You are on page 1of 13

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

PANIMULA
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “EPEKTO NG KAKULANGAN SA

PASILIDAD SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL STUDETNS

SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS STA. MESA” ay

naglalayong alamin ang epekto ng kakulangan ng pasilidad sa mga mag aaral ng

Senior high school positibo man o negatibo ang mga ito.

Isa sa mga tunay na ipinagmamalaki ng paaralang Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas (PUP) ang pagkakaroon nito ng Senior high school. Sa Pag aaral ng kursong ito

ay kinakailangan ng mga pasilidad tulad na lamang ng maayos na silid, laboratory,

bentilador, at maayos na palikuran atbp.

Gaano ng aba ito kahalaga sa mga mag aaral ng senior high school at kailangang

bigyan pansin. Sa Pananaliksik na ito nais ng mga mananaliksik na alamin ang mga

kakulangan na pasilidad at ang epekto nito sa bawat mag aaral ng senior high school sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Base sap ag-aaral ng DepEd(1999), ang mga pampublikong paaralan ay may

kakulangan sa mga pasilidad na kailangan para sa pag-aaral at pagtuturo. Bukod pa

dito ang malaking bahagi ng pasilidad sa mga paaralan sa Pilipinas ay limang pung
taon na at karamihan ay marupok na at di na gumagana. Ito ay sinangayunan ni

Felardo(2008), nung sinabi niya na ang mga pampublikong paaralan ay kadalasang

namomroblema sa mga lumang disenyo, luma at marurupok na kagamitan, at


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

masikip na paaralan. Sa makatuwid, ang problema ay malinaw-na kakulangan sa

pisikal na pasilidad ng mga paaralan na nagreresulta sa negatibong epekto nito sa

mga pag-aaral ng mga estudyante, mababang kalidad ng pagtutro, problema sa

kalusugan at seguridad ng mga guro at mag-aaral. Ang isa pang nagpapalala sa mga

sitwasyong ito ay kakulangan sa abilidad at determinasyon ng pamahalaan sapag

gawa ng kongkretong aksyon gaya ng pagbili ng mga modernong pasilidad at

pagsasanay sa mga tauhang namamahala sa mga pasilidad na ito.

BALANGKAS TEORETIKAL

HERZBERG TWO FACTORY THEORY Ang Herzberg Two Factory Theory ay

nagmula kay Frederick herzberg. Tulad ng ilang mga tao ay wala siyang sapat na

edukasyon pero humanap siya ng ibang paraan para makamtan niya ang

karanungang inaasam. Libro, iyon ang paraan niya. Dahil sadyang matalino ay

nakilala siya. At ayon sa kanya ay may dalawang motibasyon na tumutulong sa

INTRINSIC MOTIVATION- direktang motibasyon ng kaisipan o damdamin na

tinataglay ng mga taong kulang sa mga kinakailangang bagay. Dulot nito, mas lalo

niyang itinatatak sa isipan niya na kailangan niyang magsikap para magkaroon siya

ng ganoong bagay.

EXTRINSIC MOTIVATION- motibasyon na nagmula sa motibasyon ng intrinsic

motivation. Ngunit dito isinasakilos ng isang tao ang inaasam niyang pangyayari.
Humahanap siya ng mga bagay na katumbas ng kulang na bagay na ito para

matugunan ang kanyang mga ikinakailangan. Sa ilalim naman ng Extrinsic

motivation ay ang trabaho na ayon sa sarili, resposibilidad at pagsulong. Ayon sa


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
paraan na ginamit dito ng isang tao para makahanap ng katumbas na bagay na gusto

niya ay iyong naayon sa kanyang sarili. Itinuturing din niya itong resposibilidad para

patunayan sa lahat na kahit salat sa maraming bagay magtatagumpay siya patungo sa

pagsulong. (Essential of Human Behavior in Organization – Samuel Mejia Salvador

at Ellinor Fua-Geronimo)

