You are on page 1of 6

Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Piling Mag-aaral ng

Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK

Isang Araling Pananaliksik na Ipinipresenta

Sa Faculty ng Palawan State University,

Puerto Princesa City

Isinagawa Upang Mapunan Ang Mga

Pangangailangan sa Sabjek na Filipino II

Nina:

Cuadra, Cristy Marie O.

Nasil, Rhuaiba H.

Osorio, Sarah S.

Rambon, Roxanne Z.

Saspa, Orphea Grace C.

Solinap, Tatika C.

Yayen, Charlene Daryl D.

Palawan State University

Marso 2011

ABSTRAK

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng Mga Paraan ng Pagkatuto ng mga
Piling Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay isinasagawa upang
malaman kung anu-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng unang taon, partikular na sa
kursong BSA at BSBAMA.

Ang mga mananaliksik ay nagpamigay ng mga questionnaire sa mga mag-aaral. Ang nilalaman nito ay
base na rin sa Sistemang VARK, isang kilalang sistema sa Internet na ginagamit ng nakararami upang
madetermino ang kanilang mga paraan ng pagkatuto. Ang mga questionnaire na ito ay idinikteyt, at ang
iba naman ay pinasagutan sa mga mag-aaral, at saka kinolekta ang mga datos. Isinaayos ito at manu-
manong ikinompyut ang mga datos. Ang mga resulta sa bawat seksyon ay sinuring mabuti at
ipinagkumpara, at ayon dito ay nadetermino ang pinakaangkop na paraan ng pagkatuto ng mga mag-
aaral.

Base sa mga resulta, lumabas na ang Visual Learning Preferences ang pinakaangkop na paraan ng
pagkatuto para sa mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BSA at BSBA-MA. Ang nasabing paraan ng
pagkatuto ay higit na nagiging epektibo kung ang isang mag-aaral ay may nakikitang mga visual aids at
iba pang pang-edukasyunal na mga bagay. Ayon na rin sa Sistemang VARK, napag-alaman ng mga
mananaliksik na hindi nagkakalayo ang mga preperensya ng bawat mag-aaral sa mga paraan ng
pagkatuto.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na subukang gumawa ng panibagong pananaliksik ukol sa iba pang
mga paraan ng pagkatuto, at sa mga Multiple Intelligences.

NILALAMAN

Pahina Pahina ng Pamagat- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - -- - - - - - - -- - - - - 1


Abstrak- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --- - - - - - - - - - - - - - - 3

UNANG BAHAGI – KALIGIRAN NG PANANALIKSIK Panimula- - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 4 Paglalahad ng Suliranin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - -- - -- - - - - - - -- - -5 Layunin ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - -
- - - - - 6 Kahalagahan ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Batayang Konseptual / Teoretikal - - - - - - - - - - - - -- -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -7 Saklaw at
Limitasyon ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - -- - - - 8 Kahulugan ng mga
Katawagan - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --9 IKALAWANG BAHAGI – MGA
KAUGNAYAN NG LITERATURA AT PAG-AARAL IKATLONG BAHAGI - PAMAMARAAN Disenyo ng
Pananaliksik - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --- - - - - 13 Materyales at
Instrumentasyon - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - 13 Paraan ng Pagkuha ng
Datos - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - -14 IKAAPAT NA BAHAGI – PAGSUSURI,
PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Pagsusuri ng mga Datos - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - -15 Paglalahad ng mga Datos - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - --- - - - - - 17 Interpretasyon ng mga Datos- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --
- - - - - - - - - 18 IKALIMANG BAHAGI - PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Buod - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -20 Konklusyon - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- 20 Rekomendasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -21 BIBLIOGRAPIYA - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 22 APPENDIKS - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - 23

UNANG BAHAGI Kaligiran ng Pananaliksik

Panimula

Ang bawat mag-aaral ay may kani-kaniyang talino. Hindi lahat ay mapapatunayan ng mga resultang
pang-akademika, sapagkat marami pa rin ang hindi pa lubusang inilalabas o ipinapakita ang kanilang
talino. Marami rin sa mga kabataan ngayon ang tamad at walang interes sa pag-aaral, lalung-lalo na sa
oras ng diskusyon sa pagitan ng mga mag-aaral at guro. Subalit sa kabila nito, ang bawat tao ay
masasabing may kani-kaniyang aspeto na kung saan sila ay magaling–mayroong magaling sa Matematika
na mahina sa Ingles, at mayroong magaling sa Wika na mahina sa Siyensya. Kinakailangan lamang na
palaguhin ito at maihasa ng maayos.
Ang katalinuhan ng isang tao ay hindi basta-basta lamang. Kadalasan, maipapakita ito sa iba’t ibang
paraan, at mas lalo pa itong nahahasa sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga estudyante. Ang isang
estudyante ay natututo sa maraming paraan–tuwing nakakakita o nakaririnig, sa pagrarason gamit ang
isip, at sa pagsasaulo at pagbabalangkas. Kung gaano karami ang natututunan ng bawat estudyante sa
bawat klase ay depende sa kanilang natural na kapasidad ng pagkatuto, sa kung papaano makibagay at
makaakma ang isang estudyante sa kanyang kapaligiran, at sa paraan ng pagtuturo ng kanyang mga
guro. (Felder, Henriquez, 1995)

