay na ginagawa sa loob ng laboratoryo, maari
itong magresulta sa mga hindi inaasahang aksidente.
Isang Americanong manunulat at aktibistang pampolitika na
nagngangalang Leroy Eldridge Cleaver, na nagsabing ikaw ay posibleng maging
parte ka ng solusyon o maging parte ka ng problema. Nangangahulugan ito na
ang kawalan ng sapat na kaalaman at dedikadong mananaliksik ay simpleng
pagdagdag sa problema. Bilang Mag aaral ng Baitang 11 Pangkat STEM na
nagaaral, kinakailangang humanap ng sagot at solusyon sa mga problemang
kinakaharap ng mag aaral. Ang pagkakaroon ng sapat ng gamit sa laboratoryo ay
makakatulong sa pag unlad ng kakayahan ng mag-aaral. Kailangan ng magaaral
ng kagamitan upang makapagsanay, at makagawa ng ibat ibang aktibidad na may
kinalaman sa siyensya na tumutugma sa trabahong kanilang pipiliin.
Ayon sa isang aklat na pang-akademiko, ang Conceptual Science and
Beyond, ang isang eksperimento ay nagbibigay ng payak na impormasyon ukol sa
sanhi at bunga ng isang teorya. Ang teoryang nabubuo natin ay nakatutulong
upang mabuo sa isip ng mga estudyante ang mga inaasahang resulta base sa
pananaliksik na gagawin. Ito ay isang patunay na mahalaga talaga ang mga
kagamitan sa laboratoryo lalo na para mapalawak and mga kaalaman at
mapaunlad ang kakayahan ng mga estudyante mula sa STEM. Ang mga
pagsasagawa ng eksperimento sa laboratoryo tulad ng pag-oobserba sa
maykroskop, paggawa ng mga modelo ng bahagi ng katawan, mas malalim na
pag-aaral sa mga katangian at kaligiran ng mga kemikal ay isa sa mga dapat
talakayin sa strand na ito. Sa pagsasagawa ng panimulang pananaliksik, ang
interes ng mag-aaral ay lalong lumalawak na nagtutulak sa kanila na gumawa ng
mga eksperimento, mas hasain pa ang kaalaman, at mas malalim na pag-iintindi
sa mga kumplikadong paksa sa STEM.

1
Layunin ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng pananaliksik upang matukoy ang
mga negatibong epekto ng kakulangan ng sapat na kagamitang pang-laboratoryo
para sa mga estudyante ng GRADE 11 STEM sa Arellano University Jose Rizal
High School. Mga gabay na katanungan:
1. Paano nakakaapekto sa iyo bilang isang mag-aaral mula sa STEM ang
kakulangan ng mga kagamitan sa laboratoryo?
2. Paano nakaaapaketo sa mga guro ang kakulangan ng mga
panlaboratoryong kagamitan?
3. Sa iyong palagay, ang kakulangan ba ng mga kagamitang ito ay hadlang
sa paghasa ng iyong potensyal na kakayahan bilang isang estudyante mula
sa STEM? Ipaliwanag ang iyong sagot

Saklaw at Delimitasyon
• Ang pag-aaral na ito ay naglalayong itaas ang kamalayan tungkol sa isyu
ng hindi sapat na bilang ng mga laboratoryo at kagamitan.
• Nilimitahan ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa Grade 11 STEM
Students ng Arellano University na nakakaranas ng masamang epekto ng
kakulangan ng mga kagamitan at kagamitan sa laboratoryo.
• Ang pag-aaral ay magaganap sa loob ng campus upang higit na tumuon sa
pagpapaunlad ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ng STEM.
• Sa pangkalahatan, ito ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mag-aaral. Bukod
dito, ito rin ay magkaakaroon isang makabuluhang papel sa mga
estudyante ng STEM.