HERZBERG TWO THEORY


FACTORY

INTRINSIC EXTRINSIC

RECOG ACHIEVEMENT RESPONSIBI ADVANC


NITION S LITY EMENT

POSSIBILITY WORK
OF GROWTH ITSELF

SATISFACTION
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

BALANGKAS KONSEPTUWAL

INPUT PROSESO OUTPUT

Ang maaaring Nais alamin ng mga Inaasahan ng mga


maging epekto mananaliksik ang mananaliksik na sa
ng kakulangan nagiging epekto ng pag-aaral na ito
kakulangan ng malalaman nila ang
ng pasilidad sap
pasilidad sa pag- epekto ng
ag-aaral ng mga aaaral ng mga kakulangan ng
piling mag-aaral senior high school pasilidad sa pag-
ng senior high students sa aaral ng mga senior
school Politeknikong high school students
saPoliteknikong Unibersidad ng ng Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas sa Unibersidad ng
Sta.Mesa Manila sa Pilipinaas sa
Pilipinas sa
pamamagitan ng Sta.Mesa Manila.
Sta.Mesa paghahain ng mga
Manila. talatanungan sa
mga piling mag-
aaral ng naturang
baiting.

Suri ng Mananaliksik

Pigura 1
Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na alamin ang epekto ng kakulangan ng pasilidad

Sa pag-aaral ng mga senior high school students sa Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas. Ang pananaliksik na ito ay sasagutin ang mga tanong na ito:


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

1. Ano-ano ang maaaring bunga ng kakulangan ng pasilidad sa mga mag-aaral.

2. Paano makakatulong ang kompletong pasilidad sa mga mag-aaral.

3. Bakit kailangan bigyang pansin ang kakulangan ng pasilidad sa Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa epekto sap pag-aaral at kakulangan sa

pasilidad ng mga mag-aaral sa Senior High School. Ang Unibersidad ng PUP ay

binubuo ng (kabuuang enrollees ng Senior High) mag-aaral na nakapagtala sa taong

2017-2018. Subalit aming napag desisyunan na kukuha lamang kami ng tig lalabing-

limang random na studyante sa bawat track ng Senior High na siyang silbing tagatugon

sa pananaliksik na ito.
Survey Questions ang gagamitin na paraan sa pananaliksik na ito. Ililikom ang

mga datos sa pamamagitan ng pagmumudmod ng mga talatanungan tungkol sa epekto

ng kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral sa Senior High School ng Unibersidad ng

PUP na personal na gagawin ng mga mananaliksik.


Ang salik na gagamitin sa pananaliksik na ito ay (a.) Kasarian- lalaki at babae

(b.) antas (c.) track


Saklaw din sa pananaliksik na ito ang mga personal na kaalaman, damdamin

, saloobin at pahayag ng mga mag-aaral pati na rin ang kani-kanilang reaksyon ukol sa
problemang ito.
Ang pananaliksik ay binubuo ng 88 mananaliksik na kung saan ang bawat isa ay

nagtulong-tulong at nag-ambag ng mga kaalaman upang maisagawa ang pananaliksik

na ito.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito at naglalaman ng impormasyon patungkol sa "Epekto ng


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

kakulangan ng pasilidad sa mga piling mag-aaral ng Senior High School Students sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa Manila."

Ang pag-aaral na ito ay may mga sumusunod na layunin:

a. Sa mga Mag-aaral

Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang bigyang pansin ang

mga epekto ng kakulangan ng pasilidad sa paaralan at mabigyan ito ng alternatibong

solusyon. Higit din na Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral tungo

sa pagiging handa sa maaring maging bunga nito sa kanilang pag-aaral.

b. Sa mga bagong mananaliksik

Makakapag bigay ito ng panibagong kaalaman na makakatulong sa kompleto at

maayos na pasilidad. Makapagbibigay impormasyon din ito sa mga bagong

mananaliksik para sa mga maaaring maging suliranin ng mga mag-aaral sa

pagkakaroon ng kakulangan sa pasilidad.

c. Sa mga Guro
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga guro upang agarang bigyang

aksyon ang kakulangan sa pasilidad. Makakatulong din ito sa Kanila tungo sa maayos

na pagtuturo.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Pasilidad- ay isang salitang hiram mula sa wikang Kastila na tumutukoy sa mga bagay,

kagamitan, istruktura, o lugar na may partikular na gamit o layon.

Mag-aaral- o estudyante (student sa Ingles) ay siyang taong nag-aaral at maaring

bihasa sa talino.

Kakulangan- ay isang terminong ginagamit sa Economics at ito ay


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

nangangahulugang angkaganapan kung saan hindi kayang

mapunan ng dami ng malilikhang produkto ang dami ng planong pagkonsumo ng tao.

SENIOR HIGH SCHOOL (SHS)- ay ang dalawang huling taon ng K12 Program.

