You are on page 1of 4

A.

RASYONAL

Matagal nang suliranin ng mga kaguruan maging ng mga estudyante ng Baclaran National High

School ang pagsasawalang bahala ng mga estudyante sa pagababasa ng nobelang El

filibusterismo. Ang El filibusterismo ay ang pangalawang nobelang isinulat ng magiting na

pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, at kaniyang buong pusong inialay sa tatlong

paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora, o mas kilala bilang GomBurZa.

Sa dami ng taon na ang lumipas at iba't-ibang estudyante na ang nagdaan sa Baclaran National

High School, isa parin ang pagsasawalang bahala ng mga estudyante sa pagbabasa ng El

filibusterismo ang suliranin na hindi matugunan at masolusyunan ng mga kaguruan at

estudyante.

Maging sa aming panahon ngayon, problema parin ito ng mga kaguruan, maging kaming mga

estudyante. Ang guro namin sa Filipino ay hindi rin alam ang gagawing solusyon upang ito ay

matugunan, kaya’t mas pinili n’yang ituro na lamang ang pananaliksik, ngunit sa pananaliksik na

ito ay kaugnay ang problema ukol sa pagbabasa ng El filibusterismo.


Maraming dahilan kung bakit hindi ito binibigyan pansin ng mga estudyante, ngunit ang

solusyon ang hindi malaman at mahanap ng mga nagdaang estudyante dahil hanggang ngayon

ay hindi pa ito nareresulba.

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga suhestyong solusyon ukol sa

pagbabasa ng El filibusterismo mula sa mga kaguruan ng asignaturang Filipino.

B. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

- Sa mga guro ng asignaturang Filipino, upang mabigyan sila ng pagkakataon na maipahayag

ang suhestiyong mga solusyon ukol sa usaping pagsasawalang bahala sa pagbabasa ng El

filibusterismo.

- Sa mga estudyante, upang matulungan sila na malaman ang mga paraan na maaari nilang

gawin upang maging interesado sa nobelang El filibusterismo

- Sa mga magulang, upang matulungan ang kanilang mga anak pagdating sa suliraning ito sa

pamamagitan ng makakalap na solusyon mula sa mga kaguruan sa Filipino.


C. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano-ano ang mga nakikitang solusyon ng mga kaguruan ukol sa pagbabasa ng mga

estudyante ng El filibusterismo?

2. Ano ang tatlong pinakamahalagang solusyon na naiisip ng ating mga kaguruan?

3. Paano makakaapekto ang mga solusyong ito sa mga mag-aaral ng Baclaran National

High School?

D. Kaugnay na Literatura

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay minsan nang binigyan pansin ng mga mag-aaral ng

Sta. Catalina College-Biñan ng kanilang artikulo na pinamagatang "Epekto ng Nobelang El

Filibusterismo sa mga Mag-aaral ng Ika-10 Baitang Humility ng Sta. Catalina College-Biñan" sa

internet noong 2017. Tinalakay dito ang kahalagahan at epekto ng nobelang El filibusterismo sa

mga mag-aaral ng ika-10 baitang seksyon Humulity. Sa pag-aaral na ito, nakabuo ang mga

mananaliksik ng konklusyon na napatunayan ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa

buhay ng mag-aaral ng Sta. Catalina College ang nobelang El Filibusterismo ay nakakatulong

upang umigting ang pagmamahal sa bayan.


Binigyan pansin din ito sa artikulong "ANO NGA BA ANG MAS TINATANGKILIK NA NOBELA

NG MGA MAG-AARAL NG ACADEMIA DE SAN LORENZO: FILIPINO O INGLES?" Binigyan diin dito

na ang nobelang El Filibusterismo ay nakakatulong upang umigting ang pagmamahal sa bayan.

Ito ay nagdudulot ng mabisang pagkatuto. Gayundin ang reaksyon ng mag-aaral sa epekto ng

nobelang El Filibusterismo. Ang paki kipagkawa at pakikitungo sa pamilya ay lubos na

nakaepekto sa kanilang pamumuhay

Ayon kina Nooraihan Ali at Josefina Urbano ng Bulacan, gamit ang Panimulang Pagbasa

Dulog Marungko ay nabuo ang mga tagubilin: (1) Bigyan muna ng sapat na kakayahansa

pagbasa bago turuang bumasa. (2) Mahalaga na sa bawat tunog na ituturo ay kasama ang lahat

ng mga tunog na naituro na sa iba’t ibang kombinasyon. (3) Iniiwan sa pagpapasiya ng guro ang

pagtuturo ng malaking titik. Iminumungkahing ituro ito kapag master na ang lahat ng malilit na

titik. (4) Pagbigkas ang mga tunog sa kwento, bugtong, tula, atbp at ganoon din ang mga panuto.

(5) Gumamit ng mga tunay na bagay, larawan, plaskard, tsart,cut-outs, mga laro, atbp para

maging kawili- wili at mapanatili ang interes ng mag-aaral. 6. Ituro ang isang tunog isang araw

para lubusan at nang matutuhan.

You might also like