You are on page 1of 11

MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG TULA:

PAGBABAHAGI NG KARANSAN
NG UNIVERSITY OF ASIA AND THE PACIFIC
Ni Moreal Nagarit Camba

Ang tulang Filipino at pagtuturo nito sa University of Asia and the Pacific ay
bahagi ng kursong Filipino 103 Panitikan ng Pilipinas, ang pangatlo ang huling kursong
Filipino na kukunin ng estudyante sa unibersidad.1 Kasama ng maikling kuwento, dula,
minsan may nobela pang kasama, sinisikap ng guro sa Filipino 103 na maging
makabuluhan ang unat huling panitikang Filipino na makukuha ng estudyante sa
unibersidad bago pamailanlan ang kanilang mga pangunahing kurso, na madalas ay may
kinalaman sa pagnenegosyo, ekonomiya at / o teknolohiya.2
Unang araw pa lamang ng klase ay gumagawa na ako ng sarbey ukol sa katayuan
at disposisyon ng aking mga estudyante sa panitikan. Nakalulungkot isipin na sa loob
mahigit pitong taon kong pagtuturo nito, mabibilang lamang sa daliri, sa tatlumpung
estudyanteng naka-enroll sa aking klase ang nagsasabing libangan nila ang pagbabasa o
pagsusulat; mas sinasabi pa nilang online games, shopping, pagbiyahe o isport ang
kanilang libangan. Inaamin din mismo maging ng mga mahilig magbasa na, madalas
kung hindi man palagi, yaong mga manunulat na Ingles o nakasulat sa Ingles ang
kanilang binabasa. Naging karaniwan na ang pagbanggit sa mga pangalan nina Stephenie
Meyer dahil sa serye ng mga kuwentong bampira niya, ang Twilight Series, at ng
pangalan ni J.K. Rowling dahil naman sa Harry Potter. Sa mga Filipino manunulat,

Ang Filipino 101 ay Sining ng Komunikasyon samantalang ang Filipino 102 ay Retorika.
Ang mga kursong Entrepreneurship, Management, Economic at Information Technology ang
pinakapopular na kurso sa unibersidad kumpara sa Political Science, Education at Humanities. Ang mga
major sa Humanities ay Philosophy, History at Literature.
2

popular ang mga pangalang Jessica Zafra at Nick Joaquin, bagaman inaamin ng
karamihan sa nagbanggit sa pangalan ni Joaquin na hindi pa nila siya binabasa.
Inaamin rin mismo ng mga estudyante na madalas ang mga Filipinong manunulat
na kanilang kilala ay yaong mga ipinabasa sa kanilang mga guro noong nasa Mataas na
Paaralan sila. Kung kaya hindi naman kataka-taka na lagit laging nangunguna sa sarbey
ng paborito / kilala nilang manunulat na Filipino na nagsusulat sa Wikang Filipino, sina
Jose Rizal at / o Francisco Balagtas. Nakalulungkot pa nga minsan na ang mga obra
maestra ng dalawang dakilang manunulat na ito ay naipagbabaliktad pa ng mga
estudyante. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo diumanoy isinulat ni
Balagtas at ang Florante at Laura ay isinulat ni Rizal. Kapansin-pansin rin na mayorya
sa kanilay may mababanggit man na pangalan ng manunulat na Filipino subalit wala
namang kahit isang pamagat ng akda niya na mabanggit.
Mas malubha ang sitwasyon kung pangalan ng makatang Filipino at tula ang paguusapan.
Sa pagsusuma, ito ang kondisyong aking kinahaharap halos bawat semestre sa
pagtuturo ng panitikan ng Pilipinas. Kung kaya naman, sadya ngang isang hamon para sa
akin na maengganyo sila, una magbasa at pangalawa na bigyang halaga ang Panitikang
Filipino, partikular ang tula na madalas nilang ituring bilang napakalalim at napakahirap
intindihin.

(I)
Isa mga epektibong paraan na aking ginagamit upang muling ipakilala ang tulang
Filipino ay sa paraan ng bugtungan. Magdadala ang bawat estudyante ng mga bugtong na

kanilang nasaliksik o natanong sa kanilang mga magulang o kakilala. Pagpapangkatpangkatin sila at isa-isa nilang sasagutan ang mga bugtong na kanilang dala-dala. Sa
pamamagitan nito, naipakikilala ang pinakasimple at tradisyunal na paraan ng pagtula sa
bansa. Sa bugtungan, muling nararanasan ng mga estudyante ang oral na tradisyon ng
panitikan noong sinaunang panahong. Bukod pa rito, natatalakay rin ng guro ang
elemento ng sukat at sistema ng tugmaan, partikular sa Panitikang Tagalog. Idagdag pa,
sinisikap nilang huliin ang talinghaga ng bawat bugtong. Halimbawa:
(a)

Mataas kung nakaupo,


Mababa kung nakatayo.

