You are on page 1of 2

RASYONAL

Matagal nang suliranin ng mga kaguruan maging ng mga estudyante ng Baclaran National High School

ang pagsasawalang bahala ng mga estudyante sa pagababasa ng nobelang El filibusterismo. Ang El

filibusterismo ay ang pangalawang nobelang isinulat ng magiting na pambansang bayani ng Pilipinas na

si Dr. Jose Rizal, at kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at

Zamora, o mas kilala bilang GomBurZa.

Sa dami ng taon na ang lumipas at iba't-ibang estudyante na ang nagdaan sa Baclaran National High

School, isa parin ang pagsasawalang bahala ng mga estudyante sa pagbabasa ng El filibusterismo ang

suliranin na hindi matugunan at masolusyunan ng mga kaguruan at estudyante.

Maraming dahilan kung bakit hindi ito binibigyan pansin ng mga estudyante, ngunit ang solusyon ang

hindi malaman at mahanap ng mga nagdaang estudyante dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito

nareresulba.

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga suhestyong solusyon ukol sa pagbabasa ng

El filibusterismo mula sa mga kaguruan ng asignaturang Filipino.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


-Ito ay upang malaman ang suhestiyong mga solusyon ng mga kaguruan sa Filipino ukol sa usaping

pagsasawalang bahala sa pagbabasa ng El filibusterismo.

- Ito ay upang matulungan ang mga estudyante na malaman ang mga paraan na maaari nilang gawin

upang maging interesado sa nobelang El filibusterismo.

- Ito ay upang malaman ang tatlong pinaka-nakikitang solusyon ng mga kaguruan sa Filipino pagdating sa

suliranin.

C. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

You might also like