You are on page 1of 7

“BARAHA”

(Iskrip)
PANIMULA: Si Rhian ay lumuwas ng Maynila upang doon mag-aral kahit hindi sang-ayoj ang ina niya.
Imbes na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ay mas pinagtuuan niya pa ng pansin ang bisyo niya sa
pagsusugal, kaya lahat ng perang pinapadala ng ina ay nalulustay lang at napupunta sa wala.

UNANG EKSENA
Sa kalsada sa tapat ng bahay ng pinsan ni Rhian na si Mark kung saan siya tumutuloy ay nagsusugal
siya kasama ang mga kaklase imbes na pumasok sa eskwelahan

JUN: Malas naman oh, oh ito tapon ko! (itatapon ang isa sa mga baraha)
REY: Ayan na tapon mo? Mukhang talo ata ako ah! (habang bubunot ng isang baraha sa gitna ng lamesa)
: Huy! Tongits na ako! Akin na mga pera niyo. (Kukuhanin ang pera ni Jun at titingin kay Rhian)
: Ano? Wala ka ng pera? Talo na! Ayawan na kung wala ka ng pera. (pinagtatawanan si Rhian)

Tutunog ang telepono ni Mecono

RHIAN: Ma? Bakit po?


: Ok lang ako ma.
: Kailangan ko pala ng pera ma, para sa pamproject ko. Bigyan mo na ako ipadala mo ngayon na,
kailangan ko na.

Ibinaba na ni Rhian ang telepono at bumalik sa pwesto na pinagsusugalan nila

RHIAN: Game na may pera na ako, darating na ‘yun. Tuloy! (habang bumabalik sa upuan niya)
REY: Sige, sige, tuloy na! Ikaw na magbalasa!

Nagsugal na uli ang magkakaklase.

IKALAWANG EKSENA

Sa probinsiya, kakagaling lang ni Aling Lena sa palengke kasama ang dalawang lalaking anak, at
habang naglalakad tinawagan niya ang anak niyang si Rhian na nasa Maynila.
FRED: Akin ‘to! (inaagaw ang damit na hawak ni James)
JAMES: Akin ‘to, ako ang sumukat nito kanina.
ALING LENA: ‘Wag kayong maingay, kausap ko ang ate niyo.

Natapos na ang pg-uusap nila aling Lena at ng anak niya sa Maynila. Pagdating nila sa tapat ng
bahay nila ay laking gulat nila nang makitang ang gamit nila ay nasa labas.

FRED: Nay, gamit po natin ‘yun diba?


ALING LENA: Oo nga, bakit andito ito? Sino ang naglabas nito?

Lalabas si aling Libet mula sa bahay nila.

ALING LIBET: Mabuti at andito na kayo, lumayas na kayo! (habang inihahagis ang iba pang gamit)
ALING LENA: Bakit po aling Libet?
ALING LIBET: Anong bakit? Sampung buwan na kayong walang bayad kaya akin na ‘yang cellphone mo.
FRED: Maawa po kayo aling Libet.
ALING LIBET: Wala akong awa, lumayas na kayo mga walang kuwentang tao!

Kinuha na ng mag-anak ang kanilang mga gamit na nasa labas at ibinitbit ito paalis.

JAMES: Nay, saan na po tayo papunta ngayon?


FRED: Oo nga po nay, tiyaka hindi pa po tayo kumakain.
ALING LENA: Anak, tiisin niyo muna ah, ‘yung huling pera ko kasi ay para sa ate niyo, kailangan niya sa
eskwelahan niya.

Sa gitna ng diskosyon ay nakahanap ng lugar si aling Lena na pwede nilang paglipasan ng gabi.

ALING LENA: Dito muna tayo mga anak magpapalipas ng gabi. (habang inilalatagang kartong napulot
nila)
FRED: Sige po nay, kayo rin po matulog na po kayo ah, goodnight po.
Natulog na ang mag-anak.

IKATLONG EKSENA

Pagkagising nila Fred at James ay wala na ang kanilang ina sa kalsadang kanilang pinagtulugan.

JAMES: Kuya, asan na kaya si nanay? Paggising natin wala na siya.


FRED: Hindi ko rin alam James eh, pero baka gumagawa ng paraan para makahanap.ng pagkain.

Makalipas ang ilang segundo ay bumalik na ang ina na hingal na hingal

ALING LENA: Mga anak, ito na kumain na kayo dali! (habang ibinibigay ang tinapay sa mga anak)
JAMES: Saan niyo po nakuha ito nay?
ALING LENA: Doon binili ko, basta.
FRED: Eh nay diba yung pera niyo po para kay ate Rhian? (habang kumakain ng tinapay)
ALING LENA: Hindi anak, basta, kumain nalang kayo.