Ang mga paraan kung saan ang isang indibidwal ay nakakakuha ng mga impormasyon ay tinutukoy rin sa
pamamagitan ng “learning style,” o paraan ng pagkatuto. Ayon rin kina Felder at Henriquez (1995), ang
mga learning style ay matagal nang napag-uusapan sa edukasyunal na literaturang sikolohiko, partikular
na sa mga konteksto ng pag-aaral ng Wika, at dahil rin dito ay nagkaroon ng humigitkumulang 30 paraan
ng mga pagkatuto sa nakaraang tatlong dekada.

Ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ay may mahalagang koneksyon sa mga performance examinations,
at motibasyon para sa pagkikilala sa edukasyon. Ito raw ay isang permanenteng katangian ng mga
estudyante na nangangailangan ng masusing

pag-iimbestiga, implikasyon at kompetensya upang ang mga mag-aaral ay maging handa sa mga dapat
niyang pagtuunan ng pansin. (Abdulla, Mencias, Viray 2001) Ayon kay Neil Fleming (2007), ang iba’t
ibang paraan ng pagkatuto ay nakatutulong ng husto sa isang tao upang lalo niyang mapakinabangan
ang kanyang sarili, at ayon dito ay sinimulan niya ang sistemang VARK–isang paraan upang malaman ng
isang tao kung ano ang kanyang estilo sa pagkatuto.

Ang sistemang VARK ay sinasabing isa sa mga pinakabago at pinakaepektibong Sistema upang malaman
ang paraan ng pagkatuto ng isang tao, ayon kay Dr. Walter Leite ng Research and Evaluation
Methodology Program ng Unibersidad ng Florida. Gamit ang multi-modality, ang sistemang VARK, na
siyang gagamitin ng grupo sa kanilang araling pananaliksik, ay inaasahang maglalabas ng magagandang
sagot.

Dahil na rin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa sariling paraan ng pagkatuto, ang
grupong ito ay sumubok na magsagawa ng isang araling pananaliksik na siyang makakaalam sa paraan
ng pagkatuto ng isang klase, partikular na sa mga mag-aaral sa kolehiyo, na siyang magagamit ng mga
guro sa mas epektibong paraan ng pagpresinta sa bawat klase.

Paglalahad ng Suliranin

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga
Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay isinasagawa upang
malaman kung anu-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng unang taon sa mga piling
kurso sa College of Business and Accountancy (CBA), partikular na sa mga kursong Bachelor of Science in
Accountancy (BSA), at Bachelor of Science in Business Administration-Major in Managament Accounting
(BSBA-MA).

6
Ito’y sasagot sa mga katanungang: 1. Anu-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga estudyante? Ano
ang may pinakamarami? Ang pinakakakaunti? 2. Alin sa mga paraan ang pinakaepektibo para sa mga
mag-aaral? 3. Ano ang pinakamabisang paraan ng pagakatuto para sa bawat kurso? 4. Magagamit ba ng
mga guro ang kaalaman sa mga paraan ng pagkatuto?

Layunin ng Pag-aaral Layunin ng araling pananaliksik na ito na matukoy kung anu-ano ang mga paraan ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa unang taon sa College of Business and Accountancy, Palawan State
University. Layunin rin ng nasabing araling pananaliksik na tukuyin kung anong paraan ng pagkatuto ang
pinakanaaangkop sa bawat klase at kurso sa CBA, at kung anong paraan ng pagkatuto ang may
pinakamataas na bilang sa mga mag-aaral ng Unang Taon, Ikalawang Semestre, A.Y. 2010-2011.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang araling pananaliksik na ito ay pinaniniwalaang makatutulong sa mga sumusunod:

1. Paaralan Ang araling pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa paaralan, partikular na sa


komunidad ng Palawan State University, dahil na rin sa pagkakaroon ng administrasyon ng mga
naangkop na mga datos sa paraan ng pagkatuto ng mga estudyante, na kanila namang magagamit upang
mas lalong mapabuti ang serbisyo at istandard ng edukasyon sa nasabing institusyon.

2. Komunidad Ang araling pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa komunidad dahil na rin
sa mga datos at iba pang mga impormasyon na kanilang magagamit para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.