Depinisyon ng mga Katawagan


• agham - ito ang sistema ng kaalaman na naghatid sa tao mula sa
pagiging sinauna hanggang sa pagiging moderno
• datos - koleksyon ng mga impormasyong ginagamit sa eksperimento o
pananaliksik delimitasyon - limitasyon ng pag-aaral at mga kalahok nito
• eksperimento - isang sistematikong pamamaraan upang patunayan,
pabulaanan, o pagtibayin ang isang teorya
• kalahok - mga taong sumagot ng sarbey
• kapnayan - Chemistry
• lagom - isang maikling sulatin na mula sa isang teksto o artikulo na
isinulat muli gamit ang sariling pamamaraan
• pananaliksik - pagtuklas o pagsubok sa isang teorya para sa paglutas ng
isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kasagutan
• papel-pananaliksik - produkto ng isang proseso ng paghahanap ng mga
makatotohanang impormasyon

2
Kaugnay na Literatura
KABANATA 2: REBYU N G KAUGNAY NA LITE RATURA AT PAG-AARAL

Lokal na Literatura

Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. José Protacio Rizal Mercado


y Alonso Realonda, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Samakatuwid,
obligasyon natin patunayan ito. Ngunit paano natin matatamo ang hangad na
layunin kung hindi tayo uusad mula sa nakaraan?

Lokal na Pag-aaral

Ang mga laboratoryo sa eskwelahan ay dapat magkaroon ng sapat na


kagamitan para sa mas malalim na kaalaman. Ito ay pinag aralan ni De Jong T,
Linn and Zacharia. At ito ang iba pang pag aaaral galing kay M. Alerta, base sa
kanyang pag aaral sa aparato sa sinabing laboratoryo hindi lang ito basehan ng
karunungan bagkus ito ay nakatutulong sa mga estudyante para madaling makita
at maintindihan nang malinaw ang teyorya ng agham. Ang pagpapaganda sa mga
gamit panlaboratory ay mahalaga para sa estudyante upang madiskubre ang mga
bagong bagay at makalikha ng bagong imbensiyon, ngunit kailangan rin nila ng
maayos o mabuting pag alalay at diskusyon para masulusyunan ito agad.
Noong Marso 2017, isang insidente ang nangyari sa Manila Science High
School na kinasasangkutan ng aksidente sa laboratoryo. Batay sa impormasyon
na natanggap ng pamahalaan ng lungsod, tatlong studyante, isang guro, at janitor
ay naexpose sa mercury pagkatapos mabasag ng isa sa kanila ang lalagyan na
naglalaman ng kemikal. Sinasabi dito na dapat ay magdoble ingat kapag nasa loob
ng laboratoryo at dapat meron tayong sapat na kaalaman sa paggawa ng mga
eksperimento.
Dito sa Pilipinas, hindi sapat ang aming kagamitan para sa Science
Laboratory namin lalo na sa elementarya at sekondaryang pag aaral. Ang
kakulangan ng pasilidad ng agham ay may malaking epekto sa pag aaral ng
Science at Mathematics na nakakita ng hindi magandang pagganap at sa iskor ng
mga studyanteng pilipino sa iba't-ibang pagsusuri. Ang paghahanda sa pagtuturo
ng mga guro sa pampublikong paaralan sa agham ay isa ding kadahilanan ng pag
aaral. Meron lamang konting guro na kwalipikadong magturo ng Science at
Mathematics. Bagaman dumadami na ang bilang ng miyembro ng guro sa
Science, kailangan padin nilang ipagpatuloy ang propesyonal na pag-unlad tulad
ng pagsasanay at pagbibigay ng sapat na pagsasanay.