Tinatalakay ang bilang ng saknong, taludtod at dami ng pantig ng tula. Maging ang mga
tunog sa huling salita ng bawat linya ay pinag-aaralan; na ang salitang nakaupo
(maragsa) ay katunog ng nakatayo (maragsa).
Bukod pa rito, natatalakay din ang ibat ibang antas ng tugma3 sa panulaang
Tagalog. Halimbawa sa bugtong na:
(b)

Limang magkapatid
Laging kabit-kabit.

ay magkatugma dahil sa ang tunog na D (huling titik ng salitang magkapatid) at tunog na


T (huling titik ng salitang kabit-kabit) na may parehong patinig sa unahan (sa
pagkakataong ito ay titik I) ay magkatunog.4

Ang ibat ibang antas ng tugma ay Karaniwan, Tudlikan, Pantigan at Dalisay.


Ang titik D at T ay kabilang sa malakas na katinig, kung gayon ay magkatugma. Kasama sa pa sa lipon na
ito ang titik B, K, G, P at S. Nasa Virgilio Almario. Taludtod at Talinghaga: Mga Sangkap ng Katutubong
Pagtula. Pasig: Anvil, 1991.
4

Maaari ring basahin ang Jose Rizal. Arte Metrika del Tagalog, at Lope Santos. Pecularidades de la
Poesia Tagala, kapwa nasa Poetikang Tagalog: Mga Unang Pagsusuri sa Sining ng Pagtulang Tagalog
nina Fray Gaspar de San Agustin, Fray Francisco Benchuchillo, Jose P. Rizal, Lope K. Santos. Virgilio
Almario, ed. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1996. pp. 48-159.

Bukod sa elementong sukat at tugma ng tradisyunal na tulang Tagalog, hinuhuli


ng mga estudyante ang talinghaga sa bawat salita. Sa pamamagitan nito, nakikita ng mga
estudyante ang malikot na imahenasyon ng mga sinaunang Filipino sa paglalarawan ng
aso at kamay. Sa kabuuan, nahihinuha rin nila kung anu-anong paksa ang madalas na
makikita sa bugtong ng mga sinaunang Filipino.
Kaugnay nito, naipapakita rin ang kulturang kinapapaloob ng mga bugtong at ang
ebolusyon nito sa pagpasok ng kulturang Kastila, Amerikano at iba pa sa bansa.
Halimbawa, ang pagpasok ng mga salitang banyaga at konseptong banyaga sa bugtong
na:
(c)

Baston ni Adan
Hindi mahawakan

Kapansin-pansin ang pagpasok ng konsepto Espanyol sa tula sa pamamagitan ng mga


salitang Adan at baston; maging ang parelelismo ng kuwentong Moses sa bibliya sa
bugtong na ito.
Bukod sa bugtong, ipinakikila rin ang mga salawikain bilang pinakasimple at
tradisyunal na tula sa bansa. Bahagi nito ang banggit sa ilang popular na salawikain
kagaya ng:
(1)

Aanhin mo pa ang damo


Kung patay na ang kabayo?

(2)

Ubus-ubos biyaya
Bukas, nakatunganga.

(3)

Natotoua con pasalop,


Con singili,i, napopoot.

Tulad ng ginawa sa bugtong, sinusuri rin ang sukat, tugma at talinghaga ng mga
salawikain. Matapos nitoy ipinakikilala na rin ang iba pang mga katutubong anyong
pampanitikan sa bansa katulad ng tanaga5, diona6, dalit7 at ambahan8.
Narito ang halimbawa ng mga tanagang tinatalakay sa klase:
(1)

------Nang ualang biring ginto


Doon nagpapalalo
Nang magcaguinto guinto
Doon nanga songmoco.

(2)

Palay ni Ildefonso Santos


Palay siyang matino,
Nang humangiy yumuko,
Nguniy muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!