3. Kapwa Mag-aaral Ang araling pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa aming mga kapwa
mag-aaral, partikular na sa mga susunod pang mag-aaral ng Unang Taon sa nasabing pamantasan, dahil
sa pamamagitan nito ay malalaman nila ang mga pangunahing kaalaman sa paggawa ng isang araling
pananaliksik, at magkakaroon sila ng ideya patungkol sa kanilang mga paraan ng pagkatuto.

4. Mga Guro Ang araling pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa mga guro sapagkat dito ay
magkakaroon sila ng angkop na kaalaman sa paraan ng pagkatuto ng kanilang mga estudyante, sa
pinakanaangkop na paraan ng pagtuturo.

5. Mga Mananaliksik Ang araling pananaliksik na ito ay itinuturing na makatutulong sa mga mananaliksik
dahil dito ay magkakaroon sila ng basehan sa paggawa ng kanilang sariling mga araling pananaliksik.

Batayang Konseptual / Teoretikal

MGA PARAAN NG PAGKATUTO

VISUAL

( NAKIKITA)

AUDITORY

( NARIRINIG )

READING

( NABABASA )
KINESTHETIC

( AKTWAL )

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagdedetermino sa iba’t ibang paraan
ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang pagbibigay ng mga katanungan sa mga estudyante bilang
basehan ng mga datos. Ang mga katanungang ibinigay ay naayon sa Sistemang VARK, isa sa mga sikat na
sistema na ginagamit ngayon sa Internet upang malaman ang mga paraan ng pagkatuto ng isang tao.
Isinama sa pagbibigay ng mga katanungan ang mga mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo. Naka-enrol
ang mga nasabing mag-aaral sa Palawan State University, Ikalawang Semestre, A.Y. 2010-2011. Kumuha
ang mga mananaliksik ng limampung mga taga-tugon para sa isinagawang sarbey.

Suliranin: Ang araling pananaliksik na ito ay pumopokus sa pagkukumpara ng iba’t ibang mga paraan ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa College of Business and Accountancy, Palawan State
University. Inaalam nito kung anong paraan ng pagkatuto ang pinakanaaangkop sa mga mag-aaral.
Lokasyon: Ang parteng pang-eksperimental ay isinagawa sa mga silid-aralan ng mga magaaral ng Unang
Taon sa Kolehiyo, College of Business and Accountancy, Palawan State University. Panahon ng Paggawa:
Ang araling pananaliksik na ito ay isinagawa noong Pebrero hanggang Marso 2011.

Pagbigay ng mga Questionnaire Sistemang VARK

Mga Paraan ng Pagkatuto

Kahulugan ng mga Katawagan

1. Paraan ng Pagkatuto - (Ingles: Learning Styles) ang iba’t ibang mga paraan o metodolohiya ng
pagkatuto.

2. Pagsasaliksik – pag-iimbestiga sa isang bagay upang malaman ang mga bagaybagay ukol rito; upang
magkaroon ng patunay sa isang pangyayari o bagay.

3. Survey – isang paraan ng pagsasaliksik na kung saan ang mga mananaliksik ay magbibigay ng mga
questionnaire o mga papel na may mga nakasulat na mga katanungan na kung saan nila isusulat ang
mga sagot.

4. Pagsusuri – pananaliksik; paghahanap ng isang bagay sa siyentipikong paraan.

5. Mananaliksik – isa o mga taong nagsasagawa ng isang pananaliksik.

6. Pamantasan – unibersidad

7. Araling Pananaliksik – isang pagsasaliksik na nakalagay sa pormal na ayos, at may layuning


magpatunay ng isang punto.

8. Sistemang VARK – idinevelop ni Neil Fleming, ito ang isa sa mga sistema na kung saan pwedeng
madetermino kung ano ang paraan ng pagkatuto ng isang tao.
9. Auditory Learning Preference – isang paraan ng pagkatuto na kung saan ang isang tao ay madaling
natututo sa pamamagitan ng mga verbal lectures, diskusyon, pakikipag-usap at pakikinig sa sinasabi ng
iba.

10. Visual Learning Preference – isang paraan ng pagkatuto na kung saan ang isang tao ay madaling
natututo sa pamamagitan ng mga diagram,tsart, litrato, at iba pang nakikita ng mata.

11. Kinesthetic Learning Preference – isang paraan ng pagkatuto na kung saan ang isang tao ay madaling
natututo kung ang isang bagay ay aktwal niyang nararanasan.

10

12. Read/Write Learning Preference - isang paraan ng pagkatuto na kung saan ang isang tao ay madaling
natututo sa pamamagitan pagsusulat ng mga datos, o sa pagbabasa nito.

13. Multimodal Learning Preference –isang paraan ng pagkatuto na kung saan ang isang tao ay madaling
natututo sa iba’t ibang mga paraan.

14. CBA – College of Business and Accountancy

15. BSA – Bachelor of Science in Accountancy

16. BSBA-MA – Bachelor of Science in Business Administration – Major in Management Accounting

You might also like