3
Banyagang Literatura

Ang aritkulong sinulat ni Kenneth Jaglinski ay nagsasaad kung paano


nawalan ng partial vision ang isang technician dahil sa kemikal. Ang redistillation
ng benzene ay isinagawa ngunit sa kadahilanang walang partikular na technician
ang responsable na mag seset-up ng distilling apparatus, kahit sinong mga tauhan
ay makagagalaw niyo sa laboratoryo. Isang araw, sinet-up ni Joe Tech ang
distilling flask. Habang sineset up niya ito, kinuha niya ang narrow bore condensing
unit, kahit na may label itong pang benzene lamang dapat. Natapos niya ang set-
up at sinimulan ang distilling bago sya lumabas at kumain ng tanghalian. May
isang technician na nagngangalang Sally na mabilis na pumunta sa area at
pagpunta nya doon, ang flask ay sumabog sa kaniyang mukha at dahil don ay
naging sanhi ito ng kaniyang pagkabulag sa isa niyang mata.
Base kay Danjuma and M.O Adeleve, ang kanilang pag aaral ay sinusuri
kung ano ang epekto ng pagkakaroon ng epektibong paggamit ng materyales gaya
ng mga karaniwang laboratory apparatus sa attitude ng mga magaaral sa Physics
at ang kanilang interes sa asignaturang iyon. Limang mag aaral at isang guro at
pagpili ng ibat ibang senior high school sa Karu Local Government Area of
Nasarawa State ang ginamit sa pagaaral. Ang resulta ay nagpapakita na ang
malaking hadalang sa epektibong pagtuturo sa physics sa mga paaralan ay hindi
lamang ang kakulangan ng kinakailangang kagamitan sa laboratoryo kundi dahil
sa kakulangan sa paggamit nito.

Banyagang Pag-aaral

Base sa 2016 A-Level Examination Results na inilabas ng Education


Service, ang general pass rate ay naitala ng 89.5 percent, ito ay nakapagtala ng
0.3 percent improvement na galing sa 2015 performance. Ang mga resulta ay
nagpapakita rin na 3 lamang sa bawat 21 na pinakamahusay na katunggali sa
agham ay mga batang babae. Sa anumang kaso kahit na mataas ang pass rate,
ang mga instructors at understudies ay pinanatili na tanggalin ang mga sagabal
na materyales na gagamitin sa sentro ng pananaliksik, sinasabi na ito ay
nakakagulo lamang sa paghahanda para sa National Examinations.
Ang kaugnayan ng science laboratory at mga kagamitan para sa pagtuturo
ng agham ay nakasalalay ang mga ito upang mapabilis ang praktikal sa agham.
Ang praktikal sa agham ay itinuturing na isang susi upang ang pag-aaral ng agham
ay mas lalo pang maging epektibo. Ito din ay nagbibigay ng karanasan sa mga
mag-aaral ng agham at nahahasa ang kasanayan sa agham, kaalaman at pag-
unawa sa mundo nito.

4
Metodolohiya KABAN ATA 3: M ETOD OLOHIYA AT PAMAM ARAAN N G PAN ANALIKSIK

Nilalaman ng kabanatang ito ang proseso na ginamit sa aming


pananaliksik. Mga kasagutan ng mga respondente, mga instrumentong ginamit ng
mananaliksik upang makalap ang datos, pagsasama-sama ng datos, at ang
paginterpreta sa datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng kwalitatibong uri ng


pananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng “Qualitative Survey Research
Design” na gumagamit ng mga talatanungan upang makalikom ng datos.
Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyo para sa paksang ito
sapagkat mas maiintidihan at mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa
maraming populasyon.
Limitado lamang ang bilang ng tagasagot sa talatananungan. Ngunit ang
uri ng disenyong ito ay hindi naka depende sa dami ng mga respondent. Kung
kaya’t lubos na mauunawaan ng mga mananaliksik mga impormasyong kanilang
malilikom.

Respondente at Populasyon

Tinutukoy dito ang mga respondente ng sarbey, kung ilan sila, bakit at kung
paano sila napili. Ang kabuuang populasyon na nais pag-aralan ng mananaliksik
ay binubuo ng lahat ng mga pang-umagang mag-aaral na Senior High School sa
Arellano University, Jose Rizal High School.

Respondente ng Pananaliksik

Ang mga respondente ay kinuha ng mananaliksik mula sa populasyon at


ang magsisilbing tagasagot sa mga katanungan ng pag-aaral. Ang mga
respondente sa pananaliksik ay binubuo ng tatlompung mag-aaral mula Grade 11
STEM-1A at 2A mula sa Arellano University, Jose Rizal High School.

