You are on page 1of 32

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sinasabi na ang bansang Pilipinas ay unti-unti nang umuunlad at

nakasasabay na sa iba pang bansa sa Asya, lalo na may kaugnay sa

programang pagpapaunlad ng ASEAN Intergration 2015. Kaakibat ng mga pag-

unlad na ito ay ang napakaraming pagbabago sa kapaligiran. Makikita ang mga

pagbabagong ito sa pananamit, pag-uugali at kahit nga ang pamumuhay ng mga

Pilipino ay nahaluan na rin ng pagbabago. Halimbawa nito ay ang paggamit ng

kalan o “electric stove” sa pagluluto na dati ay kalang de uling lamang.

Kung pag-uusapan naman ang komunikasyon, nagkaroon na rin ng

malaking pagbabago. Noon, ang ginagamit upang makapagpadala ng mensahe

ay liham, na minsan ay inaabot ng isang buong araw para makuha ng

pinadalhan pero ngayon, gamit lamang ang cellphone, telepono o mga “social

network sites” mababasa na ang mensahe sa loob ng ilang segundo lamang.

Isa sa nagdulot ng mga pagbabagong ito ay ang teknolohiya. Malaki ang

nagiging epekto ng mabilis na pag-usbong nito sa pamumuhay ng mga tao dahil

ito ay nakakatulong sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang teknolohiya ay

mabilis na nagpapabago sa maraming aspekto sa lipunan, at higit na malaki ang

epekto nito sa mga kabataan (Castrodes et. al., 2012). Patunay lamang ito na

kailangang magamit ang teknolohiya upang mapaunlad ang kaalaman ng mga

kabataan.

1
Sa buhay mag-aaral ay malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa dahilang

maaari nilang gawin o tapusin anuman ang itakda ng guro sa malinaw at

malikhaing paraan.

Kaugnay ng pagbabago at pag-unlad ng bansa na pangako ng ASEAN

Integration 2015 ang pagbabago sa larang ng edukasyon. Ang edukasyon ay

may napakahalagang tungkulin na ginagampanan tungo sa pag-unlad ng isang

bansa ngunit ito ay naapektuhan ng pabago-bagong panahon, kapaligiran at

kaugalian ng mga tao (Bracero, et. al., 2007). Ayon pa sa libro nina Sampath et.

al. (2007), “Learning usually involves both a student and a teacher. But in some

of the recent innovations of the educational system, the teacher needs not be

physically present to teach.” Kaya’t ginagamit na rin ng mga guro ang mga

makabagong kagamitan na bunga ng teknolohiya bilang kagamitang

pampagtuturo, sa pamamagitan nito ang iba’t ibang kakayahan at karanasan ng

mga mag-aaral ay napapaunlad. May malaki ring bahaging ginagampanan ang

guro sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral. Kaugnay nito ang mga

kagamitang pantulong sa pagtuturo katulad ng LCD projector, kompyuter, lapel at

marami pang iba. Ang mga bagay na ito ay nagiging makapangyarihang

instrumento upang maging makabuluhan ang paglinang ng kaalaman sa mga

mag-aaral.

Ayon kay Jonassen (2008), “Knowledge is embedded in the technology

and technology presents that knowledge to student”. Kaugnay nito ang sinabi

nina Halal and Liebowitz (1994), “as the technological key to future education,

multimedia is defined as “a powerful combination of earlier technologies that

constitutes anextraordinary advance in the capability of machines to assist the

2
educational process.” Sinasabi na malaking tulong sa pag-aaral ang mga

makabagong pampagtuturo gaya ng mga makabagong teknolohiya na nagiging

daan din ng mga guro upang maging motibasyon sa kanilang mga estudyante.

. Sa mabilis na pagsulong ng kompyuter at iba pang uri ng teknolohiya

tulad ng multi-media, nagagawa na ngayon na isama ang teknolohiya ng multi-

media sa pagtuturo at proseso ng pagkatuto. Ang noon na kumbensiyunal na

pagtuturo na nakasentro lamang sa guro ay unti-unti nang napapalitan ng

pagtuturo na nakasentro naman sa mga mag-aaral. Ang tradisyonal na

nilalaman ng mga aralin ay maaari nang mabago sa mas interaktibong

pamamaraan. Ang pagsasama ng multi-media sa pagtuturo at pagkatuto ay

may hangaring mabago ang estratehiya ng pagtuturo sa mga institusyong

edukasyonal.

Sa kasalukuyang lagay ng edukasyon sa Pilipinas, maraming mga

paaralan at institusyon ang gumagamit ng mga makabagong kagamitan sa

pagtuturo at pag-aaral. Ang tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo,

bagaman buhay pa rin ay unti-unting napapalitan na ng modernong paraan .

Ayon nga kay Hidalgo (2000),  sa modernong pagtuturo at teknolohikal na

pagbabago sa ika – 21 siglo, ang pokus ay sa kumpetisyon sa mga paaralan

ngayon. Kaya naman marami nang paaralan at institusyon ang gumagamit na

mga makabagong kagamitan sa kanilang pagtuturo. Simpleng yeso at pisara

lamang ang gamit noon sa pagtuturo ngunit ngayon ay gumagamit na ang mga

guro ng “Overhead projector” upang ipakita ang kanilang paksa.

Kaugnay nito, ang kurikulum pang-edukasyon ng Pilipinas ay muling

nabago. Ayon sa Enhanced K-12 Educational program paper ng DepEd, “the


3
new curriculum would give students more time to master competencies and skills

as well as time for other learning opportunities beyond the classroom, thus

allowing for a more holistic development”. Ninanais malaman ng mga

mananaliksik kung umaayon ang mga makabagong kagamitang pampagtuturo

sa guro at sa binagong kurikulum. Ito’y makakatulong sa paghubog ng kabuoan

ng mga mag-aaral. Mahalagang may kaugnayan ang kurikulum at paraan ng

pagtuturo ng mga kurso, upang mapataas ang kalidad ng edukasyon.