HAYPOTESIS
Napakalaking papel ang ginagampanan ng mga pasilidad sa mga mag-aaral ng PUP kaya

malaki ang epekto ng kakulangan ng pasilidad nito sa mga mag-aaral, lalo na sa mga

mag-aaral na kumukuha ng Senior High School.. Dahil sa kakulangan ng mga kagamitan

tulad ng maayos na silid sa mga pasilidad nito ay hindi masyadong nagkakaroon ng

aktwal na aplikasyon ang mga mag-aaral sa mga paksang tinatalakay nila hinggil sa

kanilang kurso, kung kaya mahirap matiyak kung talagang alam ng lahat ng mga

magaaral ng kursong ito kung paano gawin ng aktwal ang kanilang natutunan.

Nagpapababa ito ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng mga kaalaman.

Pinapabagal din nito ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang

espesyalisasyon. Malaki ang pagkakaiba ng nababasa lamang sa aktwal na aplikasyon .


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
KABANATA II

BANYAGANG PAG-AARAL

Education For All (EFA)-isang panuntunan na nagbibigay basehan sa ibat-ibang


institusyon ng edukasyon na magkaroon ng isang dekalidad na edukasyon para sa mga
mag-aaral. Dalawa sa mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang upang lubos na
matamo ang mga probisyon sa panuntunan na ito ay (1) isang kurikulum na nagsisiguro
sa kakayahan ng estudyante sa pagkuha standardized na mga pagsusulit; at (2) sapat na
bilang ng mga guro na maaaring epektibong isalin ang kurikulum sa makabuluhang mga
kasanayan sa pagtuturo. Gayunpaman, isang ikatlo, at marahil ay madalas ang hindi
inaasahang kadahilanan na naimpluwensyahan ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-
aaral ay pisikal na paaralan pasilidad. Hughes (2005) at Lyons (2001) ay nagpahayag na
ang pagganap at mga tagumpay ng mga mag-aaral ay depende sa edad, disenyo, at
kondisyon ng mga pasilidad ng paaralan. Ang pag-aaral, ayon kay Lyons (2001), ay isang
komplikadong proseso na nagtatakda sa mga mag-aaral ng motibasyon sa sarili at
kasabay nito ang patuloy na pagsusuri sa mga pasilidad sa skuwelahan.

Ayon sa US General Accounting Office (GAO) halos tatlong-ikaapat na bahagi ng mga


umiiral na paaralan ng US noong 1996 ay itinayo bago 1970. Sa mga paaralang ito, ang
tungkol sa isang-katlo ng mga paaralan ay nangangailangan ng malawakang pagkumpuni
o kapalit at halos dalawang-katlo ay may hindi bababa isang hindi sapat na tampok na
gusali tulad ng substandard na pagtutubero, pagbububong, o mga de-koryenteng sistema.
Bukod dito, 58-porsiyento ay may hindi bababa sa isang hindi kasiya-siya na kondisyon
sa kapaligiran tulad ng hindi sapat na bentilasyon, akustika, o pisikal na seguridad. Bukod
sa pangkalahatang mga isyu sa pagpapanatili at pagtatayo, natuklasan ng mga
mananaliksik na ang karamihan sa mga paaralan ay kulang sa mga pasilidad sa ika-21
siglo sa anyo ng imprastraktura, laboratoryo, at espasyo ng pagtuturo. Mahigit sa kalahati
ay walang sapat na kakayahang umangkop sa pagtuturo para sa epektibong pagtuturo
upang maganap. Ang pagpapabuti ng kalidad ng mga pasilidad ng paaralan ay isang
mamahaling gawain. Gayunpaman, kapag ang mga positibong epekto ng pagpapaayos
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
ng pasilidad sa mga guro at estudyante ay isinalin sa mga dolyar na halaga, ang mga
gantimpala ng mga naturang pamumuhunan ay malayo na umaabot sa halaga ng mga
pamumuhunan. Mayroong limang pangunahing facet ng mga pasilidad ng paaralan:
acoustics / ingay, kalidad ng hangin, ilaw, temperatura, at espasyo.
Ang pasilidad ng paaralan ay binubuo ng hindi lamang pisikal na istraktura at iba't ibang
mga sistema ng gusali, tulad ng mekanikal, pagtutubero, elektrikal at kapangyarihan,
telekomunikasyon, seguridad, at mga sistema ng pagsunog sa sunog. Kabilang din sa
pasilidad ang mga kasangkapan, materyales at supplies, kagamitan at teknolohiya ng
impormasyon, pati na rin ang iba't ibang aspeto ng mga lugar ng gusali, katulad ng mga
palakasan, palaruan, mga lugar para sa panlabas na pag-aaral, at pang-sasakyan at pag-
parking.