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente

Ang mga pamamaraang ito ang tutulong sa mananaliksik na makapili ng


mga respondent sa kanilang pag-aaral. Upang makakuha ang mananaliksik ng
nais na impormasyon ukol sa paksa. Ginamit ang “purposive sampling technique”

5
na kung saan ay pipili ang mga mananaliksik ng respondenteng sa tingin nila ay
karapatdapat at naaayon sa kanilang paksa.

Instrumento sa Pampananaliksik

Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng datos upang mas


maunwaan ang saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang
relayabiliti ng datos. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong
pananaliksik na gumagamit ng sarbey at kwestyuneyr bilang instrumento. Ginamit
ang instrumento upang mas maintindihan at mapaigi ang kaalaman ukol sa
kakulangan ng kagamitang pang laboratoryo ng eskwelahan.

Proseso sa Pagsusuri ng Datos

Ang mga nakalap na datos mula sa sarbey at kwestyuner ay susurii ukol


sa nilalaman o content analysis. Ang mga impormasyon at datos ay ibubuod
upang mas lalo pa itong maunawaan. Ihahanay ang mga nakalap na datos na
naaayon sa kwantitatibong pamamaraan. Ngunit ang pinakapinal na pag-
aanalisa ay ilalahad sa kwalitatibong paraan.

6
KABAN ATA 4: PAGLALAH AD, PAGSU SURI AT PAGPAPAKAHULU GAN NG M GA
DATOS

PAGSU SURI N G D ATOS

Interpr etas yon ng D atos

Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos


1. Naranasan mo na bang gumamit ng kahit anong uri ng kagamitang pang
laboratory sa paaralang ito?
Mula sa 60 respondents mula sa Grade 11 STEM Students 39 mga
estudyante ang piniling titik A kung saan oo, samantalang 21 sa kanila ang napili
titik B na hindi. Upang ibuod ang katanungan, ang animnapu't limang porsiyento
na nagsasabing oo ay napakalaki kumpara sa tatlumpu't limang porsyento na
nagsasabing hindi. Gayunpaman, upang makamit ang layunin na gawing mahusay
ang. mga mag-aaral Ang paaralan ay dapat na matiyak na ang lahat ng mag-aaral
ay may karanasan at alam kung paano gamitin ang laboratoryo. Animnapu't limang
porsiyento tulad ng pagsusulit ay hindi sapat at ang natitirang tatlumpu't limang
porsiyento ay dapat matugunan ng pansin.

2. Paano nakakaapekto sa iyo bilang isang mag-aaral mula sa STEM ang


kakulangan ng mga kagamitan sa laboratoryo?
Mula sa 59 na mga kalahok mula sa STEM ng ikalabing-isang baitang, 33
na mag-aaral ang sumagot ng unang pagpipilian, na sinasabi na sila ay
mahihirapan sumabay sa ibang mga mag-aaral na bihasa na sa iba't ibang uri ng
mga eksperimento.
25 naman ang sumagot sa ng ikalawang pagpipilian na nagsasabi na ang
hindi pagiging pamilyar ng mga estudyante sa mga kasangkapan ng laboratoryo
at kagamitan ay makapagpapakomplikado ng kanilang paglinang sa kakayahan.
Sa 59 na kalahok, 2 ang sumagot ng titik C na nagsasabing wala silang anumang
kaalaman tungkol sa sinabi paksa.
Bilang konklusyon, napatunayan ng mga kasagutan ng mga estudante na tunay
ngang makaaapekto sa kanila ang kakulangan ng panlaboratoryong kagamitan.

3. Alin sa mga eksperimento o pagsasanay na ito ang nasubukan mo na?


Sa tanong na ito, karamihan sa aming mga kalahok ay pinili ang titik B, 28
ang pumili dito. Habang 20 ng mga ito pinili ang titik C, ang 13 naman ay sumagot
ng titik A. Samantala, titik D naman ang may pinakamababang bilang ng sumagot
dito.
Bilang resulta, marami sa kanila ang pumili ng titik B, ito ay ang pagmamasid sa
pamamagitan ng maykroskop dahil ito ay ang pangunahing o isa sa mga batayan
pagdating sa paggamit ng laboratoryo. Isa pang dahilan nito ay upang makita ang
mga maliliit na bagay sa mas pinalaking bersyon nito.