Para nga kay Jean Piaget sa kanyang teoryang Constructivism Learning

Theory (Kneller, 1998), di  siya sumasang-ayon sa paraang tradisyonal. Nakita

niya na bilang isang mag-aaral ay kailangang malinang ang kanilang kognitibong

aspekto at ibigay ang ebidensyang ito mula sa alternatibong pagtuturo gamit ang

siyensya at iba’t ibang panteknolohiyang kagamitan. Naniniwala siya na mas

magiging makatotohanan ang pag-aaral ng mga mag-aaral kung gagamit ang

guro ng mga makabagong teknolohiya sa kanyang pagtuturo.

Paglalahad ng Suliranin

Ang saliksik na ito ay naglalayong alamin ang antas at epekto ng

makabagong kagamitang pampagtuturo sa mga guro sa RTU-LHS. Gayundin

ang kaugnayan ng mga iyon.

Susubukan ding sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo?

4
2. Ano ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo?

3. May makabuluhan bang kaugnayan sa pagitan ng antas ng paggamit at

antas ng epekto ng mga makabagong kagamitan?

Saklaw at Hanggahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kaugnayan ng antas ng

paggamit at epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo sa RTU-

LHS. Ang mga tagatugon bilang sampol ay kinuha mula sa kabuoang

populasyon ng mga guro sa RTU-LHS.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang iba’t ibang makabagong

kagamitan, kahalagahan ng makabagong kagamitan sa pagtuturo, tulong nito sa

guro, antas ng paggamit nito at epekto ng mga kagamitang ito. Gamit ang

angkop na kaalaman ay masusuportahan nito ang bisa ng kagamitang

pampagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga guro,

magulang at paaralan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga

mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Mapauunlad din ng pag-aaral na ito ang

kaalaman tungkol sa mga makabagong kagamitang pampagtuturo na ginagamit

sa makabagong panahon.

5
Mga Tagapamahala ng Paaralan. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang

matugunan ng paaralan ang mga pangangailangang kagamitan ng mga guro at

maipatupad ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Sa Punongguro ng RTU-LHS. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay ng

Punongguro sa pagbuo ng mga plano, hakbangin at programang magbibigay

tuon sa kahalagahan nang paggamit ng mga makabagong kagamitan sa guro at

mag-aaral.

Mga Guro. Ang magiging bunga ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga

guro upang malaman ang kaangkupan ng mga makabagong kagamitan sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay.

Mga Magulang. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang

naunawaan at masuportahan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak

sa pagkatuto sa loob ng paaralan.

Mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang maging bukas sa

isipan ng mga mag-aaral ang importansya, katuturan, at kaugnayan ng mga

kagamitang pampagtuturo na ginagamit ng kanilang mga guro.

Mga magiging Guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang maihanda

sila sa mga posibleng pagbabago sa mga kagamitang pampagtuturo na maaari

nilang magamit sa hinaharap.

Mga mananaliksik sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito

mabibigyan ng patnubay, karagdagang kaalaman, at kalinawan ang iba pang

mananaliksik tungkol sa paksang kanilang bubuoin.

6
Depinisyon ng mga Termino

Ang mga termino ay binigyang kahulugan batay sa pagkakagamit nito sa

pag-aaral.

Antas ng Paggamit. Ito ay tumutukoy sa dalas ng paggamit ng mga

makabagong kagamitang pampagtuturo.

Epekto ng Kagamitan. Ito ay bunga mula sa paggamit ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo.

Kagamitang pampagtuturo. Ito ay mga babasahin, pagsasanay at kagamitan

na makakatulong sa mga guro upang maging matagumpay ang proseso ng

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kompyuter. Ito ang makinang elektroniko na gumagamit ng digital signal sa

pagpoproseso ng mga kumplikadong problema sa matematika, paggawa ng mga

pormal na dokumento o ulat, pagtatago ng datos o programa upang mapadali

ang gawain, at paglilibang (UP Diksyunaryo, 2010).

Lapel. Ito ang kagamitang pampagtuturo na tumutulong upang lumakas ang

boses ng isang guro.

LCD Projector. Ito ang aparatong ginagamit sa pagsasalin ng imahen sa

iskrin,gaya sa pelikula o puting-tabing (UP Diksyunaryo, 2010).

Makabagong Kagamitan. Ito ang mga kasalukuyang instrumentong elektroniko

na nagpapabilis ng mga karaniwang gawain.

RTU-LHS. Ito ay tumutukoy sa Rizal Technological University-Laboratory High

School, napiling paaralan upang gamitin sa pag-aaral.


7
Telebisyon. Ito ay mabisang kagamitang tanaw-dinig sa silid-aralan (Abad,

2001).

Teknolohiya.Ito ang mga kagamitang nakakatulong sa mga tao upang mapadali

ang mga gawain at mas mabigyang buhay pa ang mga bagay-bagay.

8
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga

babasahin na may kinalaman sa mga kagamitang pampagtuturo, epekto at antas

ng paggamit nito. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa

napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng Edukasyon.

Makabagong Kagamitan sa Pagtuturo

Sa mga huling dekada ng ikalabinsiyam na siglo nagsimulang magkaroon

ng ibayong pansin sa pangangailangan ng mga kagamitang pampagtuturo.

Bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang

magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pag-aaral, ang guro ay

gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo (Abad, 2001). Dagdag pa ni Lee

(2013), marami pa ring guro sa mga paaaralan, pribado at pampubliko, ang

gumagamit ng tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo na kanilang nahasa sa

maraming dekada. Marami pang pamamaraan ang di lubusang nabubungkal ng

mga guro na matatagpuan sa internet.

Ayon nga kina Halal at Liebowitz (1994), “The choice of instructional

materials can have an impact as large as or larger than the impact of teacher”.