(3)

a
b.
a
b

a
a
a
a

Agahan ni Rio Alma


Isang pinggang sinangag,
Isang lantang tinapa,
Isang sarting salabat,
Isang buntunghininga.

a
b
a
b

Sa proseso, natatalakay na rin ang padron ng tugma9.

Ang tanaga ay isang katutubong tula na may isang saknong, apat na linya, pipituhin pantig bawat linya;
ito rin ay may tugma.
6
Ang diona ay isang katutubong tula na may tatlong linya at may wawaluhing pantig bawat linya; ito rin ay
may tugma.
7
Ang dalit ay isang katutubong tula na may apat na linya at wawaluhing pantig bawat linya; ito rin ay may
tugma.
8
Ang ambahan ay katutubong tula ng mga Mangyan ng Mindoro. Ito ay binubuo ng isang saknong na may
ibat ibang bilang ng linya, minsan lima, minsan higit pa sa sampu. Ito ay may pipituhing pantig at may
tugma.
9
Pagtukoy kung ito ba ay isahan, dalawahan o sunuran, inipitan o salitan.

Sa kabuuan, ginagamit bilang tuntungan ang mga simpleng anyo ng tula gaya ng
bugtong at salawikain bilang tuntungan sa pag-aaral ng mga tradisyunal na elemento ng
tula.

(II)
Nagiging mas kapanapanabik rin ang muling pagpapakilala sa mga tula sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Bahagi ng pagpapakilala sa mga bayani ng
katutubong epiko ng Pilipinas ang pagpapanood ng excerpts sa pag-awit ng mga
tagulaylay ng mga grupong Tala-andig ng Bukidnon, Kalinga, at mga taga-Tawi-tawi sa
kani-kanilang mga epiko.10 Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng first-hand experience
(bagaman nasa porma lamang ng video) kung ano ang kilos, gawi, tono, ekspresyon ng
mukha, kasuotan at iba pa tuwing kinakanta ang mga ito epiko.11
Sa pamamagitan rin nito, naipapakilala ang napakayamang kultura ng Pilipinas na
madalas ay hindi naipapakilala sa mga estudyante. Nagiging lunsaran ang video upang
ipakilala ang epiko ng Pilipinas sa mga estudyante bilang buhay na tradisyon at ang mga
bayani ng epikong Filipino bilang hindi iba sa mga tauhan na nauna nang ipinakilala sa
kanila sa kanilang asignaturang Classical Literature, ang Iliad at Odyssey. Ang mga
bayani sa epikong Filipino, katulad sa mga nasa kanluraning epiko ay may natatanging
pisikal na lakas, katulad ng pakikipagbunong-braso ni Lam-ang sa alagang kalabaw
noong tatlong taong gulang pa lamang siya, na may mga tauhang anak ng diwata at
mortal katulad nina Labaw Donggon, Humadapnon at Dumalapdap, na may mga
10

Ulaging ang ibinahagi ng mga Tala-andig, Banna kinanta ng mga Kalinga, Katakata ang ibinahagi
ng mga Taga-Tawi-tawi. Nasa Literature of Voice: Epics in the Philippines, Video. Nicole Revel, ed.
Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2001.
11
Sa video halimbawa, mapapanood nila ang Ulaging ay kinakanta nang paupo, ang Banna ay
kinakanta naman nang patayo habang ang Katakata ay kinakanta naman nang pahiga.

mahahabang labanan para ipagtanggol ang kalayaan ng bayan at ng minamahal katulad


ng labanan nina Aliguyon at Pumbakhayon, na may mga mitikal na nilalang katulad ng
Yling sa epikong Ibalon ang mahiwagang alagang manok at aso ni Lam-ang.
Ipinakikila ang mga tauhang ito, maging ang banghay ng kuwento ukol sa kamanghamanghang mga pakikipagsapalaran, na nilangkapan ng kuwentong pag-ibig at
pakikipagtunggali sa mga halimaw bilang balon ng arketipal na imahen ng
kontemporanyong panahon. Ipinakikilala sila bilang hindi iba sa mga lokal at banyagang
superheroes na kanilang napapanood sa kasalukuyang panahon: sina Spiderman,
Superman at maging sina Captain Barbell at Darna.
Kaugnay pa rin ng teknolohiya, ipinaparinig ang ilang mga pagbasa ng tula
(poetry reading) na Nairekord na. Ang mga ito ay maganda ring lunsaran bago magsuri
ng tula. Halimbawa na lamang ay ang pormal na pagbasang ginawa ng makatang Elynia
Ruth Mabanglo sa tulang Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla (AGA) o ang
pagpaparinig sa pakanta / pa-rap na bersyon ng batang makatang si Khavn dela Cruz sa
parehong tula.12 Dagdag pa rito ang bersyon ng makata / mang-aawit na si Jess Santiago
sa tulang Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan at ng aktor na si Joel Torre sa
tulang Isang Dipang Langit ng Pambasang Alagad ng Sining na si Amado V.
Hernandez (AVH),13 at ang Di na tayo Umiibig Tulad Noon, tula ng Pambansang
Alagad ng Sining na si Virgilio Almario na binasa ni Jovy Peregrino.14 Ang mga
pagbasang ito ay nagiging huwaran rin para sa mga susunod na pagbasa na gagawin ng
mga estudyante sa klase.
12