4. Paano nakaaapaketo sa mga guro ang kakulangan ng mga


panlaboratoryong kagamitan?
37 sa 59 na mag-aaral ang nagsabing maaapektuhan ang stratehiya ng
mga guro sa pagtuturo dahil sa problemang ito, habang 20 naman ang nagsabing
maaaring ang mga guro pa mismo ang bumili ng mga simpleng kagamitan para

7
laman maipakita ang gamit nito nang maayos kanilang mga estudyante, at may
mga sumagot rin na mga mag-aaral ng mga kasagutang wala sa pagpipilian.
Nang makuha ang resulta, napatunayan lamang na nararapat talagang
tutukan ang paggamit mg mga estudyante ng laboratoryo at ng mga kagamitan
dito.

5. Ilang beses ka nang nakagamit ng laboratoryo sa taong ito?


Sa mga datos na nakalap, 32 ang sumagot na hindi pa sila nakakagamit ng
laboratoryo sa taong ito. 21 naman ang nakagamit na ng isa hanggang apat na
beses ng mga alinmang laboratoryo sa paaralang ito. 4 naman sa ikatlong
pinagpilian, at 2 ang nagsabing maraming beses na sila nakagamit ng laboratoryo.
Dalawang kalahok lamang na nagsabing maraming beses na silang
nakagamit ng laboratory, maaaring ang science laboratory o and computer
laboratory. At dahil ang pinakamaraming kasagutan any ang unang pinagpilian,
isinasaad nito na tunay ngang hindi gaanong nagagamit ang laboratory.

6. Alin sa mga kagamitang nasa listahan ang alam mong gamitin?


Sa 59 na kalahok, karamihan sa kanila ay mayroon lamang hindi tataas sa
dalawang kagamitang panlaboratoryong alam na gamitin. Pinatutunayan lamang
nito na dapat ay mas gawin pa silang pamilyar at ipakilala pa ang mga kagamitang
panlaboratoryo sa mga estudyanteng ito.

7. Sa iyong palagay, ang kakulangan ba ng mga kagamitang ito ay hadlang


sa paghasa ng iyong potensyal na kakayahan bilang isang estudyante mula
sa STEM?
Ipaliwanag ang iyong sagot. Umabot ng 76% ang nagsabing ang
problemang ito ay hadlang sa paghasa ng potensyal na kakayahan ng isang
estudyante. Base sa mga kasagutan nila, hindi nila maisasagawa nang maayos
ang mga pagsasanay at eksperimento dahil dito. Wika naman ng iba ay nararapat
na maituro pa sa kanila ang paggamit ng mga kagamitang ito. Ang Kapnayan ay
bahagi ng ating kurikulum kaya't marapat lamang na magkaroon ng sapat na
karanasan ang mga mag-aaral sa asignaturang ito. May mga nagsabi naman na
ang kung may dahilan man ang problemang ito, ang problema ding ito ay ang
mismong dahilan kung bakit tila hindi pa handa ang mga mag-aaral mula sa STEM.
Sa kabilang banda, 16% naman ang sumagot na hindi ito nakaaapekto
sapagkat mayroon pa din namang ibang mga paraan upang mahasa ang
potensyal na kakayahan ng isang estudyante. May isang kasagutan din na
nagsasabing hindi naman lahat ng estudyante ng STEM ay nangangarap ng
propersyong may kinalaman sa agham, ang iba ay mahilig lamang talaga sa
Sipnayan o Matematika. 8% naman ang hindi sigurado sa kanilang kasagutan
dahil kahit pa man may ibang paraan upang matuto, kakailanganin pa din natin
ang mga pagsasanay na ito sa ating buhay.