Nangangahulugan lamang ito na kailangang maging angkop ang mga

kagamitang ginagamit ng isang guro sa pagtuturo. Napapanahon at sumasabay

sa pangangailangan ng mga mag-aaral ang mga kagamitang pampagtuturong

gagamitin.

9
Sinabi pa ni Aguilar (2001), ang paglinang ng mga guro ng mga

kagamitang pampagtuturo ay makatutulong nang malaki sa pagtuturo ng hindi

gaanong napakahirap na gawain. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga,

pagtitiis, lakas ng loob at pagiging maparaan ng guro. Kailangang pinag-iisipang

mabuti at hindi lamang sariling kapakanan ang iniisip sa paggamit ng mga

kagamitang pampagtuturo. Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang guro ay

ang masiguro na may matututuhan ang mga mag-aaral sa itinuturo gamit ang

mga kagamitan.

Ayon nga sa pananaliksik, mas higit na natututo ang mga bata kung

buhay ang talakayan sa loob ng silid-aralan. Nakakatulong dito ang magandang

estratehiya ng pagtuturo gamit ang makabagong teknolohiya. Ilan sa maituturing

na makabagong teknolohiya na ginagamit sa pagtuturo ay ang telebisyon, radyo,

projector, lapel at iba pang elektronikong bagay na maaaring gamitin sa

pagtuturo.

Ang pagkatuto ay pagsasaalang-alang sa kakayahan, talino, pananaw,

mga katotohanan at prinsipyo, gayundin, ang mga makabagong teknolohiya at

iba pang impormasyon na patuloy na lumalaganap (Adeyanju, 2003).

Dagdag pa ni Dede (2009), ang mga tao ay gumagamit ng kompyuter at

internet sa iba’t ibang layunin, kabilang na rito ang paglilibang, pang-edukasyon,

pagkuha ng impormasyon at komunikasyon. Nangangahulugan na ang guro ay

dapat magkaroon ng sapat na layunin sa kanyang mga gawain, malinaw dapat

sa mga mag-aaral na hindi lamang panlibang ang gamit ng teknolohiya bagkus

ay upang matuto sa mga aralin.

10
Sinisikap ng mga guro at mga tagapangasiwa ng paaralan na gamitin ang

kompyuter at iba pang electronic devices sa pagtuturo ng mga aralin sa

paaralan. Dulot nito’y mas makabago at mabisang paraan ng pagtuturo na akma

naman sa lipunang kasalukuyang ginagalawan (DepEd Batangas City). Bilang

mga guro, dapat ay napagsasama-sama ang layunin ng paggamit ng elektroniko

upang ang lahat ay maging balanse.

Gayunpaman, sinabi nina Corpuz at Lucido (2008) sa librong Educational

Technology 1 na “ang teknolohiya ay ginawa para sa tao at hindi ginawa ang tao

para sa teknolohiya. Ang teknolohiya ay ginawa para sa guro at hindi ang guro

para sa teknolohiya”. Dagdag pa nina Norton at Wiburg (2003), “ang pinagmulan

ng technology ay ang salitang technique na ang ibig sabihin ay tamang paraan

ng pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa

kanyang mga gawain”. Marapat lamang na gamitin ng guro ang teknolohiya nang

maayos at batay sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Hindi nararapat hayaan

ng isang guro na magpasakop sa teknolohiyang umiiral sa kasalukuyan.

Epekto ng Paggamit ng Makabagong Kagamitan

Lumikha ng pagbabago ang teknolohiya sa tao at lipunan lalo’t higit sa

larang ng pagkatuto, trabaho at pang-araw-araw na pamumuhay (Senarita,

2000). Patunay nito ang talamak na paggamit ng teknolohiya sa anumang bagay

na ginagawa ng tao, halimbawa na lamang sa pagsasaka, noon ay kalabaw

lamang ang katulong ng mga magsasaka pero ngayon ay mga makinarya na

silang ginagamit upang mas maging mabilis at maayos ang kanilang pagsasaka.

11
Kaya naman malaki na rin ang nagiging epekto ng teknolohiya bilang

makabagong kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon nga kay Sen.

Edgardo J. Angara (2011), magagamit ang mga makabagong teknolohiya sa

edukasyon sa Pilipinas at maaaring maging solusyon sa mga problemang

kakulangan sa classrooms, guro at mga libro. Dagdag pa, magiging maganda

ang epekto ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo dahil mapupunan nito

ang mga kakulangang matagal nang hinaharap ng edukasyon sa bansa.

Ayon din kay Riel (2013), ang teknolohiya ay mabilis na nagbabago sa

maraming aspekto sa lipunan at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan

kaya nararapat lamang na pag-aralang mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit

ng multimedia sa loob ng klase upang maibigay sa mga mag-aaral ang mainam

na edukasyon. Malaki man ang tulong ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-

aaral ngunit malaki rin ang magiging epekto nito kung hindi magagamit at

maipapakilala nang maayos sa mga mag-aaral.

Inilabas ni Shepherd (2013) ang teorya na hinggil sa kabutihan ng

“Multimedia” sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Iginiit din niya na may kabutihang

hatid ang paggamit ng “Multimedia” sa klase gaya ng mga sumusunod: nagiging

aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag-aaral; mas nagiging interesado

mula sa mga itinuturo ng mga guro gamit ang “Powerpoint presentation”;

nadadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa teknolohiya at dahil dito ay

hindi sila magiging mangmang o walang muwang sa patuloy na pag-unlad nito.

Ayon naman kay Aquino (2010), ang epektibong pagtuturo ay sa paraan

ng pagtuturo ng isang guro. Ito ay masusukat sa dami ng kaalaman at masusing

pagsasaliksik ng mga makabagong pamamaraan. Kahit gaano kaganda gamitin


12
ang isang kagamitan kung hindi naman ito magandang naibahagi sa klase,

mawawalan pa rin ng saysay ang kagamitang ginamit. Magdudulot lamang ito ng

pagkalito sa mga mag-aaral na makikinig sa mga aralin sapagkat hindi nagamit

nang tama ang makabagong kagamitan sa pagtuturo.