LOKAL NA PAG-AARAL

Pinatunayan ng ilang mga pag-aaral na ang mga pasilidad ng magandang paaralan ay


nagpapabuti sa karanasan ng mag-aaral, lalo na sa mga umuunlad na bansa. Natagpuan
na ang mga paaralang kumpleto sa kagamitan na may mahusay na pinapanatili na mga
silid, angkop na kasangkapan sa silid-aralan at isang aklatan ng paaralan ay gumawa ng
mas mahusay na mga resulta ng edukasyon. Sa konteksto ng mga umuunlad na mga bansa
tulad ng Pilipinas, nagpakita kung paano ang mga aktibidad na pagtugon ang mga macro-
problema (hal. sosyal, pampulitika, at pang-ekonomiyang kapaligiran at pisikal na
pasilidad ng mga paaralan) ay may mas kagyat at kilalang epekto sa mga resulta ng
edukasyon kaysa sa mga inisyatibo na nagta-target sa mga problema sa mikro (eg
kurikulum, pagsasanay sa guro, mga aklat-aralin, atbp). Ipinatupad ng Pilipinas ang isang
pambansang reporma sa sistema ng edukasyon nito noong Hunyo 2012. Ang
pangunahing pagbabago ay ang pagtaas ng ikalawang pag-aaral sa unibersidad mula 10
hanggang 12 taon. Ang pagbabagong ito ay humingi ng isang malaking pamumuhunan
sa mga human resources at pasilidad ng sistema ng edukasyon, na nag-udyok sa mga
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
mambabatas na itaas ang badyet sa edukasyon sa 2014 hanggang 4.3% ng gross domestic
product ng bansa.
Bagama't ito ay ang pinakamataas na alokasyon para sa edukasyon sa Pilipinas nang
higit sa 15 taon, ito pa rin ay bumaba sa UNESCO standard na 6%.
Alam na ang mga pasilidad sa bansa ay hindi sapat. May iba't ibang mga ulat sa media
na naglalarawan ng katakut-takot na sitwasyon sa simula ng bawat taon ng paaralan.

Batay sa mga natuklasan sa pananaliksik ng Kagawaran ng Edukasyon (1999), ang mga


pampublikong paaralan ay nakikibaka pagdating sa pagkakaroon ng naaangkop, kapaki-
pakinabang, at kalidad ng mga pasilidad ng paaralan sa mga guro at mag-aral. Bukod pa
rito, noong 2002, mabigyang-diin ni Schneider na malaki ang proporsyon ng mga
pasilidad ng paaralan sa Pilipinas ay humigit-kumulang na limampung taong gulang na
at kadalasan ay may mahirap na kondisyon na.

Ayon naman kay Fillardo (2008) ang mga pampublikong paaralan ay patuloy na
nakaharap sa mga disenyong luma. Lumalala ang kondisyon, at nagbabago ang paggamit
ng mga pressures. Ang mga kakulangan sa pisikal ang mga pasilidad ng paaralan ay
nagreresulta sa mga seryosong kawalan ng ganang magaral ng mga mag-aaral at
nagpapahina ng pamantayan ng mga guro sa pagtuturo, at pagtitiyaga ng mga problema
sa kalusugan at kaligtasan para sa mga miyembro ng guro, pati na rin ang mga mag-aaral.
Ang pagpapalubha sa mga isyung ito ay ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad
nababahala upang makabuo ng mga aksyon na nagmamay-ari upang suportahan ang
pagkuha ng moderno at kaugnay na pasilidad, gayundin upang sanayin ang mga tauhan
sa pamamahala ng mga mapagkukunang ito.

LOKAL NA LITERATURA

Nauna nang ibinabala ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)

ang kanilang posisyon sa mga problemang dadalhin ng K to 12 ng administrasyong


Aquino sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Kabilang sa mga ito ang kawalang kahandaan ng gobyerno; mas palalalain ang kulang-
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

kulang na pasilidad, mga guro, at maging ng mga paaralan. Kawalang kahandaan din sa

pagsasanay ng mga guro at kakulangan sa mga gagamiting modules. Gayundin,

problema ang mismong lalamanin ng K to 12 at pangamba na magreresulta ito sa

paglaki ng drop-outs sa mga mag-aaral.