8
Lagom
KABANATA 5: LAGOM, KONKLUSYON AT REK OMENDASYON

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang epekto ng kakulangan


sa kagamitan ng laboratoryo sa mga studyante sa Arellano University, lalong lalo
na sa mga studyante ng STEM. Ang sarbey na ito ay ginawa para lamang sa 59
na studyante ng STEM. Nakasaad sa sarbey na ito ang mga primaryang
impormasyon tungkol sa mga estudyante at ang mga nilalamang tanong ay
tungkol sa kakulangan ng kagamitan sa laboratoryong pang agham. Lahat ng
respondente ay nararapat lamang sumagot sa tanong na ginawa ng mga
mananaliksik nang totoo at naaayon sa kanilang damdamin. Ang mga
mananaliksik ay gumawa ng sarbey para malaman ang mga epekto ng kakulangan
ng kagamitan sa laboratoryo, at para malaman kung may kaalaman ba sila sa
paggamit ng kahit anong kagamitan na nasa loob ng laboratoryo ng agham. Batay
sa sarbey, nalaman ng mga mananaliksik na karamihan sa mga studyante ay may
kaalaman sa paggamit ng mga kagamitan sa laboratoryo ng agham.
Ganunpaman, may mga studyante parin na sumagot na wala silang kaalaman sa
paggamit ng mga kagamitan sa laboratoryo.

Konklusyon
Bilang resulta ng aming pag-aaral, napag-alaman namin ang tunay na
sitwasyon ng mga estudyante ng STEM pagdating sa kakulangan ng kagamitan
ng laboratoryo. Nilalayon din nito na magkaroon ang Arellano University ng
kamalayan sa problemang ito dahil ang kanilang estudyante ng STEM sa Senior
High School ay halos hindi pa makasabay sa mga ibang paaralan patungkol sa
mga aktibidad na panlaboratoryo at experimento. Ito ay napatunayan sa
pamamagitan ng pagkalap ng datos na dumaan sa proseso ng pagsasarbey, na
ang naging kalahok ay ang mga estudyante ng STEM mula sa ikalabing-isang
baitang sa Arellano University Jose Rizal High School.

Rekomendasyon
Inirerekomenda ng mga mananaliksik na ang Arellano University ay dapat
magkaroon ng sapat na mga kagamitan at makinarya na makakatulong sa mga
mag-aaral upang madagdagan ang antas ng kakayahan sa kabila ng kanilang
kawalan ng abilidad upang maisagawa ang mga gawain na patungkol sa kanilang
kurso. Nakalahad sa pag-aaral ang pagpapakita ng mga epekto sa mga mag-aaral
ng kakulangan ng mga kagamitan at makinarya sa mga laboratoryo, at kung paano
ito makakaapekto sa paglinang ng mga mag-aaral. Ang mga rekomendasyon para
sa pagsasagawa ay dapat ipanukala sa oras na kailangan nila upang maisagawa
ang mga aktibidad na may kaugnayan sa kanilang kurso na magmumula at
matatapos sa laboratoryo. Ang paaralan ay dapat magbigay ng pangmatagalan at
makabagong kagamitang pang agham at mga kagamitan na maraming gamit
upang matuto ang mga mag-aaral na maging maparaan.

9
Bibliograpiya

Libro
Nadora, Anna Cristina G., Conceptual Science & Beyond K to 12 Edition, Brilliant
Creations Publishinh, Inc.
Merriam Webster's Dictionary New Edition

Websites
http://www.kenpro.org/sampling-procedures/
https://academic.oup.com/labmed/article-
abstract/7/7/17/2641211?redirectedFrom=PDF
https://blog.socialcops.com/academy/resources/qualitative-quantitative-data-
analysis-methods/#section2a
https://sciencefirst.com/the-importance-of-advanced-science-lab-equipment-in-
school-labs/
https://www.google.com
https://www.inquirer.net
https://www.wikipedia.com