Kung ito naman ay magagamit nang wasto, ito ay nakagaganyak sa

kawilihan ng mga mag-aaral at naglalantad ng iba-ibang kalagayan upang

mapasigla ang pansariling gawain ng mga mag-aaral. Bukod pa rito ay nakapag-

ambag ng iba’t ibang karanasan tungo sa pagkakamit ng kasanayan at

pagkakaroon ng patuloy na interes sa pag-aaral, nagdudulot ito ng mabisa,

kawili-wili, madali at magaang pagtuturo at pagkatuto (Abad, 2001). Isang

halimbawa nito ay ang telebisyon na naghahandog ng materyal na kasiya-siya at

mabuting paglalarawan ng mga bagay na siyang higit na nakakakuha ng interes

at atensyon ng mga mag-aaral.

Ayon nga sa mga sikolohista, ang mga karaniwang ikinikilos at inaasal ng

isang bata ay nababatay sa nakikita at naririnig sa kapaligiran. Ang lakas ng

impluwensiya ng telebisyon ay nangyayari sa isang bata na nagkakaroon ng

pagkaantala sa kakayahang magbasa. Dagdag pa ng American Academy at

Pediatrics (AAP): “ang kabataan ay naiimpluwensiyahan ng media- natututo sila

sa pamamagitan ng pagmamasid at panggagaya. Ang impluwensiya ng media sa

kabataan ang naging dahilan para mabigyang pansin ito ng mga magulang, guro

at propesyonal”.

Sinabi pa sa aklat na Introduction to Educational Technology (2007), isa

sa tulong ng kompyuter sa mga guro ay nakapagbibigay ito ng direktang

interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng paksang tatalakayin sa harap ng


13
klase. Binanggit naman ni Camino (2003), na ang paggamit ng kagamitang

pampagtuturo ay nakatuon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa

kakulangan ng aklat sa Filipino para sa madaling pagkatuto. Nahihikayat din nito

ang mga mag-aaral na aktibong makisali sa talakayan. Sa pamamagitan nito,

mas madaling nauunawaan ng mag-aaral ang araling tinatalakay.

Dagdag pa ni Lee (2013), na marami pa ring guro sa ating mga paaralan,

pribado man o pampubliko, ang gumagamit ng tradisyonal na pamaraan ng

pagtuturo na nahasa sa maraming dekada. Sa ganitong sitwasyon, hindi

magkatugma ang kakayahan ng nagtuturo sa tinuturuan dahil mas maalam ang

mga estudyante sa paggamit ng makabagong gadyet kaysa sa kanilang guro.

May mga guro na ginagamit ang internet sa pagbibigay ng pagsusulit at

iba pang kinakailangan . Sa pamamagitan nito, mas lalong nadadagdagan ang

kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang sa leksyon na gustong matutuhan nila

kundi pati na rin ang pagiging pamilyar sa bagong teknolohiya na ginagamit sa

kasalukuyan.

Ang guro ay dapat matutong makisabay sa interes at sa makabagong

paraan ng pagkatuto ng mag-aaral ngayon upang hindi mapag-iwanan ng

panahon. Hindi sapat ang paggamit ng imahinasyon sa mga bagay na gustong

ipakita sa mga mag-aaral lalo na kung may kakayahan at kagamitan upang

ipakita ito sa kanila.

Dagdag pa, ayon kay Pingol (2011), ang teknolohiya ay may kakayahan

na gawing mas produktibo pa ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan. Mas

14
napapabilis ng bawat estudyante at titser sa impormasyon saan mang dako ng

daigdig.

Antas ng Paggamit ng Makabagong Kagamitan

Ang teknolohiya ay isang mahalagang kasangkapan sa pagtuturo at

maging sa pag-aaral ng isang estudyante. Ngunit anumang taas ng antas ang

abutin ng teknolohiya kung walang sapat at wastong kaalaman tungkol dito na

maaaring magpakalat nito, ito ay balewala rin. Dito pumapasok ang mahalagang

papel ng isang guro bilang eksperto at may malawak na kaalaman sa

teknolohiya. Sa pagtuturo ay kailangang makita na ang guro ay may malaking

kakayahan, mataas na kaalaman, at handang sumabay sa pagbabago ng

teknolohiya upang hindi maiwan sa mabilis nitong pagsulong. Kinakailangan din

maging huwaran ang guro sa responsableng paggamit ng teknolohiya sa

edukasyon tulad ng internet, upang hindi ito makasira ng kabutihang asal at

moralidad sa kabila ng napakaraming mararahas at malalaswang materyal na

lantad na makikita rito. Ang isa pang mahalagang tungkulin ng isang guro ay ang

pagbibigay ng “human touch” o aspekto ng damdamin upang maiparating sa

kanyang mag-aaral na sa kabila ng pag-angat ng teknolohiya ay tao pa rin ang

dapat mangibabaw at magkontrol sa teknolohiya at hindi ang kabaligtaran

(Pitagan, 2012).

Dagdag pa ni Transona (2002), walang kagamitang pampagtuturo ang

maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi

na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo

sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay

nakadepende mismo sa guro pero sinasabi na malaki ang tulong at gamit ng


15
mga kagamitang pampagtuturo sa kadahilanang mas napupukaw nito ang

atensyon ng mga mag-aaral para mas maging aktibo sa klase.

Binanggit naman nina Silivius at Curry (2002), na kailangan pagtuonan ng

pansin ang teknik sa pagtuturo na dapat sinasanay at pinong-pinong inilalahad

ng gurong gumagamit nito upang ang pamamaraan ay mas maging epektibo

kapag ginagamit ang tiyak na kagamitang pampagtuturo. Ang mga guro ay tulad

din ng mga mag-aaral na may iba’t ibang kakayahan at abilidad sa pagtuturo. Sa

bawat araw na nagdaraan, ang guro ay may iba’t ibang teknik at pamaraan sa

pagtuturo na hindi dapat mawala o maubusan dahil dito nakasalalay ang

ikagaganda ng bawat aralin.