Nasa KAAKUHAN ni AGA, Mga Tula kay AGA, CD. Quezon City: C & E Publishing Inc., 2006.
Nasa Panata sa Kalayaan: Pagbasa ng mga Tula ni Ka Amado, CD. Proyekto ng Amado V. Hernandez
Resource Center (AVHRC), Cultural Center of the Philippines (CCP), Concerned Artist of the Philippines
(CAP) at Sinag-Bayan. Binasa noong Setyembre 14, 2002 sa Tanghalang Manuel Conde, CCP.
14
Nasa Tigre sa Zoo ni Rio Alma, CD. 2009.
13

(III)
Matapos ring makapagsuri ng ilang mga tula sa klase, mula sa tradisyunal na tula
ni Jose Corazon de Jesus at modernong tula nina AGA, Rolando Tinio, Jose Lacaba at
Michael Coroza, bilang paglalagom, ipinasusulat ang mga estudyante ng mga tanaga,
dalit, diona at isang modernong tula na kanilang babasahin at / o itatanghal sa harap ng
klase. Nagiging daan ito upang matukoy ng guro kung naiintindihan ang mga elementong
sukat at tugma sa tradisyunal na tula at maging ang talas at husay ng mga estudyanteng
gumamit ng tayutay at idyomatikong pahayag. Nagiging daan din ito upang maibahagi
nila ang kanilang mga nararamdaman at kaisipan.
Nagkakaroon din ng mga gawaing panggrupo sa klase na may layuning
magsaliklik ng isang Filipinong makata at isa niyang tula na nasa wikang Filipino,
maaaring Tagalog o nasa rehiyunal na wika na may salin sa Tagalog, na kanilang
tatalakayin sa harap ng guro o klase.
Bukod sa paglalapat ng mga teoryang tinalakay sa klase, labis na hinihikayat ang
grupo na kapanayamin ang mga manunulat na kanilang pinili, lalo na kung itoy
nabubuhay pa. Naging kapaki-pakinabang ang mga online site ukol sa panitikan na minomoderate ng mga panitikero upang makahanap ng mga makata na pag-aaralan, sample ng
kanilang mga sinulat at maging ang lokasyon at email address nila upang mas madaling
natutunton. Nariyan halimbawa ang www.liraonline.com, www.panitikan.com.ph,
www.filipinowriter.com at www.highchair.com.ph, bilang mga sanggunian bukod pa sa
ibat ibang blogsite na mino-moderate mismo ng mga tarikan. Halimbawa, nariyan ang
http://rioalma.com/ ni Rio Alma, http://tagasabato.blogspot.com/ ni Teo Antonio,
http://alimbukad.com/ ni Roberto Anonuevo, at http://kapetesapatalim.blogspot.com/ ni

Jose Lacaba. Online na rin ang ibat ibang unibersidad na mayroong mga palihan,
publikasyon at malalaking departamento ng panitikan.
Bunga nito, hindi na rin kataka-taka na mas nagiging madali ang korespondensya
ng mga estudyante sa kanilang mga pinag-aaralang makata. Sa katunayan, ilan sa kanila
ay nakikipagkuro sa pamamagitan ng email. Batay din sa karanasan, sinasabi ng mga
estudyante na natutuwa silang makita nang harapan at / o makapanayam ng personal ang
mga manunulat na nooy nababasa lamang nila.