10
Appendiks
Survey Questionnaire as A Guide in Research:
1. Have you experienced using any kind of laboratory tools or equipment in our
school?
[ ] a. Yes
[ ] b. No
2. How does insufficiency of laboratory tools and equipment affect you in your
overall studies as a STEM student?
[ ] a. Having trouble in keeping up with other school that practices different kinds
of laboratory experiments/activities
[ ] b. I am unfamiliar with the laboratory tools and equipment
[ ] c. Others (please specify): _
3. Which of the following experiments/activities have you tried?
[ ] a. Dissection of frog
[ ] b. Observation through microscope
[ ] c. Demonstration of uses of laboratory tools and equipment
[ ] d. Others (please specify): ________________________________________
4. In what way does insufficiency of laboratory tools and equipment affect the
teachers?
[ ] a. Some teachers encounter difficulties in attaining specific goals of their
teaching strategy
[ ] b. Teachers would have to provide their own tools just to demonstrate the use
of it to their students
[ ] c. Others (please specify): ________________________________________
5. How many times have you used the science laboratory in this school year?
[ ] a. Never [ ] c. 5-8 times
[ ] b. 1-4 times [ ] d. 9 and above

6. Which of the following laboratory tools are you familiar with? Check as many
as you know
[ ] Beaker [ ] Watch glasses [ ] Safety goggles [ ] Glass slides
[ ] Crucibles [ ] Tongs and forceps [ ] Volumetric flask [ ] Droppers 7.)
[ ] Funnels [ ] Cover slips Do
you think lack of these tools and equipment is a barrier in achieving your full
potential as a STEM student? Why?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________________

11
Curriculum Vitae

First Name: Kirstentahle


Middle Name: Tibegar
Last Name: Cruz
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Male
Age: 17
Date of Birth: November 6, 2001
Place of Birth: Malabon City
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Henry Cruz
Mother's Name: Valentina Cruz
Interests: Camera and Books
Hobbies: Playing online games and reading
books
Dream Profession: Pilot/Communications
Electronics Engineer

First Name: Josh Aaron


Middle Name: Garcia
Last Name: de Guzman
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Male
Age: 16
Date of Birth: June 22, 2002
Place of Birth: Manila
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Ian de Guzman
Mother's Name: Emelita de Guzman
Interests: Animations and Drawings
Hobbies: Playing computer games
Dream Profession: Engineer

12
First Name: Charlemagne
Middle Name: Bohol
Last Name: Gaddi
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Male
Age: 17
Date of Birth: March 29, 2002
Place of Birth: Manila
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Gil Gaddi
Mother's Name: Rhea Gaddi
Interests: Happiness, Money, Traveling
Hobbies: Playing online games
Dream Profession: Pilot

First Name: Charles Brian


Middle Name: Bernal
Last Name: Partosa
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Male
Age: 17
Date of Birth: June 27, 2001
Place of Birth: Caloocan City
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Patrick Partosa
Mother's Name: Adona Partosa
Interests: Team Sports/Video Games
Hobbies: Playing computer games
Dream Profession: Engineer

13
First Name: Junje
Middle Name: Maynite
Last Name: Tabios
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Male
Age: 17
Date of Birth: October 3, 2001
Place of Birth: Samar
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Jose Tabios
Mother's Name: Lina Tabios
Interests: Happiness and Health
Hobbies: Playing games Dream
Profession: Civil Engineer

First Name: Cyril Denise


Middle Name: Casidsid
Last Name: Bonifacio
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Female Age: 17
Date of Birth: November 29, 2001
Place of Birth: Caloocan City
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Dennis Bonifacio
Mother's Name: Cynthia Bonifacio
Interests: Music and Calligraphy
Hobbies: Listening to music
Dream Profession:
Pharmacist/Dentist/General Surgeon

14
First Name: Erika Mei Middle
Name: Fulgencio
Last Name: Mendoza
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Female
Age: 17
Date of Birth: September 28, 2001
Place of Birth: Marikina City
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Edwin Mendoza
Mother's Name: Abigail Mendoza
Interests: Sports
Hobbies: Playing Sports
Dream Profession: Civil Engineer

First Name: Flordeliza


Middle Name: Ifsor
Last Name: Obong
Section: Grade 11 - STEM 1A
Gender: Female
Age: 17
Date of Birth: March 20, 2002
Place of Birth: Navotas City
Marital Status: Single
Nationality: Filipino
Religion: Catholic
Mother Tongue: Tagalog
Father's Name: Eutique Obong
Mother's Name: Quilina Obong
Interests: Wattpad stories
Hobbies: Reading Wattpad stories
Dream Profession: Accountant

15

You might also like