Para sa ACT, lahat ng mga multo ng K to 12 ay nagkakatotoo ngayon sa kanilang

harapan samantalang ayaw pa rin magising ng gobyerno sa bangungot na nililikha nito.

Senior high school at iba pang problema

Ngayong taon unang tatanggap ng mga mag-aaral para sa mga senior high school

(SHS) ang mga paaralan sa ilalim ng K to 12. Pero nakikita na hindi handa ang mga

publikong paaralan para dito.

Ayon kay Senen Jane, ACT-chairperson ng Region III, marami umano ang hindi

nakapag-enrol para sa SHS partikular sa kanilang rehiyon. Hindi nila alam kung saan

nila hahanapin ang mga ito; kung nakapag-enrol ba sa mga pribadong paaralan o

tuluyan nang hindi nakapag-aral.

Malaking problema din umano ang kanilang kinakaharap sa kung anong mga track ang

kakailanganin ng mga estudyante dahil kalakhan umano ng kanilang mga paaralan ay

wala o limitado ang ino-offer. Halos wala din umanong pasilidad para sa mga

technical-vocational courses ang mga paaralan.

Samantala, hindi pa rin tapos ang mga gusali para sa SHS sa Negros ayon kay

Gualberto Dajao, chairperson ng ACT-Negros Island Region. Maliban pa roon,

problema din nila ang enrolment para sa SHS.

Problema din umano ang kakailanganin para sa mga strands ng K to 12. “May isang
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
school may isa o dalawang welding machine lang. May problema din tayo dyan dahil

sa dagdag na pangangailangan ng electricity requirement. Dahil maliit ang supply ng

kuryente sa public schools or di kaya wala talaga kuryente. Kaya kung maraming

computers, maraming welding machine, hindi kaya,” ayon kay Dajao.

Dagdag pa niya, maaga pa lamang umano nang kanilang makita na hindi aabot ngayong

Hunyo ang kanilang preparasyon para sa K to 12, “kaya there was a time na merong

mga unwritten order na sabihin sa mga estudyante na ‘doon muna kayo sa private

schools.’”

Maging ang modules na kailangan sa pagtuturo kulang pa rin umano at mabagal ang

pagdating sa kanila lalo na sa mga malalayong mga lugar.

“This K to 12 (of Aquino) will increase drop-out rates in regions. Denying public

education is already a crime of this administration. Kahit sabihin nating may facilities,

sabihin natin may kumpletong facilities, pero magkakaproblema sila sa additional

burden ng kanilang magulang,” ayon kay Dajao.

Voucher system at Pribatisasyon

Bilang solusyon sa mga mapipilitang mag-enrol sa mga pribadong paaralan, gumawa

ng voucher system ang gobyerno. Ibig sabihin babayaran galing sa pondo ng bayan ang

matrikula ng mga papasok sa pribadong paaralan.

“Ibig sabihin niyan, hindi na libre ang high school education sa voucher system. Ang

gobyerno na ang nagpo-pondo o nagsisiguro sa kikitain ng mga pribadong paaralan,”

ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
BANYAGANG LITERATURA

UNITED NATIONS REPORT

Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabingang kalidad

ngedukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania

atZambia, dalawang bansa sa Africa na masmahirap pa sa ating bansa.Malubha na

talagaang kalagayan ng edukasyonsa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa

laranganng edukasyonng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas.

Kulangng66,881 na classroom ang ating bansa.

Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyoay paralamang makapagtayo ng 5,538 na

classrooms. Ibig sabihin, kulangpa din ng 61,343 naclassrooms ang ating bansa. Kulang

din ng 816,291 nasilya para sa mga estudyante. Kungkaya naman kung hindi standing

roomonly o SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sasahig ang maramingestudyante.

Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit ang

hiningi niMrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro.

Kungkayat54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang

ngestudyante,para bang sinasabi ng administrayon na kailangang turuan ngmahigit

dalawang milyongmag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si

Mrs. Arroyo. Anghiningi niyang badyet ay para lang sa2,000 punong-guro.

Ngunit ang pangangailangan ngbansa ay para sa 6,538na punong-guro. (Jejomar

Binay).Out of School YouthAng populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi

nakakapag-aral,walang trabaho athindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng

852,000 mula 3 milyon noong 1989naging 3.8 milyon noong 1994. (NSO, 1994).

You might also like