Para kay Panambo (2008), ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo

at pag-aaral ay ang pagkatuto ng mga mag-aaral na nakasalalay sa mabuting

paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nagpaplano at

nagdedesisyon sa pamaraang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na

nais makamtan ng mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan

ng mga mag-aaral at gayundin sa uri ng paksang-aralin at kursong kanyang

ituturo. Kaya nga sinasabi na ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay

ginagamit ng mga guro upang kunin ang atensyon ng kaniyang mag-aaral

(Bracero, et al., 2007). Sa makabagong panahon ngayon, malaki ang magiging

tulong sa mga guro kung gagamit sila ng mga kagamitang pampagtuturo para sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

 Makakatulong din sa pagpapabuti ng kalagayan ng pagtuturo ang

pagkakaroon ng mga guro ng pag-iisip na tumitingin sa magkabilang panig.

Kailangan din ng mga guro ang patuloy na paghahasa sa kanilang kaalaman at


16
propesyon, pananaliksik sa iba pang paraang makatutulong sa pagpapabuti ng

pag-aaral ng mga mag-aaral (Mickshey, 2011).

Sa pag-aaral ni Mickshiey (2011) mula sa inilimbag na aklat ni Mayos

(2008), sa mga guro ng Filipino, kailangang pag-iba-ibahin ng guro ang kanyang

pamamaraan at estratehiya sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Dagdag pa

sa pag-aaral mula sa aklat nina Mayos et. al (2008), ang paggamit ng iba't ibang

pamamaraan   sa pagtuturo ay siyang kinagigiliwan ng mga mag-aaral. Ito ang

paggamit ng alternatibong pagtuturo sa karaniwang paksa. Pinatunayan ito ng

resulta ng pag-aaral ni Anosans (2011) na kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang

gurong gumagamit ng iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo sapagkat

nabubuhay nito ang kanilang atensyon at interes. Lalo na ang paggamit ng

telebisyon at ibang teknolohiya sa loob ng klase dahil napupukaw ang interes ng

mga mag-aaral at may mataas na lebel ng pagkatuto.

Higit na mahalaga ang pagkuha ng guro ng atensyon ng mga mag-aaral

at paraan ng pagiging aktibo ng klase sa pamamagitan ng mga iba’t ibang teknik

na gagamitin.

Sintesis

Ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay may malaking

gampanin sa edukasyon. Kagaya nga ng sinabi nina Anosans at Bracero, hindi

maitatanggi na malaki ang naitutulong ng makabagong kagamitan sa mga guro

dahil nakukuha nito ang interes ng mga mag-aaral na siyang nag-aangat ng lebel

ng pagtuturo. Isa itong paraan upang magkaroon ng masiglang talakayan sa

klase, ang guro ay kinakailangan lamang na pumili ng gagamiting kagamitan

17
upang maging akma ito sa paksa. Kapag nakapili ng tama, nagdudulot ito ng

mabisa, kawili-wili, madali at magaang na pagtuturo ayon kay Abad (2001).

Ang mga kabataan sa ngayon ay nahihilig na rin sa mga teknolohiya kaya

madali para sa kanila na makasabay sa ganitong paraan ng pagtuturo. Ayon nga

sa tatlong teoryang inilabas ni Sheperd na ang “Multimedia” ay mayroong

kabutihang naidudulot sa mga mag-aaral. Dagdag pa ni Pingol (2011) na may

kakayahang gawing produktibo ng teknolohiya ang kalidad ng edukasyon.

Kaakibat ng paggamit nito ay ang inilahad ni Mayos at Mickshey na bilang guro

ay mas mainam kung sasamahan ng magandang estratehiya at pamamaraan

ang pagtuturo upang mas mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Samakatuwid, kung gagamit ng makabagong kagamitan ang mga guro sa

pagtuturo, nararapat na alam nila ang tamang paggamit at kung angkop ito sa

mga mag-aaral na tuturuan. Lalabas ang magandang epekto ng makabagong

kagamitan hindi sa dalas ng paggamit kundi sa paraan kung paano ito ginamit at

iniangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa huli, nasa kamay pa rin ng

mga guro ang maaaring maging epekto nito sa mga mag-aaral.

18
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, matatagpuan ang pamaraang ginamit ng mga

mananaliksik, ang pamamaraan ng pangangalap ng datos, pagpili ng mga

nagsisagot, instrumentong ginamit, pagtitipon ng mga datos at estadistikal na

pamamaraang ginamit. Masusing pinili ng mga mananaliksik ang mga ginamit na

instrumento at pamamaraan upang maging mas kapaki-pakinabang ang

pananaliksik na isinagawa.

Pamaraang Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng

pananaliksik. Layunin nitong ilarawan ng mga mananaliksik ang mga pananaw

ng guro sa paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo.

Ayon kay Best (2012), ito ay isang imbestigasyon na naglalarawan at

19
nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito’y may kinalaman sa

mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga epektong nararamdaman o

mga kalakarang nilinang.

Pinalitaw sa pag-aaral na ito ang mga pananaw ng mga guro sa mga

makabagong kagamitang pampagtuturo gayon na rin upang palitawin ang mga

epektong maaaring idulot nito sa mga mag-aaral at pagtuturo at antas ng

paggamit.

Ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan

ang uri ng descriptive method na piniling gamitin ng mga mananaliksik upang

mas lalong mapagtibay ang mga datos na nakalap sa pag-aaral.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang ganitong uri ng

metodolohiya sapagkat mas mapapadali ang pagkuha ng mga datos sa

maraming tagatugon. Samakatuwid, makakakuha ang mga mananaliksik ng mas

malinaw at maayos na datos mula sa mga respondante.