(IV)
Halos bawat taon, bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagiimbita ang Departamento ng Filipino ng mga kilalang makata upang magbigay ng isang
panayam o palihan. Ang Meet-the-Writer na proyektong ito ay upang makilala nang
lubusan ang mga makata. Taong 2003 nang magbigay ng lecture-workshop ang
Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario ukol sa tradisyunal na tula, taong
2004 nang magbigay ng panayam si Vim Nadera, tinaguriang Ama ng Performance
Poetry, ukol sa mga anyo at halimbawa ng Makabagong Tula sa Pilipinas, 2008 (kasama
ang organisasyong Haranya15) nang mabigay ng lecture-workshop ang batang makata na
si Egdar Samar ukol sa sukat at tugma sa panulaang Tagalog.
Nagsisilbing inspirasyon ang mga ganitong okasyon upang mas mahimok ang
mga estudyanteng magbasa ng Panitikang Filipino, partikular ang tula, at gayundin ang
pagsulat.

15

Ang Haranya ang tanging organisasyon sa UA&P na kinabibilangan ng mga estudyanteng nahihilig sa
pagsusulat ng panitikan, kadalasan ay tula, sa wikang Filipino.

Bahagi pa rin ng paniniwalang hindi lamang sa loob ng apat na sulok ng klasrum


matututuhan ang tula at pagtula, hinihikayat ang mga estudyante ng Panitikan ng
Pilipinas na manood ng mga pagtatanghal ng Haranya. Bawat semester, samut saring
mga proyekto katulad ng balagtasaan at malikhaing pagbabasa ng mga tula, na madalas
ay sila ang gumawa. Itinatanghal ang mga ito bilang bahagi ng kanilang selebrasyon sa
mga partikular na okasyon kagaya ng Araw ng mga Puso, Pasko at iba pa.
Sa nasabing mga pagtitipon, nakikita nila ang kapwa nila estudyante na
nagtatanghal sa entablado. Madami ang nagiging inspirado na kung hindi man magsulat
ng tula na labas sa klase ay nagiging inspirado na sumali at makilahok sa susunod na mga
gawain ng Haranya.

Sa kabuuan, sadya ngang isang malaking hamon na gawing kapana-panabik ang


mga pagbabasa at lalo pa ang pagpapahalaga at pagpapaunawa sa mga tula na tinatalakay
sa klase, bunga na rin ng kanilang kawalan ng interes sa Filipino bilang asignatura at sa
kursong panitikan sa kabuuan. Tila isang malaking muog na na kailangang gibain ang
miskonsepsyon na ang panitikan ng Pilipinas, partikular ang tula, ay mahirap basahin,
masyadong malalim, baduy o kaya nakababagot.
Kung kaya naman, una, kailangang simulan ito sa pagpili ng mga tekstong dekalibre, ng mga akdang gawa mismo ng mga totoong makata; hindi yaong mga editor
ng kanilang highschool teksbuk, na dahil ayaw magbayad ng royalty ay sumusulat ng
mga linyang nagtutugma at ipinapasok na ang mga ito sa kani-kanilang libro. Sa

10

pamamagitan nito, matutukoy nilang (a) hindi lamang sukat at tugma ang tula at (b) na
madaming magandang tula na Filipino.
Pangalawa, kailangan ding iugnay ang mga nababasa ng estudyante sa kanilang
kasalukuyang buhay at nangyayari sa paligid upang hindi lamang madaling maalala ang
akda bagkus upang maging makabuluhan ang pag-aaral ng panitikan. Nakatutulong din
nang mabuti kung maiuugnay ito sa mga asignaturang nakuha na ng estudyante.
Halimbawa ang pag-uugnay ng mga nabasa nilang Kanluraning epiko sa Katutubong
epiko ng mga Filipino.
Pangatlo, maaaring gamitin at imaximisa ang mga kasalukuyang teknolohiya,
mula sa mga larawan, pelikula, audio at iba pa. Sa katunayan, maaaring maging
katuwang ng guro ang aklatan ng unibersidad sa paglikom ng ganitong mga kagamitan
para sa pagtuturo. Subalit mahalaga ring banggitin na sa likod ng mga teknolohiya o
estratehiyang nabanggit ko, guro pa rin ang pinakaimportanteng instrumento sa
pagtuturo.
Bilang pangwakas, kailangang makiramdam ng guro sa mga estudyante niya
upang matutukoy kung anu-ano ang nababagay at angkop na mga gawain para sa klase, o
maging ang bilis o bagal ng talakayan, dahil ang totoo, walang asignatura sa kursong
Edukasyon na makapagbibigay ng iisang pormula sa tama at wastong paraan ng
pagtuturo.

11

You might also like