Habang kumakain ang mag-anak ay may dumating na babae na may bihis na pang isang panadera

TINDERA: Hoy babae, bayaran mo ‘yung ninakaw mo! (hinhablot ang buhok ni aling Lena)
ALING LENA: Ano po ‘yun!? Hindi po ako nagnakaw!
JAMES: Huwag niyo pong hawakan ang nanay ko! (sabay tulak sa tindera)
TINDERA: ‘Yang nanay niyo, magnanakaw ‘yan.
FRED: Hindi po totoo ‘yan! Hindi magnanakaw ang nanay namin.
TINDERA: Magnanakaw ‘yan, ‘yang kinakain niyo ‘yan ang ninakaw niya! (sabay tuluyan nang hinila si
aling Lena)
FRED at JAMES: Nay!!!
ALING LENA: Mga anak, hanapin niyo nalang ang ate niyo, makakaalis din ako dito. (habang
kinakaladkad ng tindera palayo)
IKA-4 NA EKSENA

Sa gitna ng kalsada ay hinihila parin ng tindera si aling Lena para ipunta sa barangay

ALING LENA: Tama na po!


TINDERA: Wala! Ipapabarangay kita magnanakaw ka ah! (tuloy parin ang paghila kay aling Lena)

Dumating ang Kapitan sa gitna ng pagtatalo ng tindera at ni aling Lena

KAPITAN: Ano vang nangyayari rito? (habang inaalis ang pagkakahawak ng tindera kay aling Lena)
TINDERA: Magnanakaw ‘yang babaeng ‘yan kapitan.
KAPITAN: Totoo ba ‘yun?
ALING LENA: Opo, nagawa ko lang naman po iyun kasi nagugutom na po ang mga anak ko eh, patawad
po ale.
TINDERA: Walang patawad patawad, bayaran mo ‘yun.
KAPITAN: May pera ka pa ba diyan?
ALING LENA: Wala na po kapitan, para na po ito sa anak ko sa Maynila.
KAPITAN: Oh ito, kasiya na ba ito? (habang iniaabot ang pera sa tindera)
TINDERA: Oo kasiya na to.
KAPITAN: Areglo na tayo ah, sige na umalis na kayo.
TINDERA: ‘Wag na ‘wag mo nang uulitin ‘yun ah, kundi ipapakulong na talaga kita. (habang naglalakad
paalis)

Naglakad na rin paalis si aling Lena.

IKA-5 EKSENA

Sa kalye habang naglalakad si aling Lena dahil hinahanap niya ang dalawa niyang anak ay nakita niya
si mang Kanor.

MANG KANOR: Ano Lena, halika sumali ka dito sa’kin laro tayo ng baraha.
ALING LENA: Ayoko, wala akong pera para mga anak ko ito. (tinuloy ang paglalakad)

Napahinto sa paglalakad si aling Lena

ALING LENA: Kailangan ko pala ng pera, dahil kulang pa ang pera kong ipapadala kay Rhian at sa
paghahanap sa dalawa ko pang anak. (bumalik sa kinauupuan ni mang Kanor)
MANG KANOR: Ano Lena?
ALING LENA: Ano bang kailangan diyan, magkano?
MANG KANOR: Isang daan lang, sige na laro na.
ALING LENA: Sige sige. (habang paupo at inilalabas ang isang daang piso)

Naglaro na sila mang Kanor at aling Lena hanggang sa matalo sa mang Kanor.

ALING LENA: Oh, panalo na ako, akin na ‘yung pera. (sabay kuha sa pera sa gitna at umalis agad)
MANG KANOR: Naisahan ako ni Lena ah, ayoko na nga. (inihagis ang mga baraha at galit na galit na
tumayo paalis)

Naglalakad palayo si aling Lena at masayang masaya dahil sa perang napanalunan na maipapadala
niya sa mga anak niya, nang biglang may sumabunot sa kaniya at inihagis siya.
ALING LENA: Aray!
MANG KANOR: Akin na ‘yung pera ko! Ibalik mo!
ALING LENA: Ayoko natalo kita ba’t ko ibabalik? Tiyaka para ito sa anak ko.
MANG KANOR: Wala akong pake, akin na. (inaagaw ang pera kay Lena pero ayaw talaga ibigay)
MANG KANOR: Ayaw mo talagang ibigay ah. (sabay kuha ng tubo sa gilid ng poste at inihampas ito kay
Lena)

Pagkakitang wala ng malay si Lena ay kinuha na ni Alfaro ang pera sa kamay nito at tumakbo papalayo.

IKA-6 NA EKSENA
Naglalakad si Fred at James dahil hinahanap parin nila ang ina nila. Habang naglalakad ay
nakasalubong nila si mang Kanor na tumatakbo na tila kinakabahan.

FRED: Bakit kaya tumatakbo ‘yun?


JAMES: Oo nga takot na takot pa.

Tumuloy sa paglalakad ang magkapatid nang may makita si James na babaeng nakahandusay

FRED: May babae doon oh!


JAMES: Oo nga.
FRED: Si nanay! Nay!!!!
JAMES: Nay, gising nay...
FRED: Bakit mo kami iniwan nay, kailangan ka pa namin.
JAMES: Nay, paano na kami ngayon.

Tuloy parin sa paghagulgol ang magkapatid nang makitang patay na ang kanilang ina.

HULING EKSENA

Nasa gilid ng kalsada si Rhian nakaupo nang biglang tumawag si aling Chona.

RHIAN: Ano po ‘yun aling Chona?


: Patay na po ang nanay ko? (sabay baba ng telepono)

Tumakas bigla ang mga luha ni Rhian sa kaniyang mga mata.

You might also like