Instrumentong Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang patunay at

mapagkukuhanan ng datos. Ang antas ng paggamit at antas ng epekto ng

paggamit ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo ay napalitaw sa

pamamagitan ng paggawa ng Talatanungan. Kabilang dito ang iba’t ibang

kagamitang pampagtuturo upang masuri at magamit sa pag-aanalisa sa antas ng

paggamit ng mga kagamitang ito.

Gumawa rin ang mga mananaliksik ng talahanayan na naglalaman ng

mga posibleng epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo. Isa pa sa


20
instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ang pakikipanayam. Mas

mapapatunayan o mapapasubalian ng mga mananaliksik ang resulta ng mga

pag-aaral kung nagtatanong sa mga eksperto o mas nakakaalam sa paksang

pinag-aaralan. Ang ginamit na uri ng pakikipanayam ay di-binalangkas na

pakikipanayam upang maitanong ng mga mananaliksik ang mga bagay na kung

minsan ay naiisip lamang sa aktwal na pakikipanayam.

Pagpapatibay ng Instrumento

Sa pagpapatibay ng instrumentong ginamit, minabuti ng mga

mananaliksik na hingin ang tulong ng tagapayo, guro sa tesis, guro sa estadistika

at isa pang dalubguro upang maging malinaw, maayos at makatotohanan ang

bawat detalyeng nilalaman ng talatanungan at pakikipanayam.

Ilang beses din itong pina-edit, pinalitan ang mga dapat palitan bago

makagawa ng isang pinal na talatanungan. Sa tulong ng pagpapatibay na ito,

mas nakasisiguro ang mga mananaliksik na masasagot ang bawat tanong sa

talatanungan ng mga gurong magiging respondante. Isinagawa rin ang dry-run

sa guro naman sa College of Education sa RTU. Hiningi ang kanilang feedback

saka ginawang batayan sa muling pag-aayos ng talatanungan.

Pangangalap ng mga Datos

Isang talatanungan ang unang binuo ng mga mananaliksik. Humingi ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa punongguro ng Rizal Technological

University – Laboratory High School kung maaaring makapagsarbey at

magsagawa ng interbyu ang mga mananaliksik sa mga guro. Napahintulutan ang

mga mananaliksik at ginawang batayan ang naging mga tugon ng mga

21
tagasagot ng talatanungan at nakalap na impormasyon mula sa mga guro.

Estadistikang Ginamit

Ang ilan sa mga estadistikang ginamit sa pag-aaral na ito ay weighted

mean, four point scale at spearman rank correlation.

Ang weighted mean ay ginamit upang makuha ang antas ng paggamit ng

mga makabagong kagamitang nakahanay sa talahanayan at ang antas ng

epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo.

Ito ang naging Pormula:

Weighted Mean: =

na ang…

WM- weighted mean/ katumbas na bigat

WN- bigat

N- kabuoang bilang ng mga tagatugon

kabuoan

Ang four point scale ay ginamit upang makuha ang paglalarawan ng

katumbas na bigat para sa antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo.

BIGAT KATUMBAS NA BIGAT PAGLALARAWAN


1 1.0-1.74 Hindi kailanman ginamit
2 1.75-2.49 Minsan lamang ginagamit
3 2.50-3.24 Ginagamit
4 3.25-4.00 Laging ginagamit

Gumamit din ng four point scale ang mga mananaliksik upang ilarawan
22
ang katumbas na bigat ng antas ng epekto ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo.

BIGAT KATUMBAS NA BIGAT PAGLALARAWAN


1 1.0-1.74 Walang epekto
2 1.75-2.49 Walang gaanong epekto
3 2.50-3.24 May epekto
4 3.25-4.00 Higit na may epekto

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng SPSS upang makuha ang

spearman rank correlation. Ang programang ito ay may kakayahang mapadali

ang pagkuha ng resulta ng estadistikang nabanggit. Ang spearman rank

correlation ay ginamit upang makuha ang kaugnayan ng antas ng paggamit at

antas ng epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo. Kapuwa ang

dalawang baryabol ay nasa uring ranggo.

23
KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik upang tumugon sa mga inilahad na mga suliranin. Ang mga

tagatugong kinuha ng mga mananaliksik upang pagmulan ng mga datos ay mga

guro sa RTU-LHS. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga talahanayan upang

gawing organisado at higit na mapadali ang pagbibigay ng kahulugan sa mga

nakalap at inihain na mga impormasyon.

Suliranin bilang 1. Ano ang antas ng paggamit ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo?

Talahanayan 1

Antas ng Paggamit ng mga Makabagong Kagamitang Pampagtuturo

Mga Kagamitan Katumbas Na Bigat Paglalarawan


LCD projector 2.71 Ginagamit
Kompyuter / Laptop 3.04 Ginagamit
Telebisyon 2.26 Minsan lamang ginagamit
Lapel /Mikropono 2.29 Minsan lamang ginagamit
Tablet /Ipad 1.64 Hindi kailanman ginamit
Tape Recorder 1.3 Hindi kailanman ginamit
DVD Player 1.93 Minsan lamang ginamit
Speaker 2.52 Ginagamit
24
Kabuoan 2.21 Minsan Lamang Ginamit
Ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo ay 2.21 na mailalarawang minsan lamang ginamit. Patunay na

hindi lahat ng guro ay may kakayahang gumamit ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo. Pinatunayan ito ni Sta. Ana (2012) sa pahayag na

ang nangunguna sa mga dahilang ito ang mababang competency ng mga guro

sa paggamit ng Information Communication Technology o ICT sa kanilang

pagtuturo.

Ipinakita sa Talahanayan 1, ang bilang, katumbas at antas ng paggamit ng

mga makabagong kagamitang pampagtuturo. Dito’y lumalabas na ang mga

makabagong kagamitang pampagtuturo na nagkamit ng may pinakamataas na

antas ng paggamit mula sa mga kinuhang respondante ay ang kompyuter/laptop

na may katumbas na bigat na 3.04, LCD Projector na may 2.71, Speaker na

may 2.52, Lapel/Mikropono na may 2.29, Telebisyon na may 2.26, DVD Player

na may 1.93, Tablet/Ipad na may 1.64 at Tape Recorder na nakakuha ng

pinakamababang katumbas na bigat na 1.93.

Mahihinuha mula sa lumabas na resulta sa isinagawang pag-aaral ng mga

mananaliksik na hindi lahat ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo ay

nagagamit ng mga guro sa pagtuturo. Ang kompyuter/laptop ang lumabas na

pinakagamitin sa mga kagamitang pampagtuturo sapagkat ito ang

pinakamainam na gamitin sa pagtuturo at ito ay sumasabay sa makabagong

panahon.

25
Sa kabilang dako, ang tape recorder ay lumabas na hindi gamitin na

kagamitang pampagtuturo sapagkat ang kakayahan ng kagamitan na ito ay

maaari na rin makita sa kompyuter/laptop.

Patunay nina Norton at Wiburg (2003), “ang pinagmulan ng technology ay

ang salitang technique na ang ibig sabihin ay tamang paraan ng pagpili at

pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga

gawain”. Kung pagbabasehan ang kahulugan na ito, mas pipiliin ng guro na

gamitin ang mas angkop at kumpletong kagamitan kaysa mag-iisa-isa pa ng

gagamitin.

Ayon pa sa aklat na Introduction to Educational Technology (2007), isa sa

tulong ng kompyuter sa mga guro ay nakapagbibigay ito ng direktang

interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng paksang tatalakayin sa harap ng

klase. Kaya, pinatunayan nito ang resultang pinakagamitin ang kompyuter/laptop

sa pagtuturo sapagkat nailalapit nito ang mga mag-aaral sa paksang tinatalakay.

Suliranin bilang 2. Ano ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong

kagamitang pampagtuturo?

Talahanayan 2
26
Antas ng Epekto ng Paggamit ng mga Makabagong Kagamitang

Pampagtuturo

Aytem Katumbas Na Bigat Antas


a. Nakapagbibigay-kasiglahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 3.62 Higit na may epekto
b. Nakatuon ang atensyon ng mga mag-aaral sa mga disenyo ng
3.15 May epekto
kagamitan.
c. Nalilimitahan ang oras sa paghahanda para sa talakayan. 3.18 May epekto
d. Napapabilis ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay. 3.4 May epekto
e. Naibibigay ang isang daang porsyento ng pagkamalikhain sa biswal. 2.92 May epekto
f. Higit na nagiging makatotohanan ang talakayan. 3.78 Higit na may epekto
g. Nakakasabay ang mga guro sa napapanahong pangyayari/kagamitan. 3.41 Higit na may epekto
h. Nagagamit muli ang mga kagamitan kahit na nagamit na. 3.23 May epekto
i. Napapaunlad ang kalidad ng edukasyon. 3.77 Higit na may epekto
j. Nakadepende ang pagtuturo sa makabagong kagamitan. 2.96 May epekto
k. Napapadali ang pagtuturo sa paggamit ng kagamitan. 3.59 Higit na may epekto
l. Napapaunlad ang sariling kakayahan sa pagtuturo. 3.63 Higit na may epekto
m. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagtuturo. 3.63 Higit na may epekto
n. Napabibilis ang pagkko-compute ng marka ng mga mag-aaral. 3.78 Higit na may epekto
o. Nakasasabay ang mga mag-aaral sa napapanahong pangyayari/
3.74 Higit na may epekto
kagamitan.
p. Nahihikayat ang mga mag-aaral na maging malikhain sa paggawa ng
3.29 May epekto
biswal.
q. Nababalanse ang paggamit ng mga tradisyonal at makabagong
3.34 Higit na may epekto
kagamitan.
r. Nakatitipid sa ibang paraan. 3.34 Higit na may epekto
s. Nagiging kampante sa paggamit ng kagamitan. 3.11 May epekto
t. Nagiging aktibo ang mga mag-aaral sa kasanayang pakikinig. 3.51 Higit na may epekto
Kabuoan 3.42 Higit na may epekto

Ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo ay 3.42 na mailalarawang higit na may epekto. Binanggit nina

Silivius at Curry (2002), na kailangan pagtuonan ng pansin ang teknik sa

pagtuturo na dapat sinasanay at pinong-pinong inilalahad ng gurong gumagamit

nito upang ang pamamaraan ay mas maging epektibo kapag ginagamit ang tiyak

na kagamitang pampagtuturo. Kung gagamit ang guro ng mga makabagong

kagamitan sa pagtuturo nararapat na alamin ang tamang paraan at teknik para

ipakilala ito sa mga mag-aaral.

Ipinakita sa Talahanayan 2, ang bilang, katumbas at antas ng epekto ng

paggamit ng makabagong kagamitan sa pagtuturo. Dito ay lumalabas na ang

27
antas ng epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo na nagkamit ng

may pinakamataas na antas ng epekto ng paggamit mula sa mga kinuhang

respondante ay ang aytem na may katumbas na bigat na 3.78 at aytem f 3.78,

aytem i.3.77, aytem o. 3.74, aytem l. 3.63 at aytem m. 3.63, aytem a. 3.62,

aytem a. 3.62, aytem k. 3.59, aytem g. 3.41, aytem q. 3.34 at aytem r. 3.34,

aytem p. 3.29, aytem h. 3.23, aytem c. 3.18, aytem b 3.15, aytem s. 3.11, aytem

d. 3.4, aytem j. 2.96 at aytem e na nakakuha ng pinakamababang bigat na 2.92.

Mahihinuha mula sa lumabas na resulta ng isinagawang pag-aaral ng

mga mananaliksik na ang pinakaepekto ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo ay higit na nagiging makatotohanan ang talakayan sa loob ng

klase sapagkat naririnig at nakikita ng mga mag-aaral ang mga paksang

tinatalakay sa harap ng klase. Ang isa pang lumabas na pinakaepekto ng

makabagong kagamitang pampagtuturo ay ang mabilisang pagko-compute ng

marka ng mga mag-aaral sapagkat mayroong “application” sa kompyuter/laptop

na maaaring mapadali ang pagkalkula ng marka. Sa kabilang dako, ang lumabas

na may pinakamababang epekto ay ang aytem e. Hindi na naibibigay ang isang

daang porsyento ng kanilang pagkamalikhain sapagkat hindi lahat ng guro ay

may sapat na kaalaman sa paggamit ng kompyuter/laptop kaya hindi buong-buo

ang pagpapaganda ng mga guro sa biswal na ginagamit.

Malaki ang naiaambag ng visual media sa edukasyon. Ito ay nagbibigay

ng malinaw na paglalarawan ng alinmang bagay o paksang tinatalakay sa loob

ng silid-aralan (Pitagan, 2012). Kaugnay nito ang lumabas na resulta na nagiging

makatotohanan ang talakayan sa paggamit ng mga makabagong kagamitan sa

pagtuturo.

28
Kaya nga sinasabi na ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay

ginagamit ng mga guro upang kunin ang atensyon ng kaniyang mag-aaral

(Bracero, et al., 2007). Nangangahulugan lamang na may malaking epekto ang

paggamit ng makabagong kagamitan upang makuha ang atensyon at interes ng

mga mag-aaral. Kung nakuha ng guro ang interes ng mga mag-aaral, malaki rin

ang posibilidad na may kaugnayan ang kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Suliranin bilang 3. May makabuluhan bang kaugnayan sa pagitan ng antas ng

paggamit at antas ng epekto ng mga makabagong kagamitan?

Talahanayan 3

Kaugnayan ng antas ng paggamit sa antas ng epekto ng mga

makabagong kagamitang pampagtuturo

Pinag-ugnay P-value Significance Desisyon

level

Antas ng 0.65 5% Tanggapin ang

paggamit vs. Hipotesis na null

antas ng epekto
Ang nakuhang halaga mula sa Spearman rank correlation, gamit ang

SPSS, ay 0.65. Mas mataas ito sa 5% level of significance. Kaya, ang hipotesis

na null ay tinatanggap. Walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng

paggamit sa antas ng epekto ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo.

Pinatunayan ito ng resulta ng pag-aaral ni Anosans (2011) na

kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang gurong gumagamit ng iba't ibang

29
pamamaraan sa pagtuturo sapagkat nabubuhay nito ang atensyon at interes ng

mga mag-aaral. Nangangahulugan lamang na ang antas ng paggamit o dalas ng

paggamit ng makabagong kagamitan ay walang kinalaman sa antas ng epekto

ng mga kagamitan. Sa huli, ang guro pa rin ang magtatakda ng magiging

kalalabasan ng talakayan sa loob ng klase.

Ang isa pang mahalagang tungkulin ng isang guro ay ang pagbibigay ng

“human touch” o aspekto ng damdamin upang maiparating sa kanyang mag-

aaral na sa kabila ng pag-angat ng teknolohiya ay tao pa rin ang dapat

mangibabaw at magkontrol sa teknolohiya at hindi ang kabaligtaran (Pitagan,

2012). Nakadepende pa rin sa paggamit ng guro ang magandang kahihinatnan

ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng paglaganap ng paggamit ng

teknolohiya sa pagtuturo.

KABANATA V

Paglalagom ng mga Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Inilalahad sa kabanatang ito ang paglalagom ng mga natuklasan,

konklusyon at mga kaugnay na rekomendasyon.

Mga Natuklasan

Narito ang mga tugon batay sa mga inilahad na suliranin:

30
1. Ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitan sa RTU-LHS ay

2.21 na mailalarawang minsan lamang ginagamit.

2. Ang antas ng epekto ng paggamit ng mga makabagong kagamitan sa

RTU-LHS ay 3.42 na mailalarawang higit na may epekto.

3. Walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng paggamit sa antas ng

epekto ng mga makabagong kagamitan sa RTU-LHS.

Mga Konklusyon:

Narito naman ang mga konklusyong mabubuo mula sa mga natuklasan:

1. Ang pagkakaroon ng limitadong kagamitang pampagtuturo sa RTU-LHS

at ang kursong paggagamitan ng makabagong kagamitan ang nagiging dahilan

ng minsanang paggamit nito.

2. Ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa teknolohiya ang nagiging dahilan

kaya mas nahihikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan dahil dito

ay labis na napapadali ang pagtuturo ng guro.

3. Mahihinuha na walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng paggamit

sa antas ng epekto sapagkat nakadepende sa tamang paraan ng paggamit ng

guro ang magiging epekto nito. Kahit makabago ang kagamitan kung walang

sapat na kaalaman ang guro ay mawawalan ng saysay ang pagtuturo.

Mga Rekomendasyon:

Mula sa mga konklusyon, nais imungkahi ang mga sumusunod:

31
1. Magsagawa ng isang pag-aaral o seminar na pamumunuan ng punong

guro para sa kanyang mga guro na may kinalaman sa tamang paggamit ng

makabagong kagamitang pampagtuturo. Imbitahan ang mga eksperto at

“practitioner” sa pagtuturo upang makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa

makabagong kagamitan sa pagtuturo.

2. Magkaroon ng istandard na rubrik sa paggamit ng makabagong

kagamitan upang maging batayan ng pagtataya ng epekto nito. Isasagawa ang

regular na pagtataya sa pagtatapos ng markahan sa RTU-LHS.

3. Bumuo ng mga programa na maglalaan ng badyet sa mga makabagong

kagamitan sa bawat kagawaran sa RTU-LHS na magtatakda sa pagkakaroon ng

angkop na mg kagamitan sa bawat kurso.

32

You might also like